FEBRUARY 21 is International Mother Language Day. In belated celebration of this UN-declared observance, I am writing this regular post in Filipino!
Ngayon ay Pebrero 22, 2012 – ang unang araw ng Lent o Kuwaresma. Ash Wednesday pa lamang ngayon pero kahapon pa Biyernes Santo ang mukha ng prosecution panel.
Hindi pinayagan ni Presiding Officer Juan Ponce Enrile na tumestigo sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona ang vice president for sales ng Philippine Airlines na si Enrique Javier. Flight canceled.
Dismayado ang prosecution panel sa naging pasya ng impeachment court na huwag pagsalitain ang kanilang testigo. Ngunit mas dismayado si Enrique Javier sa naantala niyang TV debut.
Nagpasya ang prosecution panel na idrop na lamang ang ilang alegasyong nakapaloob sa Article III ng impeachment complaint. Hindi naman sinabi ng grupo kung kailan nila ida-drop bilang pinuno si Niel Tupas.
Hinamon ni Senate President Juan Ponce Enrile ang prosekusyon na palitan siya bilang Presiding Officer sa impeachment trial kung hindi sila kuntento sa kanyang mga ruling. Sa ‘di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng excitement si Senador Edgardo Angara.
Hindi pa rin natutukoy kung sino ang nag-leak sa bank documents ni Chief Justice Renato Corona. Itinanggi na ito ng bangko, itinanggi na ito ng AMLA, itinanggi na ito ng Bangko Sentral. Pwes, imbestigahan ang RA Gapuz Review Center!
Sa ibang balita…
Nag-courtesy call ang Hollywood actor na si Jeremy Renner kay Pangulong Aquino. The Bourne Legacy meets the Burnt Legacy.
Dahil sa nakatakdang arraignment bukas ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, hinigpitan na ng pulisya ang seguridad. Sa katunayan, wala na raw mas hihigpit pa rito… maliban na lang sa mukha ni Vicki Belo.
Sa Police Report: Isang lalaki ang inaresto matapos diumanong magnakaw ng pitumpu’t anim na piraso ng bra sa SM San Lazaro. Ayon sa suspek, wala nang gatas ang kanyang anak kaya’t dibdiban ang paghahanap niya ng pera.
Sa Maynila, nagkapasa-pasa ang katawan ng isang beinte-tres anyos na lalaki matapos mapagtripang bugbugin ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi pa tiyak kung ang mga suspek ay miyembro ng isang gang o miyembro ng Lambda Rho Beta ng San Beda College.
At sa Showbiz… Mula Amerika ay bumalik sa bansa noong Lunes ang kontrobersyal na celebrity doctor na si Vicki Belo. Tinangka ni Belo na lituhin at pagtaguan ang media sa pamamagitan ng pagsakay sa wheelchair, pagtatalukbong ng kumot, at pagsusuot ng luma niyang mukha.
Sakay ng wheelchair si Vicki Belo nang lumabas ito ng NAIA noong nakaraang Lunes. Marami tuloy ang nagtatanong kung nakakapilay raw ba ang Oedipus Complex.
Mga Tampok na Larawan sa Linggong Ito
Sen. Kiko Pangilinan: Bakit may kopya ka ng love letter ni Presidente kay Grace Lee?
Sen. Panfilo Lacson: Aba, malay ko bang love letter ito. May maliit na babaeng nag-abot nito sa akin kanina.
Sen. Koko Pimentel: Mga tsismoso!
Sen. Antonio Trillanes: “Dear Blueberry Cheesecake, I hope to… ” BLUEBERRY Cheesecake?!? Ang cheesy ng pucha!
Sen. Alan Peter Cayetano: Ate, check mo nga kung anong pinagkakaabalahan ng matanda sa tabi mo.
Sen. Pia Cayetano: Wait, sisimple ako.
Sen. Chiz Escudero: Manong Joker, adjourned na ang trial. Tara na!
Sen. Joker Arroyo: Teka, binabasa ko lang ‘tong psychological records daw ni Noynoy na iniabot sa akin ni Manny.
Sen. Manny Villar: Ang ingay n’yo naman Manong. ‘Di ba sabi ko atin-atin lang muna ‘yan?
Sen. Jinggoy Estrada: Manong, alam n’yo ho ba ang pangalan ng magandang babaeng laging present sa gallery? Masama ang tingin ni Senator Angara eh.
Sen. Joker Arroyo: Naku, may bago pa ba d’yan? Hayaan mo na ang chickboy na ‘yon.
Sen. Frank Drilon: Gago ‘tong dalawang ‘to ah. Pinag-chi-chismisan ang brod ko sa Sigma Rho.
Sen. Juan Ponce Enrile: ‘Yon ang nabasa ko! Kaya raw hiniwalayan si Hayden Kho, kasi nga may kinalolokohang yoga instructor na mas bata at mas macho.
Sen. Tito Sotto: Sa yaman ni Vicki? Suwerte ‘yong lalaki!
Sen. Panfilo Lacson: In fairness, suwerte rin si Vicki!
Sen. Manny Villar: Bakit ba kailangang hiwalayan pa? ‘Di ba pwedeng double insertion? Joke lang!
Mrs. Cristina Corona: O, bakit umiiyak ka na naman? Ipakita mong hindi ka mahina.
Chief Justice Corona: Eh kasi, plano kong pumunta sa London Olympics. Bigla ba namang kinansela ng PAL ang Platinum Card ko. Ang sakit!
Atty. Judd Roy: Naknampoodle. Na-hack yata ang Twitter account ko. Ayun, pinagpipiyestahan ngayon ng palasyo! Asar!
Justice Cuevas: I’m sorry counsel. But your manifestation is immaterial, irrelevant and impertinent to our case. Teka, ano ba ‘yong Twitter?
Boom!
————————————————————————-
LAWYER: A professional advocate hired to bend the law on behalf of a paying client; for this reason considered the most suitable background for entry into politics.
~The Cynic’s Dictionary
Quotes of the Day
“The court has already ruled. You are wasting the time of this court. My God! You have to have discipline here! You make allegations and you are going to expand it without making the proper changes in your Article 3.”
~Presiding Officer Juan Ponce Enrile
“Mga kriminal pala sila. Hindi sana pumapatay ng tao ang initiation nila.”
– Hazing victim Marvin Reglos’ father
Enjoy the rest of the week!
Share this on Facebook and Twitter:
I am on Twitter: @HecklerForever.
Nakalimutan mong banggitin, kapatid, na naka-cargo shorts si G. Renner habang nakasuot siya ng barong. #EpicFail!
LikeLike
Cargo pants po, hindi shorts. Hindi pa rin sumusunod sa karapat-dapat pero at least natakpan pa rin yung tuhod.
Isipin ninyo: Dalawang sikat na ginoo. Yung isa sa kanila, showbiz na showbiz at laging napapaligiran ng mga magagandang babae kahit na nakakapagtakang wala pa ring asawa hanggang ngayon.
Yung pangalawa, si Jeremy Renner.
LikeLike
Cargo pants naman ata.
This just show that this overrated Renner guy is mocking not only Pnoy but Filipinos in general. He should have wore formal pants in his meeting to show respect to the President.
Di ko papanooorin sa big screen yang Bourne Legacy na yan, bibili ako ng pirated DVD as a sign of protest!
LikeLike
ang gusto ko sana mapansin ito ni sotto at ng maipa
recall ang ating ambassador to, taga saan nga ba ito?
LikeLike
I love your humor… He he he…
Sa dami ng sinabi mo, sa huli pala interesado ka pa rin kay Renner
LikeLike
a test for my language translation software – it doesnt always see the joke, – and no joke to read of another hazing death.
‘the degeneration of well educated and privileged students into a savage and barbaric mob’ william goldings book ‘lord of the flies’.
allegorical fiction becomes fact in the training of lawyers!! i rest my case. i hope DoJ does not rest until true justice is served
LikeLike
Asa ka pa. Nasa matataas na katungkulan ng Judikatura ang ilang myembro ng Lambada este lambda loko loko Fraternity. Hahanap lang yan ng scapegoat o kaya not guilty ang hatol dyan. Baka papalabasin nilang suicide
LikeLike
hahaha, the best! I am an avid follower of you. Such a great:)))
LikeLike
hehehe dapat ipatawag ng senate ang ra gapuz review center baka sa kanila nga nanggaling yung leak ng bank documents ni cj corona. nice one ph.
LikeLike
ang mga prosecutors/noynoy ay hindi nababahala kahit matalo sila, ipa
impeach na naman daw nila si cj the next time around at alam na daw nila ang kanilang mga pagkakamali…………me ganuon?
LikeLike
🙂
LikeLike
HIMALA! may HIMALA!
LikeLike
well done!! love it sir..!
pwede po ba sa susunod isali nyo naman po si Senator Lito Lapid sa conversation ng ating mga kagalang-galang na senador? :)))
LikeLike
a galing ni Bong Revilla sa senado. i just learned how to say “sirkolar 41”!
LikeLike
malacanan – speaking with forked tongue:
– corona – PAL card – ” bribery”
– naguiat PAGCOR – accepts 6 million pesos in ‘gifts’ – ” no problem – saves money, cuts costs”!!
Lapid – ‘ silence has become his mother tongue’
language of love:
dating – hoping to get some action
exclusively dating – getting some action
engaged – action on demand
married – action (with mistress)
a good friend – the mistress
yoga teacher – the toy boy
LikeLike
no matter if lapid is just silent as long as his one very important
vote goes to the prosecutors/noynoy courtesy of kris’ convincing
power
LikeLike
haha ayos! salamat bossing 🙂
LikeLike
hahaha kakaaliw ang paglalagay ng conversation ng pics!
LikeLike
the genius at work
LikeLike
mabenta ang tampok na larawan lalo na yung una!
LikeLike
i think there should be the ph impeachment charts/awards
some like best prosecutor -drilon – there is little competition
others
biggest girl!
best contribution
least contribution
best moment
gaydar alert!
LikeLike
palitan ang protocol officer ng malacanang. hindi naka tuck in and undershirt ni jeremy.
LikeLike
uuuyyy infinite justice kung maka ‘i tell you’ ka akala mo
kung sino ka ha, bakit? ano ngayon kung blog site ito,
anong problema mo, magpasagasa ka kaya sa pison
very sorry mister heckler, ang bastos kaya ng taong ito
LikeLike
peace!!!!
LikeLike
war na kayo ni boy abunda? sya kaya ang endorser ng Gapuz review center.
LikeLike
ayoko na ng blueberry cheesecake! hahaha!
on a serious note, hindi ko gets kung paano naging proof of brotherhood sa fraternity ang hazing. hindi ba dapat ang maging basehan ng kapatiran is yung andun ka sa panahong kailangang kailangan ka?
(you know, parang pnoy and his KKKKK…)
once again, a great post, mr. PH!
LikeLike
p-noy looks happier with jeremy renner than with grace lee. Mmmm
sorry p-noy, jeremy already has a live-in boyfriend but am sure you had something in common to talk about.
even the UK press is asking questions about p-noy’s sexuality – guardian newspaper ” endless speculation” – thats newspaper language for ‘own up to the truth’
LikeLike
enjoy ako sa conversation ng mga senators…kakatawa talaga. ang chismoso nilang lahat…hahahaha….
ur so great heckler…
LikeLike
genius! ikaw lang!
yung pangulo nyo, nakanganga na naman. hay naku
LikeLike