Advertisements

PRESS RELEASE

25 06 2012

Press Release
June 23, 2012

Pahayag ni Cong. Enrique E. Pal sa isyu ng kalusugan ni Dolphy

Nagpahayag ng kalungkutan si Congressman E. E. Pal sa pinagdaraanang krisis pangkalusugan ng Comedy King na si Dolphy.

“Kaisa ako ng sambayanan sa pagdarasal para sa mabilis na pagbuti ng kalagayan ng Hari ng Komedya.”

Ayon sa mga ulat, kritikal pa rin ang kalagayan ng otsenta’y kuwatro anyos na beteranong aktor sa Makati Medical Center.

Sinabi ni Congressman E. E. Pal na isa siyang masugid na tagahanga ng Comedy King.

“Napanood ko halos lahat ng pelikula ni Mang Dolphy. Saludo ako sa kanyang husay sa pagpapatawa. Ang pinaka-paborito ko ay ang “Pasifica Pamaypay Pasampay. Basta, mahusay siya doon. Aliw na aliw din ako sa “Ang Tatay Kong Nanay” kung saan kasama niya ang kyut na kyut na si Aiza Seguerra.”

Idinagdag ng kongresista na isa si Dolphy sa kanyang mga inspirasyon. Katulad ng Comedy King, nagsimula rin daw siya sa wala. Ngunit dahil sa pagsusumikap, kabilang na ngayon si Congressman E. E. Pal sa tinatawag na millionaire’s club ng Kongreso.

Samantala, nakikiisa rin ang kinatawan sa panawagang ideklara bilang National Artist si Dolphy, Rodolfo Vera Quizon sa totoong buhay.

“Matagal ko nang gustong imungkahi ‘yan. Sa katunayan, first term ko pa lamang sa Kamara ay naisip ko na ‘yan. Kaya lang, dahil sobrang busy tayo sa paglilingkod sa bayan, nawaglit ‘yan sa aking isipan. Pero promise, ako talaga ang unang proponent n’yan.”

Naniniwala si Congressman E. E. Pal na panahon na upang ideklarang Pambansang Alagad ng Sining si Mang Dolphy. Susulat aniya sa National Commission for Culture and the Arts, Cultural Center of the Philippines, at ‘Wish Ko Lang’ upang mapabilis ang proseso.

“He is truly a national treasure. For me he is a National Artist. Sa Lunes, maghahain ako ng resolusyon upang maigawad na sa kanya ang pagkilalang noon pa man ay naglalaro na sa aking isip. I reiterate, ideya ko ‘yan! Sa maniwala kayo o sa hindi.

Dalawang healing mass ang nakatakdang isponsor ni Congressman E. E. Pal sa linggong ito: isa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at isa sa Makati Medical Center.

“Samahan n’yo ako sa taimtim na panalangin para sa aking idol, ang ating minamahal na si Dolphy.

Congressman E. E. Pal
House of Representathieves
Quezon City

Postscript:
Lest this statement be misconstrued as politicking, nais linawin ni Congressman E. E. Pal na hindi siya tatakbo for reelection… as of press time.
—————————-
“Live by publicity, you’ll probably die by publicity.”
~Russell Baker

Quotes Quiz: Who tweeted:
“Dear motorcycle rider with your helmet hanging on your arm: Kung maaksidente ka, wag ka mag-alala. Safe ang siko mo. #NagdalaKaPaNgHelmet”

A: Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
B: Cong. Dato Arroyo
C: Sen. Kiko Pangilinan
D: Health Undersecretary Dr. Eric Tayag

Have a safe and productive week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Quotes Quiz Answer: B

Advertisements

Actions

Information

5 responses

25 06 2012
a solemn punch

Base.

Like

25 06 2012
Nonoy

Ang kapal talaga! ‘Hoy, tumigil [nga kayo] , para [kayong] walang kamatayan.’

Ay dyos ko bakit ko nasabi yun? Baka narinig ako ng mga tauhan ni Isko Moreno, tuloy maisip nya gusto ko na siyang patayin. Haay, ang pulitiko tagala, ang kapal, sobrang kapal, kunti anu lang media na kaagad. Itong mga kongresman din naku, sobrang kapal, kasing kapal ng nakurakot.

But the problem is that ang kakapalan gets elected. Ambot lang!!!

Like

25 06 2012
senior60

mukhang mabenta ngayon si dato arroyo

Like

25 06 2012
senior60

ang epal talaga ni cong., sa lagay na yan, hindi ka pa namomolitica?

Like

27 06 2012
Anonymous

uhm, the other posts are funnier. i mean, funny. 🙂

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: