Advertisements

SONA 2012: WHAT’S EXCLUDED

21 07 2012

The Professional Heckler received an envelope from an anonymous source last Friday. It contained a document titled, “State of the Nation Address: What’s Excluded.” Here are the excerpts from that document.


“Katulad ng aking naipangako, babawasan natin ang red tape sa tatlong sangay ng pamahalaan. Nagagalak kong ibalita na nagkaroon ‘yan ng katuparan. Sa ilalim ng ating pamumuno, mabilis na napawalang bisa ang kasal ng aking kapatid na si Kris at maging ang kasal ng KrisTV co-host na si Pareng Chiz Escudero! Palakpakan po natin ang magigiting na huwes sa ating hudikatura!”

“Sa ilalim ng aking administrasyon, kinilala ang Philippine wildlife sa buong mundo. Kasama natin ngayong hapon… hindi na po siya iba sa mga kasama natin sa Kongreso… si Lolong!”

“Sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations, napag-alamang bumaba ang bahagdan ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino. Salamat sa DSWD at sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan. Sa katunayan, sa Davao City po, kahit masasamang tao sa lipunan, pinapakain nila… pinapakain nila ng papel.”

“Sa ilalim din ng ating pamamahala naganap ang isang historic moment sa larangan ng entertainment. Congratulations “Eat Bulaga” sa inyong unang international edition – ang “Eat Bulaga Indonesia.” Sa Dabarkads na nasa gallery ngayon, ito lang ang masasabi ko sa inyong mga kalaban: ‘Nganga!’”

“Noong isang taon sa aking SONA, ibinunyag ko ang bilyong pisong gastos ng dating pamunuan ng Pagcor sa kape. Noong isang linggo, kinasuhan na po sila. Sakto lang sa SONA. Sa’n ka pa!?”

“Sa aking unang SONA, ibinunyag ko ang katiwalian sa PCSO ng dating pamunuan nito. Noong isang linggo lang, kinasuhan na po sila. Sakto sa SONA. Sa’n ka pa!?”

“May tsismis pong papayagan daw makapagpiyansa si Gloria Macapagal-Arroyo sa kinakaharap nitong kasong electoral sabotage. Ngunit noong isang linggo lang, kinasuhan siya ng Ombudsman ng plunder, a non-bailable offense. Sakto lang sa SONA. Sa’n ka pa!?”

Sa maniwala ho kayo at sa hindi, ang mga kaganapang ito ay hindi sinadya at nagkataon lamang.

“Buhay na buhay rin po ang pagkakaisa sa ating bansa. Ang dating magkaaway na Liberal Party at Nacionalista Party, na kulang na lang ay magpatayan noong nakaraang presidential elections, ngayon ay magsasama upang ihatid ang walang-pag-aalinlangang serbisyo sa lehislatura. Kaya sa darating na eleksyon, hindi kailangang ma-UNA sa pamumulitika. Kaledad ng paglilingkod ang mas mahalaga.”

“Inasam ko rin po ang pagbabago sa ugali ng mga Pinoy at iangat ang moralidad sa ating lipunan. I think we have accomplished more than that. Hindi man siya nanalo kay Timothy Bradley, ‘waging-wagi naman ang pagbabago niya bilang tao. Mabuhay ka Pambansang Kamao, Congressman Manny Pacquiao! Isa kang mabuting ehemplo sa bawat Pilipino! Praise the Lord!”

“Bagamat naniniwala ako sa sistematikong paglutas sa mga problema sa kalsada, hindi ko naman kinakalimutan ang mga turo ng aking ina. Ngayon ko lang po ito aaminin: ang ginawang pagbabasbas ng MMDA sa EDSA ay aking ideya.”

“Nabubuhay po tayo sa modernong panahon. Kaya’t ang mga local executives natin, sumasabay sa paglago ng teknolohiya. Binabati ko ang Lungsod ng Makati dahil malapit nang maging free wi-fi zone ang buong siyudad. Take that Starbucks! Ang damot n’yo kasi!”

“Napag-uusapan na rin lang ang Internet, baka lang po hindi pa n’yo alam, active na active na ulit ako sa Twitter. Follow me @NoynoyAquino. At press time ay may 970,000 followers na ako. By the end of the year, target ko pong malagpasan si Anne Curtis.”

“Last month, mas mababa po ang binayaran n’yo sa kuryente. Humanda kayo sa parating na bill. Magdidilim ang paningin n’yo.”

“Noong ako po ay maupo sa Malacañang, ang lagi kong naririnig: patay na ang industriya ng pelikula. Ngunit dalawang buwan matapos ang aking pangalawang SONA, gumawa ng bagong record ang “No Other Woman” at “Praybeyt Benjamin.” Pinatunayan po nito na buhay na buhay ang lokal na industriya ng telebisyon at pelikula! Kasama nga pala natin ngayong hapon, the Unkabogable Vice Ganda, palakpakan po natin.”

On a personal note, naalarma po ako sa isang balita kamakalawa tungkol sa isang Taiwanese teenager na namatay matapos maglaro ng computer game for 40 hours. Marami pong nag-alala at nag-text sa akin. Isa lang po ang tinitiyak ko sa inyo. I know my limits; 39 hours it is!

“Ano ba ang sabi ko sa mga nagdaan kong SONA? Bawal ang wangwang sa kalsada. This year, gusto kong idagdag… bawal din po sa kalsada ang mga utak-pulbura at aroganteng pulis na ayaw magbigay sa aking convoy. Hellllo! SPO2 ka lang, presidente ako. Hindi tayo magka-level!”

“Gusto ko po sanang talakayin ang RH Bill at Freedom of Information Bill ngayong hapon kaya lang, may natanggap po akong report na sobrang lakas na ng ulan sa labas. Kung papatagalin ko pa ang aking talumpati, baka abutan tayong lahat ng baha. Iniisip ko lang po ang inyong kaligtasan. Sa next SONA na lang ‘yan. Maraming salamat sa inyong lahat. Tara let’s!”


Another envelope from yet another anonymous source reached this blogger. It contained a document titled, “State of the Nation Address Draft No. 1.”

“Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Leila De Lima… ooops,practice lang, at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

Naipakulong ko na si Gloria.

Napatalsik ko na si Corona.

Lumago ng 6.4 percent sa unang quarter ng taon ang ekonomiya.

Ayon sa SWS, mas kakaunti na ang nagugutom na mga pamilya.

Ayon din sa SWS, bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho at nakatunganga.

Ayon sa PNP, nabawasan ang kriminalidad sa bansa.

Dalawang piso pa rin ang pandesal.

Balik-ocho pesos ang pasahe sa jeep.

At alang-alang sa paglilingkod, isinakripisyo ko ang aking buhay-pag-ibig.

Ito na ‘yon eh.

This is it!

Wala na kayong mahihiling pa. Move on na. Third year ko na!

Maraming salamat po at magandang hapon sa inyong lahat.”
———————————-
“An acre of performance is worth a whole world of promise.”
~William Dean Howells

Have a great weekend. Stay safe.

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

25 responses

21 07 2012
Francis

Panalo!

Like

21 07 2012
Ruby Lao

Nice one!

Like

22 07 2012
senior60

mister heckler, can i make a request? or suggestion? to not left a ” leave a comment” to two successive blogs so that your posters will have something to read and answer when they’ll come a visiting, but if the process will entail too much of your time because you are a busy body, then it’s ok na rin, just wish that i am understood

Like

24 07 2012
senior60

ay mali yata, ganito dapat, it will entail a long process and take much ……

wala lang, just correcting myself

Like

22 07 2012
senior60

hanga din ako sa iyo mister heckler dahil kahit maka abs ka, ngina “nganga” mo rin sila, giving credit ba where credit is due

Like

22 07 2012
senior60

uuyyy ha, today is sabbath day, go to church everybody, no matter what denomination you belong

Like

22 07 2012
Libertas

the more there is exclusive power, the less there is inclusive growth.

Like

22 07 2012
Libertas

SONA
When trailer trash flash your cash, and then talk about poverty and corruption in 5 star restaurants at your expense.
Hypocricy personified

51 party list millionaires in congress!

Like

22 07 2012
Libertas

atheists and hedonists have free pass to enjoy themselves.

RH advocates can go and chant – ‘software for your hardware’

Like

28 07 2012
senior60

because you don’t belong to any denomination libertas, then you are not included in my invitation, instead you can go to…..just anywhere, and enjoy

Like

22 07 2012
Libertas

love life
‘my PR people keep writing cheques which i can’t cash’

‘am hoping to get some tips from kim jong-un’

‘my love life is like my KKK, a no go area for the press – unless politically expedient’

‘i miss my mummy’

Like

22 07 2012
Libertas

‘2 years and all i have to show is a bulging waistline and receeding hairline. my credibility is almost as bad as abigail valte’s, but at least i don’t have two chins -yet – just two-faces.’
The communications group on the other hand, have 3 arms, but not 1 brain between them, so blame them for the rubbish i have to read, and try to make you believe.
If it was up to me i wouldn’t even be here, but spending quality time with puno shooting our loads – of bullets!
Roll on retirement. See you next year, if you are unlucky’

Like

23 07 2012
sadakups

Yup. It’s that time of the year where we hear sugar-coated words (in Tagalog, mind you) explaining half-truths, bragging and a lot fo BS. about the state of the country.

Like

23 07 2012
Nonoy

Anonymous is so famous! Ito ang nagpabagsak kay Corona. Sana marami pang Anonymous sa buhay natin. LOL

Like

23 07 2012
23 07 2012
Libertas

could he answer the related questions
why is crime up 25% in metro manila
if puno is in charge of PNP where is he and why does he refuse interviews
what hold does puno have over p-noy

Like

23 07 2012
SONA 2012 «

[…] Read full context at Professional Heckler’s blog. Like this:LikeBe the first to like this. Posted in Breaking News, Current Events, Feature, Filipino, Philippines | Tagged benigno aquino iii, current-events, Philippines, politics, president benigno aquino III, sona, state of the nation, state of the nation address, state of the nation address 2012 | Leave a comment | […]

Like

23 07 2012
Mags

wet, wet este, wait wait!

bakit naging baybol istadi ‘ata at napasama ang matematiks?

Like

23 07 2012
tidbitsherethereandeverywhere

Reblogged this on tidbitsherethereandeverywhere and commented:
Tumpak talaga 🙂 Ibang predictions nagkatotoo…

Like

25 07 2012
Dorm Boy

mas ok ata yung draft 1 na copy. Short and… bitin! hahaha

Like

30 07 2012
faradi

hello, Professional Heckler, you’re a fun discovery:) Love your humor, keep it coming=)

Like

30 07 2012
Mags

so, ano na nga?

kahangahanga, ‘kakaingggit, kapansin pansin,
magagarang damit na buong yabang na idinispley
lumalabas kapag presidente’y nag-iispits once a year
upang ibrodkast nang buong ningning
sa SONA ang kanyang mga accomplishments.

‘wag na kasing magtaka, iya’y naging gawi na
hindi la’ang ngay-on kung hindi maging noon pa
‘yaong mga lingkod bayan sa pagsapit ng SONA
tinatalo pa ang mga model at mga artista
sa mamahaling ternong yaman ng pobre ang halaga.

ngay-on ay ano ang masasabi ng masang pinangakuan
kapag eleksiyon kunyari sila ay walang yaman
mga pulitikong puhunan ay tapat na paglilingkod daw
subalit pansinin sa paglikwad ng mga araw
aba’y hindi mahagilap sa oras ng pangangailangan?

kung ating tutuusin ay hindi naman lahat
marami la’ang din ang sinungaling, mabibilang yaong tapat
pagkatapos ang eleksiyon ay doon masusukat
ang pramis sa mga pobreng gapang na sa hirap
kung hanggang saan ang pangakong serbisyong buong wagas.

so, ano na nga, meron pa bang masasabi
kundi buntung-hininga na la’ang at kibit balikat onli
kumbaga sa tong-its, na-paw at bayad nang doble
kahit huli na’y maaari pa din bang posible
mabawi ang pagkakamali bago ang pagsisisi?

kaya sa susunod na eleksiyon sana ay maging isang aral
‘wag nang maniniwala sa mga pangakong walang laman
ang ngiti sa harapan mo’t buong higpit na pakikipagkamay
paniningkit ng mga mata’ng kunyaring kasiyahan
pagtalikod ng mga lintek, (ay) nakaismid at naghuhugas ng disinfectant!

Like

1 08 2012
senior60

clap clap clap clap clap

Like

30 07 2012
Mags

Ako’y meron sanang suhestiyon tungkol diyan sa SONA, eh.

‘Yang SONA ‘yan bilang tradisyon ng alinmang administrasyon AY isa ring pasanin nating mga karaniwang mamamayan, eh. Ginagastusan ng hindi birong halaga mula sa buwis na tayo la’ang namang mga pobre ang nagbabayad at tinatakasan ng mga mayayamang hindi gustong mabawasan ang yaman. Biruin bagang magkano ang halaga nang ginugugol mula paghahanda hanggang sa paglilikom ng mga gamit at paglilinis ng bulwagan? Ay, kung iyang ginagastos diyan ay inilalaan para makagawa ng kahit isang silid aralan, ay ‘di baga’t malaking tulong sa ating mga mag-aaral?

Bakit hindi na la’ang sa Malakanyang gawin ‘yan, tutal televised naman? Ganu’n din, maisisingit ‘yung canned na palakpakan. ‘Yung isusuot na libo libo ang halaga, aba’y ilaan na la’ang ng mga pulitikong ‘yan sa MAS makabuluhang pagkakagastusang makakatulong sa kanikanilang nasasakupan. Kung hindi baga napaka-manhid nila, bakit nasisikimura nilang ipagbanduhan sa buong kapuluan at buong mundo ang rangya ng kanilang kasuotan habang marami sa mga kababayan natin ang walang maipalaman sa sikmura, walang matulugan, walang hanapbuhay?

Kaya nakakaladkad kahit pahapyaw ang ngalan ng pangulo ay dahil sa kanyang mga kaalyadong puro paimbabaw.

Kung sa Malakanyang na la’ang gaganapin ang kanyang pag-uulat sa bayan ay mababawasan ang tarbaho ng mga pulis; hindi maaabala ang pagpasok sa hanapbuhay ng ating mga kababayan; hindi mababawasan ng isang araw ang pag-aaral ng ating mga kabataan, at higit sa lahat – maiiwasan ang kaguluhan bunga ng mga walang kuwentang protesta ng mga walang magawa kundi manggulo na gumagastos din ng libo libo sa paghakot ng isasama at paggawa ng kung ano anong effigy. Ano ba naman ang nagawa ng mga kinatawan na iyan ng mga makakaliwang grupo?

Saka, hindi sapat ang mga sinasabi ni PeNoy na sa atin nagmumula ang pagbabago. Dapat niyang unahing hambalusin upang magbigay halimbawa ay ang mga nakapaligid sa kanya, HINDI lamang ‘yung mga kalaban sa pulitika.

Like

30 07 2012
Mags

kahit aling administrasyon ang pumalit ay walang ipinangangalandakan kundi ang pagbuti ng ekonomiya subalit kung pagmamasdan ang paligid ay mas lalong dumarami ang mga naghihikahos. marami ang walang sapat na pinagkakakitaan, walang disenteng tirahan at halos hindi kumakain ng tatlong beses maghapon.

kaming mga tinatawag nilang mga gagong bayani ay hindi din nakakaligtas sa mga kasinungalingan ng gobyerno partikular sa ginagawang pag-uulat tuwing SONA ng sino mang naging pangulo. hindi na halos sapat sa pang-araw araw na pangangailangan ang aming ipinapadala bunga ng paglakas daw ng piso kontra dolyar. nakakatakot ang magtagal sa labas ng bahay kapag nagbabakasyon dahil naglipana ang mga kawatan.

kung ano ano pa ang mga bayaring iniisip ipatupad ng mga kinauukulang ahensiya gayung kulang na kulang ang serbisyo nilang ibinibigay. gayundin, kapag lumapit sa kanila upang kamtin ang mga pangakong serbisyo ay malabo pa kaysa hinalukay na kanal ang pag-asa sapagkat ang ginagawa ay pababalikbalikin lamang kasabay ng paghingi ng kung ano anong dokumento.

haaay, buhay without it, we’re dead!

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: