Advertisements

INTERVIEW WITH THE DEVIL 2

7 05 2012

THE DEVIL IS BACK. Last Friday, he was spotted at Fiamma Bar in Makati City. You know what happened next. A young actor was mauled. And on Sunday afternoon, he dropped by NAIA Terminal 3. An actress lost her temper, and an action star traded punches with a columnist. Now, the devil is threatening to disrupt the Corona Impeachment Trial which resumes Monday, May 7. He’s just unstoppable these days. Disturbing.

Saying he had fun answering questions during last week’s interview, the devil granted us another exclusive. This is our Interview With the Devil Part 2.

Kumusta na? What’s up?

Proud demonyo pa rin. And still… winnnning!


Grabe ka. Ano naman ‘yong ginawa mo sa NAIA kanina?

Wala lang. Pinag-rumble ko lang naman ‘yong mag-asawang celebrity at ‘yong maangas na kolumnista. Ang saya! Aliw na aliw ako habang pinapanood sila. Alam mo ‘yong feeling na fulfilled ka? Gano’n ang naramdaman ko.

Ang sama mo!

Thank you!

Wala bang umawat?

Meron naman, pero meron ding tatanga-tanga. Nanood lang. Sa tingin mo ba mamamaga ang mukha ni Tulfo kung alerto ang mga guards? Helllloooo! Lest you forget, worst airport kayo sa buong mundo. Nasa top na rin lang kayo, eh ‘di panindigan na!

Parang ang saya mo.

Eh kasi it all worked out as I exactly planned. Pinagmukha ko silang cheap. Magsuntukan ba naman sa harap ng mga kids at ng publiko! Goodbye civility! Bwaha-ha-ha!

You are so wicked.

Thank you! Btw, did you see my protégé Claudine? Sipa dito, sipa doon. Beautiful! What a showcase of uncouth behavior! I am so proud of her! At si Mon Tulfo? Ang tapang-tapang niya sa radyo ‘di ba? Mula’t simula bentang-benta sa akin ang angas n’ya. Gustung-gusto ko ang pagmumura niya. Pero kanina, hindi siya nakakasa! Bwa-ha-ha Akala ko pa naman hard-hitting journalist siya. This time, hindi siya naka-hit! Nga-nga! Bwahahaha

So, feeling mo may na-achieve ka?

Naman! Claudine Barretto at Ramon Tulfo yata ‘yan! Do you realize that? Claudine at Tulfo – kolumnista ng number 1 newspaper in your country – nagsapakan! Hindi lang Angelica Jones o Madam Auring ‘yan! Kumbaga sa cellphone sa Greenhills, Class A! You know what I’m saying? I think I sort of overachieved this weekend.

So, you’re taking credit for this mess?

Definitely. But with the help of my favorite airline, Cebu Pacific. Naiwang luggage, delayed flights… what else is new? Sinong pasahero ang hindi mapapamura sa serbisyo nila? Cebu Pacific’s consistency at inefficiency is marvelous! Keep it up guys!

Fine! Eh ano naman ang nangyari sa Fiamma Bar last…

Wait lang huh, i have a phone call.

Hello? Who’s this?

– Demonyo ka! Binura mo na naman ang number ko?

Sorry, nagpalit ako ng phone. Sino ba ‘to? Congressman?

– Gago! Si Mike ‘to.

Defensor?

– Hindiii!

Tyson?

– Bobo! Nagtatagalog ba si Mike Tyson?

Malay ko ba! Eh sino ka nga?

– Si FG ‘to!

Ahhh, Attorney! Long time no hear. ‘Musta ang Hong Kong? And’yan ka raw?

– Ssssh. ‘Langhiya ka, ang ingay mo! Baka pag-initan na naman ako nung matandang binata sa palasyo. Babalik ako next week.

O, napatawag ka?

– Eh kasi nabalitaan ko ang nangyari sa kupal na kolumnista kanina sa airport.

Oo nga pala ‘noh. BFF mo dati si Tulfo bago kayo nag-away. What’s your concern?

– Malaki ba ang pasâ? Nabugbog ba?

Kinda. Punyeta ka. Happy ka ‘no? Kayo talaga! Palibhasa like poles repel. Sige na, may interview pa ko. Wait! ‘Wag ka na lang kaya bumalik? Magtago ka na sa ibang bansa!

– Ulol! Huwag mo ‘kong tuksuhin!

Ano ka ba!? Nasa Hong Kong ka na. Samantalahin mo na! Lumayo ka na. Remember, may mga kaso ka! ‘Wag kang mag-alala, gagabayan kita. ‘To naman, ngayon ka pa ba mawawalan ng tiwala sa ‘kin?

– Paano ang asawa ko? Alangan namang pabayaan ko ‘yon.

Wushuuuuu. Ipokrito! Naisip mo ba ‘yan nang lumandi ka kay VT?

– Tarantado! Nag-move on na ko. Loyal na ‘to uy! Sige na nga. Bye na!

End of phone call

Ano nga ‘yong tinatanong mo?

‘Yong nangyari last Friday sa Fiamma Bar sa Makati. Nabugbog ‘yong isang batang aktor.

Yup! I was there. And it felt good. ‘Yong engkwentrong sampalan at sabuyan ng wine?!? Wow. Cinematic. Tinalo ang eksenang Lavinia at Dorina sa ‘Bituing Walang Ningning.’ Sahugan mo pa ng bugbugan sa parking lot. I have nothing but admiration for those kids. And they’re the pa-sosyal bunch huh, not the Baseco Compound type. At a young age, ini-embrace na nila ang kasamaan. I commend their parents for not rearing them well.

You saw what happened? And Andi…

Oh Andi! My beautiful Andi. She’s a role model to all unwed young, moms out there. She’s got a four-month-old baby, and yet, look where she was last Saturday… madaling araw na, lumalaklak pa ng alak. I like this girl. Truly adorable.

And how about the supposed victim, the young actor…

Si Andi na mismo ang nagsabi, nambubugbog ‘yang batang ‘yan. Amazing! He’s got a bright dark future ahead of him. Aalagaan ko ‘yan.

Maiba ako, balik-impeachment trial na naman ang Senado bukas. Sa palagay mo ba…

Oooops, phone call again. Sandali lang…

Hello? Who’s this?

– Pakyu ka! Huwag mo kong ma-‘Who’s this, who’s this’ kung ayaw mong ibreak kita d’yan…

Gusto ko ‘yang language mo! Ipagpatuloy mo lang. Sino ka nga ulit?

– Konting-konti na lang mapipikon na ‘ko sa ‘yo leche ka! Kailangan ko ‘yong LV bag ko na naiwan sa iyong kotse. Dalhin mo dito sa bahay! Ngayon na!

Eh sino ka nga?

– Rayver, ayoko ng ganyang biro? Tae ka!

Rayver? Bwa-ha-ha I wish!

– Pucha! Hindi ba si Rayver ‘to?

Nope!

– Oh fuccccccccck! Shet! Shet! Shet! Maling number na naman ang na-dial ko! ‘Tang-i*a!

End of call.

Sino ‘yon?

One of my favorites these days. Si Cristine. Patawa talaga ang batang ‘yon. Hindi pa rin nagbabago. She’s a pro!

Anyway, as I was saying, balik-impeachment trial na naman ang Senado on Monday. Any forecast?

I heard gagawin daw marathon ang trial ah. Magaling! Magaling! Magaling! Lalong mapapagod ang mga senator-judges. Madaling mag-iinit ang kanilang mga ulo! Magi-enjoy na naman ako sa mga sigawan, lektyur, supalpalan, plastikan at sagutan. Confusion is awesome! Chaos is inevitable! Hatred is love!

Talagang demonyo ka.

Thank you!

Ano ba ‘yong pinakaayaw mong part ng trial?

Itinatanong pa ba ‘yan? Siyempre ‘yong opening prayer! If it’s any consolation though, I can’t help but stand in awe of the hypocrisy of some of my minions in the impeachment court. Pray sila nang pray pero nakaw naman nang nakaw. Isn’t that worthy of praise? Mahal ko silang lahat. I’m sure, the feeling is mutual.

Ano ang pinaka-na-miss mo sa impeachment trial?

Everything about it. The black propaganda, the lies, the spins, the neglected duties of lawmakers, the biased media (great job!), the endless bickering between Malacañang and Corona, the silence of Lito Lapid, et cetera. These people inspire me to do more evil things.

Rapid Round na tayo… I will mention some names at sabihin mo ang unang bagay na maiisip mo about them.

Go!

Cong. Miro Quimbo

Appreciated ko ‘yong fact na kapag napu-push siya sa wall, bini-blame niya ang media. How creative! Never siyang umamin ng pagkakamali. Cunning. Mahal ko na siya.

Para namang may malisya ang pagkakasabi mo ng “Mahal…”

Madumi lang ang utak mo. Pero gusto ko ‘yan. Madumi. Alam mo na!

Export and Industry Bank

The best sila! Ang daming nalokong depositors. Bigla ba namang nagsara! Hahaha Maraming maghihirap. Yehey!

Hayup!

Thank you!

Cong. Rudy Fariñas

He has accomplished ‘things’ in his personal life that were beyond compare. I’m still in shock but I have to admit, I did like it, if you know what I mean. He’s also the richest prosecutor. What more could I ask for? I will always be an admirer.

Atty. Vitaliano Aguirre

I will miss his presence in the impeachment court. He’s an asset. And he’s really special – figuratively, and physically. Sayang.

Ramon Tulfo

The NAIA incident exposed his weakness. I’m disappointed. I expected more from him. But still I’m a believer. Knowing his style (which is a gift from me), gaganti at gaganti ‘yan. I can’t wait.

Gretchen Barretto
She used to be my favorite. But now, napag-iiwanan na siya ng kanyang bunsong kapatid. Wake up! It’s not too late. Magbalik-loob ka na sa akin.

Manny V. Pangilinan

MVP? Hmmm… definitely he’s not a sin. And I categorically deny that I created him as a lie. Hindi kami close. And I hate it. Maybe in the future, mapapasaakin din siya. Sana.

Last question… sa local showbiz, kanino ka pinaka-close ngayon. Heto ang choices: Annabelle Rama, Cristine Reyes, Andi Eigenmann & friends, o Raymart and Claudine & friends?

Kay Tita Annabelle pa rin.

Tita? Pamangkin ka niya?

Pakyu!

Ha-ha-ha Bakit si Annabelle Rama? Ayaw mo kina Claudine at Raymart? ‘Di ba mas gusto mo ang pisikalan?

Mas maraming kaaway si Annabelle Rama eh. Hindi nawawalan. May consistency ang kanegahan. ‘Tsaka sa tingin ko, mas mapera siya. Alam mo naman, for the love of money is the root of all me.

Eh ako, ayaw mo?

Eeeew. Wala kang pera! Nga-nga!

Hayuuup!

Thank you!
——————————————————————–
“Never do anything when you are in a temper, for you will do everything wrong.”
~Baltasar Gracian

Quotes Quiz: Who said these:
1: “I hate to admit it but I am a card carrying member of UHAW:.Union of Husbands Afraid of Wives.”
A: Sen. Kiko Pangilinan
B: Executive Sec. Jojo Ochoa
C: DOTC Sec. Mar Roxas
D: Sen. Bong Revilla

2: “Ayoko namang tumandang mag-isa. Gusto kong magkaroon ng marami pang anak, two or more.”
A: Sen. Francis Escudero
B: Piolo Pascual
C: Gretchen Barretto
D: Kris Aquino

Have a great week ahead! Mabuhay!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Answers to Quotes Quiz:
1: Kiko Pangilinan
2: Piolo Pascual

Advertisements

Actions

Information

53 responses

7 05 2012
zam

nakakuha din si mon tulfo ng katapat….may kayabangan din naman yan….hanggang porma lang naman pala siya….ha ha ha …..palaban din naman si claudine,,,kahit kalmot, nakaganti din siya……

Like

7 05 2012
DD

de mo ba nkita mismo un video? sinasakal ni reymart c tulfo kaya de na cia nkasapak.yung unang salpukan nla mdaming suntok pinkawalan ni tulfo at bumagsak sa mlayo klban nia..de aq mka tulfo,pinliwnag q lng yung tamang nangyari sa video.panuorin ksi munang mbuti bago mg-comment…haaaaai….

Like

8 05 2012
eddibumangon

eh ang video ba na pinanood mo nagpapakita ng buong pangyayari? mag-isip kasi munang mabuti bago mag-comment…haaaaaaaai!

Like

8 05 2012
zam

@dd…yun lang ang nakita mo sa video na palaban talaga si tulfo…how about yung part na wala sa video…yung earlier part na tulfo kicked and shoved claudine to the counter? ( tingnan mo yun previous articles na tulfo acknowledged that he knows he did it during the melee…)…claudine got hurt,,,,,at para makaganti, kahit kalmot o kurot…ginawa nya….ha ha ha ha….
kawawa naman si tulfo, macho ang projection nya, tapos ganun ang makikita mo na may blackeye…kahit heneral hindi nya inuurungan, tapos ganun ang kalalabasan,,,,bugbog sya….

Like

7 05 2012
libertas

“Many human beings need no supernatural
mentoring to commit acts of savagery; some
people are devils in their own right, their telltale
horns having grown inward to facilitate their
disguise”
Dean koontz

In future tuflo et al should fly animal class.

Like

7 05 2012
jasper

new tourism billboard at naia – IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES. WELCOME TO PACQUIAO COUNTRY.

Like

7 05 2012
charesma

thanks for making me a laugh this early. i’ll definitely have a great working monday ahead. 🙂

Like

7 05 2012
William

hahaha nice 🙂

Like

7 05 2012
buhauii

Renato C orona?

Devil: Hmm, pano ko ba idi describe sarili ko?

Like

7 05 2012
etchosera

tatawa po ba ako?

Like

8 05 2012
newbie

oo etchos, dapat tumawa ka. hahaha

Like

7 05 2012
derdo

Your interviews with the devil are consistently funny. But why is it that when the devil says “Mahal ko na siya” I remember someone? I can even hear her saying it.

Like

7 05 2012
Anonymous

Ano bYan kng wla naman Msma s kuha pictre dpat d n lng pnancin .kht gnun ang bbg ni tlfo nkk2lng din naman ska dpat d nila ginwa un s hrap ng mga anak nila.

Like

8 05 2012
newbie

si kristeta?

Like

9 05 2012
derdo

You could imagine her saying it too? 🙂

Like

7 05 2012
libertas

Claudine Barretto is to manners, what Lito Lapid is to oratory.

Like

7 05 2012
jay drilon manaloto

HAHAHAHAHAHAHAHA..GENIUS BLOGGER YOU’IKAW NA’

Like

7 05 2012
jumbledcoffeethoughts

In all that Tulfo-Santiago brouhaha, all I can say is: Don’t be too concerned with your rights that you forget your manners.

They surely made Dark Angel very proud.

Like

7 05 2012
Lola Nila

Tama talaga si Taning (close friend ni former FG Mike) worst airport ang Pinas dhil wala daw CCTV ang NAIA ayon sa personnel ng airport (nung hinamon ni Raymart na tingnan sa CCTV kung sino ang nagsimula ng gulo),,,,
Para kay Mon Tulfo….behhhh buti nga sa iyo dila lang pala ang matapang sa iyo 😀

Like

7 05 2012
piya

mahal ko na siya.. wahahha, bading si devil… kaya siguro parang nr sya kay mvp,,,hayuuu* sa galing ph! kaw talaga!
grabe pati ba naman mga yaya ni claudine nakiupak, kaw ba di magkakaron ng bakas sa mukha- pero knowing tulkups-baka self-inflicted yun para bentang awa.. wahhh

Like

8 05 2012
newbie

uu, bading si ph. este, si devil pala. hehehe. Joke lang ph.

Like

12 05 2012
asarsamababaojuliusbabaw

newbie, parang wala po yatang puwang ang espasyung ito para sa katulad na komentong ginawa nyo, maghanap na lang po kayo na mas angkop sa pananaw nyo at pagkatao nyo. salamat po

Like

14 05 2012
newbie

@asarsamababaojuliusbabaw: walang basagan ng trip. Di nga nag-react si PH dahil alam nyang joke lang yun, and just part of the heckling game. anong puwang-puwang ang sinasabi nyo.

Like

7 05 2012
Suzette Doctolero

so funny! 😛

Like

7 05 2012
maggie1148

I am a college teacher for the social sciences and I tell my students it is a responsibility of a social researcher to protect their privacy, their identity, because what is most important is their opinion and the information they can provide, NOT their faces. This is in the hope that my students will not fall victims of these vulture journalist who hide behind the ‘press freedom’ curtain while yanking their cameras to poor unsuspecting people. But then again, the code of ethics of social scientists might be different from journalists.

Like

7 05 2012
Next Ping (@NextPing)

Interesting yung kay Farinas….

Like

9 05 2012
senior60

tinulak daw ni farinas si maria theresa…

Like

7 05 2012
Smiley

Kwela. :DD

Like

7 05 2012
orijinal

Pwede….

Like

7 05 2012
Anonymous

hahaha…. cool 🙂

Like

7 05 2012
Anonymous

One hell of an article…very funny 🙂

Like

7 05 2012
Anonymous

hahaha..i’m starting to read blogs na..salamats! Kampay! =)

Like

8 05 2012
gadlayk

hayuuuup! hahahaha!

Like

8 05 2012
Anonymous

funny, vintage PH. devil ka talaga.

Like

8 05 2012
Anonymous

So funny! Really, the truth hurts! Ang tinamaan, sana makonsiyensiya.

Like

8 05 2012
libertas

“Am proud of the tulfo brothers. Thugs of the first order – and attacking a woman, masterly. Also playing the victim – brilliant mon mon.
my disciples have learnt well. an award winning performance for the world to see” lucifer

Like

8 05 2012
Anonymous

Haba ng skit…

Like

8 05 2012
newbie

Lumabas ang ka-cheapan ni claudine. Talagang sinakyan niya si mon tulfo.

Like

8 05 2012
hikatalomato

syet! natawa na naman ako ulit!

Like

9 05 2012
senior60

katawa
gyud ta pirme hikata para dili ta mabuang, matod pa ni frost

Like

8 05 2012
Gigi

Mali ginawa nila Raymart in ganging up on someone. But I have no sympathy for Tulfo. Di ba those brothers are known for their AC/ DC operation — attack / collect, defend collect?
Thanks for always linking the Carlson to Farinas, people should not forget what this monster is capable of.

Like

8 05 2012
Anonymous

tulfo vs santiago et.al…. wrath of the bullies!

Like

8 05 2012
senior60

uuyyy si mister heckler crush si cristine

Like

8 05 2012
Anonymous

ph, your interviews with the devil are very eerie…. kakatakot ang katotohanan noh?

Like

8 05 2012
isla

ang galing ng angle mo PH!!! Bow ako sa iyo at hindi ke S.!

Like

8 05 2012
sibrokingparin

Ha ha ha! Matatawa na naman ang mga pamangkin ko sa US at CANADA!

Like

9 05 2012
Lola Nila

Ganun? may pamankin ka tlaga sa US at Canada? Yung mga pamankin mo sa Pinas ndi natatawa?

Like

9 05 2012
etchosera

Gusto rin daw pong tumawa ng mga pamangkin ko sa Kandahar, Afghanistan. Pwede daw po ba?

Like

9 05 2012
senior60

kaka kaka kaka basta kaka…

ang hilig kasi ni demonyo mag thank you

Like

9 05 2012
Nonoy

Reality (bites) makes me laugh out loud! BTW, I’m quite dumb, sa airport pala nangyari ang bugbugan, bulyawan, at sipaan? Akala ko sa kalye yun.. Asal kalye kasi ang asal ng mga taong yun….

Like

10 05 2012
Homer

Walang TV sa inyo?

Like

29 05 2012
Anonymous

the works of a devil is everywhere us, it is up to us to follow them- just like the movies “Devils Advocate” in this movie the “devil” here chose lawyers to be his victim, your guess is as good as mine lol:)) and in “Devil Wears Prada” here the devil’s work is diguised in high class fashion, not all “emily” of the fashion editor played by Merrly Streep listened to the dictates of the devil in the character of the fashion editor. In life we have a choice either to do good or to do evil…just like what the blogger would like to show here, evertime we do evil thing the devil is very very happy and you become his friend!!

Like

21 09 2012
putch

Devil: Kay Tita Annabelle pa rin.

PH: Tita? Pamangkin ka niya?

Devil: Pakyu!

bwahahahah! im gonna die! 😀

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: