Advertisements

HULA OOPS 2012

3 01 2012

IT’S THAT TIME of the year again. Self-proclaimed psychics are being invited by radio and TV programs to dish out vague generalizations about what the future may hold for famous people and the Philippines in general.

Madam WTF: Nakikita kong marami pang papasok na bagyo sa Pilipinas sa taong ito. (Wow, shocking!)

Bro. Whatever: Kung hindi mag-iingat ang isang kongresista, baka masangkot siya sa aksidente. (Hey, do the solon a favor. Identify him!)

Since most Filipinos tend to be suckers for predictions, I asked a neighbor, Madam Kalachuchi to share with us her forecast for 2012, the Year of the Water Dragon. Warning: Ang mga ito ay pawang hula lamang. Puwedeng basahin, huwag masyadong seryosohin. Here we go…

Madam Kalachuchi:
Gudap tirnun! Maswirting araw sa inyung lahat! Aku si Madam Kalachuchi – ang walang kenekelengan, walang penuprutiktahan, at walang kasenungalengang psychic – magpaparamdam sa inyo saan man sa mundo! Higit sa prediksyon… aksyon!

(Note: Autocorrect activated)

Sa tulong ng aking vibrator ay ibabahagi ko sa inyo ang aking vibrations para sa Year 2012 – ang taon ng mga biyenan, este, taon ng dragon.

Sa pangkalahatan, magiging payapa ang daigdig… maliban na lang kung maging adventurous si Kim Jong-Un at pindutin niya ang pulang button. Boom!

Ang Pilipinas ay mananatiling third world country pero laging first sa kung anik-anik na Guiness World Records.

Magpapatuloy ang pananalanta ng mga bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa. Ngunit sa mga lalawigan, mababawasan ang tubig-baha; mapapalitan ito ng troso-baha.

Walang permanente sa mundo kundi pagbabago – at oil price hike. Tuloy ang kaswapangan ng mga kompanya ng langis.

Si Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi papayagang umuwi ng bahay. Mananatili ang hospital arrest. Sa sobrang frustration, ibabaling niya ang atensyon sa pagsusulat ng aklat. Sa haba ng tatakbuhin ng kinakaharap niyang mga kaso, makakapagtayo siya ng isang library.

Magiging mailap pa rin ang pag-ibig kay Pangulong Aquino. If it’s any consolation, napaghandaan n’ya na ‘yon.

Hahanap ng excuse ang Pangulo upang hindi siya dumalo sa kasal nina Councilor Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo sa January 22. Posibleng magpa-schedule siya ng visit sa isang lalawigan sa araw na ‘yon.

Ang lucky number ni Pangulong Aquino sa taong ito ay two-thirds (2/3).

Paulit-ulit na magiging top trending topic worldwide sa Twitter ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Sa kasagsagan ng trial, maglalabas ng survey ang SWS at Pulse Asia na nagpapakitang mayorya ng respondents ay nagi-expect ng ‘guilty’ verdict kay Corona. Malaki ang magiging impluwensya nito sa gagawing pagboto ng mga senator-judges lalo na ang mga reelectionists.

Sa ngayon ay wala akong nakikitang malinaw na ending sa impeachment trial ngunit malinaw sa aking bolang kristal na tatlong beses makakatulog si Sen. Lito Lapid habang isinasagawa ang paglilitis.

Kung tagumpay na malalampasan ng Pilipinas ang impeachment trial, magandang future ang naghihintay sa bansa. Hindi ko lang sure kung present pa rin sa naturang ‘future’ sina Sen. Juan Ponce-Enrile at Mrs. Imelda Marcos.

Mas mauuna pang maubos ang buhok ni Pangulong Aquino kaysa sa pagsasabatas ng Reproductive Health Bill at Freedom of Information Bill.

Tataas ang singil sa tubig, kuryente, at pamasahe pero hindi makikialam ang Malacañang dahil popular pa naman ang presidente.

Posibleng masangkot sa isang sex scandal si Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa. Maging cautious sa mga nami-meet na babae. Tiyaking sila ay babae.

Hindi makakabuntis si DOTC Sec. Mar Roxas.

Hindi mabubuntis si DOJ Sec. Leila De Lima.

Magkakaroon ng sequel ang ‘itlog ni Topacio.’ Hindi nito mapapantayan ang kasikatan ng naunang punchline ng kanyang amo.

Kung hindi mag-iingat, mao-overdose si Mrs. Elena Bautista-Horn sa sleeping pills. Or worse, malulunok niya ang kanyang dila.

Hindi kikita ang ‘Emilio Aguinaldo’ biopic ni Laguna Governor ER Ejercito pero sapat na ang na-generate nitong buzz upang mag-decide ang gobernador na tumakbo sa pagka-senador. Matatalo siya.

Sa Sports…
Gagastusan ni Manny V. Pangilinan ang pagdalaw sa bansa ng Makati-born, National Football League quarterback na si Tim Tebow ng Denver Broncos.

Hindi matutupad ang hangad na five-peat ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP basketball. Tatalunin sila sa Best-of-3 finals, 0-2 ng isang koponan. Hindi UP ‘yon. Sure na.

Ang mga players ng San Beda Red Lions na hindi mada-draft sa PBA ay papasukin ang contact sports, puwedeng boxing o mixed martial arts.

Sa Showbiz…
Mali-link si Kris Aquino either sa isang rugby o football player… depende sa tolerance level ng atleta.

Masasangkot sa isang kontrobersya ang pamilya Pacquiao. Isang gabi, maririnig ang malakas na sigaw ni Manny: “Magnanakaw! Magnanakaw!” Si Jinkee lang pala ‘yon. Hindi lang siya nakilala ng People’s Champ.

Hindi na mapapantayan pa ng anumang susunod na Vice Ganda movie ang kinita ng ‘Praybeyt Benjamin.’ Natuto na ang mga tao.

Walang magiging improvement sa hosting skills ni Manny Pacquiao. Same fate awaits Isabelle Daza.

Ibabasura ng piskalya ang mga isinampang reklamo ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama. Wala itong gaanong epekto. Hindi pa rin nabibili ang breeding.

May kakalat na sex video diumano nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Walang maniniwala.

This Year’s…
Lucky Number: Wala. Ang tanda mo na, nagpapaniwala ka pa sa ganitong kalokohan.
Lucky Day: Pay day.

At sumainyo ang mga prediksyon para sa taong 2012. Sa mga nagtatanong kung totoong magwawakas ang mundo sa December 21, hindi po totoo ‘yan. Mula 1999 ay apat na beses na akong nakaligtas sa tinatawag na ‘end of the world.’ Take note: twice pa last year. Walang ‘pinagkaiba ang 2012. Kaya friends, chill!

Maraming salamat sa inyong pagtitiwala.

Buenas,
Madam Kalachuchi
Psychic Extraordinaire
For personal consultations, call: 1-908-1-4627 local 2366 Toll Free
Website: http://believeAtYourOwnRisk.politics.org
——————————————————————————————————
“Masses are always breeding grounds of psychic epidemics.”
~Carl Jung

Quote of the Weak
“Itong isang sikat na TV host, sinasabi eh magwawala daw si Dingdong kapag natalo siya bilang best actor at itataya nila ang buong pamilya niya kapag siya ay natalo ng best actor. Sa tingin ko eh merong magic.”
– Laguna Governor ER Ejercito on losing the MMFF Best Actor award to Dingdong Dantes

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Have a great week! Happy 2011!

Advertisements

Actions

Information

20 responses

3 01 2012
Lola Nila

Ang Pilipinas ay mananatiling third world country pero laging first sa kung anik-anik na Guiness World Records.,
**************
Korekong! Juice ko ang Pinas lhat yata sinasali sa guiness; 😀 pinaka-habang suman, 😀 pinakamalaking bibingka, 😀 pinakamalaking pechay, 😀 pinakamalaking longaniza, 😀 pinaka-pangit na beki,,,,,

Like

5 01 2012
senior60

kasalanan yan ng guiness dahil tinatanggap na nila ang
kahit anong anik-anik…

gone were the days na kapag sinabing pasok sa guiness,
pang guiness talaga, meaning, pang guiness talaga …

Like

3 01 2012
cea

again, nice blog professional heckler 🙂 share ko sa fb ha 🙂 cheers to 2012!

Like

4 01 2012
HULA OOPS 2012 « The Professional Heckler | Pnoy Talks

[…] Go here to read the rest: HULA OOPS 2012 « The Professional Heckler […]

Like

4 01 2012
Barok

May kakalat na sex video diumano nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Walang maniniwala. – Bwahahaha!

Like

4 01 2012
jerry_08

usual hula pagsapit ng new year:
1. may magaganap na trahedya (natural calamities)
2. may artistang mamamatay/maaaksidente/ikakasal/mabubuntis/maghihiwalay
3. magiging successful ang (tv show kung saan nag-guest ang “manghuhula”)

Like

4 01 2012
Timpaul

MMFF is a joke!

Like

4 01 2012
libertas

lucky number of bong revilla – 210 million ( his pork barrel for 2011)

Like

5 01 2012
senior60

only bong? how about the others

Like

5 01 2012
eddibumangon

not true! pnot just want to send a warning message to the senate in the guise of a computer glitch.

Like

4 01 2012
pogi

Mr. PF, nice info on Tim Tebow. Got my football last christmas and I was having trouble bringing it along with me on my flight back to manila because the airline personel wants me to deflate it first. Im 30 yo and I believe and still not that old to learn how play this sport..hehehehehehehe…Happy New Year….

Like

4 01 2012
libertas

Aquino abolishes the supreme court.

Sws/pulse asia becomes ‘the peoples court’

80% of those surveyed think cojuangco-aquino should keep hacienda luisita.

90% trust aquino and see no need for FoI bill

100% trust survey results!

Like

5 01 2012
eddibumangon

…and we should also abolish the comelec and outlaw the conduct of all elections. government officials will just be “voted” through pulse asia surveys.

Like

4 01 2012
libertas

2012
Vicky belo announces a companion product to her 2011 vaginal tightening offering – anal stretching – with piolo pascual rumoured to be the celebrity endorser.

Like

8 01 2012
look at the brighter side of life ...granny!

bagong taon na……. ganyan ka pa rin?

Like

4 01 2012
kalokah

ey, merong multipurpose van si cong. rg dito sa paranaque, na very visible nowadays. biglang ngayon ko lang nakita to. wala ako nakikitang ganito for at least the past 2 years. nakakagulat. maaga pa para sa 2013.
nakakalokah!

Like

4 01 2012
Noel

hahaha! just shared to my FB account…another great one from a great humor blogger! hapi new year!

Like

4 01 2012
libertas

A woman went to a plastic surgeon and asked
him to make her like jinkee pacquaio. He gave her a lobotomy.
Joan Rivers (adapted)

Like

5 01 2012
senior60

” Kung tagumpay na malalampasan ng Pilipinas ang impeachment

trial,” please mister heckler, hindi ko ito naintindihan, paki explain…

Like

5 01 2012
eddibumangon

Walang babagsak na flying coffin ang philippine air force sa taong 2012 at mag-eenjoy si Pnoy sa bagong nyang eroplano.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: