PHILIPPINE TYPHOONS: A GUIDE

5 06 2013

BREAKING: Juan Ponce Enrile has resigned as Senate President. There’s no truth to rumors though that he stepped down to do a third episode for ‘Maala-ala Mo Kaya.’

SUMMER is almost over. Children are back to school. Soon, PAGASA will be warning us against weather disturbances. As a precautionary measure, here’s a guide to this year’s typhoons. Ingat!

111
Bagyong Erap
Sustained ang kanyang lakas ngunit pabagu-bago ng puwesto. Mahirap ma-predict ang lokasyon nito.

Bagyong Nancy
Bagamat bagong pasok pa lang, may kalakasan na. Zero visibility dahil sa itim na ulap at malakas na buhos ng ulan.

Bagyong Noynoy
Walang patawad. Isinisisi sa naunang bagyo ang pananalantang nararanasan ng mga tao.

Bagyong Mar
Nagpaparamdam lamang sa mga sosyal na lugar na may sosyal na condo units. Kung gaano ito kalakas, huwag mag-speculate. Hintayin ang babala ng mga awtoridad.

Bagyong Sixto Brillantes Jr.
Ang bagyong madaling mapikon. Lalong sumusungit ang panahon kapag pinapansin ng tao ang kanyang lakas.

Bagyong Binay
Around 2010 nang ma-detect ng satellite; nagbabantang manalanta beyond 2016.

Bagyong E.R.
Walang masyadong ulan pero ubod nang lakas ang hangin.

Bagyong Bro. Eddie
Puwedeng daanin sa dasal.

Bagyong Cezar Mancao
Pansamantalang nawala sa radar ng PAGASA.

Bagyong Jessica
Isa siyang malakas na bagyo na may kabuntot na mas mahihinang bagyo. Hindi kaagad siya nagpaparamdam. Nauunang maramdaman ng publiko ang galit ng mga kabuntot niyang bagyo. Kapag medyo ramdam na ito ng publiko, saka niya ilalabas ang kanyang lakas at galit.

Bagyong Vice
Kung ikaw ang mismong tatamaan ng kanyang bagsik, masakit. Pero kung ibang tao, hindi mo siguro mapapansin na matindi pala siya. Ngunit ang bagyo ay bagyo. Hindi dapat gawing katatawanan.

Bagyong Gordon
Kinulang ang lakas upang ma-categorize bilang ganap na bagyo. Na-downgrade to a tropical storm.

Bagyong Cebu Pacific
Madalas na delayed ang entry o exit sa kalawakan ng bansa. Dahil sa ‘di matantyang galaw, malaki ang nagiging perhuwisyo.

Bagyong Miriam
Nagngangalit na panahon ang dala niya. Tatamaan ka ng kanyang kidlat kung tatanga-tanga ka.

Bagyong Kris
Agaw-atensyong sama ng panahon. Nagbabantang lilisanin ang Philippine Area of Reponsibility pero laging naaantala. Nawawala, bumabalik, heto na naman.

Bagyong Enrile
Sa unang patak ng kanyang ulan, amoy na amoy mo na ang singaw ng lupa.

Bagyong Gloria
Hindi na pala ito kasama sa listahan. Sorry. Ambon na lang siya.

Bagyong Sotto
Hindi na pala ito kasama sa listahan. Sorry. Ambon na lang siya.
————————————————————-
“When all is said and done, the weather and love are the two elements about which one can never be sure.”
~Alice Hoffman

Sound Bites
“We just heard some rants from a bitter man. We just gave him his moment.”
~Sen. Antonio Trillanes on Senate President Enrile’s resignation

Enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

6 responses

5 06 2013
Roselle

Rofl on “amoy na amoy mo na ang singaw ng lupa”

Like

6 06 2013
Lola Nila

Sa Bagyong Vice bakit kaya takot patamaan ng kanyang bagsik sina Aling Charo at Aling Korina. Sige nga try nyang laiitin ang mga ito.

Like

6 06 2013
luvsugarfree

Ahaha! Enjoy ako sa bagyong Kris lukaret kasi!

Like

6 06 2013
Maean Talon (@kettle_corn77)

Made my day! Another brilliant piece, PH! 🙂

Like

6 06 2013
luvsugarfree

Ahaha enjoy sa bagyong kris:

Bagyong Kris
Agaw-atensyong sama ng panahon….(sama ng ugali, sama ng mukha at sama-sama na). Nagbabantang lilisanin ang Philippine Area of Reponsibility pero laging naaantala. Nawawala, bumabalik, heto na naman…. Special child kasi eh meron ADHD)

Like

7 06 2013
Chibivy

Wala bang bagyong Charice? Hahaha

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: