Advertisements

ASKKRISSY.FM (AHA-HA-HA)

27 10 2013

HELLLLOOOOO! Kumusta mga Kapamilya? Oooops! Sorry. Baka magalit ang mga Kapuso at Kapatid, at sabihing selective ako. Sige na nga, kasama na rin kayo sa greeting. Hello too! Aha-ha-ha Obvious bang napilitan? Aha-ha-ha!

untitled
After my “Picture, Picture sa MRT” anecdote, I’m baaaack! Alam n’yo naman si Heckler, kapag tinatamad magsulat, ako ang takbuhan. Kapag walang masyadong story, enter si Krissy. Hashtag UserFriendly. Aha-ha-ha!

Anyway, nag-yes naman agad ako kasi wala naman akong masyadong ginagawa ‘di ba? We’ve taped KrissyTV episodes in advance so medyo vacation mode na rin ang lola n’yo! So sabi ko, gow!

Last Friday, I was supposed to go to ABS. Palabas na ako ng house nang tumawag si Darla to inform me na grabe raw ang traffic everywhere. Scared ang lola n’yo! So nag-advise na lang akong i-resked ang meeting. Ayokong maipit sa Edsa ‘no! For sure, ‘yong ibang ayaw ma-traffic, nag-train. Biglang nagtanong si driver, “Ma’am, ihahatid ko ba kayo sa MRT?” Ay, nangengelam si Kuya. Hindi makahintay ng instructions. Aha-ha-ha!

“Manong, sa tingin mo, nasa mood akong makisiksik ulit sa mag-uuwiang commuters?” sagot ko. “Not today Manong, not today. Siguro, sa next lifetime. Aha-ha-ha!”

In fairness to DPWH and to Kuya Noy, para rin naman sa commuters ang ginagawang mega re-blocking sa iba’t ibang roads sa metro eh. Perfect timing pa. Kids are on vacation, there’s a long weekend, and most of our kababayans are in the provinces so tama lang na ngayon ginawa ‘di ba? Sa mga nagrereklamo d’yan at sa mga wala nang magandang nakita kay Kuya Noy, care bears! HATERS GONNA HATE. Ang importante, may nagagawa siya! Kayo ba may nagawa na?!?

“Ma’am, ako po ba ang kinakausap n’yo?”

Ay! Nand’yan ka pa pala manong! Kaloka! Aha-ha-ha! Balik tayo sa bahay!

Ask.Fm
So dahil canceled ang meeting, I decided na lang to stay home and create an Ask.Fm account. Grabe! In less than a minute, I received like 8,378 questions. I swear! Soooobrang dami. Naloka si Krissy. But I’m not surprised really. I’m popular! Aha-ha-ha!

Hi Krissy. Ayaw pa raw mag-asawa ni President Noy. Ano bang advice ang maibibigay mo sa kanya?

Advice? Ako talaga ang tinanong mo?! Nakakaloka ka. Eh mismong love life ko, waley! Ask n’yo na lang si Ate Ballsy, si Ate Pinky, and Viel. Sorry, ‘wag na pala si Viel. Walang isasagot ‘yon. Knowing her, she’ll just smile. Aha-ha-ha!

untitled
Hi Krissy. Nag-champion ang team ni James Yap, ang SanMig Coffee. Anong reaksyon mo?

Sino nga s’ya? Aha-ha-ha Alam n’yo po mga Kapamilya, kapag nagsalita na naman ako about him, ako na naman ang masama. Ako na naman ang nega. So I’d rather not talk about him. Kasi kapag sinabi kong ‘di niya nadadalaw lately si Bimby, sasabihin nila, I’m a liar. Gosh! So hindi na lang ako magsasalita. I’m at peace now so kahit ikumpara pa ako sa kanyang Italian girlfriend, never akong papatol sa mga comments. Unang-una, she may be young – but experience-wise, mas lamang naman siguro ako ‘noh! Kaya no reaction na lang ako sa kanilang dalawa. In the first place, I don’t know her. Is she rich ba? I don’t wanna know. Care bears! Ayokong magsalita. Kahit may news na magpapakasal sila, who cares? Ayoko nang mag-comment. Ang mahalaga, we’re living separate lives na. He got what he wanted from me so please lang, ayaw ko nang magsalita. Next question please. And you know what they say about blondes, right? Hayyy, basta. Ayoko nang magsalita.

Hello po Ma’am Krissy. Narinig ko sa news na worried si Attorney Lorna Kapunan. Lately daw kasi, nagsasalitang mag-isa si Janet Lim-Napoles at kinakausap nito ang kanyang sarili. Ano pong masasabi mo?

Hellllllooooow! Ka-worry-worry ba ‘yon? That lawyer talaga! I’ve been talking to myself since grade school. Wala namang mali sa akin ‘di ba? Meron ba? Aha-ha-ha! You know naman that Lorna. May pagka-OA talaga. Siya rin ang lawyer ni James remember? I’m not surprised at all. Hellllllllooooow!

Sa 2016, sinong iboboto mo for president?

Diretso tanong agad? Wala man lang ‘hello?’ Rude! Aha-ha-ha. Anyway, ayokong ilagay sa alanganing situation si Kuya Noy at ang aking pamilya. Awkward naman kasi kung sasabihin kong si Tito Jojo ang choice ko ‘tapos iba pala ang anointed one ni Noy. I’m not gonna say that. So hintayin muna natin ang filing of COCs sa 2015 bago ko iannounce publicly ang aking support for Tito Jojo. Masyado pang maaga. No comment muna.

Krissy, virgin ka pa ba?

NAKAKALOKA KAAAAA! Hindi ko kinaya ang tanong na ‘yan. I’ve had three serious partners, one failed marriage and two beautiful sons. Kung virgin pa ako, malamang intact pang lahat ang hymen sa mundo! Aha-ha-ha-ha! Next!

Hello po Ms Krissy. Ano ang masasabi mo sa ‘Buzz ng Bayan?’

To be honest about it, mas bongga siya kung nando’n ako! Aha-ha-ha! Sabi ko nga kay Boy, “Alam mo Boy, the new format suits me.” Promise! But let’s give the show a chance. Two weeks pa lang naman ito. Malay n’yo, sa fourth week mag-appear na ako! Hi Ma’am Charo! Aha-ha-ha!

Ma’am Krissy, what’s your stand on the pork barrel issue? Are you for or against its abolition?

Again, ayaw kong mapunta sa sitwasyong magka-clash kami ng kapatid ko. But I am against the shameless misuse and abuse of public funds. Lalo na ako! Super laki ng taxes ko ‘tapos mapupunta lang pala sa bulsa nina Pareng… Ay, ano ba ‘yon! Sorry. Nadulas ako. Aha-ha-ha Basta! Let’s be vigilant na lang. Note to self: Krissy, careful! Kumpare mo pa rin sila. Aha-ha-ha!

Good day po Ms Krissy. Gusto n’yo rin bang maging presidente ng Pilipinas?

Grabe namang question ‘yan! Yes! Aha-ha-ha I mean, huwag mo naman akong ipressure! Start muna tayo sa Tarlac, ok? Papanalunin muna n’yo ako sa probinsya sa 2016 and then let’s talk about a national post later. I’m sure marami na namang magtataas ng kilay d’yan. Excuse me ‘noh! Kung may karapatan kayong tumakbo, so do I. Unang-una, legitimate ang source ng yaman ko. Eh kayo?

Krissy, good morning. Hindi na pala ikaw ang No. 1 taxpayer sabi ng BIR.

Anong issue do’n? Ikaw ba nasa top 1 million?

Hello Krissy… may boyfriend ka ba ngayon?

Ayokong sagutin. Baka maudlot! ‘Yun na! Basta! Quiet na muna ako. Clue na lang: hindi siya basketbolista. For a change. Aha-ha-ha

janet 1
Hi po. Malapit na ang Halloween. Kung kayo ang magbibihis sa ilang newsmakers, anong costume ang isa-suggest n’yo para sa kanila?

Good question! Kasi I’m actually planning to host a party this Thursday. Last night kasi, Bimbee made lambing. Sabi niya, “Mama I want a costume party. I wanna scare my classmates.” Kaloka ang bagets ‘di ba? Kakaiba ang trip. He is sooo me. Aha-ha-ha Kung bibihisan ko ang ilang newsmakers, dapat scary but unique. Ito ‘yon:

For Pareng Jinggoy and Tito Frank Drilon: I’ll ask them to strip naked and then yayakap sila sa bamboo poles. ‘Tapos may kagat-kagat silang red apple. Sauce na lang ang kulang! Bongga! Aha-ha-ha!

For Pareng Bong naman… he should dress as a human polygraph machine. ‘Tapos everytime he lies about something, makukuryente siya at uusok! Third-degree burns ang resulta! Winner ‘di ba?! Aha-ha-ha

For Senator Enrile… Simpleng-simple! Konting powder lang sa magkabilang pisngi, ‘tapos pipikit lang s’ya habang ginaganap ang party. Effortless pero scary! Luveeeet!

For Janet Napoles… bride from the ‘80s na lang siguro. Alam mo ‘yong sinasabitan ng pera using perdible kapag bagong kasal? Gano’n! Pero iibahin ko nang konti: sa balat niya mismo isasabit ang pera! Magdusa ka girl! Aha-ha-ha

And lastly, for Kuya Noy naman, wala na akong maisip eh. As himself na lang kaya? I’m sooooo mean. Aha-ha-ha!

Last question po, Ms Krissy. Ano ang masasabi n’yo sa picture na ito?

untitled
Is that Benhur Luy? Bongga! Grabe ang confidence n’ya huh! Tinalo niya si Ariella Arida, I swear. Look at that grin! Parang sinasabi niya kay Janet Napoles, “You don’t mess with me… bitch!” Aha-ha-ha

NAKAKAPAGOD din palang sumagot ng questions! But I enjoyed it, promise! ‘Yong iba, next time na lang huh. At do’n sa mga nag-send ng sobrang personal na mga tanong, like, ‘Anong size ni ganito’ or ‘Ilan ba ang nunal ni ganyan down there?’ – Helllllllllow!!! Give me some dignity! Do you really expect me to answer that? I think James has three. Ay, what did I just say? Nakakalokaaaaaa! Aha-ha-ha
—————————————————————-
“Matakot ka sa buhay, huwag sa patay.”
~Old Filipino saying

Sound Bites
“She’s in solitude. She’s alone by herself at night. It is natural for a person who’s alone at night to be talking to one’s self, to be imagining things.”
~Lorna Kapunan on Janet Napoles

Have a safe week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: ABSCBNNews, JamesYap’s Instagram, Rappler]

Advertisements

Actions

Information

2 responses

27 10 2013
Crischellyn Abayon

“You don’t mess with me bitch!”

I so love this! aha-ha-ha-ha

Like

1 12 2013
KRISSY FOR YOU (ASKKRISSY.FM II) | The Professional Heckler

[…] Andito na naman ako. Sorry. Wala kayong choice! Aha-ha-ha But first, I just wanna say na shocked talaga ako when I learned about the death of Paul […]

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: