SONA 2013: UNEDITED

20 07 2013

A BROWN ENVELOPE labeled “SONA 2013: What’s Excluded” was anonymously sent to this blogger. The file inside the envelope contained excerpts purportedly from the first draft of President Aquino’s speech. I’m publishing portions of the document.

1

“Bago po ako magsimula, magtapatan na po tayo. Lahat ng may naging transaksyon kay Janet Lim-Napoles, pumwesto sa bandang kaliwa. Sa gawing kanan naman po ang wala. Salamat po”

“Ikinagagalak kong sabihin na ang Pilipinas ang may ‘fastest growing economy in Asia’ sa unang quarter ng 2013. Take that China!” [Applause]

“Ramdam na ramdam na natin ang pag-unlad. Maging ang mahihirap, ramdam na ramdam ito. Sino ba naman ang ‘di matutuwa sa 18,000 pesos na pabaon sa mga ni-relocate na maralita? Ngayon lang yata nangyari ‘yan sa kasaysayan ng bansa.” [Applause]

“Hindi lamang ekonomiya ang lumalago. Maging ang tao ay lumalago. Noong ako ay naupo bilang pangulo, tatlong Binay pa lamang ang nasa puwesto. Ngayon, apat na sila. Palakpakan po natin si Tito Jojo at ang kanyang pamilya.” [Applause]

“Sa nakalipas na taon, isinabatas natin ang RH Bill, Sin Tax Bill, at Kasambahay Bill. Ang Freedom of Information Bill… [Ubo! Ubo! Ubo!] Tubeeeeg! Tubig please! [Ubo! Ubo! Ubo!]

“Isa rin sa mga batas na aking nilagdaan ay ang ‘Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.’ Ang principal authors po nito sa Lower House ay ang mag-inang Gloria at Dato Arroyo. ‘k.

“Ginagawa na ng MMDA ang nararapat na hakbang upang malutas ang masikip na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan. Sa mga bumabatikos sa trapiko katulad ng manunulat na si Dan Brown, gusto ko lang pong ipaalala: ang aking ipinangako ay tuwid na daan, hindi maluwag na daan. Magkaiba po ‘yon.” [Applause]

“Naranasan natin ang kamay na bakal noong panahon ng Martial Law. Ang sabi natin: Never again. Sa latest SWS survey, 74 percent ng mga Pilipino ang satisfied sa demokrasya sa bansa. Dahil ngayon, nakakakilos na tayo nang malaya. Halimbawa… huwag na tayong lumayo. Kung gusto mong magpasok ng baril dito sa Batasan kahit bawal, nagagawan ng paraan! ‘Pag pumutok at namatay… sorry. ‘Pag pumutok at nabuhay, aksidente. Get well soon. You know who you are.”

1
“Natuto na tayo sa trahedya ni Ondoy at ni Pepeng. Ngayon, mas mabilis na ang pagtugon sa mga kalamidad – natural o man-made man. Binaha ang Maynila… sumugod si Secretary Dinky Soliman. Pumutok ang bulkang Mayon, kumilos si Governor Joey Salceda. Sumabog ang Two Serendra, kinumusta ko agad ang mga Ayala. That’s disaster preparedness.” [Applause]

“Ako ay nababahala sa rebelasyon ng whistleblower sa pork barrel scam. Ang sabi niya, itinatambak raw ni Janet Lim-Napoles ang saku-sakong cash sa kanyang bathtub. Sa halip na pa-liguan, ito ay nagiging tambakan. Ipinapangako ko, bukas na bukas din, paiimbestigahan ko ang mataas na singil sa tubig!” [Applause]

“Iwinaksi na rin natin ang kabagalan sa mga ahensya ng gobyerno. Wala nang kukupad-kupad! Wala nang patumpik-tumpik pa! Halimbawa, sa Davao City, suspek ka pa lang… patay ka na!”

“Sa pamumuno ni DILG Sec. Mar Roxas, sinimulan ang pamamahagi ng mga baril sa kapulisan. Ngayon, bawat miyembro ng PNP ay may armas. Babala lamang sa mga mahuhuling suspects: ‘Wag mang-aagaw ng baril ng pulis kung ayaw n’yong matulad sa mga taga-Ozamiz!”

“Pasalamatan natin ang Moro Islamic Liberation Front sa kanilang hangaring makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Sa ngalan ng pagkakaisa, nilagdaan ang framework agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF. Kung nanaisin ang kapayapaan, ito ay makakamtan. Dahil na-inspire sa naturang kasunduan, balita ko ay isang framework agreement na rin ang dina-draft ngayon ni Erap para kay Jinggoy at kay JV, ang paborito niyang anak. Good luck!”


“Wala nang makapipigil pa sa pag-unlad ng turismo sa bansa. Bumabaha ang mga banyaga. Sa July 23 si LeBron James; sa August 12, si Kobe Bryant (Go Lakers!); sa September, si Derrick Rose. At maging si Michael Jordan, balita’y ko’y darating din. Walang kaduda-duda: It’s more fun in the Philippines!” [Applause]

“Dagdag na budget ang inilaan natin sa edukasyon. Napakabilis ng balik sa investment nating ito. Just last week, humakot ng medalya sa Bulgaria International Mathematics Competition ang mga batang Pilipino. [Applause] Ngunit hindi lamang utak ang maipagmamalaki natin. Bago ako maupo sa puwesto, sampung taong bokya ang bansa sa Miss Universe pageant. Ngunit sa unang tatlong taon ng aking pamumuno, tatlong runner-up finishes ang nakuha natin sa Miss U. Kina Venus, Shamcey at Janine… mabuhay kayo!” [Applause]

“Isinusulong ko ang isang lipunang walang diskriminasyon. Kaya naman ang Pilipinas ay nakasama sa listahan ng ‘most gay friendly countries.’ Kaya ngayong hapon, kasama natin sa gallery sina Lally, Eric, Vincent, at ang matapang na producer ng ‘My Husband’s Lover!’ [Applause] At sa mahusay na mang-aawit na si Charice… wala kang dapat ikahiya kaninuman. You’re the man!” [Applause]

“Sa aking inaugural address, atin pong ipinangako: walang kurapsyon, walang manlalamang, walang wangwang. At dahil busy ako sa paglilingkod sa inyo… walang love life!” [Applause]
——————————————————————————–
“Some things you don’t have to promise. You just do.”
~ Rick Yancey, The 5th Wave

Sound Bites
“Inuulit ko po, posible na ang dating imposible. Humaharap po ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino.”
~President Aquino, SONA 2012

Have a great weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: MediaZenfs.Com]

Advertisements

Actions

Information

11 responses

20 07 2013
Libertas

Good one. even my translation machine came back with a ‘smiley’

Dressing it up

Fine clothes and fine words do not mask the underlying self-indulgence and hypocricy of narcissists on display, nor the reality of poverty, corruption, and PNP massacres/rubouts seemingly every week. ( ? Atimonan anyone!)

‘You can put lipstick on a pig, but it is still a pig’

Like

20 07 2013
ResidentPatriot

nice 🙂

Like

20 07 2013
S. Tan

Another funny yet powerful post! I’d just like to thank you for mentioning The LaSallian (since I don’t have a twitter account), as well as for taking the time to read my review =). I really appreciated it!

Like

23 07 2013
professionalheckler

THANK YOU Stephanie! I tried searching your name on Twitter. I didn’t find any. Now i know why. 🙂 Salamat ulit.

Like

20 07 2013
em

Reblogged this on Mixed Emotions and commented:
hahaha. Epic. 🙂

Like

20 07 2013
m/ | Mixed Emotions

[…] m/ […]

Like

21 07 2013
Ching

Iniimagine ko talagang si Noynoy ang nagsasalita, hahaha!!!

Like

21 07 2013
froilan

we the 2600 employees on philippine airline and a member of palea our union who once a productive citizen of this country a religious tac payet woke up one day that we have been locked out lock out by the management of pal with the help of your govermnt mr president the pnp the dole the mmda made a conspirary to removed the regular employee who the same employee us who surrender our right to have a collective bargaining aggreement in fqvor of pal so as pal can pay its debt to the creditor to avpid closure for ten long year after the rehabilation for ten years and pal exited on its losing condition pal managemt andcthis goverment repay us the labor group the palea of mass termination now i ask you mr president is this what tou call matuwid na landas ang lapastanganin ang maliliit na manggagawa ma walang ginawa kundi mahalin ang kanyang kompanya at itoy nais lamang naming pagyakamin iangat kapamtay ng mga airlines na nasa itaas ika nga competitive to foreign airlines hanggang ngaun ay nananatiling kaming umaasa sa isang pangarap na lamang na HUSTISYA para ramaliliit sana muli ikaw bilang aming mahal na pangulo ay baguhin ang iyong naunang desisyon laban sa uringanggagawa nais lamang namin ang maibalik sa trabaho na may dangal pangunahan mo kami sa laban ng urnganggagawa at tunay na dukha ng lipunan bago magising ang inang bayan siyang humatol sa mga abusadong walang kunsensyang kapitalista pangulo noy noy ipaglaban mo kami bigyan kami ng hustiya na hindi kumukiling sa iisang tao
maraming salamat po

froilan ng palea

Like

22 07 2013
Libertas

‘Lady’ senators glam up for SONA, but still pigs in a poke, and who would poke a pig. ( apart from an aquino)

Like

22 07 2013
lonercat

Reblogged this on Turf of a Loner and commented:
LOL

Like

24 07 2013
Capiz News (@CapizNews)

Because of this read i am gonna make a blog which can reblog post from professional heckler. I noticed that the FOI was not mentioned in last Monday’s Sona..hmmmmm..smell something fishy here. You can read the full SONA speach at http://capiznews.com

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: