FUN WITH SLOGANS

THE PHILIPPPINE GOVERNMENT launched a new campaign to promote the country’s tourism industry. DOT Secretary Ramon Jimenez unveiled Friday the slogan: “It’s more fun in the Philippines.” Filipinos have mixed reactions to the tagline.  Celebrities, lawmakers, government people, bloggers, netizens are talking about it. Even Neil Gaiman tweeted something about the slogan. But what I truly enjoyed reading was the conversation among relatives – ‘WOW Philippines,’ ‘Pilipinas Kay Ganda’, and “It’s more fun in the Philippines.” Today, I am publishing the exclusive transcript of their exchange. Have fun!


WOW Philippines (WOW): Oh, did you hear the news? May bago nang slogan.
Pilipinas Kay Ganda (GANDA): Oo nga eh. Pa-suspense pa ang unveiling!
It’s More Fun in the Philippines (FUN): Ahhhm, ehem. Are you talking about me?

WOW: Oh! Look who we’ve got here! The neophyte!
GANDA: Hi friend.
FUN: ‘Musta? Mabuti ka pa Ganda, medyo nice. ‘Sabagay, iisa naman ang pangulo natin. Eh ‘yong isa d’yan, parang bitter. Ewan ko lang huh pero parang ‘di maka-move on.

WOW: Hoy! Nananahimik kami nang bigla kang dumating. Sino sa atin ang rude? Teka, hindi ka ba napagkamalang centipede sa labas? Ang haba mo kasi! Hahaha
GANDA: True that! Hahaha
FUN: So pinagtutulungan n’yo na ako ngayon? Sabihin n’yo lang kung gusto n’yo ng away dahil hindi ako uurong. Mga nega!

WOW: Eh kasi naman, nine years na akong namamayagpag. Dapat ba talagang palitan?
GANDA: Kahit naman anong brand bro, nagpapalit ng campaign ‘di ba? Nagbabago ang trends, nagbabago ang market so kailangan ng bagong ideas.
WOW: Excuse me! Siguro sa ating tatlo, ikaw ang pinakawalang ‘K’ magsalita about new ideas! Baka nakakalimutan mo, inangkat ka lang sa Poland!
GANDA: Ang sakit mo namang magsalita. Inamin ko naman ah.
WOW: Dapat lang! Gumastos-gastos pa ang gobyerno ng limang milyon sa launch mo, wala namang napala!
GANDA: (hysterical) So anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harap mo? Sambahin ka? Hindi pa ba sapat na nag-resign ang mga boss ko? Hindi ka pa ba masaya sa abut-abot na kahihiyang dinanas ko?

FUN: Wait lang guys, puwede bang mag-usap na walang insultuhan? Puwede ba?!
GANDA: Eh kasi ‘tong lolo mo. Kung makapanghamak, akala mo kung sinong pinakamagaling sa mundo!
WOW: Lolo?! Lolo talaga ang tingin mo sa akin! Gusto mong sampalin kita ng statistics! Take note: Year 2000, 1.8 million foreign tourists lang ang bumisita sa bansa. By 2010, bago ako palitan ng presidente n’yo, 3.5 milyon ang mga turista! Kahit sina Aling Tacing na mananahi at Mang Kanor na construction worker, familiar sa pangalan ko. Tandaan n’yo ‘yan!

GANDA: Bakit???? Nag-trend ka ba sa Twitter katulad ng friend ko rito?
FUN: O, ba’t nadamay ako? Ayoko na ngang ipagyabang na nag-trend ako worldwide eh. ‘Tsaka ‘Lets go to Sweden’ lang naman at ‘Jersey Shore’ ang nilampaso ko sa Twitter during may launch last Friday kaya ‘wag n’yo na akong idawit sa away n’yo, ok?.

WOW: Hindi halatang mahangin ka. In fairness.
FUN: Eh anong magagawa ko kung pag-usapan ako sa cyberspace? Partida pa huh! Bawal pa sa presscon ng DOT ang camera. Maraming restrictions. Pero ‘kita mo naman, top trending topic in the whole world. ‘Yan ang Wow Philippines!
WOW: Ay! Wala pang three days uma-attitude na? At ipagmalaki daw talaga ang Twitter?!?
FUN: Well, hindi kita masisisi. Noong kasikatan mo kasi, Friendster pa lang ang uso.
GANDA: Bwahahahahahaha
WOW: Kung makatawa naman ang Polskang ‘to! Tumahimik ka nga!
FUN: Polska!!! Hahaha Benta sa ‘kin ang linya mong ‘yan WOW!

GANDA: Hindi na kayo nakakatawa. Lalo ka na FUN. Akala ko pa naman kaibigan kita!
FUN: Oo nga! Eh funny naman talaga ang epic fail na Polska-inspired na logo mo ah.
GANDA: Bakit? Eh ‘yong ‘It’s more fun in Switzerland!’ Hindi ba nauna sa ‘yo ‘yon? ‘Yong ideya mo, anim na dekada na! Sa tingin mo ba original ka?
FUN: Ayoko nang patulan ang mga intriga! Namamayagpag ang pangalan ko these days, ‘yon ang mahalaga. To quote my boss Mon Jimenez, “The line isn’t a manufactured slogan. It’s simply the truth about our country. Don’t be swayed by people who are trying to punch holes in it.”
WOW: Whatever! Basta kami ni Boss Dick, naniniwalang mas superior pa rin sa inyo. Kahit saang survey n’yo pa daanin, kahit sa nakakawindang na TV Patrol Poll pa ‘yan, mananalo at mananalo pa rin ako! After all, like Anna Dizon, ‘WOW Philippines is WOW Philippines.’

FUN: O s’ya. Suportahan n’yo na lang ako, pwede? ‘Yong 3.7 million tourists natin last year, dagdagan pa natin.
GANDA: Wait, may idea ako.
WOW: ‘Wag na! Baka kinopya mo na naman ‘yan.
FUN: Hahaha C’mon WOW, give Ganda a chance.
WOW: Sige na nga, ano ‘yon?
GANDA: Eh kung isuggest kaya natin sa DOT na magsama-sama tayo? Something like, “WOW! Gandaaaa! Fun!”
WOW: Alam mo… you’re so brilliant. Gandaaaa! Lambot! Dulas! Parang nagpa-hot oil!
FUN: Haha Ikaw talaga WOW, you’re so mean. Suplado! Lumalabas ang pagka-Dick mo!

GANDA: Ayoko nang makipag-usap sa inyo! Mayayabang!
WOW: Eh ‘di wag! Polska! Polska! Polska!
FUN: Tama na WOW! Hindi ka na nakakatuwa. Magpipinsan pa rin tayo.
WOW: Fine.
FUN: Let’s just meet sometime next month. ‘Sensya na. Busy na ako starting next week. I am going to travel around the world. Excited na ako.
WOW: Uy, ingat ka huh. Baka mabugbog ka.
FUN: Saan?
WOW: Sa Switzerland.
FUN: Ulol!
GANDA: Gandaaaaa!
————————————————————————————————-
“I travel not to go anywhere, but to go. I travel for travel’s sake. The great affair is to move.”
~Robert Louis Stevenson

Quote of the Week
“We need a line that is easily understood. Competitive. More fun in the Philippines is true. Keri natin ito.”
~Tourism Sec. Ramon Jimenez

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

38 thoughts on “FUN WITH SLOGANS”

  1. Copycat ads are the advertising industry’s way of cheating clients out of money by pretending to do research and original work.

    INTERNATIONAL ADVERTISING GROUPS
    RANKING
    (January 5th 2011)
    – Ranking of the companies using copycat/less original adverts
    1 – DDB Worldwide (77 “less original” entries)
    2 – BBDO (68 “less original” entries)
    3 – Ogilvy & Mather (55 “less original” entries)
    4 – TBWA, (54 “less original” entries)

    Source:
    http://www.joelapompe.net/

    Bbdo – give the taxpayers their 5 million pesos back

    Like

  2. If you used the map in the ‘fun’ logo in the Rorschach inkblot test i suspect ‘ a horny old man with an erection’ would figure prominently

    Appropriate since the design is based on a sleeping mat, and we all know what ‘fun’ is euphemism for.

    Did harry thomas have input

    Like

  3. funny as ever 😀

    i wonder what country was used as baseline for the “more fun” slogan. so for their future conversation, please make them talk about specific countries that are “less fun” than the philippines; say, using the handle: “it’s more fun in the philippines than in __________ because …”.

    Like

  4. aminin mo na heckler, maka-wow ka rin anoh!

    pero in fairness you’d like to give fun a chance. kami na mga tinatawag nilang nega. haters at crabs – hindi kami pauuto sa paulit-ulit na pamimilit!

    utang na loob ang naninilaw na mapa, yuck lang ha.

    siguro kung aprub ang investment/business sector, baka magbago pa isip ko at pag-aaralan ko talaga siyang tanggapin.

    Like

  5. Here are some for domestic tourism:

    – Boracay, You Sexy Beach!
    – Haller, Baler!
    – Bohol: Go To Hill!
    – Be Cool, Bicol!
    – Thank you, Camiguin!
    – Maliit Navotas, Lumalaki!
    – We Fly High In Capiz!
    – Go Gaga In Naga!
    – Kaibigan, Punta Na Sa Vigan!
    – Virac, You Rock!
    – Kamuning Get Me!
    – Better Leyte Than Never!
    – Whee! Tawi-Tawi!
    – Walang Aayaw Sa Apayao!
    – Maraming Gig Sa Taguig!
    – Bongga Ka Day, Sa Norzagaray!
    – I wanna dance with Zambales, I wanna feel the heat with Zambales!

    Like

  6. si bobong kalokah suportahan daw ang stupidong slogan tanga ka aboymal sa tingin mo slogan ang pupuntahan ng turista estupida syempre mag reresearch din mga yan bago pupunta sa isang lugar kaya sabihan mo ang mga amo mong bobong dlawan na ayusin muna ang bansa kahit pangit ang slogan basta maganda at safe ang lugar.isa ka pang inutil.!!!

    Like

  7. Para sa akin, bilang isang Pilipino, wala namang mali sa mensahe ng bagong DOT slogan. Magagalit ka man sa sarili mong bansa dahil sa b*llsh*t na pulitika, pero para sayo, it’s still more fun to be a Filipino. ^_^ PERO minsan dapat natin tignan kung natatabunan ng emosyon natin yung OBJECTIVES ng isang tourism slogan.

    Ano mararamdaman mo sa “It’s More Fun in America!” “It’s More Fun in Japan!” o “It’s …More Fun in Spain!”? (Pag ako nakarinig niyan, babatuhin ko sila ng books ng Philippine history! Joke!) Ano naman ang mararamdaman ng mga dayuhan sa “It’s More Fun in the Philippines?” (Wag na tayo mag-expect na sasabihin ng mga foreign celebrities or politicians like those in the U.S. na “No, it’s not more fun in the Philippines! This is America, man!” Malamang walang magsasabi, e di na-Claire Danes sila.)

    Lahat kaya ng mga dayuhan ay tatanggapin sa mga sarili nila na it’s more fun in a foreign country, like the Philippines? Sana magkaroon ng international survey para hindi lahat ng perspective ay galing sa loob; at hindi lahat nang nagmamahal sa sariling bansa na may counter-argument for improvement ay tinatawag kaagad na negatron. 🙂

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s