EXCLUSIVE: ANNABELLE DRAMA RETURNS

18 06 2013

SOME OF THE BIGGEST names in the entertainment industry were trounced in the last elections. Richard Gomez. Christopher De Leon. Joey Marquez. Shalani Soledad. Dennis Padilla. Heber Bartolome. Rey Valera. Alan Paule. Lou Veloso. TJ Trinidad. And Rez Cortez. Aga Muhlach has yet to concede his defeat to the Fuentebellas in Bicol.

In Cebu’s northwest district, one feisty woman fought, and lost. It was not even close. But this woman

Hay naku dong! Ang haba ng intro mo dong! Per minute ang rate ko. May pambayad ka ba dong?

Ladies and gentlemen, nagbabalik sa kauna-unahang pagkakataon matapos matalo sa eleksyon – our special guest, the one and the only ANNABELLE DRAMA.

Alam mo dong, ‘di mo na kilangang ulit-uliting talo ako. Tanggap ko ‘yon dong. Nag-prutista ba ako dong? Hindi uy. Ako ang unang nag-conceit. So moved on ka na ok?

So conceited ho kayo?

Tanga ka ba dong? Ako nga ang unang-nag-conceit ‘di ba? Hindi pa tapos ang bilangan, conceited na ako dong.

Nabanggit n’yo na rin lang ang concede, anong masasabi n’yo kay Aga na hindi pinalad sa Bicol.

Karma ‘yan dong! No’ng inaway ako ng tiyahin niyang si Amalya, alam kong igaganti ako ng Sto. Niño! So karma ‘yon dong! Kaya ikaw Aga, mag-conceit ka na dong. Huwag mong sisihin ang kalaban dong. Sisihin mo ang MALAKING malas sa paligid mo!

Sino po ‘yong malaki? Si Amalya?

Gusto mong ma-libel dong? Wala akong sinabing pangalan dong. ‘Wag kang mandamay dong.

Sabi ho sa balita, nag-donate kayo ng 3 million sa inyong pinsang si Mike Drama na nanalong mayor. Pero ngayon, binabawi n’yo raw. Totoo po ba?

Alam mo dong, wala naman talaga sa ‘kin ‘yong pira dong. Pira lang ‘yan eh. Isang tilisirye lang ni Chard, mabawi ko man ‘yan. Nabuwisit lang ako kay Mike kasi noong kampanya, inasyur niya ako dong. Sabi niya, “Pinsan, malakas ang kutob ko. Landslide ito.” Landslide nga dong! Matapos ang bilangan… landslide ang kalaban! Kaya ikaw Mike, kung nanood ka ngayon, bruho ka, ibalik mo ang pira ko dung. Kung may iota ka ng dilikadisa dong, ibalik mo man ang pira ko.

Alam n’yo pala ‘yong term na iota?

Hindi dong. Narinig ko lang kay Remond ‘yan. Tumatalak siya sa telepono kahapon. Sabi niya, “If you have an iota of delicadeza, you will English and English and pastilan and yawa and English and English…” Pisti! Wala akong nagits dong. Ingles kasi. Diri-diritsu. Sakit sa ulo! Ang nagits ku lang dong “iota” at “dilikadisa” kaya ‘yon ang ginamit ko. ‘Buti na lang dong walang “b” ang iota; kung hindi nagduda ako sa kanya.

Nakakatuwa naman po at nagbati na kayo ni Nadja Montenegro. Ano bang na-realize n’yo at lumambot ang inyong puso?
Alam mo dong, hindi naman talaga ako dimunya eh. Image ko lang ‘yon dong. Ang totoo, mabait naman talaga ako. Bago kami nagbati ni Nadja, matagal na akong naga-pray sa Sto. Niño. Siguro, mga April pa ‘yon. Ang prayers ko, “Mahal na Sto. Niño, give me a sign naman. Dapat ko bang patawarin ang mga bruha sa paligid ko.” And then

Ano pong sabi ng Sto. Niño?

Ito na nga dong! Pwide ba, huwag mo ‘kong ipreempt?! Ituloy ko ang kwento ko. Nanahimik ang Mahal na Sto. Niño dong! Silence talaga siya. Kinabahan ako. Sabi ko, “Pastilan, ‘di yata nagustuhan ng Sto. Niño ang prayers ko.” Tumibok nang mabilis ang heartbeat ko dong.

‘Asan na ho ang sign?

‘Wag mo akong madaliin dong! Kung may pupuntahan ka, umalis ka na! Bumubuwelo pa ako! Makinig ka muna! ‘Tapos nag-eleksyon na nga: natalo ako. Landslide dong! ‘Tapos natsugi ang talk show ni Remond. ‘Tapos nawalan ng tilisiryi si Chard. Tapos si Roffa, paguest-guest na lang. Nag-pray ulit ako dong. Sabi ko, “Mahal na Sto. Niño, ito na ba ang sign?”

Sumagot ho ba ang Sto. Niño?

Hindi ko na hinintay dong! Baka ‘di ko kayanin. Kaya nang magkita kami ni Nadja dong, nag-smile na ako. Ang gaan sa dibdib dong. Para akong nabunutan ng matabang tinik.

Mabuti naman at pumayag makipag-ayos si Nadja sa inyo.

Dapat lang dong! Wala man siyang maipagmalaki sa akin. Talo ako sa Cebu, talo rin ang asawa niya sa Caloocan, third place. Ako, second place. Quits lang dong.

Naniniwala ho ba kayo sa karma?

Hindi ko gusto ang tabas ng tanong mo dong. Kung ayaw mong mag-walk out ako, ibahin mo!

Sige ho. Maiba ako. May kumakalat na tsismis na magiging lola na naman kayo. Totoo po bang magiging tatay na si Chard?

Sandali dong. ‘Di ba may lakad ka pa? Baka ma-late ka dong.

Ito na lang: ano pong lesson ang natutunan n’yo sa nakaraang eleksyon?

Masakit pala dong. Hinakot ko na ang mga artista ko sa Cebu dong. ‘Tapos nag-campaign ako sa Twitter pati Instagram. Talo pa rin dong. Pero pasalamat na rin ako dong dahil nakita ko ang buhay ng mahihirap. Wala silang arti sa bohay. Hanga ako sa kanila. Kaya ikaw Roffa, ‘wag masyadong maarti ‘day.

Nabanggit n’yo na rin lang si Roffa, June po ngayon. In 1994, may malaking nangyari sa buwang ito. Siguro naman natatandaan n’yo pa ang Manila Film Fest scam. Ano po ang

Alam mo dong, pisti ka. ‘Yon lang ang masasabi ko, pisti ka. Moved on ka na! Please lang.

Ay, sorry po. Sige, last question na lang. After n’yong matalo last May, you ranted on Twitter. Sabi n’yo, “I shall return.” Saan ho kayo babalik? Sa pulitika?

Hindi dong! Ang balikan ko, ‘yong 3 million kong donasyon kay Mayor Mike. Hoy Mike, if you have an iota of dilikadisa, ibalik mo ang pira ko dong!

So talagang paninindigan n’yo na ang paggamit ng “iota” sa interviews?

Oo naman! Without an iota of doubt. Dong!
————————————————————————————
“When we don’t put the brakes on our self-absorption, we have nothing stopping us from total self-destruction. We become the fruits of our actions.”
~ Zeena Schreck

In Other News
On June 18, 2013, the University of the Philippines turned 105. And Sen. Loren Legarda was like, “Pwedeee!”

Official records show, Jack Enrile was last elections’ top spender – otherwise known as ‘the biggest loser.’

In Prague, Czech Prime Minister Petr Necas resigned after one of his top aides was linked to bribery and abuse of power. It’s called “command responsibility.” Or as Filipino politicians would say, “Ano ‘yon?!”

KampanyaSerye: Huling Hirit
To everyone who supports me in this year’s Tatt (Social Media) Awards, thank you very much. Ten percent of the total score will come from your votes. The rest will come from the judges. You can still vote every hour until June 20. Here’s the link. Maraming salamat po sa suporta. Hindi pa magsasara ang presinto. Boto na!

Tropical Storm Emong is here! Stay safe!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

5 responses

18 06 2013
batangbuotan

Annabelle Rama gambled in politics – not bad after all. Unfortunately, she miscalculated the minds of the Cebuanos. Her “pulong-pulong” proved that Cebuanos admire “artistas” but election results prove that Cebuanos put more importance on their future. Ambot lang!

Like

19 06 2013
petrova1994

Reblogged this on The Newsprint.

Like

21 06 2013
jasper

if you want to maka tabla a person who wronged you, make enganyo him/her to run in an election. Sino bumulong kay annabelle sure ball landslide panalo siya if she runs as member of the crocodidle farm?
a) Eddie Guitierez
b) insan Mike dRama
c) Mother Lily
d) Wilma Galvante
e) Sto Nino

Like

23 06 2013
Juan Rivera

ay naku anabel sana mabaon ka na lang sa limot. ang mga katulad mo ay di kanais-nais sa mundo.salamat at natalo ka.

Like

25 06 2013
BisdaK

hahaha..nice one PH… bisaya jud kang daku PH nahimo-ot jud ko s interbiew nimo kang Anabil…pag-tuo jud ni Anabil na mo-daug cxa kay artista iya mga anak..agoy sori nlang kay ang taga Cebu dili mga oto-oto…

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: