AYON SA MGA BITUIN 2012

WHAT FUTURE awaits our leaders? Narito ang mga obserbasyon, hula, at babala ng mga bituin.

Ngunit katulad ng sa tuwina’y paalala ni Ms Zenaida Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”

Ulitin natin. Pero sa pagkakataong ito, basahin nang malakas: “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” WOW, inulit nga! Masunuring bata! Susuwertehin ka mamaya!

President NOYNOY AQUINO
Birth: Feb. 8, 1960
Sign: Aquarius
Favorable ang galaw ng mga bituin sa aspetong propesyonal. Ngunit hindi ito ang taon upang ikaw ay magmahal. Dalawang buwan na lang, Pasko na. Huwag nang tangkaing humabol; wala kang makikita. Susuwertehin ang iyong lovelife sa taong 2009. Ay, tapos na pala. Sorry, sana nagpakasal ka na. Mauulit ang suwerteng ‘yan after 76 years. Halley’s comet lang ang peg.

Sen. FRANCIS ESCUDERO
Birth: October 10, 1969
Sign: Libra
Tutukan ang karelasyon upang kayo ay magtagal. Kung hindi mo tututukan, baka humanap ng iba ‘yan.

Sen. RALPH RECTO
Birth: January 11, 1964
Sign: Capricorn
Matindi ang banggaan ng mga planeta kaya’t inabot ka ng kamalasan sa linggong ito. Huwag mag-alala. Sa mga susunod na buwan ay may darating na La Suerte, este, suwerte. Sorry.

Vice President JOJO BINAY
Birth: November 11, 1942
Sign: Scorpio
Samantalahin ang stay sa Vatican upang magsisi sa mga nagawang kasalanan. Marami-rami rin ‘yon. (Alam mo na!) Gayunman, ‘wag daanin sa dasal ang away ninyo ni Ate Koring. Hindi ka pa niya handang patawarin. Not in this lifetime.

Congressional Candidate ANNABELLE RAMA
Birth: October 1955
Sign: Scorpio
Naninibago ang mga bituin sa ‘yo. Masyado kang tahimik, at wala yatang kaaway lately. That’s disturbing. Magpa-check up ka na.

Vice Gubernatorial Candidate JINKEE PACQUIAO
Birth: January 12, 1979
Sign: Capricorn
Ang payo ng mga bituin: kilalanin mo muna nang lubusan ang iyong sarili bago tuluyang pasukin ang magulong mundo ng pulitika. Humarap sa salamin. Kung hindi mo makilala ang ‘yong sarili, kami rin. May panahon pa para umatras.

Former Sen. ERNESTO MACEDA
Birth: March 26, 1935
Sign: Aries
Namonitor ng mga bituin ang iyong maagang pangangampanya sa AM radio. Meron ka na agad (endorsement) plug. Wala ka pa ring ‘pinagbago. Iyan ang ikakatalo mo.

Sen. TITO SOTTO
Birth: August 24, 1948
Sign: Virgo
Wala kang horoscope. Wala ang mga bituin. Umalis. Tulog!

Pampanga Rep. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO
Birth: April 5, 1947
Sign: Aries
Nalulungkot ang mga bituin sa sinapit mong kapalaran. Joooke!

Mayoral Candidate RICHARD GOMEZ
Birth: April 7, 1966
Sign: Aries
Hanga sa ‘yo ang mga bituin sa pagiging pursigido mo. Wala kang kadala-dala sa pulitika. This time though, naniniwala ang mga bituin na papalarin ka na. Dapat lang siguro! Nagkalat ang mukha mo sa buong Ormoc ‘noh! Ewan na lang ‘pag ‘di ka pa nanalo.

Sen. JUAN PONCE ENRILE
Birth: February 14, 1924
Sign: Aquarius
Hindi mabasa ng mga bituin ang iyong kapalaran. Nang isilang ka kasi ay hindi pa uso ang horoscope. Pass na muna.

Sen. KOKO PIMENTEL
Birth: January 20, 1964
Sign: Aquarius
Huwag ikalungkot ang isinampang annulment petition ng iyong dating asawa. May darating ding pag-ibig para sa ‘yo. Kung hindi man ngayon, baka bukas; kung hindi man seksi, baka classy; kung hindi man babae, baka… Basta. May darating. You can never tell.

QC Rep. WINNIE CASTELO
Birth: April 19, 1963
Sign: Aries
Huwag ituloy ang planong pagpapagupit. Huwag ring makinig sa mga batikos at kabi-kabilang panlalait. Marami lang talagang naiinggit. Tandaan, everybody is unique. Halimbawa, kami, judgmental… tapos ikaw, epal. Ganun.
—————————————————–
“It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves; we are underlings.”
~William ShakespeareQuote of the Day
“Why am I not running for another post? Why should I? I am not inclined to seek another elective post at this time. Taking a break is healthy.”
~Sen. Francis Pangilinan via Twitter

Have a peaceful weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

15 thoughts on “AYON SA MGA BITUIN 2012”

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s