Advertisements

O, LOKO!

19 11 2013

Dear Diary,

Katatapos lang ng aking masarap na pananghalian nang matanggap ko ang malungkot at nakadidismayang balita. (By the way, nag-buffet ako kanina; P2,600nett lang. Try mo rin.)

‘Yon na nga. Katatapos lang ng lunch break nang ma-receive ko ang text message ng aking chief of staff. Ang sabi niya:

“Boss, 14-0 PDAF unconsti. #tongueINA #patayTAYOjan”


Muntik ko nang malunok ang toothpick na subo ko nang mga oras na ‘yon. Alam kong medyo tagilid ang pork sa SC dahil sunud-sunod ang mga rally pero ‘di ko inexpect na gano’n ang magiging botohan.

Parang may nag-landfall na bagyo sa dibdib ko. Na-super typhoon Sereno ako.

Ang una kong naisip ay ang 2016. Alam mo na! Baka mapurnada pa ang reelection bid natin.

Mahirap namang iasa ko na lang ulit kay Ma’am Janet ang kampanya dahil frozen pa ang mga accounts no’n. Tatanga-tanga kasi. Nagswapang. Ayan, nakulong tuloy.

Anyway, bad trip talaga. Wrong timing ang ruling ng mga lecheng justices na ‘yan!

Hindi pa tapos ang tulay sa Sto. Cristo. May 40 percent akong inaasahan mula do’n.

‘Yong palengke sa San Marcelino kung saan sure na sana ang 50 percent ko, hindi na yata matutuloy.

Pati ‘yong pangako kong kalsada sa San Dionisio, malabo na rin. Malaki-laki pa naman ang cut ko do’n dahil inaanak ko sa kasal ang nanalong bidder. Punyeta! Kapag minamalas ka nga naman oo.

Sayang din ang pagod ng staff ko sa pag-screen ng mga taong mag-aayos ng pekeng NGOs. Akala n’yo ba madaling makipag-usap sa mga ‘yon? Hindi uy! Kasing-dupang rin namin sila! Ang kakapal nga ng mukha eh. Ang lakas maka-porsiyento eh mamemeke lang naman sila ng resibo. Anong mahirap do’n?

napoles
Pero, Diary, ang higit kong inaalala ay ang aking mga constituents, ang mga maysakit kong kababayan, ang mga ikakasal, ang mga bibinyagan, ang mga nakaburol, ang mga mamamatay pa lamang, at ang aking mga scholars (kasama na si “babe” – si Tiffany na lalong sumi-seksi habang papalapit ang kanyang 18th birthday. Awrrr!). Paano na sila?

Hindi pa rin ako fully-paid sa ilang campaign contributors na umaasa ng return of investment.

At paano kung kumatok sina Kapitan at Kagawad at humingi ng bagong waiting shed at basketball court? Saan ako kukuha ng ipamumudmod sa Inter-color at Inter-barangay basketball tournaments? Alam mo namang pati-Miss Gay pageant, asa na rin sa akin ngayon.

Alangan namang mag-Lani Mercado ako at sabihan silang ‘wag nang humingi dahil inalis na ang pork? Eh ‘di ma-Korina Sanchez ako – trending sa Twitter!

Pasensya ka na Diary kung sa ‘yo ko ibinubuhos ang bigat na aking nararamdaman. Sa ‘yo lang naman kasi ako may lakas ng loob na magtapat eh. ‘Tsaka pasalamat ka na rin at may kumakausap pa sa ‘yo. Sa totoo lang, sa panahong ito, wala nang nagda-diary. Ako na lang. [Hashtag] #OldSchool!

Hindi ako nawawalan ng pag-asa. May mga insertion pa naman sa budget eh, baka sakali. But jeskelerd, hindi ko kakayaning totally zero ang kita. Kaya nga ako nag-kongresista ‘di ba?

Hanggang dito na lang muna Diary. Mag-da-draft pa kasi ako ng statement para ipamahagi sa media. Gusto mo bang mabasa? Heto:

“Like my constituents, I welcome the Supreme Court’s decision on the Priority Development Assistance Fund or PDAF. I shall respect, and abide by this fair ruling.

I support the people’s campaign against corruption and I am one with them in seeking transparency in government.

Mabuhay ang Pilipinas!”

Rep. Francisco Racot
House of Representatives
Constitution Hills, Quezon City
Philippines 1126

VOTING 14-0, the Supreme Court declared the controversial Priority Development Assistance Fund or PDAF as unconstitutional. In the wake of this development, the leadership of the Senate and the House of Representatives ordered all flags to be flown at half-mast.
———————————————————————–
“Greed is a bottomless pit which exhausts the person in an endless effort to satisfy the need without ever reaching satisfaction.”
~Erich Fromm

Sound Bites
“Parang bumalik si Yolanda sa decision ng SC.”
~ Cong. Ben Evardone

“Public pressure affected the mindset of the justices.”
~ Cong. Elpidio Barzaga

Thank you Supreme Court!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Credit goes to the owner(s)]

Advertisements

Actions

Information

6 responses

20 11 2013
Carlos Llanes Astudillo

ang galing mo ‘tol, sakay ako sa trip mo!

Like

20 11 2013
Romdel Bellosillo (@romdel94)

“Public pressure affected the mindset of the justices.”
~ Cong. Elpidio Barzaga

Ogag pala tong si Elpidio, at least ang SC nakikinig sa taumbayan, meron konsesya…eh tong mga kalahi niya ubod ng manhid at kapal ng mukha. Buti nga sa inyo!

Like

20 11 2013
Nurse Wanderer

I beg to disagree that no one has a diary nowadays because I do have one each year! 😀

Like

20 11 2013
ResidentPatriot

kawawa naman sila, buti nga hehe

Like

22 11 2013
JonsGonzales

Well-written, Sir. Your blog posts are amazing! IDOL!!! 🙂

Like

30 11 2013
beckdabe

Ang sarap basain Daya-iri ni Sir a, dami mapupulot na Kapakiabang abang, . Hwag na panghinayangan c Napoles, napulis na,.. anayway marami pa Kongressyones, nakaposte Dinatiis (bagong sibol ng modernong tribung Pilipino) mula lolo hanggang apo, tunay na pulitiko. Kulturang loyalista di matitinag wika nga ” Ang gawain ng matatanda, sa paningin ng bata ay nagiging tama”.
Pcencya na po grammar ko. (reading erroneous grammar for twenty years also improved my errors)

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: