DEAR PROFESSIONAL HECKLER II

THE LETTERS just keep pouring in. After last week’s post titled “Dear Professional Heckler,” my inbox has been inundated with mails from politicians, government officials, showbiz personalities, civilians, and even inanimate objects. I’m making public my answers to some of the most interesting letters. Enjoy!

Dear Professional Heckler,
Hindi ko maipaliwanag kung bakit… pero parang ang luwag-luwag ko. May halaga pa ba ako sa kanya?
Nagtataka,
Neck Brace

Dear Neck Brace,
Batay sa larawan sa taas, mukhang maluwag ka nga. Well, ayoko kitang sulsulan pero feeling ko walang tiwala sa ‘yo ang dating pangulo. Eh kung sakalin mo nga naman siya? ‘Wag ka na lang magreklamo. Ang mahalaga, bayad ka!
Heckler

Dear PAGASA,
Mali na naman ang forecast n’yo for Albay! Buwisit talaga kayo!
Kebs,
Gov. Joey Salceda

Dear Governor,
Wrong send ka!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Oist Joey, huwag mo naman akong ipahiya. Pinuri ko pa naman ang PAGASA sa aking SONA. Puwede naman nating pag-usapan ‘to ah.
Noy

Dear Noy,
Huwag mo ‘kong ma-Joey Joey dahil hindi ako gobernador! Wrong send ka rin. Hmpf!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Everytime na lang na bumabagyo, lagi na lang kaming nababatikos! Kesyo walang ginagawa, tamad, at mabagal kumilos. Wala na ba kaming ginawang tama?
Naiirita,
Commission on Higher Education (CHEd)

Dear CHEd,
Ang problema sa ‘yo… Commission on Hesitant Educators ka! Lubog na ang UST, naghihintay ka pa rin ng Signal No. 3! Umayos ka!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Bakit ba pinalitan pa ang name ng NDCC? Ang hirap kasing ipronounce ng NDRRMC. Sino bang may pakana nito?
Bulol na,
Lito

Dear Lito,
At bakit mo naman pinu-problema ang pronunciation ng N-D-R-R-M-C? Reporter ka ba? Kung may reklamo ka, heto ang Twitter account ng author ng batas @ruffybiazon. Good luck!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Totoo po bang ang bagong director ng Bureau of Corrections na inappoint ng Pangulo ay may kinakaharap na kasong plunder?
Nag-aalala,
Pototoy Bato

Dear Pototoy Bato,
‘Yan ang tuwid na daan. Get used to it!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Pati ba naman kape, iniintriga? Bakit ba ako na lang ang kanilang nakikita? Why?!?
Bad trip,
Mr. Genuino

Dear Mr. Genuino,
Why not?
Heckler

Dear Professional Heckler,
Pati ba naman kape, iniintriga? Bakit ba ako na lang ang kanilang nakikita? Why?!?
Bad trip,
Mr. Genuino

Dear Mr. Genuino,
Tanga ka ba? Sinagot na kita! ‘Wag kang makulit kung ayaw mong sampahan kita ng kasong plunder!
Heckler

Dear Professional Heckler,
As you all know, I will undergo a risky surgery Friday morning. Puwede ba akong humingi ng konting panalangin mula sa iyong readers?
Nagsusumamo,
Madam Gloria

Dear Madam Gloria,
Hindi hawak ng aking mga readers ang iyong kapalaran. Observers lamang sila. Meron kang sariling faith, gamitin mo ito.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Balita ko po ay on maternity leave raw si Mrs. Elena Bautista-Horn. Sino po ba ang spokesperson ngayon ni dating Pangulong Arroyo?
Concerned Citizen,
Lilia

Dear Lilia,
Parang si Congresswoman Mitos Magsaysay. Not sure.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Naniniwala ka ba sa milagro?
We do,
Azkals

Dear Azkals,
Maniniwala lang ako kung mananalo kayo.
Heckler

Deal Plofessional Hecklel,
Akyen dinig SONA iyo plesidente. Sabi n’ya, kapag ikaw tapak Lecto Bank, ikaw tapak na lin Lecto Avenue. Ano ibig sabihin kanya statement?
Sagot ka agad,
Mr. Chinese Ambassador

Dear Mr. Chinese Ambassador,
Ikaw masyado demanding. Ako sagot lamang iyo sulat pag gusto ko sagot. Isa lang ibig sabihin ng amin pangulo. Kayo Intsik, ‘wak kupal! Huwak kayo maghali-halian sa amin isla. Pak kami galit, baka deploy namin BRP Rajah Humabon. Isa lang ‘yon, luma pa, pelo may kalga-kalga ‘yon malaking kanyon. Be aflaid. Be vely aflaid.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Single ka pa ba? Can we have lunch?
Ehem,
Manoling M

Dear Manoling M,
Malaswaaaa!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Seryoso na ‘to. May mali ba sa pag-endorso ko kay Gibô Teodoro sa programa kong Dial M? We are in a democracy. Anong mali do’n?
Imbyerna,
Manoling M

Dear Manoling M,
Hindi ko alam kung nagpapatawa ka o nagpapatawa ka. Kalimutan mo na ang ambisyon mong maging comedy actor. You’re not funny girl!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Walang ipu-ipo. Walang malakas na hangin. Walang sumpa! Mabilis lang ang takbo ng bus na ’yan kaya nahulog.
Maniwala kayo,
Skyway

Dear Skyway,
I know.
Heckler

Dear Professional Heckler,
Lately ay natsi-tsismis na naman ang aking married life. Ikinakalat ng mga intrigero na hindi raw masaya sa aking piling ang misis kong si Assunta. Ano ang dapat kong gawin?
Confused,
Congressman Jules

Dear Congressman Jules,
Confused ka nga! Ano namang kinalaman ko d’yan eh buhay mo ‘yan! But since nagtanong ka na rin lang, ganito ang puwede mong gawin. Mamayang hatinggabi, humarap ka sa salamin. Hubarin mo ang iyong singsing na may bato, isubo mo ito at sumigaw… ‘Darna!’ Kapag walang nagbago, safe pa ang marriage mo! Congratulations!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Malaki-laki na rin ang nakakalap naming donasyon para sa SUVs ng mahal naming mga obispo. Puwede ka bang mag-donate kahit isang libo?
Pleeeease?
Mayor Atienza

Dear Mayor Atienza,
Get a life!
Heckler

Dear Professional Heckler,
Totoo bang walang signal ang Globe phones sa loob ng SMART-Araneta Coliseum?!
Forever Globe,
Jaime Augusto and Fernando

Dear Jaime Augusto and Fernando,
Familiar ang names n’yo. Tunog mayaman. Anyway, totoo ‘yan. Ilang beses na akong nanood ng game ng UP sa UAAP. Either delayed ng 45 minutes ang message sa Globe phone or totally walang signal. Sanga pala, totoo ba ang tsismis na magkakaroon ng Globe-Cuneta Astrodome?
Heckler

Dear Professional Heckler,
Kailan ba talaga ang uwi ni Nora Aunor? Pabagu-bago kasi ang balita.
Inip na,
Aling Milagring

Dear Aling Milagring,
Wala ho akong pakialam ke umuwi siya o hindi. Mas close ako kay Lotlot! Heto ang number ni Kuya Germs. Sa kanya kayo magtanong! 0927.3456.987.
Heckler
———————————————————————————————————–
“Body and soul cannot be separated for purposes of treatment, for they are one and indivisible. Sick minds must be healed as well as sick bodies.”
~C. Jeff Miller

Quote of the Weak
“I would just like to ask for your forgiveness for what I said in that comedy show. It was a comedy show, Dial M by the way.”
~Former PCSO chair Manoling Morato apologizing to Senators Chiz Escudero and TG Guingona whom he labeled as “nagpapa-cute” and “sinungaling” respectively on “Dial M”

You Have Spoken
Ano ang assessment mo sa SONA ni Pangulong Aquino?
Pasado naman. 40.71%
Walang direksyon. 28.57%
Anong bago? 30.71%

Share this on Facebook and Twitter: <Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Happy weekend! Ingat!

Author: professionalheckler

See About the Heckler

42 thoughts on “DEAR PROFESSIONAL HECKLER II”

  1. I think sinasadya na ng PAGASA na sabihin na malakas ulan sa Metro Manila at babaha. Playing safe na sila. Baka tanggalin sa trabaho e. So lagi na lng babaha, para pag bumaha, e di tama ang prediction. Pag hindi, OK lng kasi at least naghanda……So everytime may bagyo, sasabihin ng PAGASA na tatamaan MM kahit hindi……Mahirap na matanggal sa trabaho mga tiga PAGASA

    Like

  2. hahahahahahahaha. panalo ang indecent proposal ni Manoling. wahahaha “Dear Professional Heckler,Single ka pa ba? Can we have lunch?Ehem, Manoling M
    Dear Manoling M,Malaswaaaa!Heckler” uy may crush pala sa yo si manoling ha idol. hahaha.
    ah talaga mahina ba signal ng globe sa Smart-Araneta, nung nanood nman ako ng all star weekend ok nman ah…yung globe daw sa MOA sila Globe-MOA open grounds. hehehehe

    Like

      1. Hwag mo naman masyadong i-put down sarili mo, babe. Mas maganda ka kay manay manoling. Am also sure mas matanda sya sa yo. So don’t worry, akoy iyung-iyo laamang.

        Gusto ko lang syang saktan, babe, dahil sa ang sama ng ugali nya. Papatol yan sa akin despite my “shortcomings”… pero di nya ako makukuha. Paibugon lang nako sya (Di ba, nyor?).

        At, bading na bading sya. I know.

        Like

      2. hindi becky, kaya ka nya pakakasalan ay dahil sa
        kayamanan mo after the wedding, na hindi na sakop
        sa, pre nuptial agreement, kahit ano pa mukha mo…

        at siyangapala becky, ikaw, ano nga ba nagustuhan mo
        kay hayden? di ba, first consideration sana ay yun?
        pero sabi mo, short lang at ga-chocnut na yoyotop,
        whatever that means, so, ano ba talaga, dahil bata pa
        at gwapo?

        Like

  3. Dear Professional Heckler,

    Si former Quezon City rep. Maite Defensor po ang spokesperson ngayon ni Mrs. Arroyo. As for legal issues, meron din po siyang legal spokesperson, si Atty. Raul Lambino.

    Sana makatulong po kay Aling Lilia. Salamat po.

    Deeply concerned,
    Concerned Citizen

    P.S. Sadya pong letter format ito. Paki-add po sa inbox nyo. Haha. You made my day complete with this post. Salamat po ulit. 🙂

    Like

  4. mister heckler.mag ot muna ako, short lang, anyway friends
    naman kayo ni rojan88, ito kasing si hikata, sa kaka, visit rin
    ako sa blog ni rojan..

    rojan, kahapon basa ako sa School Homecoming mo, medyo
    na turn-off ako just because of one word lang naman, this may
    seems insignificant but means a lot, nasa 2nd paragraph

    Like

    1. thanks po sa pagbisita sa blog.
      hmmm anong word po un? 2nd paragraph ng article mismo or ng speech? if ever na nakakoffend ung word na ginamit ko. we’ll sorry for that pero ung mga sinusulat ko po kasi kung ano na ung lumalabas sa utak ko at tinatype ng daliri eh.hehehehe, siguro nga i need to learn more how to write properly. 🙂 thanks for the critique 🙂

      Like

      1. Hopefully, in a few days Senior.

        Sana nga I can finish my monthly reports in the next two days or so, para makauwi naman ako by the end of the week. Holy month of Ramadan na, at kasagsagan pa ng tag-init dito, it’s the perfect time to fly back home, and enjoy pinoy food again.

        Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s