IT’S THE ANNUAL festival of Filipino films again. Here’s a guide to the seven official entries.
Segunda Mano Two
Director: Jose Miguel Arroyo
Cast: Mike Arroyo, Iggy Arroyo, Jesus Versoza
Synopsis: Dalawang choppers ang ibinenta sa Philippine National Police noong 2009. Nang magpalit ng liderato ang PNP, natuklasang segunda mano pala ang mga naturang choppers at nalugi ang pulisya sa bentahan. May kung anong maligno rin ang sumasapi sa choppers kapag ginagamit. Minumulto ngayon ng choppers ang orihinal na may-ari, si FG, isang abogadong malapit sa dating administrasyon. Paano matatakasan ni FG ang nagmumultong choppers? Anong papel ang gagampanan ni Iggy Arroyo upang mahinto ang pagmumulto? Totoo kayang alam ni Jesus Versoza ang puno’t dulo ng kahindik-hindik na pangyayari? Ano na’ng nangyari sa Senate probe? Meron ba?
MTRCB Rating: “B” (Bistado)
Snakes, Rattlers, and Trolls 15
(Working Title: Ang 15th Congress)
Director: Feliciano Belmonte
Cast: Congressmen
Synopsis: Dahil sa isang sumpa, mahigit dalawang daang pulitiko ang isinilang na may non-human twin. Nahahati sa tatlong klase ang kakambal ng mga ito: ordinaryong ahas, makamandag na ahas, at troll. Naghahasik sila ng lagim sa pamayanan. Mawawala lamang ang sumpa kung gagamitin nila sa kabutihan ang inilaang pork barrel sa kanila. Sapat ba ang kahihiyan at konsensiya ng mga pulitiko upang labanan ang tukso ng salapi o hahayaan na lamang nilang malagay sa patuloy na panganib ang sangkatauhan?
MTRCB Rating: “PPL” (Pera, Pera Lang)
Asyong sa Lungga
Director: Leila De Lima
Cast: Jovito Palparan, UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan
Synopsis: Ilang taon ring namayagpag bilang tagalipol ng mga Komunista at kanilang sympathizers si Asyong. Ngunit nang misteryosong mawala ang dalawang estudyanteng maka-Kaliwa, mariing itinanggi ni Asyong na siya ang may kagagawan. Nang maglabas ng arrest warrant ang DOJ laban kay Asyong, mabilis itong nagtago sa isang ‘di pa natutukoy na lungga. Matunton kaya ng mga awtoridad ang kinalalagyan ni Asyong bago mag-2012? Dumanak kaya ang dugo kapag hindi siya sumuko nang matiwasay? Bakit sa tinapang-tapang n’ya noon, bigla yatang umurong ang mga bayag niya ngayon?
MTRCB Rating: “D” (Duwag)
Yesterday, Today, Tomorrow… Traffic
Director: Francis Tolentino
Cast: MMDA Traffic Enforcers, Motorista, Indie Actors
Synopsis: Ang nag-iisang “road movie” sa film fest. Ang mga pangyayari ay naganap sa kahabaan ng Edsa limang araw bago mag-Pasko. Nagliligawan pa lang sina Mel at Glo nang simulan nilang baybayin ang kahabaan ng Edsa. Dahil saksakan nang bagal ang daloy ng trapiko, napasagot ni lalaki si babae. One hour later, hindi pa rin umuusad ang kanilang behikulo. Nag-away. Nagbati. Naglambingan. Halos mauwi ulit sa hiwalayan. Sinisi ng dalawa ang matagal na biyahe. Nag-usap. Nagpaliwanagan. Finally, after two hours, gumalaw ang mga sasakyan. Ngunit saan patungo ang relasyong nabuo sa lansangan? Ilang pagmamahalan pa ang malalagay sa peligro dahil sa ‘di masolusyunang problema sa daan?
MTRCB Rating: “TF” (Traffic Forever)
Jueteng ng Ina Mo
Director: Bong Pineda
Cast: Lilia Pineda, Pampanga Mayors
Synopsis: Matapos patalsikin sa puwesto ang isang pari, matagumpay na nasakop ni Madam ang panlalawigang pamahalaan. Si Madam ay asawa ni Lord, ang diumano’y operator ng jueteng sa Central Luzon. Ang sabi ni Madam, wala na raw ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan. Ngunit maraming residente ang nagtaas ng kilay at sinabing ito’y isang pantasya lamang. Sino ang dapat paniwalaan? Ang publiko o ang kapitolyo? Wala na nga kayang bola ng jueteng sa Pampanga o binobola lamang tayo ni Madam Lilia?
MTRCB Rating: “K” (Kubrador)
Ang Pandak
Director: Jesus Mupas
Cast: CGMA, Noynoy Aquino
Synopsis: Matapos mamuno sa kaharian sa loob ng siyam na taon, nabunyag ang mga katiwalian ng Pandak. Kasunod nito, isang bagong usbong na mandirigma ang nangakong parurusahan ang nagkasala. Malaki rin ang tampo ng mandirigma dahil sinuportahan ng dating pinuno ang pamamahagi ng lupaing pagmamay-ari ng kanilang angkan. Magtagumpay kaya ang mandirigma sa hangaring maparusahan ang dating pinuno? Kailan matatapos ang maaksyong labanan? Makabalik pa kaya sa kapangyarihan ang Pandak? Bakit single pa rin ang mandirigma?
MTRCB Rating: “WWL” (Weather, Weather Lang)
Oh My Househusband
Director: Mommy D
Cast: Manny P, Jinkee P
Synopsis: Matapos na muling maugnay ang pangalan ni lalaki sa ibang babae, nagbanta si misis na ididiborsyo n’ya ito. Natakot si mister. Nangakong magbabagong-buhay. Iniwasan nito ang mga taong bad influence raw sa kanya. During his last birthday, si misis ang nag-approve ng guest list. Wala sa listahan ang ilang pangalang matagal nang kaibigan ni mister. Bukod dito, napapadalas ang pagsama ni mister sa mga Bible study sessions. Sa halip na magsugal, sa bahay na lamang ito tumatambay upang gampanan ang papel ng isang mabuting asawa. Mapanindigan kaya ni mister ang kanyang ginagawa? Hanggang saan mangingibabaw ang kagustuhan ni misis? Alin ang mas nakakagulat: ang pagbabagong-buhay ni mister o ang pagbabagong-anyo ni misis?
MTRCB Rating: “BSP” (Bait-baitan si Pacman)
Note: All movies are showing until January 2012 in theaters nationwide. Enjoy!
—————————————————————————————-
“One of the joys of going to the movies was that it was trashy, and we should never lose that.”
~Oliver Stone
Personal
As tradition dictates, the Los Angeles Lakers lose another game on Christmas Day. Lakers pa rin! Happy Holidays from Kobe and company!
Share this on Facebook and Twitter:
I am on Twitter: @HecklerForever.
Number 1! Number 1!
Ang galing galing! uulit akong manood!
Ang husay! box-office! lols!
congrats sa mga artists and directors!
LikeLike
Lolz, prof you’ll shame most script writers in Philippine Showbiz.
Merry Christmas…
LikeLike
Eto ang tunay na Box Office Hits!! Hehehe
Happy New year sayo PH!!
LikeLike
kaloka! tlagang akma ang mga entries ngayon sa nangyari sa ating paligid. only in the philippines!
merry christmas!
bet ko ang mananalo ay Ang PandaK! (kya lang walang kissing scene ang pandirigma…dhil kya siya ay Beki o dhil isa syang Panot gaya ng sabi ng isang starlet)
LikeLike
funny post! kapag ito ipinalabas, i’ll surely watch. hay, can’t wait for MMFF to be over …
LikeLike
Snakes, rattlers…and pigs in clover
‘Somehow it seemed as though the farm had grown richer without making the animals themselves any richer — except, of course, for the pigs.’
Animal farm – george orwell
‘Napolean would like equality for all animals, but he was concerned they would make the wrong decisions, so for the good of the animals he decided that he would take all decisions’
Animal farm
LikeLike
familiar ka sa clover libertas? the theater? bakit?
LikeLike
Hi Mr PH! One amazing witty post yet again!
Congrats and Merry Christmas!
LikeLike
This is nice! 🙂
I’ll go for My Housebhusband, since I’ve been so busy since the holiday season started and I need a breather.
Though I wish that films like Muro Ami would surface again in the next MMFF. 🙂
LikeLike
ang galing mo talaga loi! hall of fame nqa dapat! best blog – humor!
LikeLike
I so enjoyed this a lot! Yes, you should give script writing a serious thought… maybe then Filipino commercial movies would actually be worth paying money for. Just curious, Loi, how long did you take to write this– witty title, story line with matching ratings? And do you have an editor or a group to bounce off your ideas with?
P.S. how do I change my gravatar? It doesn’t reflect me. LOL
LikeLike
Hey PH,
I saw your ad for Jollibee in the paper yesterday morning.
Naks. 🙂
Happy holidays!
LikeLike
hindi na pala kailangan ang quality movies ni oliver stone,
ano ba tawag doon, mababaw ang kanyang kaligayahan?
LikeLike
ano ba mister heckler, puro bitin, hindi snake ha, ang
script mo, lahat may aabangan kaming part 2?
LikeLike
happy holidays ph! 😀 ang dami ko nanamang tawa! :))
LikeLike
And Lakers lost again. Time to get another skilled player to help the aging Kobe.
LikeLike
lacierda today at the briefing said everyone should go and watch the mmff films ( so important in the affairs of state)
thanks for supporting the president kris in your tv show. you scratch my back and i’ll … well i’ll publicise your comedy film.
LikeLike
p.s bong – can we now rely on your vote in the impeachment trial
LikeLike
only if the new CJ acquits all members of my family – and i get to direct and star in the film version
LikeLike
ang galiiiing mo talaga heckler!! dami kong tawa while binabasa ko to!
why not publish your own book? 😉
LikeLike
Great post…
LikeLike