A MESSAGE FROM GMA


Mga minamahal kong kababayan,

Matagal na panahon na rin mula nang ako ay humarap sa inyo. Ilang buwan rin akong nanahimik sa pag-aakalang kusang hihinto ang mga atake laban sa akin. Ngunit ako ay nagkamali.

Walang tigil ang kritisismo, panlilibak, at kadalasan ay personal na mga banat sa akin. Sobra na ang pang-aapi ng administrasyong ito at ako ay labis na nababahala.

Marapat lamang na aking ihayag ang tunay kong damdamin. Tapos na ang pagiging Carmina Villaroel ko. Oras na para ilabas ang aking inner KC Concepcion.

Unang-una, gusto kong kundenahin ang pangungutya ng palasyo sa aking mga abogado. Pati ang walang malay na maselang bahagi ng katawan ni Atty. Ferdinand Topacio ay kanilang pinagdiskitahan sa pagtatangkang ipahiya ako sa publiko. Bago n’yo pag-initan ang itlog ni Topacio, bakit hindi n’yo muna tanungin ang inyong amo: may silbi pa ba ang itlog mo?

Wala rin silang karapatang kwestyunin ang kakayahan ng aking tagapagsalita. Si Elena Bautista-Horn ay hindi lamang tapat, masipag, at dedicated na spokesperson. Siya rin ang tumatayong head ng ISAFP o Intelligence Service of the Arroyo Family in the Philippines. Sa katunayan, siya ang nakatuklas sa “Oplan: Put the Little Girl to Sleep” – ang balak na paglikida sa akin.

Ako ay naniniwalang ang maitim na hangarin ng administrasyong ito ang tunay na dahilan kung bakit pilit nila akong pinapalipat sa Veterans Memorial Medical Center. Ano ako? Action star? Plunderer? Alam ng aking mga kritiko na hindi ako sanay sa mumurahing pagamutan. Sa paglalagay sa akin sa ospital na pinapatakbo ng gobyerno, unti-unti na rin nila akong pinapatay. “Oplan: Put the Little Girl to Sleep” – tama si Elena Horn.

Gusto ko ring manawagan sa mga taong patuloy na nagdududa sa integridad ng Kataas-taasang Hukuman. Walang basehan ang paratang na CoronArroyo. Tapos na ang eleksyon. Kumita na ang Villaroyo. Huwag n’yong pulitikahin ang Korte Suprema. Kapag hindi kayo tumigil sa inyong paninira, baka ibunyag ko ang sabwatang SereNoynoy. Binabalaan ko kayo.

Humihingi ako ng dispensa sa aking mga doctor lalo na kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes. Maging kayo ay binabatikos dahil sa akin gayong ginagawa n’yo lang naman ang inyong trabaho. Ayaw kong magkahiwa-hiwalay tayo kaya please lang, maliban sa colitis, humanap pa kayo ng mali sa aking katawan. Wala akong pakialam kung dermatitis, conjunctivitis, otitis o kahit, buntis pa ‘yan, ang mahalaga ay tumagal pa ang ating pagsasama dito sa St. Luke’s.

Sa pagkakataong ito, ako ay humihingi ng tulong sa aking mga kababayang patuloy ang pagtitiwala sa akin. Sa darating na lingo ay magpapasya ang ubod ng bilis na si Judge Jesus Mupas kung ano ang nararapat sa akin. Napag-alaman kong may text component pala ang kanyang gagawing pagpapasya. Ang tanong:
Ano ang gusto n’yo para kay dating Pangulong Arroyo:
A: House arrest
B: Hospital arrest
C: Detention Cell
D: Wala akong pakialam. Mas interesado ako sa scripted interview kay Piolo Pascual sa ‘The Buzz’ sa darating na Linggo

Just key in ARROYO (space) A: House arrest and send to 2462 (CGMA) for all networks. Ayon sa NTC, 80 centavos na lang per text ngayon kaya kung maaari ay itodo n’yo na ang pagboto. Lahat ng taong magti-text ng “A: House arrest” ay awtomatikong kasali sa isang pre-Christmas raffle kung saan mamimigay ng MP3 at 2GB Flash Drives sina Dato, Luli, at Mikey. Si Attorney Mike naman ay naghanda rin ng loot bags mula sa kanyang na-loot noong nasa puwesto pa ako bilang pangulo. Kaya ano pang hinihintay n’yo? Text na!

Sa huli, gusto kong magparating ng maigsi at simpleng mensahe sa nakaupong pangulo at sa mapaghiganteng administrasyong ito:
Walang corrupt?!
Walang mahirap?!
O walang accomplishments?

Manyampukaki ing lugod mi kekayu!

Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y lagi n’yong tatandaan ang pangaral ng aking ama, si Ka Dadong:
“Just do what ish right, do what ish best, and your battery of lawyersh will take care of the rest.”

Naglilingkod,

———————————————————————————-

“Health is a state of complete physical, mental and social well-being, and not merely the absence of disease or infirmity.”
~World Health Organization, 1948

Have a great weekend! Merry Christmas!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

82 thoughts on “A MESSAGE FROM GMA”

      1. i think you got it wrong when you accused PNoy that he is serena. maybe you only based it on being a single at his age.
        But if you noticed, all his former girlfriend are attractive and lovely. To name some: korina, bernadette, barbara etc. so why he did not marry or have a child with @ least 1 of them? is he serena? no! look at ogie diaz, swarding, arnel ignacio and piolo p? they are confirmed serena but they have children. those politicians who are also rumored as member of serena federation like, lacson, sonny osmena. ernesto maceda, they have children too. listen to pnoy the way he talk, he is a macho. But why he is still single and no child too? honasan coup is the answer. remember he almost died when he was masacred by honasan coup. one of the part of his body hit was probably the one needed to have a child. that is why getting married is useless for him.
        This opinion is not confirmed. analysis only.

        Like

  1. “Remember I am a politician so I cheat and lie
    and when I am not kissing babies I am stealing
    their lollipops”.

    character jack ryan in film red october

    the ‘poison the dwarf’ plot shows how far despots and criminals will go to evade justice and avoid reality.
    even porny horn couldnt keep a straight face/stop laughing when speaking to the press about it.
    maybe it is a plan to avoid hospital/prison food and employ a personal chef for the prima donna

    Like

  2. Gumulong ako sa kakatawa!! I wasn’t interested in reading blogs before…but yours is a breather from the rest of the blogs being shoved into my cyberworld. Now, I am not only into reading blogs, I’m kinda inspired to start my own series of blogs. Inspiring ang iyong humor huh! Keep it up!!

    Like

    1. ikaw rin ba ang nephew ng producer ng the Buzz kung saan may interview si KC kay Boy Abunda 😀

      at least si Topacio may silbi ang kanyang itlog. Yung nasa malakanyang na ndi mawari kung tunay o peke na lalaki yung itlog nya khit penoy ay ndi pwedeng gawin…sa bisaya pa BINOGOT as in walang silbi 😀

      Like

    2. Hey nephew of CGMA staff…hindi kami tanga…please read all the blogs here first and see the pattern of the way he writes his blogs…OF COURSE WE KNOW THAT THIS LETTER IS NOT REALLY FROM CGMA noh!! It is a satire…look it up sa Google dictionary please! Also, look up the words HUMOR and SENSE OF HUMOR para malaman mo din kung ano ang mga iyon… 😐

      Like

  3. is arroyo going to holiday resort

    phone
    laptop
    chef
    nurse
    special bed
    ?next – masseuse, swimming pool

    remember the morong 43, political prisoners, and human rights abuses. treat her how she treated them. a dose of her own medicine will do wonders for her delusions of grandeur and hypochondria.

    and am sure all those ‘medical funds’ thug mikey is collecting – again – in LA will come in useful when he returns just in time for the congress holiday.
    the tricycle drivers must be the healthiest set of workers in the country

    Like

  4. At ano naman ang aim ng scripted interview? Para ma-save pa ang career ni Piolita? Leche !
    Magtiyaga na lang tayo kay Enchong Dee… okay naman sya.
    Hanggang kaya pa nyang itago ! Hi hi hi

    Thanks nga pala sa tip na may interview sa The Buzz sa Sunday. I am sure na parang Manny Pacquiao fight ang time na yan. Lahat nakatutok sa T.V.

    Like

  5. text messages of support

    ‘ weather and food great here in los angeles. raising lots of money – haha. glad you are feeling well – i wont tell anyone – hehe. must go. another film premiere’
    mikey

    ‘weather and food good here in london. will be back next year once the senate find something else to waste their time on. london expensive – pork barrel being used up quickly. send more money’
    iggy

    ‘my back is hurting. am going to hong kong with my ‘private nurse’ to get ‘medical attention’ . will send you a postcard. enjoy your new home.
    merry xmas’
    sleep well little girl
    mike

    Like

  6. “Manyampukaki ing lugod mi kekayu!”

    …hahaha!! panalo ito. d best research ever! certainly, hindi ito naiintindihan ng kahit na sino s mga Arroyo’s.

    …btw, have you noticed Prof? wlng tigil ngayon ang damage control ni mario dumaual pra kay piolo? e pano nag-spilled ung marketing strategy nila. kya hayan, d cla magkanda-ugaga pra mapatay ang issue. bottom line: GREED!

    Like

  7. a wonderful liter from an ex pres of the phil…sabi yata ni jinggoy, ang ginawa mo sa iyong kapwa ay gagawin rin sa iyo. tama na po ang reklamo…kung pumayag ka agad sa paglilitis ng iyong mga kaso, sana umiikli na ang panahon ng hatol mo. at serena ba kamo si Noy, hindi siguro yan totoo, wud not an expresident to devulge that to the entire archipelago but Kris Aqino!

    Like

  8. Different reactions to OPLAN: Put the little girl to sleep.

    PeNoy: Work of fiction. (Still living in your own fictional world?)

    Robredo: We will investigate. (Aba at bakit? Solved na ba ang Luneta massacre?)

    AFP: We have no intelligence report supporting the claim. (Sir the military has lost whatever intelligence remains of it.)

    Enrile: This is not to be taken lightly and should be investigated. (Ag biag ti Ilocano! We love you Senate President!)

    Mahal: Tika . . . tika . . . batit naman aku nasali dyan??!!

    Efal Krissy: Excuse me lang ha – baby boy si Bimby ko at hindi baby girl! (F*ck off biatch!)

    Gobernadora Salceda: If that is true then I think our 2011 GDP will hit 8%. (isa ngang smile dyan gobernadora.)

    Sekretarya Mar: P*tang ina! Di nga?!! (If you’re looking for one look no farther! hihihi)

    De Lima: Oink! Oink!

    Drilon: Mas OINK! OINK!!

    Sen. Pangilinan: NOTED!

    Like

  9. I think if former pres. GMA really want to show that she loves the country and never stole any single cent during her term and that she has nothing to do with the election fraud and to save her family in shame, “SYA NA LANG ANG IPALIT SA KABABAYAN NATING BIBITAYIN SA CHINA”, at least magiging bayani pa sya at iyon ang tatatak sa isip ng sambayanang Pilipino. OH, DI VAH?

    Like

  10. Lahat naman ng Pulitiko eh Nangungurakot sa Maliit o Big Time na Paraan. pero tama lang na bigyang konsidirasyon ang kalagayan ni PGMA. Nakaka-bastos din ang ginawa ng Media sakanya sa NAIA na sukdulang makagawa lang ng paraan para makakuha ng coverage kahit masktan na si PGMA. wala ng MEDIA ETHICS. si PNOY naman tino-tolerate ang ganitong gawain. Samantalang hindi naman sila giniit ni PGMA sa kanyang term. Ano na bang nagawa ni PNOY ngayon? Puro magpa- PRESS RELEASE. pag may malalaking issue na kinahaharapa ang bansa , abangan mo bukas o mamaya meron ng bagong BALITA tungkol sa BAGONG LOVELIFE ni PNOY! Lagi na lang ganun umiikot ang mga balita. ginagawang SHOWBIZ ang pulitika. Kung tutuusin napakaraming nagawa si PGMA, gaya ng EXPRESS WAY, yung mga CONYO dyan namhihilig mag travel, eh susme si PGMA may gawa kung bakit kayo nakakapag-travel ng maayos lalo na yung bagong express way sa batangas at ang bagong linya ng MRT sa Monumento. O kaya ay NFA RICE na abot kaya ng MARAMING Mahihirap. Kaya dapat Tignan lang ng mabuti ang bawat panig. Si PNOY ay isinusulong ng maiigi ang HUMAN RIGHTS pero pagdating kay PGMA may exemption, sa mga MAGSASAKA sa HACIENDA LUISITA, Kamusta na? Mukhang Maraming nakakalimutan ang mga Pilipino, Nasasapawan na ng mga Negatibong pananaw at makamundong showbiz na pag-iisip.

    Like

    1. Sa pananaw ko hati palagi ang tao. simulat sapul tama na sa bihin na ang naaalala ng karamihang tao ay ang mali mo at di yong mabuting nagawa mo. Pero alalahanin din natin na sa lahat na mabubuting nagawa mo sa bayan ay nahahaluan din ng malisya o kontrobersya dahil maraming ding tumutok doon at diskumpyado lalo na kung gaano kalinaw o transparent mong ginawa ang mga sa akala mo ay mabuti para sa tao. Samakatuwid, ayusin lang ang lahat na walang kaduda duda para walang gusot o malisya, At yon ang hinde nagawa ni GMA.

      Like

  11. nice ph, nice too, nephew, we never know if nephew is serious or not but definitely he had had us…. in a serious side tama lang na gloria will be treated that way or be in a hospital arrest or be detained. true, marami sa mga ex presidents or politicians in general, ang may mga kabalastugang ginawa and they went unpunished, swerte lang ng mga ^^&*((($$#@ na yun. sa ngayon, malas ni gloria nataon sya sa taong gustong ihinto ang mga corruption (hope pnoy is really serious), at sya ang gagawing guinea pig ng prosecution. if nobody will do this and all those ‘sanobagans’ will go unpunished, this process called corruption will go on and on and on, at sino ang kawawa, tayong mga ordinaryong tao na walang kapangyarihan para humawak sa mga matataas na puwesto sa government at mabigyan din ng chance na makapagnakaw sa kaban ng bansa, o di ba it’s very unfair? pero kung may classic example na talagang naparusahan na corrupt official, siguro titino ang mga yan at mag isip na imbes malaki ang kukurakutin, medyo konti na lang ang nanakawin nila. imagine how good the effect of it, na kokonti lang ang nanakawin ng mga officilas natin, sa dami ba naman nila malaking savings na rin yun para sa ating bansa.

    Like

  12. Dapat dito hatulan lahat ng Presidente o mga pulitikong kurakot at hindi lanag si PGMA! kung tutuusin, Halos lahat eh kurakot. si Erap, Ramos, Gloria, Noynoy( hindi pa lang bulgar), kahit si Cory ay kurakot din! Naaalala ko pa nung panahon ni Cory, Laging Brown-out! tapos magsusulputan yung mga kamag-anak nyang nagbe-benta ng generator! ay Ironic ng buhay! kung gusto talagang linisin ang gobyerno, dapat Palitan lahat! hindi lang isa!

    Like

  13. Hahaha very well said if galing nga po ito sa pangulo naka neck brace:

    tanggapin nalang po natin na pana-panahon laman po ang lahat
    at kasama poe rito ang napakaraming depinasyon maging nang mga salitang hustisya, at karma, at batas..

    kakailanganin din po ninyo nang higit na matibay na mga statement keza dito-

    para sapawan ang dila nang pangulo..

    you wont win a round kung ganito lang ang kaya mo -isulat..

    mrs-arroyo i felt bad seing you with all those bars of metal around you.. i pray to god your health goes better to put up a go0d fight even we all know kung sino mananalo sa huli,

    like pakman won..

    have a better set of words yung makapagpapauga sa pangulo. not like this one parang nagpapatawa lang..

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s