Advertisements

THE NERVE!

17 07 2011

FORMER ALLY ZALDY AMPATUAN has come out and accused her of election fraud and graft. Ex-Maguindanao election supervisor Lintang Bedol has also named her as the brains behind the 2007 poll fraud in the province. And her name has been dragged into the PCSO fund controversy. Despite the allegations, erstwhile president and incumbent Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo has opted to remain silent.

Until now.

GMA has granted The Professional Heckler another exclusive interview. Here is the transcript of the unedited conversation.

The Professional Heckler: Welcome back and a great evening Mrs. President!
GMA: Not really! I just saw Zaldy and Bedol in the news.
Heckler: Later na ho natin pag-usapan ‘yan. How do I address you nga pala? Mrs. President? Madam Congresswoman? Ma’am Gloria?
GMA: It doesn’t matter ‘no. Hindi naman ako mashelan. Huwag mo lang akong tatawaging Tita dahil hindi kita pamangkin!

Heckler: Do you have an opening statement ma’am before I start asking questions?
GMA: Bakit? Senate hearing ba ‘to?! Akala ko interview lang?
Heckler: Oh, I’m so sorry ma’am. Sige po, any opening message na lang?
GMA: Ok, ok. Let me take this opportunity ‘noh to congratulate the Ateneo Blue Eagles. Ang hushay hushay n’yo, ‘no! Talon talaga ako nang talon kanina habang nanonood. Nasira ko nga yata ‘yong sofa eh! I am sho proud of my alma mater. I hope the feeling ish mutual ‘noh. At shobrang galing ni L.A. Revilla ‘noh! That rookie wash phenomenal in Game 2.
Heckler: Ma’am, taga-La Salle po si L.A. at hindi siya rookie.
GMA: Oh, na-confuse ako sa shobrang saya. I am shorry! One Big Fight, ‘noh?! Hihihi

Heckler: Diretso na tayo sa mga alegasyong ibinabato sa inyo ma’am.
GMA: Pakibilisan mo lang dahil may check up pa ako sa St. Luke’s ‘noh. Sumasakit na naman ang leeg ko. The nerve! It must be the nerve! At hindi ko puwedeng paghintayin si Dr. Juliet Cervantes. Mahal ang per hour no’n ‘noh.
Heckler: Sige po. Unang isyu: Ayon kay suspended ARMM Governor Zaldy Ampatuan, sangkot daw po kayo sa dayaan sa Maguindanao noong 2007.
GMA: Kung wala kang itatanong na bago, this interview is over! Shumashakit lang ang leeg ko sha ‘yo ‘noh!
Heckler: Eh ma’am, ngayon lang ho kasi nagsalita si Zaldy Ampatuan against you ‘di ba?
GMA: Noong 2004, ako. Noong 2007 ako. Baka bukash-makalawa, pati ‘yong Maguindanao Massacre sa ‘kin rin ibintang. Sa totoo lang ‘noh, nalulungkot ako sa mga nangyayaring ito. Zaldy and I have come a long way. Close ako sha pamilyang ‘yan and Maguindanao was like my second home in Mindanao next only to Iligan. Mashakit sa akin ang mapagbintangan ng ishang bagay na wala akong kaalam-alam. I categorically deny that ‘noh.
Heckler: Ano pong mensahe n’yo kay Zaldy Ampatuan?
GMA: Zaldy, friendship, wala namang ganyanan ‘noh. Alam mo ang totoo. Huwag mo akong idawit d’yan! Let’s just all move on… ‘noh? Huwag kang mag-alala, shuportado ko ang plano mong pagpapalit ng pangalan. I will text you some suggestions after my check up, ‘no?

Heckler: Lintang Bedol, ma’am. Ayon sa kanya, kayo raw ang arkitekto ng dayaan sa Maguindanao noong 2007.
GMA: Paano ako magiging arkitekto? Arroyo ang apelyido ko, hindi Palafox ‘noh! Jussh kidding. Hihihi Hindi ko kilala ‘yang si Lintang Bedol na ‘yan at wala akong pakialam ke linta man ‘yan, kuto o pulgash. Walang katotohanan ang shinashabi n’yan ‘noh.
Heckler: Sa inyong palagay ma’am, bakit po siya lumantad?
GMA: Ngayon ko lang shashabihin ‘to ‘noh. At sa ‘yo lang. Malakash ang kutob kong may kinalaman si Ping sa paglabash ni Bedol.
Heckler: Shi Shenator Lacshon ho?
GMA: Umayosh ka! Huwag mong gayahin ang S-defect ko. Oo! Si Shenator Lacshon. Ano bang shabi ni Bedol sa interviewsh sa kanya? “Kaibigan ko si Lacshon.” ‘Yon ang sabi niya. Shinong reporter ang naglabash ng ishtorya? ‘Di ba shi Anthony Taberna? Shino si Anthony Taberna? Inaanak sha kashal ni Shenator Lacshon. You do the math ‘noh.
Heckler: Hindi naman siguro gano’n ma’am.
GMA: Marunong ka pa sa akin! Shino bang interviewee dito? Ikaw o ako? Gushto mo palit na lang tayo ng puweshto? How’s your sex life iho?
Heckler: Sorry naman ma’am. Mensahe na lang ho n’yo kay Lintang Bedol…
GMA: Wala… ‘noh! Pero may mensahe ako kay Migs Zubiri. Migs, anak… alam mong ginawa namin ang lahat para sa ‘yo! Huwag kang bibitaw. Two more years. Kaya mo ‘yan noh?

Heckler: Rosario Uriarte ma’am. Gaano kayo kalapit sa kanya?
GMA: Oh, si Roshario! Matagal ko nang kaibigan ‘yang si Roshario, DTI days pa namin ‘noh. Pero ewan ko ba sha babaeng ‘yan! Until now, wala pa ring effort mag-ayosh ng sharili. Ni-refer ko na ‘yan sha aking stylist noon, pero look at her today! Deshpicable!
Heckler: Pirmado n’yo po ang mga PCSO memoranda kung saan makikitang nag-request ng millions and millions of funds si Mrs. Uriarte.
GMA: Sandali lang. Hindi pa ako taposh sa hairstyle ni Roshario. My goodnessh, she is attending a Shenate hearing ‘noh… not a lotto draw! Pero tingnan mo ang kanyang buhok! Ghastly, atrocious, contemptible…. ‘noh!? Ano ngang question mo?
Heckler: From 2008 to 2010, you approved some 325 million pesos in confidential intelligence funds. Para saan po ‘yon?
GMA: As the name suggests, it’s confidential. Next question!

Heckler: Ang sabi ni Senator TG Guingona, plunder ang nangyari. Pandarambong sa pera ng PCSO!
GMA: Hindi na ako nashoshorpresa! Kung gaano kalaki ang mga tainga ng TG na ‘yan, gano’n din kalaki ang galit nilang mag-ama sha akin. Ayaw ko na siyang patulan.

GMA: Shandali lang, ia-adjust ko muna ang aking brace dahil kumikirot na naman ang leeg ko. The nerve! It must be the nerve! Last three questions na lang puwede?
Heckler: Nang matanggap n’yo ho ang sulat ni Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos asking for a brand new car, anong naramdaman n’yo?
GMA: Honeshtly?
Heckler: Kung kaya n’yo, sige.
GMA: Gusto mo umalis na ‘ko?
Heckler: Sorry ulit ma’am. Sige po, honestly…
GMA: At first, nagulat ako. May pagka-demanding ang tono ni Bishop Pueblosh. Pero dahil ayaw ko nang madagdagan ang kaaway kong obispo, pinalampas ko na lang ang pagiging choosy niya. Shabi nga nila, if you can’t beat them, bribe them… ‘noh?

Heckler: Sa hearing po last week, tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si Bishop Pueblos kung tatanggap ba siya ng pera mula sa devil basta’t makakatulong ito sa mahihirap. Ang sagot po ni Bishop Pueblos, oo daw. Ang tanong ko po sa inyo: Kung kayo po ay magiging devil… why not?
GMA: “Hello? Dr. Cervantes? Yes… yes. I’m on my way. See you.”
Heckler: Teka lang naman ma’am. Hindi pa ho ko ‘tapos. I will rephrase the question na lang: Kung susulat ho ulit sa inyo si Bishop Pueblosh upang humingi ng brand new car, bibigyan n’yo ba?
GMA: I don’t think it’s necessary. As my father, the late Ka Dadong told me, “Do what ish right, do what ish best, and Romy Macalintal & Lito Atienza will do the rest.”

Heckler: Malapit na po ang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino. Dadalo ho ba kayo?
GMA: What for? Alam ko na naman ang sasabihin n’ya… ‘no? “Dahil kay Gloria lumobo ang utang ng PCSO. Dahil kay Gloria, nagkaroon ng fish kill. Dahil kay Gloria, nanapak si Sara Duterte. Dahil kay Gloria, na-rape daw si Amanda Coling. Dahil kay Gloria, nabuntis si Andi Eigenmann. Dahil kay Gloria, walang girlfriend ang inyong pangulo.” Lahat na lang dahil sa ‘kin!
Heckler: Eh baka naman po talagang dahil sa inyo?
GMA: Dahil d’yan… tapos na tayo!
Heckler: Hahaha Nagbibiro lang ma’am. We’re almost done! Punta na tayo sa paborito kong segment, ang Rapid Round. Sabihin n’yo sa akin kung ano ang unang pumapasok sa isip n’yo kapag nababanggit ang mga sumusunod na pangalan. Ready na ho kayo?
GMA: Teka lang, ia-adjust ko muna ang brace ko. Ooops, the nerve. It must be the nerve. Kumikirot na naman ang leeg ko. Wait! There! Ok na! Game!

Heckler: Ok! Let’s begin! Bishop Pueblos…
GMA: Caring.

Heckler: Sara Duterte…
GMA: Daring.

Heckler: Leila De Lima…
GMA: Dating! Ang shaya-shaya ‘noh? May boyfriend pala siya.

Heckler: Mar Roxas…
GMA: Balay.

Heckler: Rosario Uriarte…
GMA: Suklay.

Heckler: Pangulong Aquino…
GMA: Walang malay!

Heckler: Bakit naman walang malay ma’am?
GMA: I don’t have to elaborate. Wala naman sa rules ng game ‘noh?!

Heckler: Fine! Next… Jose Ping De Jesus…
GMA: He quit.

Heckler: Charice Pempengco…
GMA: A hit.

Heckler: Zaldy Ampatuan…
GMA: Ayyy, shit!

Heckler: Palace social secretary Susan Reyes…
GMA: Kabit?!? Ay tsismis nga lang pala ‘yong sha kanila ni Mar. Shorry Ate Koring. I wash jusht kidding. Ang saya-saya ‘noh?

Heckler: FYI lang Mrs. President, noong nasa Europe ho kayo, nag-deny na si Ate Koring. Going strong pa rin daw ang pagsasama nila.
GMA: Hay naku! Ganyang-ganyan din ang statement ko noon. You know naman kung anong nangyari ‘di ba? Anyway, next!

Heckler: Noli De Castro…
GMA: Announcer.

Heckler: Rodrigo Duterte…
GMA: Silencer!

Heckler: Panfilo Lacson?
GMA: Dacer? Ang suwerte-suwerte n’ya, ‘noh?

Heckler: Finally, Dinky Soliman…
GMA: Traydor!

Heckler: Erap…
GMA: Emperador!

Heckler: Lilia Pineda…
GMA: Kubrador. Ooops, shorry ulit… paki-erase na lang ng part na ito, please? Mahal ko ang kumare kong ‘yan ‘noh?

Heckler: Mrs. President, I have a hypothetical question. Sana po ay sagutin n’yo. Kung sakali pong makulong kayo habambuhay dahil sa katiwalian at kurapsyon, ‘buti nga sa ‘yo!
GMA: Teka, teka, medyo nalito ako. Your question is…
Heckler: ‘Di bale na lang po, baka ma-late kayo sa inyong appointment. Huling tanong na lang po: Ano pong grado ang ibibigay n’yo sa performance ng ating Pangulo after a year in office?
GMA: Alam naman ng lahat na naging estudyante ko ‘yan sa Ateneo ‘noh. Well, some things never change. Pasang-awa pa rin. If it’s any consolation, consistent siya sa kanyang sub-par performance.

Heckler: Any advice po sa ating Pangulo?
GMA: I only have three words for him: “Tigilan mo na ako!”
Heckler: Ma’am, four words po ‘yan.
GMA: The nerve! It must be the nerve. Sorry, I have to go. Thank you.
Heckler: Thank you rin ma’am.
-END OF INTERVIEW-
——————————————————————————-
“Thoughts lead on to purposes; purposes go forth in action; actions form habits; habits decide character; and character fixes our destiny.”
~Tryon Edwards

Quote of the Weak
“Tell that to the anchovies. They treat the public like small fishes with small brains.”
-Lawyer Raul Lambino on palace claims it had nothing to do with Zaldy Ampatuan’s and Lintang Bedol’s statements against his client, the Arroyos

You Have Spoken
Dapat bang imbestigahan ang mga rebelasyon nina Lintang Bedol at Zaldy Ampatuan kaugnay ng dayaan sa Maguindanao noong 2007?
-Dapat lang para may closure. 53.74%
-Move on. 19.05%
-Wala akong pakialam. Uy, na-try n’yo na ba ang Google+ ? 27.21%

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Have a great week ahead!

Advertisements

Actions

Information

46 responses

18 07 2011
Neil Noe Reyes

Hilarious!!!

Like

18 07 2011
Vernie Barsanas

Again, you never failed to give me a good laugh. You just made bright, my rather gloomy night! Ang saya-saya talaga, noh? 😀

Like

18 07 2011
eneoeemei

The nerve! Nakakatawa talaga! Can’t help to giggle! Nice interview with Madaam Preshident hahaha

Like

18 07 2011
kalokah

wahahaha!

Like

18 07 2011
amateur heckler

ang galing galing mo PH! definitely another award for this.

Like

18 07 2011
amateur heckler

the bishops’ demand for apology…THE NERVE!

Like

18 07 2011
amateur heckler

or as Conrado de Quiros would put it “pagkagarapal” .http://opinion.inquirer.net/7991/wait-just-a-minute-2

Like

19 07 2011
senior60

idol ko si de quiros as a writer, galing to the highest level,
pero kung minsan, may pagkagarapal din, kahit alam nyang
mali siya, siya pa, pero sinusulat pa rin ang kanyang mali

Like

18 07 2011
hayden ako

Forgive me, Fathers, for I have lapsed in judgment.

Like

18 07 2011
Victoria N. Navida

naku, PH, aliw na aliw na naman ako sa interview mo kay GMA…keep it up…

Like

18 07 2011
hayden ako

The nerve nga! The nerve to ask the prof about his sex life. hehehe! Ano kaya sagot ni prof?

Like

18 07 2011
danny

@hayden ikaw:

…why not initiate the interview hayden, d b expertise mo iyan?

Like

19 07 2011
Becky Vilo

Wag mong sasagutin yan Babe!

Baka magkakaso ka na naman, ako na naman ang malilintikan sa pagsagot sa mga legal fees! Hmp!

Like

18 07 2011
jjjjjjjjjoy

naman.. dahil kay gloria mabenta nnman blog mo.. winner ka talaga PH!!
hahaha aliw

Like

18 07 2011
josef de guzman

Rapid round. hahahahahaha

Like

18 07 2011
olopsman

galing ng hypothetical question mo, buti nga syo!

Like

18 07 2011
senior60

mister heckler, halimbawa lang hindi ka tinantanan ni gloria,
sinabi nyang hindi tatapusin ang interview kapag hindi ka nag
comment tungkol sa, hindi na lang sex life, lovelife na lang,
interesado din kami mister heckler, ano, single? dating? into
a relationship? celibate?

please mister heckler, sumagot ka naman

Like

19 07 2011
etchosera

halimbawa lang din na ayaw itong sagutin ni PH, why not?

Ahahahahahaha! Labia Senior!

Like

19 07 2011
senior60

alam mo etchos, may kutob talaga ako na hindi sasagot
si mister heckler, ay naku, gwapo pa naman pero esnabero,
pwede naman mag no comment dahil napakasilan ng subject
matter

labia senior? di ba labia majora lang meron? hehe

Like

18 07 2011
markpere2010

Isa ka talagang alamat, Idol PH! Baka ma-nominate po ang post niyong ito as the Best Blog in the Humor Category for 2011. 🙂
The funniest part for me po ay yung pang-aasar ni GMA kay Bedol. Saka yung birada niyang “hindi Palafox and apelyido ko.” Haha.

Share ko po pala yung post ko about possible replacements dun sa kontrobersyall na billboards sa EDSA. Salamat po. 🙂

http://rightonthemark.wordpress.com/2011/07/15/possible-replacements-to-the-now-removed-underwear-ad-in-edsa/

Like

18 07 2011
etchosera

Lovette! Lovette! Lovette!

Like

18 07 2011
pacsmachine

Hahaha! Sobrang nakakaaliw. Ikaw na! 😀

Like

18 07 2011
danny

…hahaha, what a great way to start the week dyan sa Pinas.

…psst, mga katotong hecklers, napansin nyo b ang similarity nina holy father and the holy son?

Like

22 07 2011
etchosera

Si Lintang Bedol ang huli ghost…. mukha siyang multo, pasulpot sulpot!

Ahihihihihi!

Like

18 07 2011
libertas

Great exclusive
Look forward to the SONA interview/comments

P.s the new wordpress format is not smartphone friendy. 1 huge file so long time to load!mat is not smartphone friendy. 1 huge file so long time to load!

Like

18 07 2011
THE NERVE! « The Professional Heckler | Pnoy Talks

[…] this link: THE NERVE! « The Professional Heckler This entry was posted in Gloria, Gloria Macapagal Arroyo and tagged allegations, […]

Like

18 07 2011
tinn

“GMA: Marunong ka pa sa akin! Shino bang interviewee dito? Ikaw o ako? Gushto mo palit na lang tayo ng puweshto? How’s your sex life iho?”

laugh trip! *two thumbs up!*

Like

19 07 2011
eddibumangon

Very active po maam, unlike your nemesis Pnot na tuyot na tigang pa…

Like

19 07 2011
etchosera

Bitter-bitteran ka talaga Koya Eddi!

Wag na kasing pinag-aaksayahan ng panahon si Pnot, dami namang mga Pana at Bangles dyan ah!

Ahihihihihihi!

Like

19 07 2011
senior60

halimbawa lang din eddi sasabihin ni noynoy na hindi

bale na kung tuyot at tigang basta hindi lang corrupt,

ok ka na doon?

Like

20 07 2011
eddibumangon

senyor, at naniwala ka naman na hindi corrupt ang mga cojuangco at aquino? ilang dekada na ba nagpasasa sa dugo at pawis ng mahihirap ang pamilyang ito? angkan nila at crony ang nakinabang sa pagpatalsik kay marcos, ngayon sila na naman ang nakikinabang sa galit ng sambayanan kay gma.matanong ko lang senyor, bayani daw si ninoy, anong kabayanihan ba ang nagawa niya? santa daw si cory, bakit nagyari ang mendiola at luisita masakers? hindi kaya masyado ka lang nagpapaniwala sa dilaw na media? tandaan mo senyor, hindi mo kailangan magnakaw para maging corrupt.

Like

20 07 2011
senior60

eddi, alam kong maraming meaning ang corrupt pero
clearly, in this case, pagnanakaw sa pera ng bayan ang
tinutukoy at kung magnakaw ba si noynoy…

huwag na natin isali si noynoy sa mga kasalanan ng kanyang
mga kamaganak, ang kasalanan nila ay hindi kasalanan ni
noynoy…

personally, hindi ako sang-ayon doon sa, ano ba yun, land
reform program ba, yung pamamahagi ng lupa sa mga
magsasaka, (hindi lang sa hacienda luisita ha ) ang dapat
lang ay bigyan sila ng just na sahod para sa kanilang work,
yun bang hindi mga underpaid…

at, kung hindi pala nangyari ang mendiola at luisita massacre,
ok ka na na santa si cory?

Like

20 07 2011
eddibumangon

etchos, censored ni mr ph ang reply ko sayo. 😦

Like

21 07 2011
eddibumangon

senior,

ang mga angkang cojuangco-aquino at arroyo ay pareho lang na namuhay at nabubuhay sa dugo at pawis ng mga mahihirap.walang hindi corrupt sa kanila. ang kaibahan lang ay kung ang isa ay walanghiya at garapal, ang isa naman ay nagmamalinis at nagpapakabanal.

Like

18 07 2011
Michael Blando

mataba ang utak mo… hehe
it naman sakin: http://mic-rant.blogspot.com/

Like

19 07 2011
etchosera - nagtatanong lang po

Ayyyy! libreng blog promo ba itetch?

Like

19 07 2011
Paul

“Dahil kay Gloria, na-rape daw si Amanda Coling. Dahil kay Gloria, nabuntis si Andi Eigenmann” Ha, ha ha. I can easily imagine Lacierda or Carangdang or PNoy saying that in a press con

Like

19 07 2011
nong

dahil sa iyo.. nandito kami..
yakss..hhihiii
prof ok ka talaga

Like

19 07 2011
professionalheckler

haha

Like

19 07 2011
danny

“GMA: Oh, si Roshario! Matagal ko nang kaibigan ‘yang si Roshario, DTI days pa namin ‘noh. Pero ewan ko ba sha babaeng ‘yan! Until now, wala pa ring effort mag-ayosh ng sharili. Ni-refer ko na ‘yan sha aking stylist noon, pero look at her today! Deshpicable”

…have u noticed Roshario in the recent senate hearing? maaus na ung buhok niya.

Like

20 07 2011
etchosera

Yes, I didn’t!

Like

20 07 2011
Anonymous

ahhyylykk

Like

21 07 2011
lai

the NERVE!!!!! lols… ang saya saya. keep it up sir 🙂

Like

23 07 2011
John

Great! How’s your sex life nga ba?

Like

18 08 2011
Frank

Hindi ko pa tapos basahin ang blog, pero Loi (Okay lang bang “Loi”?) oo nga naman… how’s your sex life? Peash!!! 😛

Like

18 08 2011
professionalheckler

hahahaha

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: