Advertisements

EXCLUSIVE: ‘HABAGAT’ BREAKS SILENCE

10 08 2012

FOR ALMOST THREE DAYS, the metro and several Luzon provinces reeled from heavy downpour. The flooding submerged 60 percent of Metro Manila. By Friday noon, the death toll would reach 60.

What hit us was not even a typhoon. It didn’t have a name. On Twitter, I wrote:


Weather experts described it as southwest monsoon rains. A monsoon is a wind system that brings heavy rainfall. Locally, we call it ‘habagat.’

Earlier today, ‘Habagat’ chatted with this blogger. Here’s the transcript of that exclusive interview.

Kumusta ka na Habagat?

Ok naman. Medyo nilalamig pa rin. Ikaw, kayo ‘musta?

Ay, salamat naman sa concern. Heto, may mahigit animnapung kababayan ang namatay at 850,000 ang na-displace; may sampung lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, at anim na lalawigan ang nasa ilalim ng state of calamity, at more than 150 million pesos ang halaga ng nasirang pananim. Mabuting-mabuti naman!

Hindi ka pa galit n’yan?

Ay hindi. Ang bait-bait nga namin sa ‘yo eh. ‘Kita mo naman, all smiles pa rin kami kahit binugbog na ng dala mong ulan, baha, hangin at kung anu-ano pa. Sino ka ba talaga? Kung nagpapapansin ka, well, congrats! Tagumpay ka. Pero sana, naging ganap na bagyo ka na lang para madaling makilala.

Excuse me, hindi ako nagpapapansin. In fact, malamig ang pakikitungo ko sa inyo. But in fairness to some of your kababayan, sobrang hospitable nila sa akin.

Wehhh? Inis nga sa ‘yo ang marami eh.

I said some, not majority. Why did I say hospitable? Lunes ng hapon, grabe na ang aking ulan. Sinabihan na silang lumikas. Pero anong sagot nila, “Mababa pa naman ang tubig. Baka titila rin.” Boom! Ako naman, hala, sige, ulan. Moment ko ‘to so go lang. The rest, as the cliché goes, is history. ‘Tapos ako pa ang sisisihin ngayon?

Sige, ikaw na ang magaling. Ikaw na ang walang kasalanan.

Thank you. Pero hanga ako sa government n’yo huh. Alerto! Kahit medyo sumablay ang PAGASA sa pagbasa sa galaw ko, naitawid n’yo pa rin ang week na ‘to na walang sinisibak ang inyong Pangulo. At may Project Noah pa kayo. Impressive.

Speaking of Noah, alam mo bang kumalat sa social networking sites na may kuneksyon ka raw sa Genesis? Noong kasagsagan kasi ng ulan mo, ang petsa ay 8/7/2012. Eh ‘yong tungkol sa Noah’s Ark, mababasa raw sa Genesis 8:7-12. Anong masasabi mo?

Hiyang-hiya naman ako sa creativity n’yo… mga ulol! Kung sino mang nagpasimuno n’yan at nag-aksaya ng oras to retweet o repost, I’ll give them an A for effort – na manakot. Pero nililinaw ko, walang kakune-kuneksyon kay Noah ang aking pagdating. Mas may kunek pa ako kay Gener.

Salamat sa paglilinaw. Heto pa: dahil daw sa pending RH Bill kaya bumabaha at umuulan nang walang tigil. Is this true?

Ang tatanga! Naturingang 86.567 percent ang functional literacy rate, ‘tapos ang bobobo. Nakakainis! Ayaw ko nang mag-elaborate. Baka ma-excommunicate ako.

Hanging habagat? Mai-excommunicate? Pa’no kaya ‘yon!?

Hoy! Si Lito Lapid nga naging senador! ‘Tapos si Anne Curtis, nagkaroon ng album at nag-platinum pa! Wala nang imposible sa mundo natin ngayon!


Bahala ka na nga! Anyway, nakita mo ba ang aming Pangulo sa Muntinlupa last Wednesday sa relief operations?

Relief operations ba ‘yon? Akala ko first day ng campaign ng Liberal Party for the midterm elections.

Sobra ka naman. Lahat na lang binigyan mo ng kulay.

So fault ko? Fault kong makitang kumakaway ang napakagandang si Ms Rissa Hontiveros, ang Customs Commissioner na si Ruffy Biazon, ang dashing congressman na si Sonny Angara at ang direktor ng Tesda na si Joel Villanueva? Fault ko?

Sinabi ko bang fault mo?

Para kasing pinapalabas mong ang dumi-dumi ng utak ko. Sige, sige. Ako na ang madumi. Sige. Sabihin na nating nagkataon lang na silang apat ay kasama sa senatorial slate ng Liberal Party. Kunwari, hindi natin alam na eleksyon next year. Ok. Fine. I salute them. I admire their selflessness and their genuine desire to help the downtrodden. They are role models. Humahanga ako sa kanila!

Ang plastic mo!

Ulan, gusto mo?

Gago. Tama na. ‘Kita mo ngang ‘di pa kami nakakabangon.

Eh kasi naman nakakaduda eh. Lubog sa baha ang barangay, kasama mo ang head ng Tesda?!? Ano ‘yon, mamimigay ng scholarship? Magpa-facilitate ng training? May libreng haircut?

Again, huwag tayong manghusga. Ang importante, tumutulong sila sa mga nangangailangan.

Ang plastic mo!

Pakyu ka! Maiba ako, I’m sure nasaksihan mo ang pagbisita ng aming Pangulo sa Valenzuela.

Oo naman. Andun ulit si Joel Villanueva.

Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Mr. Tesda?

Hahaha. May bago kasing tawag sa kanya sa Twitter eh. Presidential Shadow. O, hindi ako ang nagsabi n’yan huh. Nabasa ko lang sa Twitter.

Hanging Habagat? May Twitter?!!!??

Bakit? Si Erap nga taga-Maynila na eh. ‘Tapos si GMA, nakalaya. Wala nang imposible ngayon.

Fine! Moving on… kinilig ka ba nang batiin ni President Noy si Councilor Shalani Soledad nang magkita sila sa relief operations the other day?

Hanging habagat kinikilig? Weird.

Tarantado. Kunwari lang! ‘To naman o! Ang hirap kayang tapusin ng blog post na ‘to! Sumagot ka na lang. Please.

Ahm, let’s say, mas na-excite ang mga taong nando’n. Sigawan nga sila eh. Kilig na kilig ang mga pucha. Kakapanood ng PBB Teens, akala yata sixteen years old ang pangulo nila.

Ano sa palagay mo ang naramdaman ng dalawa?

Seriously? Well, parang ako lang. Malamig.

Sanga pala, kasabay ng pananalasa mo sa Luzon at NCR, nagtaas naman ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis. Sa tingin mo, alin ang mas destructive? Ikaw o sila?

Helllloooo! Minamaliit mo ako?!? Kesyo nameless ako? Kesyo hindi ako naging ganap na bagyo?!? Siyempre, sila!


May mensahe ka ba sa mga biktima mo sa Pilipinas?

Nawalan lang ng tirahan, biktima na agad? ‘Di ba pwedeng ‘they had me coming’ muna? Illegal logging. Clogged drainage. Truck-truck na basurang kung saan-saan ‘tinatapon. Illegal settlers sa mga mapanganib na lugar. Kayo rin ang problema eh. Habagat pa lang ako huh. Just imagine kung naging ganap na bagyo ako.

Nagbabanta ka?

#justsaying.

Wow! Hanging habagat, huma-hashtag??!?

Magtanong ka na lang! Umaaraw na. Paalis na ako.

Ok, last. ‘Yong chopper na sinasakyan ni Pangulong Aquino patungong Central Luzon kanina, nag-emergency landing daw sa SCTEX. Any thoughts?

Alam mo, nasa Bible ’yan eh. Ang mababa ay itataas at ang mataas ay ibababa.

Gano’n? So, may kuneksyon talaga sa Bible ang chopper ng Presidente?!?

Meron.

Owwws?

Oo naman! Bakit? Sino bang kasama ng Pangulo papuntang Central Luzon kanina? ‘Yong head ng Tesda, si Joel Villanueva! May kunek ‘yon sa Bible!

Oo nga ‘noh! Ang utak mo talaga!

Hanging habagat, may utak? Kelan pa?

Ulol!
——————————————-
“The hardest thing about any political campaign is how to win without proving that you are unworthy of winning.”
~Adlai E. Stevenson

#ReliefPH:
Complete list of Evacuation and Relief Operation Centers

Stay safe everyone!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

33 responses

10 08 2012
aRVee

so may pangalan na pala ‘tong bahang ‘to haha… love the conversation you had with hanging habagat…

this is very true:
“May mensahe ka ba sa mga biktima mo sa Pilipinas?

Nawalan lang ng tirahan, biktima na agad? ‘Di ba pwedeng ‘they had me coming’ muna? Illegal logging. Clogged drainage. Truck-truck na basurang kung saan-saan ‘tinatapon. Illegal settlers sa mga mapanganib na lugar. Kayo rin ang problema eh. Habagat pa lang ako huh. Just imagine kung naging ganap na bagyo ako.”

Like

10 08 2012
rowena marie samares

😉

Like

10 08 2012
akvividphotography

Hahahaha!!! You always make my day!

Like

10 08 2012
Chad Senga

Best read I had in ages. Kudos to your writing, sir! For me this could be an icebreaker for certain tensions our countrymen are facing now – politically, environmentally and economically. It’s high time HABAGAT is given a chance to tell his side of the story, after all the blaming and finger-pointing of the Filipinos to fellow Filipinos.

Like

10 08 2012
Inkwirer

Too soon, bro. Too soon.

Like

11 08 2012
senior60

galing mo mister heckler, na connect mo si habagat sa genesis…

kung sa bagay, matagal ka namang magaling…

Like

11 08 2012
senior60

himala mister heckler, hindi mo na acknowledge si kris sa photo, siguro dahil sa nabighani ka sa ganda ni risa ano

Like

11 08 2012
Ondoy_insi

Ondoy: how can a no name outstage me????????

Like

11 08 2012
flydaniel

haha! very entertaining post 🙂

Like

11 08 2012
Valerie

Funny yet very true! Brilliant!

Like

11 08 2012
choose

one hilarious post, heckler! type ko pagiging ascerbic ni Habagat! WIN!

Like

11 08 2012
sutil MD

Reblogged this on sutilmd and commented:
thanks for the chuckle

Like

11 08 2012
Libertas

Amazed at the insensitivity of the yellow bedecked senatorial electioneering circus with P-noy as chief pimp, and of course kris as the madam. Clearly no class, or breeding.
What next yellow colored condoms as giveaways – ‘take one, give her one, and stop one’

Like

11 08 2012
Libertas

Desperation in women is not an attractive quality – hontiveros, de lima, kris aquino etc, and they invariably turn out to be a political liability.

Like

12 08 2012
icohgnito

This post made me laugh. And sapol lahat. Galing.

Like

12 08 2012
Anonymous

grabe! galing nito. busog ako dun ah? hehe! akala ko habagat lang ang nanalasa? pati rin pala mga pulitiko? ehh.. bakit yung bagyo namn eh wala sila, tapos ngayong habagat lang, parang float parade! haha! like this one! :))

Like

12 08 2012
Libertas

Every disaster has a political and economic benefit – to some

“It’s about time we relocate a part of the NCR, a portion of the government center, to a better location,” Tolentino said.

People get what they deserve, especially if they are too blind to see, or too browbeaten to care, what is actually going on.

Like

13 08 2012
Anonymous

#senatoriables meet habagat

Like

13 08 2012
Philip Martinez (@pinaka_pogi)

Hindi naman sumablay ang PAGASA sa pagbasa ng galaw ni Habagat ah. Hindi nga siya gumagalaw eh kasi hindi naman siya bagyo. Kawawa naman ang mga tao doon na 24 hours nakatoka maibigay lang ang taya ng panahon 😦

Like

13 08 2012
Weekly Image of Life: Beautiful « aRVee' s blog

[…] Exclusive: ‘Habagat’ Breaks Silence […]

Like

14 08 2012
Allan Grand (@allan_grand)

And the name of that habagat is Raymond. Raymond Habagatsing.

Like

14 08 2012
gon atienza

whenever i feel awfully blue, you’re just one click away! kudos bro!:) taba ng utak mo.:))

Like

14 08 2012
Anonymous

tama c habagat di pa bagyo ang tumama sa tin grabeng perwisyo at sana lang magtrabaho na ng totoo ang mga nasa gobyerno…

Like

14 08 2012
Howdy_Senior60

tagal ko ng di nakabisita dito pero ayos pa din.

pansin ko lang, grabe ang natural calamities pag Aquino ang nakaupong Presidente. ang daming kalamidad na ginawa ng xPGMA at ni Apo Lakay pero walang ganitong pahirap ang kalikasan.

kala ko tapos na ang unos sa buhay ko matapos matalo ang Celtics sa NBA, matapos manalo si LBJ, matapos matalo si Djokovic, matapos manalo si Federer, kala ko wala ng mas masama pang mangyayari. ayun pala isang habagat lang ang magpapataob sa aking man-made disaster.

hi Senor, musta ka. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Minsan nagdududa ako kung ikaw pa rin ang orihinal at mahal kong Senor60 pero ganun pa man, pagbati mula sa isang kaibigan.

Like

17 08 2012
senior60

uuyyy howdy too wilyam hahaha

ito ako, nasa mabuting kalagayan naman though the other day, i had a minor operation dito sa right wrist ko, mga 30 minutes lang naman, sabi ni doctor na pinaluwagan daw niya ang daanan ng tendons ko sa right thumb, kaya sumasakit ang wrist ko kapag iginagalaw ko right thumb dahil sumikip na ang passage…

yes ako pa rin si ako at wala ng iba, dito na bago kong tambayan pero alam mo, kapag ako ay nagcocomputer, hindi ko nakaligtaang sumilip doon, wala, wala ng kabuhaybuhay pero sige pa rin pagbisita ko doon at baka may magbalikbayan hahaha at kapag si bheng ang babalik, balik din tayo doon ha

ikaw wilyam, kumusta ka din, mga kasukasuan natin, si tess, si bunso
at mga girls mo

yang bahabaha na yan, ano nayan, way of life na ninyong taga maynila, sanayan na lang kumbaga

tungkol sa pagkatalo ng celtics hindi ka nagiisa sa lungkot, mas nauna pa si mister heckler dahil naunang natalo kanyang manok

lagi kang post dito wilyam, ikaw nagturo sa akin dito, remember?

Like

17 08 2012
howdy_senior60

Hahaha Senior ginawa na natin itong kumustahan blues. Am ok, busy with my newborn and my new grandchild.

Tama ka, maaga ngang nagdusa si Mr. Heckler, pero expected na ang Lakers na matalo di gaya ng Celtics. Pero nasa kanila na si Howards kaya baka makasilat sila ulit ng isang championship.

Grabeng baha. Panahon na talaga para alagaan natin ang ating kalikasan. Ang QC nga simula September 1, bawal na ang plastic bags. So hindi na ako mamimili sa QC hehehe.

Naawa lang ako sa mga tiga-PAG-ASA. As usual, sila escape goat sa problemang dulot ng illegal logging, clogged drainage, basura sa estero. Sasabihing mali ang forecast. E hinayupak, forecast nga e. Pwedeng magmintis.

Like

18 08 2012
senior60

anooooooooo? may newborn ka na naman? abaaba teka lang muna ha, mukhang lalo yatang tumatapang dugo mo ha siguro dahil sa pirme tiglamig panahon ano hahaha at tsaka laging may katapat na grandchild pa, nakinikinita ko na, busy ka sa mga tsikiting patrol

ikaw naman, huwag mong inisin si mister heckler, anong expected na na matalo, hindi ha, ako lakers din dahil sa anak ko

marami ng lugar ang bawal ang plastic bag, sa tingin ko unsuccessful ito katulad ng pagka unsuccessful ng rh bill kapag naipasa na ito

talagang magmintis ang mga forecasters dahil hindi naman nila ma control kung saan lilihis ang hangin, mapipigilan ba nila?

congrats nga pala wilyam sa bago mong baby, ikaw talaga, ikaw na

Like

14 08 2012
17 08 2012
lester yu (@lesteryu1)

I enjoyed reading your entry! It is very unique. THAT’S TALENTS.

May na pansin lang ako…

Unang Punto: “…Relief operations ba ‘yon? Akala ko first day ng campaign ng Liberal Party for the midterm elections.”

Tama ka din naman. ou nga noh para nga namang campaign , pero wari ko ano bang gusto mo? yong wala nang media para di malaman na nagpunta ang pangulo para din di na mabibigyan ng ibang kulay? naisip ko din pag ganun edi sasabihin na naman ng ibang tao or sa twitter or sa blog na nasaan ang anting pangulo? bat di naman nakiramay?

PINOY NGA NAMAN WALA TALAGANG LUSOT. LAHAT NA LNG BINIBIGYAN NA NG KULAY. tama ang kanta na ito na DITO BAH OR DITO BAH..DITO BAH OR DITO BAH…. kasi hindi na alam kung saan lulugar yong administration kasi lahat binibigyan ng kulay.

pangalawang punto: “So fault ko? Fault kong makitang kumakaway ang napakagandang si Ms Rissa Hontiveros, ang Customs Commissioner na si Ruffy Biazon, ang dashing congressman na si Sonny Angara at ang direktor ng Tesda na si Joel Villanueva? Fault ko?”

Ito na naman ano bang gusto mo? yong di sila kumakaway parang wala lang? Yong tipong parang malungkot at di na nakangiti yong tipong parang umiiyak? para naman di malalagyan ng kulay?

pangatlong punto: “Para kasing pinapalabas mong ang dumi-dumi ng utak ko. Sige, sige. Ako na ang madumi. Sige. Sabihin na nating nagkataon lang na silang apat ay kasama sa senatorial slate ng Liberal Party. Kunwari, hindi natin alam na eleksyon next year. Ok. Fine. I salute them. I admire their selflessness and their genuine desire to help the downtrodden. They are role models. Humahanga ako sa kanila!”

So gusto mong si pangulong Aquino lang mag isa ang pupunta? siya lang talaga para di na malalagyan ng ibang kulay ? OH cge may isasama siya pero yong di na lng niya ka-alyado para wala ng masabi. gusto mo so GLORIA at si CORONA? para naman sabihin mo na di ito para sa election.

at ou tama ka nag kataon na election next year pero wari ko itong habagat na ito ay planado bah ito para sa election? naman!

tao nga naman. or should I say PINOY nga naman hinahanapan talaga ng mali!

Like

24 08 2012
unblemished

it could work in both ways, lester yu.May bagyo tapos kailangan may relief operation, so best avenue para tumulong at the same time magparamdam ng pangangampanya. alam na ang strategy nila. basang-basa na yan. I didn’t say masama ang ginawa nila, in fact nakatulong pa nga sila sa mga tao. pero may kasamang appeal to the masses yun. PH was just stating a fact.

Like

17 08 2012
Clair

This was such a hilarious read! I was laughing my heart out with the Lito Lapid & Anne Curtis line hahaha And the mensahe sa mga biktima, that’s really true. I enjoy reading your entries! Keep up the good work!

Like

17 08 2012
Edward TJ Acena (@Artquitechto)

Your blog makes me smile even my boring days in Muscat Oman:D

Like

19 08 2012
Jimmy Leaño

Good read, can’t stop laughing at talagang magaling ka mr. heckler!

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: