Christmas Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
[To be taped on December 20, 2011 at the Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace]
Mga minamahal kong kababayan,
Isang masagana at maligayang Pasko po sa inyong lahat!
Kaisa n’yo ako sampu ng aking Gabinete at ng mga lingkod-bayan sa ating pamahalaan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan, huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng mahalagang okasyong ito.
Ang mga kaganapan sa Herusalem mahigit dalawang libong taon na ang nakakaraan ay maihahambing natin sa mga pangyayari sa kasalukuyan.
Katulad ng Kanyang pagsilang, ang desisyon ng sambayanan na iluklok ako sa puwesto ay magbibigay ng panibagong pag-asa sa mga taong nawalan na ng tiwala sa gobyerno dahil sa bulok at makasariling pamumuno ng nakaraang administrasyon.
Sa pagdiriwang natin ng Kapaskuhan, umasa kayo sa aginaldong magmumula sa magigiting nating mga mahistrado, ang Melchor, Gaspar, at Balthazar ng Korte Suprema: sina Associate Justice Maria Lourdes Sereno, Bienvenido Reyes, at Estelita Perlas-Bernabe. Magsisilbing patnubay ng tatlong ito ang karunungan nina Associate Justice Antonio Carpio at Jose Mendoza.
Subalit dapat tayong maging mapagmatyag dahil may mga haring mago na nagkukunwaring may malasakit sa publiko. Ang kapal ng mukha: hindi man lang tinanggihan ang alok na puwesto sa Korte Suprema gayong alam niyang ito ay labag sa batas.
Sanggol pa lang ang ating administrasyon ngunit gusto na agad nilang patayin sa pangambang tuluyang mawala ang kanilang impluwensya at kapangyarihan.
Binabalaan ko sila. Hindi ako titigil hangga’t hindi napaparusahan ang mga Herodes ng kasalukuyang panahon – silang patuloy na umaangal sa anila’y hindi patas na pagtrato ng pamahalaan. Sa tulong ni Jesus… ni Jesus Mupas, mabubulok sila sa kulungan!
Sa huli, nais kong ipaalam sa lahat na sensitibo ako sa inyong kalagayan. Dahil dito, aking ipinagpaliban ang pagbili ng bagong sports car. Maging ang dati’y madalas na paglabas kasama ang iba’t ibang babae ay akin munang kinalimutan upang kayo ay aking mapaglingkuran.
Alam kong marami sa inyo ang patuloy na nagtitiis sa sabsaban. Huwag kayong mainip. Aangat din ang inyong buhay. Subalit kailangan ko ng inyong tulong. Samahan ninyo ako. Gagabayan tayo ng dilaw na tala sa pagbaybay sa tuwid na daan tungo sa inaasam nating kaunlaran.
Pagbibigayan. Pagtutulungan. Pagmamahalan. Iyan ang diwa ng Kapaskuhan. Palaganapin natin at ibahagi sa mga higit na nangangailangan.
Muli, maligayang Pasko po sa inyong lahat!
P.S.Suportahan po natin ang pelikulang Segunda Mano ng kapatid kong si Kris, an official entry to the 2011 Metro Manila Film Festival. Pinaghirapan po n’ya ang proyektong ‘yan.
——————————————-
Share this on Facebook and Twitter:
I am on Twitter: @HecklerForever.
kawawang bayan…..the recent actuations of the president is paving way for mob rule…
LikeLike
“The President knows what is right and what is
wrong even if he’s not a lawyer,” presidential
spokesman Edwin Lacierda said.
Well thats alright then – no need for a supreme court.
Does he also understand downward sloping lines on graphs, even though he is not an economist.
LikeLike
downward, no, upward, yes, replied lacierda
LikeLike
“Does he also understand downward sloping lines on graphs, even though he is not an economist.”
absolute. 🙂
LikeLike
Ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat na nagdonate upang ako ay makabili ng IQ. Dahil dyaan, I am withholding any comment.
LikeLike
Merry Christmas! Mr. President!
LikeLike
I can really imagine PNoy saying it, I was expecting a Corona tirade somewhere he he he kaso wala
LikeLike
there was! the haring mago.
LikeLike
Utang na loob ang galing mo talaga, your ph-excellency!!
Husay, “Sanggol pa lang ang ating administrasyon ngunit gusto na agad nilang patayin sa pangambang tuluyang mawala ang kanilang impluwensya at kapangyarihan.” parang si abnoy talaga nagsasalita!
ayoko ishare sa fb baka magwala na naman mga nephew at ate!
sobrang kabilib bilib!
Kaw na! you already!
LikeLike
mabuti na lang kamo at sa sanggol sa sabsaban inihambing ni Pnoy ang kanyang sarili at ang kanyang administrasyon…..hindi kay Birhen Maria 😀
LikeLike
sanggol at mukhang mananatiling sanggol.. kasi parang walang progreso..
LikeLike
ur right?
LikeLike
hahaha… 12 days pa bago ma taped to? at lumabas na dito hahah
LikeLike
Eto b talaga ang babasahin ni Pnoy para sa xmas message nya?
LikeLike
yes!
LikeLike
i second the yes!
LikeLike
nice one Mr. Heckler, =)
LikeLike
gloria, without make-up on is looking well and good,
parang kapanipaniwala naman ang sinabi nya na
nakakatulog sya ng mahimbing…
LikeLike
kung labag pala sa batas ang pagkahirang kay corona, bakit hindi na lang
sya patalsikin ni noynoy..
LikeLike
kc bago ang kanyang manicure…kaya ayaw nya itong pitikin.
LikeLike
ano akala mo kay corona lola, lastiko?
LikeLike
for the benefit of the doubt, i mean, of libertas hhehe
i will english the above, what do you think of corona lola,
rubber band?
LikeLike
at first i thought it was serious. was caught at that : ) but after i realized twas a joke, i expected more banat. pero nice pa rin naman : )
LikeLike
ako ang unang magcocomment! wahaha congrats po sa award 🙂 hihi. Ayon lang. Nakakalungkot lang ang pulitka. BOW.
LikeLike
hindi rin
LikeLike
hahahaha… :)))) may pasingit pa sa MMFF ni Kris!
LikeLike
Juice ko, kung pwede lang bumaba si Hesus mula sa krus (kung ndi lang ito naka-pako) baka tinadyakan na si Pnoy….dhil hindi cute si Pnoy na ihambing na parang si Ninyo Hesus…dhil sa totoo lang mukhang sabsaban si Pnoy 😀
Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!
LikeLike
Hello sailor
Just taken delivery of the presidential yacht – BRP Ang Pangulo – or as i call it – Assindaenda luvis sweeta.
Sports cars are so last year, dont you think. You know i’m right. I always am.
Getting used to all the naughtycal terms
Only this morning one of the crew asked if i wanted to go down below – well, i didn’t need to be asked twice! – how was i supposed to know he meant downstairs!
And on survival exercise, piolo was in the water shouting ‘ throw me a boy, throw me a boy!’.
I didnt know he meant life-buoy. Difficult to know with him.
I have a private butler. He is very posh. Pronounces all his P’S, & Q’s, an arse – i mean, and R’s
Must go
Drinks on the poopdeck!!
Harvey the wallbanger for me
Bottoms up – as they say in the navy – i wonder why!
Merry xmas. peace and luuurrvv
The chef says he has a santa surprise for me – cant wait.
‘when the boats arocking, dont come aknocking’
I am sailing, i am sailing….
LikeLike
hahaha there you go again with your very hard to
understand monologue, jumping from one topic to
another…ay ewan ko sa iyo…kaka….ka
LikeLike
I have a funny feeling that this is EXACTLY what he’s going to say.
inb4 the nephew joke
LikeLike
bravo!!! hahahaha
LikeLike
okinana dayta, okinana
LikeLike
Iba ka talaga Mr. Ph… naka upload po ito sa FB ko kasama ng msage ni gloria.
LikeLike
Hindi ito ang diwa ng Pasko. Dapat hindi “Pamaskong Mensahe” ito.
LikeLike
si Jesus… si Jesus Mupas. lol naloka ako.
ang bilis mo PH, for December 20 pa, naipublish na dito, baka may nephew na namang magreact. hehe
LikeLike
LOL! I really like this one, professional heckler. Shared it on fb. 🙂
Congrats, by the way! I remember that it was announced that you were still on the road during that time the finalists were being announced at the PBA Awards Night. Congratulations!
LikeLike
thank u! 🙂 yeah i was late.
LikeLike
nyahaha kulet nung jesus mupas joke, kala mo si sir pnoy talaga sumulat eh ^_^
sarap panoorin ng mga pulitikong naggagantihan eh, palibhasa may mga bahay na sa ibang bansa kaya masaya na sila sa ganito…
kawawa naman Pilipinas pag nagkataon, ano ipangbabato natin? ung rajah humabon?
LikeLike
Hanggang Christmas message…walang laman…parang SONA nya lang…hehehe! Last SONA, 1 year old pa lang daw siya sa pwesto, yun ang dahilan nya. Tapos 6 months after…newborn sya ulit?!? kelan ba tatanda ang government na ito? :b
LikeLike
suntukan nalang kayo, PNoy at CJCorona … :))
LikeLike
This is really fun. I hope Pnoy will not regress into becoming a fetus in the new year. lol
Ala Benjamin Button ang drama ni Pres. Noy
LikeLike