Advertisements

GUILTY OR NOT GUILTY?

24 03 2012

THE LATEST PULSE ASIA survey on Chief Justice Renato Corona and the impeachment trial is out. According to the study, “Almost half of the Filipino population (47%) is of the view that Supreme Court Chief Justice Renato Corona is guilty” while only 5 percent believed he’s innocent. Forty-three (43) percent of the 1,200 people survey were undecided.

An anonymous source sent us the questionnaire used in the survey. This is from an unverified source; we cannot vouch for the authenticity of the document.

PULSE ASIA Inc.
Opinion on Chief Justice Renato Corona’s Innocence or Guilt
Date of Survey: February 26-March 9, 2012
Commissioned By: Secret

Mabuhay! Napakasuwerte mo! Sa halos siyamnapu’t apat na milyong Pilipino (94M) dito at sa buong mundo, isa ka sa 1,200 na napiling sumagot sa mga tanong na ito. Akalain mo ‘yon? Congratulations!

Panuto: Bilugan ang titik ng sagot na kumakatawan sa iyong pananaw bilang isang Pinoy na naniniwalang panahon na ng pagbabago, panahon na upang papanagutin ang mga utak-wangwang na nagmalabis noong nakaraang administrasyon, at panahon na upang tahakin ang tuwid na daan.

1: Nang tangkain ni Ginang Arroyo na tumakas palabas ng bansa, naglabas ng TRO laban sa watch list order ni Senator Sec. Leila De Lima ang Supreme Court na pinamumunuan ni Ginoong Corona. Isa ito sa mga isyung nakapaloob sa orihinal na Articles of Impeachment na minadali binuo ng Kongreso. Sa iyong palagay, guilty ba si Corona o hindi?
A: Guilty
B: Malamang guilty
C: Naman!
D: Hindi.
E: Natutulog ako nang magtangkang umalis si GMA. ‘Di ako makapag-comment.

2: Ayon sa kaklase ni Pangulong Aquino administrator ng Land Registration Authority na si Atty. Eulalio Diaz III, may 45 properties si Renato Corona batay sa papel na inilabas ng computer. Grabe naman. Ang dami! ‘Yong ibang tao, sa ilalim lang ng tulay nakatira, tapos siya 45 ang properties!? Wow. Sa iyong palagay guilty ba si Corona o hindi?
A: Nakakagalit. Guilty!
B: Kapal niya. Guilty talaga!
C: Kahit umiyak ulit siya sa balkonahe ng Korte Suprema, guilty pa rin siya!
D: Hindi.
E: Noynoying time ako nang mag-testify si LRA classmate. ‘Di ko nakita. Wala akong comment.

3: Dahil sa mga kapalpakan ng prosekusyon, lagi silang nali-lektyuran ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago tungkol sa batas. Sa inyong palagay, guilty ba si Corona o hindi?
A: Biased si Miriam. Guilty si Corona!
B: Kinakawawa ang prosecution! Guilty kasi si Corona.
C: Hindi naman palpak ang prosekusyon eh. OA lang talaga si Senator Miriam at guilty talaga si Corona.
D: Error 404 Page Not Found
E. Not sure.

4: Ayon kay prosecutor Raul Daza, walumpung porsiyento (80%) ng mga kasong pinagpasyahan ni Renato Corona ay pabor kay dating Pangulong Arroyo. Can you imagine that? 80 percent! Iyan ba ang tinatawag na hustisya? Sa iyong palagay guilty ba si Corona o hindi?
A: Kailangan pa bang imemorize ‘yan?
B: Is the Pope Catholic?
C: Guilty as hell.
D: Hindi.
E: Buhay pa pala si Congressman Daza?! Astig! No comment.


5: Masdan ang larawan. Bakit siya nagtatakip ng tanga tainga/tenga?
A: Dahil super guilty si Corona.
B: Sawang-sawa na siya sa kaka-object ni Atty. Serafin Cuevas palibhasa guilty si Corona.
C: Sisihin n’yo si Corona.
D: Eksenadora. Gustong talbugan si BB Gandanghari.
E: Ayoko siyang patulan. No comment.

6: Kapag medyo naku-corner ang prosecution panel, laging to the rescue tumatayo si Senator Franklin Drilon o si Senator Kiko Pangilinan. Bakit kaya?
A: Eh kasi nga guilty si Corona!
B: Bobo ka ba? Sinabi nang guilty si Corona eh.
C: Patunay lamang na fair sila as senator-judges at guilty si Corona.
D: Can I use a lifeline?
E: Anong relevance ng tanong sa guilt? I cannot comment.

7: “Immaterial, impertinent, irrelevant.” Ito ang madalas banggitin ni lead Defense counsel Serafin Cuevas tuwing may trial. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?
A: Guilty si Corona.
B: Umiiwas at natatakot sa tanong kasi guilty si Corona.
C: May itinatago. Guilty nga kasi.
D:
E: Mahina ako sa English. Ano bang ibig sabihin no’n? Wala muna akong comment.


8: Ito ang larawang inilabas ng Philippine Daily Inquirer noong March 14. Ano sa palagay n’yo ang nagtulak sa pahayagan upang ilabas ang larawan ng stroke victim na si Demetrio Vicente?
A: Guilty kasi si Corona.
B: “If you’re not with us, you’re against us.”
C: Nag-sorry na nga eh! Pwede ba, move on na!? Bakit? Si Corona ba nag-sorry na sa kanyang pagkakamali?
D: (Naubusan ng choices. Pili na lang kayo sa A to C.)
E: Subscriber ako ng The Daily Tribune. Sorry, hindi ako nagbabasa ng government newspaper.

9: Nagpasya ang prosecution panel na huwag nang maghain ng ebidensya at idrop na lang ang Articles 1,4,5,6 and 8. Ano ang ibig sabihin ng hakbang na ito?
A: Walang duda, guilty si Corona
B: Sa Articles 2, 3 at 7 pa lang, wala nang kawala si Corona. What more kung dagdagan pa?
C: Wala ‘yan sa quantity, nasa quality! Go prosecution, fight!
D: Alam na!
E: I hate math. Mahina ako sa numbers. Next question please.

10: Kung bibigyan ka ng pagkakataong makaharap at makausap ang ‘small lady’ na gawa-gawa nag-abot diumano ng bank documents ni CJ Corona kay Cong. Reynaldo Umali ng prosecution, ano ang sasabihin mo sa kanya?
A: “Hi girl, thank you for helping us convict Renato Corona.”
B: “That’s one small step for a woman; one giant leap for the prosecution.”
C: Hulog ka ng langit! Ikaw na!
D: You’re nothing but a second-rate, trying hard work of fiction!
E: Sino si Congressman Rey Umali? Tao ba ‘yan? Bagay? Lugar? Can’t comment.

11. Kakatapos lang mag-present ng evidence ng prosecution. After ng long break, maghahain ng pruweba ang defense. So far, ano ang analysis mo sa trial?
A: Very fair. Guilty si Corona.
B: Ang husay lang ng prosecution, kainis.
C: Naniniwala ako sa headlines ng mga diyaryo, walang lusot si Corona.
D: Masyadong atat ang survey. Pwede bang pakinggan muna ang panig ng Defense?
E: Huwaaat? Ocho-singkwenta na ang pamasahe sa jeep?! Naknamputch! Wait, ano ulit ang question?


12: Ayon sa testimonya ni Navotas Rep. Toby Tiangco, na-delay raw ang release ng pork barrel niya dahil hindi siya lumagda sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Corona. Naniniwala ba kayo sa rebelasyon niya?
A: Guilty si Corona, period.
B: Ang pangit ng buhok niya. Palibhasa, guilty si Corona. (Walang kunek; may masabi lang.)
C: Pork barrel ba ang dahilan kaya nagpuputok ang butse niya? Eh kasi nga guilty si Corona!
D: I trust Toby. Corona’s not guilty.
E: Bothered ako sa taas ng kilay niya. I can’t answer the question.

And finally…
13:
Paano kaya kung pawalang-sala o iacquit ng Senado si Chief Justice Renato Corona?
A: Isa lang ang masasabi ko, and let me quote our dear President: “I find it hard to imagine not to get the result I would want.”
B: Plan B baby!
C: Ang ‘di boboto para sa conviction ni Corona, sa susunod na eleksyon ay ibabasura! Binabalaan kita!
D: Accept the decision and move on.
E: Yey! Natapos rin ang survey. ‘Asan na ang gift pack ko?

Pahabol na Tanong:
Kapag lumabas ang survey na ito, ano ang gusto mong maging headline sa mga pahayagan at news websites sa Pilipinas:
A: Poll: 47% of Pinoys believe CJ is guilty
B: Filipinos divided on Corona
C: 47% of Pinoys think CJ is guilty: Pulse Asia survey
D: Uncertainty about Corona guilt strong but majority trust Senate to be fair – survey
E: Is Corona guilty? 47% thinks he is – Pulse Asia

MARAMING SALAMAT sa inyong oras at pagtitiwala sa survey na walang kinikilingan, walang pinuprotektahan, walang kasinungalingan serbisyong patas lang. At asahan n’yo, hangga’t may nakahandang magbayad na pulitiko, magsa-survey kami saan man sa mundo!
———————————-
“Latest survey shows that 3 out of 4 people make up 75 percent of the world’s population.”
~Author Unknown

You Have Spoken
Now that God had “told” Manny Pacquiao to retire, should he?
-YES. Enough na. 23.35%
-NO. Pakiusapan niya si God, isa na lang: Mayweather. 18.5%
-Kinausap siya ni God? Weh? 58.15%

Have a safe weekend!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

23 responses

24 03 2012
Anonymous

Although not a direct comment/reply to the post…………… Can we be assured by the Interested Parties that it will be for our benefit if CJ Corona will be found guilty and impeached? That, there will be real changes in the Judiciary? Or, we will just expect that there will be a New Chief Justice, say, Chief Justice Drilon on a new robe, a picture of an upgraded CJ Corona Replacement making a Legacy for himself but to our dismay….. still of the same color as expected of our elected, appointed and handpicked Government Officials. I’m just thinking within the range of my IQ.

Like

24 03 2012
bituing marikit

i have a nagging feeling the witch hunt will extend to the other sc justices appointed during gma’s term.Not to cleanse the judiciary but to intimidate the justices so that the executive branch gets its way.

its as if a leftist strategist is calling the shots or directing the govt.,greatly influencing a clueless leader, until all government institutions are destroyed.That is their ultimate goal of joining the government service via the cabinet, party list,courts, etc.

How i wish we have a statesman for a leader,who has a clear grasp of history,of positioning our country in the world,and who has a genuine interest of uplifting the quality of life of its citizens ( not only of his allies and kkk and clan).

Like

24 03 2012
rohan_ph

malayong mas bata palang tignan si toby pag itim buhok nya. haha.

Like

24 03 2012
libertas

brilliant!

in a recent survey 100% thought false asia should give up ‘surveys’.

happy holidays. House of Reps Committee just left on all expenses paid ‘survey’ of Singapore!

Like

24 03 2012
William

haha thanks PH

Like

24 03 2012
libertas

in a recent survey by falsies asia, it is thought that the transgender respondents were hiding something.

congressman cormensars#s wants to delve into it.

Like

24 03 2012
maytopakcia

hahaha, A,B at C ang sagot ko sa lahat… salamat heckler at pinapasaya mo kami lagi. chos!

Like

24 03 2012
eedyah

Purse Asia.
False Asia.
Way Pulos Asia.

hahayyyyy…. Tanga pa rin ang tingin nila sa mga Pilipino.
At pumupunta lang sa propaganda machineries ni Panot ang tax ng bayan. Si bayan naman, nagpapaloko pa rin…

Like

25 03 2012
senior60

cute din mga erasures mo mister heckler

Like

25 03 2012
senior60

mister heckler, hindi ko naintindihan ang ” Pahabol na Tanong ”

pwede paki rephrase?

Like

25 03 2012
Ruby Rock

Weh, kinausap talaga siya ni Lord? He he he … sana ask na rin niya if kinulam nga talaga si Mommy Diony.

Like

25 03 2012
Ruby Rock

Impeach him!

Like

25 03 2012
piya

lol ph, kaw na . love na talaga kita.
akoy naaliw ng husto post mo na ito, hindi dahil makanoynoying ako or makachit-j ako,
pero natuwa ako na may isang nag-tangkang ipaunawa sa lahat kung ano ba talaga ang laman ng isang survey.. Pinasasagot ka sa isang questionnaire na wala kang ibang puedeng isagot- kung hindi .guilty
lol talaga, you are one genius heckler

Like

26 03 2012
Anonymous

grabe sobrang sikat mo na heckler! bida ka lagi sa Karambola lol

Like

26 03 2012
professionalheckler

ows? when?

Like

27 03 2012
Nathaniel A. Ong

NOt Guilty, People make money and want to reward all there effort. Lahat tayo kailangan mabuhay and let GOD bless us all. God Bless us all.

Like

27 03 2012
Nathaniel A. Ong

mag trade na lang tayo. may pera pa.

Like

27 03 2012
sasaliwngawit

hello, professional heckler,

panalo ang write-up na ‘to, nakakasakit ng tyan. ^^ magaganda ang choices D and E, mas may attitude, hihi… 🙂

salamat na lang at active pa rin ang ‘yong WP account (akala ko po ay ang dot com na lang). keep on writing. cheers! 🙂

Like

27 03 2012
Anonymous

PH… hobby ko na magbasa ng blog mo.
nope, it’s more than that.. it’s my primary news source >.<
unang una pa minsan sa balita sa TV. yeah!
keep 'em coming.. 😀

Like

29 03 2012
Rj de Lemos

kasi nga guilty si corona//hahaha

Like

24 05 2012
Nathaniel Ong

Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago please help me.

Like

29 05 2012
Problems and Politics | An Ciudad han Tacloban

[…] told them in a matter of fact tone that I was thinking of the fate of Chief Justice Renato Corona. It looked like both of them believed. Well, I likewise believed in that lie, […]

Like

30 05 2012
jennifer labung

Not guilty po..masyado ng maraming binibintang sknya,at halata naman na gumagawa ng paraan ang administrasyn para lng maimpeach sya..focus na focus c noynoy dyan ee.hate kc nya c cj.so kht d nya kslanan.dinadagdagan nlng nya 😉 .base on my knowledge.hahaha

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: