Advertisements

KRISSY/CHIZZY

15 06 2011

KRIS AQUINO’s talk show has taped its pilot episode with Sen. Chiz Escudero as first guest. An anonymous source sent The Professional Heckler a ‘transcript’ of that exclusive interview. Enjoy!

VO: Mga Kapamilya, please welcome your host, the Queen of Talk and the Queen of All Media… Ms Kris Aquino!

SFX: Canned applause

Krissy: I am baaaaack! Good morning mga Kapamilya! At good morning din sa mga Kapuso at Kapatid na nakatutok ngayon! Mag-aminan na tayo ohkay?! Kapag pilot episode, nakatutok kayo, sure ako! At kapag mababa ang rating ko, happy kayo ‘di ba? Aminiiiin! Hay naku, I’ve matured. Wala nang effect sa ‘kin ang ratings-ratings na ‘yan. Mas marami pa rin akong endorsements kesa sa iba d’yan! Kurek?!?

Audience: Kureeek!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! You’re so alive audience. Grabeee! Oh wait, that girl sa likod ng guy na naka-blue, can you stand up please iha. Direk, puwedeng ipakita natin? There! I love your blouse, promise! What’s your name?

Girl: Hope Mayen Digby po.

Krissy: Aray ko! Sige na nga, take your seat na. Naloka ako do’n. Buti na lang, hindi Oli ang middle name mo! Otherwise, baka nag-spontaneous combustion na ako! Anyway, kung matatandaan n’yo, we had a mock episode almost a month ago with Cong. Manny Pacquiao as guest. Hindi po eere ‘yon. Today though, mapapanood ng lahat ng Kapamilya sa ABS-CBN at sa TFC ang aking exclusive interview sa una nating guest. Take note mga Kapamilya! Never pa siyang nag-grant ng one-on-one, sit-down interview kahit kanino. Sa ‘kin lang. Gano’n tayo kalakas sa kanya! Tahhhma??

Audience: Taaahma!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha Buweno, huwag na nating patagalin pa! Ladies and gentlemen, would you please welcome… my very special guest this morning, Senator Francis Joseph ‘Chiz’ Escudero!

SFX: Canned applause

Chizzy: Hi Kris! Good morning po sa inyong lahat! Magandang umaga sa mga nanonood.

Music: Faithfully by Journey [I’m forever yours, faithfully]

Krissy: Welcome to the show Chiz! Direeeek, ano ba!? ‘Faithfully’ talaga ang song? Kaloka!
Chizzy: Bakit Kris? Faithful naman ako ah.
[Sigawan ang kinikilig na audience.]
Krissy: Hindi ko kayo kinakaya! Kakastart pa lang ng show, pinagba-blush n’yo na ako. Aha-ha-ha!

Music: I Want to Know What Love Is by Foreigner

Krissy: Stop! Stop it Direk! Ano baaa! Hindi pa nullified ang kasal ko, maawa naman kayo! Aha-ha-ha
Chizzy: Okay lang sa ‘kin ‘yon Kris!
[Sigawan ulit ang audience na mas lalong kinilig.]

Krissy: Thank you for coming Chiz. Alam n’yo po mga Kapamilya, it took our staff almost two months bago nakumbinsing mag-guest si Senator. So thankful ako sa kanya. Thank you talaga for trusting my show.
Chizzy: Sa akin ang karangalan Kris. Sino ba naman ako para tumanggi sa Queen of Talk?
Krissy: Owwwws? Talaga? Eh ba’t di ka makatingin nang diretso sa akin!? Aha-ha-ha!
Chizzy: ‘Di naman sa gano’n. Katulad nga ng sabi mo, ‘di pa nadedeklarang null ang kasal mo. Baka may magalit!
Krissy: Naku wala! Aha-ha-ha! I assure you Chiz, walang magagalit! Tama ba ako audience?

Audience: Taaahma!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! Tara, start na tayo!
Chizzy: Seryosong interview ba ‘to?
Krissy: Ayy no! Ayaw namin ng serious! Baka maglipat ang viewers so dapat happy, lively, yehey ang kwentuhan nating dalawa! Heto na ang first question: Senator… gumagamit ka ba ng condom?
Chizzy: This is embarrassing Kris.
Krissy: Aha-ha-ha. Nagbibiro lang ako Chiz! Gosh! Namumula ka na! I wonder what else in you is red. Ay ano ba ‘yong nasabi ko? Ano ka ba Chiz! Of course I wouldn’t ask that on TV. Siguro, later na lang. Aha-ha-ha!
Chizzy: Next!
Krissy: Ikaw daw ang nag-recommend sa kapatid ko na ilagay si Mar Roxas sa DoTC. True ba ‘to?
Chizzy: Grabe naman. Hindi naman ako gano’n ka-powerful Kris. They’re giving me too much credit. Ang totoo, it’s a collective effort of the Group.
Krizzy: And when you say ‘group,’ you mean Samar Group, right?
Chizzy: Yup! Of which you are a member!
Krissy: What did you just say? Gosh! Bawiin mo ‘yan Chiz! Ayokong madamay sa gulo n’yo ng Balay noh! Nananahimik ako!
Chizzy: Basta ang alam ko… ang ibinoto mong VP may B.
Krissy: You’re so kainizzzz! Magagalit na naman sa akin si Korina. I hate you na talaga. Kung ‘di lang ako single ngayon, ihi-hate na kita foreverrrr, promise! Am I correct, audience?

Audience: Kureeeeek!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! Maiba ako Chiz, when you and the President are together, nag-uusap ba kayo tungkol sa babae?
Chizzy: More of kotse actually. When it comes to women kasi, I think mas kabisado ng Balay Group ang isyu. ‘Kita mo naman no’ng manood siya ng Hotdog concert with Bunny Calica, napapaligiran siya ng allies ni Mar. Kaya kapag pumalya ang lovelife niya, alam mo na kung sinong dapat sisihin.

Krissy: Speaking of Mar, kumusta na kayo ni Ate Koring? Are you guys on speaking terms na?
Chizzy: Pass!
Krissy: Salamat sa paglilinaw! At least, maliwanag na ngayon ang lahat.

Krissy: Now, iwan na muna natin ang nakakalokang mundo ng pulitika. Punta na tayo sa isyung pinakahihintay ng mga viewers.
Chizzy: RH Bill, right?
Krissy: Wrong! Sorry ka! Mas juicy na topic ‘to.
Chizzy: Ako?
Krissy: Why? Juicy ka ba?
Chizzy: It’s for you to find out!
Krissy: Aha-ha-ha! Naughty ka na ngayon! Hindi ka naman dating ganyan Chiz! Na-cha-challenge tuloy ako! Promise!
Chizzy: So anong isyu nga ‘yon?
Krissy: Hay naku! Maang-maangan School of Edong Angara acting ka. Kahit kalat na kalat na, nagdi-deny pa. How’s your lovelife ba?
Chizzy: ‘Yon lang ba? Wala namang nagbago Kris. Mula noon hanggang ngayon, umaapaw pa rin ang aking pagmamahal sa kambal ko.
Krissy: Sa kambal lang? Eh pa’no ‘yong nanay ng kambal?
Chizzy: Let’s leave it at that.
Krissy: Mga Kapamilya, malinaw na malinaw po ang pahayag ni Senator Chiz. First and exclusive dito sa show ko: hiwalay na silang mag-asawa! I’m sure, ipi-pick up ito ng News.
Chizzy: Whaaaaat? Wala akong sinabing ganyan Kris! Bawiin mo ‘yan!
Krissy: Ay, wala ba? Pasensya na po mga Kapamilya. Nagkamali ako ng dinig. Soooooorry. Ohhhh, you’re not smiling na. Hindi ako sanay na ganyan ka Chiz. I’m very sorry talaga. Teka nga… Mga kapamilya, bagay ba kaming dalawa ni Senator?

Audience: Bagaaaaay!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha! There! Ngumingiti na ulit si Senator. Palakpakan naman natin si Chiz!

SFX: Canned applause

Krissy: Thank you! Right now, we’ll answer a question from a member of the audience.
[Sabay-sabay na nagtaas ng kamay ang audience]

Krissy: You! Yes, you, the tall guy in white polo shirt. What’s your name?
Guy: Alvin po.
Krissy: Alvin what?
Guy: Conwi po.
Krissy: In fairness Alvin, cute ka sana. Hindi ko lang like ang last name mo! Anyway, what’s your question for Senator Chiz?
Guy: Ahm, senator, hypothetical lang po. Kung single ka at single din si Ma’am Kris, liligawan mo ba siya?
[Tilian ang audience. Kinikilig ang mga potah.]
Chizzy: ————-
Krissy: Shoccccccks! Speechless si Senator! Kaloka!
Chizzy: Hindi Kris. Kasi…
Krissy: My God, careful ka! Nakatutok ang buong Pilipinas sa ‘tin.
Chizzy: Alam n’yo mga kaibigan, hindi naman lingid sa inyong kaalaman, medyo close na rin ako sa Presidente. Ayaw kong ilagay sa…
Krissy: Hindi!!!! Yes or No lang! Liligawan mo raw ba ako kung pareho tayong available? Bilis na, naghihintay sila.
Chizzy: Bakit naman hindi, ‘di ba?
[Sigawan at palakpakan ang audience. Hinimatay ang floor director.]
Krissy: Naloloka ako sa inyo! Mas kinikilig pa kayo kesa sa aming dalawa! Hay naku! Move on na tayo! Baka magamit pa ‘yan ni Atty. Lorna Kapunan at ni James against me. Baka sabihin, lumalandi ako. Excuuuuse me! Guys, malandi ba ako?

Audience: Hindiii!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha!

Chizzy: Matagal pa ba ‘to?
Krissy: Five minutes na lang. Do you play basketball?
Chizzy: Only if you’d watch me.
Krissy: Aray ko! Konting-konti na lang, baka malimutan kong kasal pa ako. Lord, give me strength! Aha-ha-ha! Wait! Are you in favor of divorce?
Chizzy: Yes!
Krissy: Gosh, ang bilis ng sagot! Parang may pinaghuhugutan! Aha-ha-ha Moving on… we have this segment called Lightning Round. Simply answer the questions. No need to explain. Game?
Chizzy: Game na!

Krissy: Samar or Balay?
Chizzy: Itinatanong pa ba ‘yan?

Krissy: Lights On or Lights Off?
Chizzy: Saan ka ba mas komportable?
Krissy: Lights off. Ayyyy bakit ko raw sinagot!?? Kaloka.

Krissy: Chubby or Skinny?
Chizzy: Skinny.
Krissy: Eh bakit parang nandidiri ka sa akin. Hay naku! Abangan mo ang pagpayat ko!

Krissy: Sunny side up or Scrambled Eggs?
Chizzy: Hard-boiled.
Krissy: Gosh, favorite ko din ‘yan, promise! Paano mo nalaman?!

Krissy: “Hurt me with the truth” or “Comfort me with a lie?”
Chizzy: Naranasan ko na ‘yong una eh. Sobrang sakit pala. So, try ko na lang ‘yong ‘lie.’
Krissy: Ay, ako hindi! ‘Di bale nang masaktan basta’t alam ko ang katotohanan!

Krissy: Boxers or Briefs?
Chizzy: Alamin mo na lang! Joooke!
Krissy: Kainis ka! Huwag mo ‘kong binibiro nang ganyan! Madali pa naman akong maniwala!

Krissy: In bed: would you prefer someone who’s wild or someone who’s mild?
Chizzy: Wild!!!
Krissy: Kainis ka na naman! Bakit laging tugma ang sagot mo. Wild ako eh. Goshhh!

Krissy: Anyway, maraming, maraming salamat sa pagdating mo ngayong umaga Chiz! I had so much fun, promise! Oh, wait, what’s your shoe size?
Chizzy: Eleven and a half.
Krissy: Ay, puwede na rin. At least, merong “and a half.” Aha-ha-ha
Chizzy: It’s a pleasure to be here Kris. Nag-enjoy rin ako.
Krissy: Any message sa mga viewers?
Chizzy: Matagal-tagal pa naman ang 2016 pero… sige na nga… sayang ang pagkakataon. Sa mga kapwa Pilipinong nanonood, sakali man at palarin po akong bigyan ng chance ng Samar Group na maging running mate ni Vice President Binay, ‘yon po ay magiging isang malaking karangalan para sa ‘kin. Unlike last year na nagdalawang-isip po ako, sa 2016… sure na sure na po. Mas hinog na ako kumbaga.
Krissy: Wait! Kung tatakbo kang vice president sa 2016, may plano ka bang humanap ng future Second Lady?
Chizzy: Bakit naman ako maghahanap pa kung ‘yong para sa akin ay nasa tabi-tabi lang pala?
[Sigawan ang audience. Pagod na sila sa kakasigaw. Gutom na.]
Krissy: Gosshhh! Parang gusto kong mag-blush! Sorry mga Kapamilya, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, promise!
Chizzy: Ikaw Kris, kung papipiliin ka, First Lady ng Makati o Second Lady ng Republika, anong pipiliin mo?
Krissy: Ay!! Ayokong sagutin ‘yan! Junjun Binay is probably watching right now. Ayokong makasakit ng damdamin. Aha-ha-ha Basta! Abangan na lang natin ang mangyayari sa mga susunod na araw! Willing ba kayong maghintay mga Kapamilya?

Audience: Yessssss!

Krissy: Ayyyyy! Love n’yo talaga ‘ko! I love you too! Aha-ha-ha!
————————————————————–
End of Interview

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

[Kris/Chiz photo grabbed from @itsmekrisaquino]

Advertisements

Actions

Information

22 responses

15 06 2011
Anonymous

Hilarious and scary!!! Nakakatawa ang dialogue; nakakatakot ang posibleng mangyari sa 2016. 🙂

Like

16 06 2011
Paul

Agree

Like

15 06 2011
etchosera

Jaena Kuh! I love you talaga PH!

gleng gleng!

Like

16 06 2011
renxkyoko

This is hilarious,,, and I can actually understand the dialogue.

Greetings from California!

Like

16 06 2011
professionalheckler

hi there! 🙂 mabuhay!

Like

16 06 2011
RaMBo

Been your avid follower since day 1. Keep on writing…

Like

16 06 2011
libertas

thunder-thighs and big-ears
2 political jokes for the price of 1.

kris has confirmed that she will be running for tarlac governor in 2013 and then wants to be vice-president.
Which basically means she wants a back door to become president.
If she runs with cheesy and they win, the first thing he should do is employ a food taster.

Like

16 06 2011
als85

mabuhay ka PH ang galing!!! ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa! LOL

Like

16 06 2011
Cefas

galing! hahaha

Like

16 06 2011
piyaa

kalookah! husay
love mo talaga si krisssy, the great PH!
kaw ha. yari ka pag tinanung ka rin nya ng shoe size mohh

Like

16 06 2011
professionalheckler

hahahahaha! may exception sa rule. hahahaha #confident

Like

16 06 2011
anna

hilarious! keep on writing.

Like

16 06 2011
noel

napapaumis talaga ako sa mga isinusulat mo!

Like

17 06 2011
senior60

sabay pala silang tatakbo ni boy abunda, si boy sa samar naman

Like

19 06 2011
etchosera

Juicemio! Nagpapahalata na talaga ang Senior!

SAMPLE: Sabay tayong uuwi mamaya, ha? Sabay tayong kakain. Sabay din tayong maliligo, okey? At dapat sabay tayo ha para walang kasing sarap!

So, paanong naman magiging sabay tatakbo sina Kris at Boy?

Si Kris sa Tarlac, si Boy naman sa Samar. Hello?

Jaena Kuh!

Like

17 06 2011
senior60

kung papipiliin si kris, siempre si chiz, pero kung hindi si chiz,

ok na rin si junjun, lagi naman kinikilig si kris kahit kanino pa

i link

Like

17 06 2011
marksphere

So, ibig sabihin po, part rin ng Samar group si Boy Abunda? Hahaha. Nangangamoy Binay-Escudero na po yata talaga sa 2016. 😦

Like

18 06 2011
Chenelyn

hmp, ke junjun n lng ako…ano nman mpapala ko sa pagiging second lady of the republic kung pwede namang first lady of makati and presidential daughter-in-law

Like

19 06 2011
etchosera

eh di sige, go! Puntahan mo na si Junjun sa city hall…..NOW NA!

DALIIII! Baka maunahan ka ni Kris!

Like

19 06 2011
Anonymous

probably your funniest post ever! had so much laugh…

Like

17 06 2012
Anonymous

professional heckler is the best!

Like

17 06 2012
Lol

HAHAHAHAHA ayos!!!? ;D

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: