Advertisements

EXCLUSIVE: VICE BREAKS SILENCE

29 05 2013

OFFICIAL STATEMENT
May 29, 2013

“Sa nakalipas na 24 Oras ay nanahimik po ako sa isyung kinasasangkutan ni Ms. Jessica Soho.

Ako po ay nagbasa, nakinig, nakiramdam at nanood muna ng mga balita tungkol sa usaping ito.

Agad-agad, may umalma.
Agad-agad, may nanghusga.
‘Di pa naririnig ang panig ng isa, hinusgahan na? ‘Di ba pwedeng maghintay muna?

Pero iisa po ang malinaw – hati ang opinyon ng publiko.

Ang ikinagulat ko lang po, maging ang isyu kay Nancy ay inungkat pa ni Arnold Clavio. Sa tingin ko po ay ibang isyu naman ‘yon.

Sa gitna ng usap-usapan at mainit na palitan ng pananaw, tinanong ko po ang aking sarili:
Dapat ba akong magsalita?
Dapat ba akong sumagot sa mga kumento sa social media?
Dapat ba akong mag-react sa sabay-sabay na paglalabas ng saloobin ng mga taga-GMA News and Public Affairs?

Hindi ko po alam kung pahahalagahan o paniniwalaan ng mga tao ang aking magiging pahayag.

Baka sabihin nila, nagpapapansin lang ako o kaya gustong umeksena.

Ano’t ano pa man, nais ko pong ipabatid sa publiko na ako’y naniniwalang isang seryosong usapin ang rape. Hindi po ito dapat gawing katatawanan ninuman, saan man, kailan man.

Malaki po ang respeto ko kay Ms. Jessica Soho. Hindi mababago ng isang joke lamang ang pagtingin ko sa kanya bilang mahusay, masipag, matalino at mapagkakatiwalaang mamamahayag.

Ngunit sa aking palagay ay hindi po yata angkop na humingi ako ng patawad o paumanhin sa kanya.

WALA po akong ginawang mali kay Ms. Soho. Paninindigan ko ‘yan kahit saan kami makarating. Never ko po siyang pinersonal.

Baka sabihin n’yo, kesyo popular ako ngayon, napakayabang ko na. Hindi naman po sa gano’n. Nagsimula po ako sa wala kaya lagi kong ipinapaalala sa aking sarili ang salitang ‘humility.’

Iisa lang po ang aking hangarin – ang makapagpaligaya ng aking kapwa.

With that, sana po ay tutukan na lang natin ang mas mahahalagang usapin sa bansa. Nand’yan ang Taiwan-Philippines dispute, ang pang-a-ambush ng Abu Sayyaf Group sa mga sundalo ng pamahalaan, ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong walang makain, at ang kakulangan ng classrooms at teachers sa mga eskwelahan.

Sa aking pamilya, at mga kaibigan, katrabaho at tagahanga, maraming salamat po sa walang sawang pag-unawa at suporta.

Promise, hinding-hindi ko po kayo bibiguin… sa darating na 2016.

Ang inyong Vice,
Jojo Binay
————————————————–
“Jokes are hilarious only when you take them unreal and dreamlike, otherwise it becomes painful. So I always live otherworldly…”
~Saket Assertive

1Sound Bites
“Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?'”
~Vice Ganda
(May 17 concert)

“Rape is not a joke and should never be material for a comedy concert. I thank all those who shared my hurt and expressed their support, but this should not be about me but about rape victims who suffer tremendously from this terrible crime. The horrors they go through are unspeakable and should never be taken lightly, especially by way of a cruel joke.”
~Jessica Soho

Enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

21 responses

29 05 2013
Mrs V

Wahahahahahahah… nakupo akala ko talaga.. aha! Moment pagdating sa dulo. LOLLLLLL

Like

29 05 2013
renxkyoko

that’s a horrible joke . i guess this is the type people laugh about… besides people’s disabilities and color of skin.

Like

29 05 2013
Anonymous

as expected. this is from vice …. president LOL

Like

29 05 2013
netizen01

as expected this is from vice. ….. president. LOL

Like

29 05 2013
ImsimplyG

kainis…nadala ako, as in akala ko si viceganda hehehe.

foul naman kasi, i think viceganda should speak now and apologize. matalino naman siya eh..

Like

29 05 2013
batangbuotan

Pambabastos ang ginawa ni Vice Ganda! Hindi na naaawa sa mga taong tahimik na namumuhay. Magka-karma din siya balang araw.

Like

29 05 2013
penny alagon

I dont know if I had to like this or not but in my opinion, both sides has their own rights of expressing their views.All I can say is that, not all jokes are funny! 🙂

Like

29 05 2013
Chibivy

Bigla-bigla ko na nga lang nakita sa social media yung tungkol dito sa isyung ‘to eh. Habang binabasa ko blog post mo kala ko naman excerpt nga ng official statement ni Vice Ganda dahil ang seryosong pakinggan, yun pala si VICE Binay. Hahaha! Pak na pak ka talaga Sir Heckler. XD

Like

29 05 2013
Anonymous

I think, that there’s more to the rape issue that triggered Ms Soho’s anguish. I watched the footage of the concert, and sadly he went over board to a point of bullying. Bullying is not acceptable either and nobody want’s to make fun of peoples insecurities. It’s a very sensitive matter.

Like

29 05 2013
Krisella (@itsmekrisella)

masyado namang balat-sibuyas itong si Soho.. sa US nga hindi pinapansin ang mga jokes ng mga comedian. lalo lang nyo pinasisikat si Vice Ganda at mas binibigyan ng kapangyarihang maka-apekto ang kanyang mga pahayag. komedyante itong si Vice, hindi pulitiko. Totoo nga na hindi tayo nabansagang “Most Emotional Country” for no reason.

Like

31 05 2013
jphilipg

you should have read Ms. Soho’s statement and check out if you understood it correctly. On face value at least, it was an opportunity for Ms. Soho to raise awareness about rape and to correct people’s perspective about that very sensitive issue.

That statement of Ms. Soho actually made me remember that time I watched news where an 8 year old or something was interviewed after being raped. Watching that, her face intentionally being blurred by the camera, she who was way too innocent and naive as to how she will answer the reporter.. it was one of the most revolting news I’ve seen on TV that I could feel like looking for that man and beat him.

Anyway, as to whether Ms. Soho said that in order to amass public sympathy is something I cannot judge from the statement she made, but I am glad that it also somehow served as a reminder that there are that should never be crossed. I think Mr. Vice Ganda has the intellectual capacity to be looking out at those boundaries when doing his professional work as a comedian.

At the end of the day, nagkakamali din ang tao. Ang importante, nagkakapatawaran at nagmamahalan.

At kay Ms. Charo, padaan lang po. 😀

Like

29 05 2013
Filipina Explorer

nice spin on the ending! LOL!

Like

29 05 2013
denxoholic

“Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?’”
~Vice Ganda (May 17 concert)

“Rape is not a joke and should never be material for a comedy concert. I thank all those who shared my hurt and expressed their support, but this should not be about me but about rape victims who suffer tremendously from this terrible crime. The horrors they go through are unspeakable and should never be taken lightly, especially by way of a cruel joke.”
~Jessica Soho

THIS.

Like

29 05 2013
jasper

ay naku naman vice, matagal pa 2016 nag papapogi ka na. hindi tuloy ako boboto sa yo.

Like

30 05 2013
senior60

hindi bale na kung lechon si jessica, tutal marami naman silang matataba samantalang si vice, siya lang yata ang mukhang kabayo

Like

30 05 2013
senior60

mali ka mister heckler, humingi na ng tawad si vice kay jessica, siguro nauna lang ng half shot itong blog mo

Like

30 05 2013
santiago katumbal

why wait 11 days??? #WlaLang #NagtatanongLang

Like

30 05 2013
sadakups

Damn, you got me there at the end.

Like

1 06 2013
Josh

what about bubble gangs rape jokes? any take on that?? is that any different than vice’s? i think it’s even worse…

Like

3 06 2013
js

i was waiting for the catch and there it is!

Ang inyong Vice,
Jojo Binay

you nailed it! 😉

Like

5 06 2013
Myles Adlaon (@myles_gpa)

natawa nmn ako sa comment ni @senior60
basa-basa dn pag my time –> Ang inyong Vice, Jojo Binay

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: