FLIPTOP BATTLE EXTRA

YOU ASKED FOR IT, you got it. Here is Part II of Fliptop and Politics, the fliptop rap battle between politicians, people in the news, and more!

A fliptopper isn’t supposed to be tamed. To humiliate opponents is his primary aim. Kaya walang mapipikon sa aking mga hirit. Hindi ko naman inasam na kayo ay magalit. ‘Meron tayong free will,’ sabi nga ni Ms. Zeny Seva. Kung ‘di mo trip ang post na ‘to, makakaalis ka na! Break it down.

Match No. 1: Sen. Miriam Defensor-Santiago vs. Former President Fidel Ramos

President Ramos:
Hindi ako pumapatol lalo na sa babae
Ngunit may exception: kung mukha itong lalaki
Some things never change, ‘sintapang ka pa rin ng alamid
Nineteen years ka nang talunan, ‘di ka pa rin nagco-concede!?
Belat!

Utang na loob…
‘Wag mo ‘kong daanin sa pick up lines mong corny
Bumenta na’ng lahat ‘yan, panahon pa ni Cory
Sa halip na mag-joke, pa-check up ka ng kokote
Baka kailangan mong sumailalim sa lobotomy!

Senator Miriam:
You despicable prokaryote! ‘Wag ka ngang magmalinis!
Nanggigigil ako sa ‘yo, I’d like to crush you like an ipis
Centennial Expo, PEA Amari: scammer ka, ‘wag tumanggi
Sa husay mong magpaikot, nahuthutan si Gaddafi!

How dare you insult me, you paleolithic protozoa
You would’ve lost the elections kung ‘di lang minanipula
At kung mukha akong lalaki; ikaw naman mukhang hudas
Kaya wala kang nabola kundi si Baby Arenas!
Taksil!

Match No. 2: Bishop Teodoro Bacani and Cong. Edcel Lagman on RH Bill

Bishop Bacani:
Patawarin ka ng Diyos, kongresistang makasalanan
Pinaggagagawa mo’y sadyang ‘di mo nalalaman
Pildoras at condom, naku, tutol d’yan ang langit
Sa impyerno ang bagsak mo, kapag iyong ipinilit!

RH Bill, Divorce Bill, Same Sex Marriage bill ba ang kasunod?
Nawa’y muling magka-Great Flood upang kayo’y mangalunod
Kadiri! Nakakasuka! Dapat nga kayong iwasan!
Excommunication ang sagot, kampon ng kadiliman!

Congressman Lagman:
Ayaw kong mamersonal, pero ikaw ang nagsimula
Ikaw na nga ‘tong imoral, ‘sipag mo pang magngangawa
Rally vs. contraceptives, bakit saksakan kayo ng bilis,
Pero tikom naman ang bibig sa isyu ng pagbubuwis?

Ang linis mo, Bishop Ted, nakakahiya namang lumapit
Ang bango ng hininga mo; ang puti ng iyong singit
Pati yata Vaticano, nahihirapan kang i-handle
Kaya naman tolerated ang ‘yong hobby na mag-fondle!

Amen!

Match No. 3: Nora Aunor vs. Philippine Medical Association on Yes! Magazine Cover

Philippine Medical Association:
Masama kang ehemplo, hindi ka amusing
‘Sabagay even then adik ka na sa smoking!
Akala mo siguro cool na cool ang pagyoyosi
Panira ‘yan ng lovelife, ask mo pa si Presidente!

Lest you forget madam, hindi ka na beinte-uno
Almost 60 ka na lola at ‘sang dosena na ang apo!
Sigarilyo, alak at ang all-time favorite mong casino
No wonder, TV5 lamang ang sumusugal sa ‘yo!

Nora Aunor:
Hindi ko po intensyong makasakit ng damdamin
Lalo na sa mga grupong mahilig magpapansin
Pati ba naman yosi ko, pinag-iinitan
So anong susunod? ‘Yong aking katomboyan?!

“My brother is not a pig!”

And please lang, tigilan n’yo na ang pagiging ipokrito
Maraming doktor din ang addict sa sigarilyo
“Live and let live,” ang aking pakiusap
Peace PMA peeps! Tara, let’s drink to that!

“I did not kill anybody!”

Match No. 4: Congressional Spouse Jinkee Pacquiao vs. Intrigueros

Jinkee Pacquiao:
Kung wala kayong magawa sa buhay, tigilan n’yo na ang tsismis
Que loyal man o hindi si Manny sa ‘kin, it’s no longer your business!
In fact we’re going stronger, hinding-hindi mabubuwag
‘Pag ‘di n’yo ko tinantanan, sasampalin kita ng Hermes bag!

At sa malalanding babae d’yan, layuan n’yo ang asawa ko
Kung pera lang ang habol n’yo, tell me, right now, magkano?
Ito ang tandaan n’yo: nag-iisa lang akong reyna!
Kahawig ni Dyan Castillejo, Kristine Hermosa ang aura!
Mga bruha!

Intrigueros:
Fault ba namin kung mambabae ang Pambansang Kamao?
Kung ma-link sa mga Ara, mga Rufa Mae o Ranillo?
Excuse me, excuse us, siya ang gumagawa ng tsismis!
‘Di ba nga’t may new rumor, meron daw ngayong buntis?
Erase.
Erase.
Erase.

Oh, by the way, ‘pansin nga namin ang iyong bagong ganda
Tagumpay ang eksperimento! Halos ‘di ka na nga makilala
Dyan C? Kristine H? Just exactly what we thought
Ingat sa next surgery, baka magmukha kang Freddie Roach!

“Malaswaaaa! Pakialaman n’yo ang malaswa!”
—————————————————————————————————–
“We have two kinds of morality side by side: one which we preach but do not practice and another which we practice but seldom preach.”
~Bertrand Russell

Pogi Points
> Department of Photoshopped Works and Highways? (DPWH)
ABS-CBNNews.com reported Thursday that DPWH allegedly uploaded a Photoshopped image to its Facebook page making it appear that three  DPWH officials were talking, “with the damaged Manila Bay seawall in the background.” Patawa! Sino ‘yong naka-red jacket, si David Blaine?

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

17 thoughts on “FLIPTOP BATTLE EXTRA”

  1. mr.loi.. napanood ko po sa Q CHANNEL 11 segment na MAY TAMANG BALITA na ginamit yung una niyong post dito na FLIPTOP battle ng mga pulitiko..

    tanong ko lang po kung may pahintulot yung ginawa nila mula sa inyo.. kasi gayang gaya po yung sinulat niyo sa ginawa nila..

    tnx po

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s