HOLY STORMS!


Narito ang updated na talaan ng mga bagyong pumasok, papasok o kasalukuyang nasa loob ng Pilipinas:

Bagyong Mar Roxas
Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility sa darating na Hunyo. Nangangamba ang marami sa posibleng pagsasalubong nila ng Bagyong Jojo Ochoa. Maaari daw itong magdulot ng dobleng peligro sa bansa.

Bagyong Jojo Ochoa
Tahimik lamang ang bagyong ito ngunit malalaman mong paparating na siya dahil pasuray-suray ang pagtahak niya sa kanyang dinadaanan.

Bagyong Edwin Lacierda
Matapos manalanta, sinisi niya ang forecast ng PAGASA. Mali-mali daw ang facts at figures na inilalabas ng weather bureau.

Bagyong Leila De Lima
Napakatapang na bagyo. Matatalim na kidlat at kulog ang dala ngunit walang gaanong ulan kaya’t minimal ang pinsala. May isang obserbasyon nga lang ang mga kritiko ng Bagyong Leila: kung saan-saang lugar daw siya pumapasok.

Bagyong Panfilo Lacson
Kahit moderno na ang instrumento ng pamahalaan, nahirapan pa rin silang ma-detect ang galaw ng bagyong ito. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung sang bahagi ng mundo siya nagmula.

Bagyong Manny Pacquiao
“Jeremiah 23:19 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipu-ipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.” You know.

Bagyong Mommy Dionisia
Pinapayuhang mag-ingat ‘yong malaswa, ‘yong mga taong malaswaaaaa!

Bagyong Juan Ponce Enrile
Pinakamatagal sa puwesto; hindi gumagalaw. Dumaan na ang iba pang sama ng panahon, nananalasa pa rin siya.

Bagyong Gloria Macapagal-Arroyo
Siyam na taong nanalanta sa Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi pa tuluyang nakakabangon ang bansa sa pinsalang kanyang idinulot.

Bagyong Tingting Cojuangco
Nabigla ang mga weather forecasters sa ikinilos kamakailan ng sosyal na bagyong ito. Matapos manalanta sa Central Luzon noong early 1990s, nagpaparamdam ito ngayon sa dakong Mindanao bilang isang weather disturbance. Gayunman, wala pang katiyakan kung siya ay magiging ganap na bagyo.

Bagyong Imelda Marcos
Dekada sesenta pa nang ito ay unang manalasa sa bansa. Libu-libo ang nasawi, nasugatan, at hanggang ngayon ay nawawala dahil sa kanyang bagsik. Inalis na ang kanyang pangalan sa opisyal na talaan ng mga bagyo ngunit sa ‘di maipaliwanag na pangyayari, matagumpay siyang nakabalik at patuloy pa rin sa pananalasa.

Bagyong Ernesto Diokno
Matapos magdulot ng pinsala, tumanggi siyang akuin ang responsibilidad at ipinasa ito sa mas mahihinang bagyo. Sinisi rin niya ang mga nagdaang sama ng panahon. Bagamat bahagyang humina, nananatili pa rin ito sa puwesto dahil malakas daw ang kapit kay Lord.

Bagyong Antonio Leviste
Ang inisyal na forecast ay stationary lamang ito ngunit marami ang nagulat nang ma-detect siya ng ABS-CBN News Weather Bueau sa dakong Makati at Maynila. Iniimbestigahan na ang mga awtoridad sa kabiguan nilang ma-monitor ang galaw ni Bagyong Leviste.

Bagyong Manny V. Pangilinan
Mayaman sa ulan at hangin. Tuwing kumukulog at kumikidlat, nawawalan ng signal ang Globe!

Bagyong CBCP
Matagal-tagal na rin ang ginagawa nitong pananalanta sa Pilipinas. Sa tuwing magrereklamo ang mga tao sa dala niyang pinsala, nagbabanta ito ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha upang lipulin ang “masasama.”

Bagyong Jejomar Binay
Napanatili nito ang maximum strength na sinimulang ipunin noong 1986. Lalo pang tumindi ang kanyang gustiness after 2010. Bagamat matindi ang dulot na pinsala, hindi ito gaanong napapansin dahil marami din namang natulungan ang dala niyang ulan. Matapos tumama sa Kamaynilaan, nakatutok naman ang mata ng Bagyong Binay sa mas malawak at mas matinding pananalanta sa iba’t ibang panig ng bansa sa 2016.

Bagyong Noynoy Aquino
Tuwid na direksyon ang tinatahak ng bagyong ito ngunit napakabagal at may katamaran. Tanghali na kung ito ay kumilos kaya’t inaabot nang madaling araw ang pananalanta. Walang gaanong ulan ngunit malakas ang hanging bumabayo kaya’t binansagan din itong ‘tuyot na bagyo.’
—————————————————
“Life is like a rainbow. You need both the sun and the rain to make its colors appear.”
~Author Unknown

Today’s Forecast in Sports
“The Miami Heat will beat the Dallas Mavericks in June. They will be crowned 2010-2011 NBA champs and LeBron James will finally receive his first ever championship ring.” — American Christian radio broadcaster and preacher Harold Camping

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I am on Twitter: @HecklerForever.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

40 thoughts on “HOLY STORMS!”

    1. siguro quantity lang but no quality ang mga bills filed
      by lapid, one example is the proposed anti-farting bill…

      by the way, i have read somewhere that, in a debate/discussion,
      once a debater starts attacking his opponent lewdly, then he is
      considered a loser…

      Like

      1. If you are referring to my comment on sex, it is very much part of the RH debate. If you cannot accept the fact that humans are sexual beings, then you should not be part of the debate. Sex and its various expressions are not lewd but wonderful gift of nature that should be enjoyed safely and by consenting adults. I and most people enjoy it very frequently. Just because you are not capable of enjoying it, it does not mean its lewd. But if you are enjoying it but says, its murder for the sperm not to meet the egg, then you are a hypocrite.

        By the way, can you give me the SBN of anti-farting Bill you referred to because I did not see it the Senate record. I hope you are not lying like the Catholic Church.

        Like

      2. paul, you are not simply commenting about sex but
        attacking the senior citizens including your father and
        grandfather

        and why do you keep on telling me to stay out of the
        rh debate, because you are losing on this one? to me who
        is basing my rebuttals on common sense unlike yours
        which are googled?

        and believe it or not, but better believe na lang para hindi
        na tayo ma delay, if there is one virtue that i am proud
        of myself, it is, that i am not a liar

        basta yang anti-farting bill na iyan dito ko lang din nabasa
        sa blog ni mister heckler, kung hindi ka nagmamadali
        siguro pwede natin tanungin si mister heckler, ano, game
        ka? na tanungin natin si mister heckler? ang malaking ? mark
        ay kung sasagot sya

        Like

      3. Define “common sense” and tell me the name of a high or middle income country where policies are based on “common sense” and not on research -based information and stakeholder preference. By the way, I not responding to your comments to win or lose but to contribute to the knowledge base on the RH issue. By all means consider yourself a winner if that will make you happy. And if I may put some good word for Google, its definitely a better source of information and more democratic than CBCP.

        Like

  1. Bagyong Kris Aquino: Magkahalong ulan, hangin, at manaka-nakang pagbaha ang dulot ng bagyong ito; matagal na itong nananalasa at medyo may pagkainconsistent ang mga ihip ng masamang panahong dala nito, depende sa lagay ng mga ulap at alikabok sa kapaligiran. Sa taya ng Pagasa, ito ang bagyong walang balak mag-disappear sa area of responsibility ng bansa. Sa kasalukuyan ay tila wala siyang gaanong bugso dala na rin sa pag-antabay sa sinusundan nitong “tuyot na bagyo”, subalit, aasahan pa rin ng bansa ang pabigla-bigla pagkulog at pagkidlat, bayo ng malakas na hangin at ulan ano mang oras depende uli sa direksyon ng kaulapan sa bansa.

    Like

    1. Juicemio Senior! Hanggang wan plas wan na lang ba talaga?

      Bawal bang magbasa ng bible pag di ka pumupunta ng church?
      Bawal bang magbasa ng menu kung di ka kakain sa restaurant?
      Bawal bang magbasa ng di mabasa basang reseta ng doktor kung di ka bibili ng gamot?
      Bawal bang maghubad ng damit kung di ka rin lang maliligo?

      Jaena Kuh!

      Like

  2. nyahaha kulet ng bagyong cbcp, naalala ko tuloy ito habang nanonood ako ng the grand debate on rh bill sa ch 11, kanina ko lang kasi napanood ^^, kala mo laging galit si bishop bacani, kahit yata pagsamahin silang anim na anti-rh kaya silang talunin ni ms. pia magalona sa sagutan eh, makulit lang sobra mga anti-rh, hassle lang sa grupo ng pro si celdran, pang troll lang talaga…

    to ms pia magalona and dra. claudio, i’m an instant fan, mga idol!!!

    after watching, pakiramdam ko huli na ako sa local news -_-;

    Like

  3. noong pang araw matagal nang binbagyo ang ang ating Bayan nahPilipinas paon pa nang kastila at ilang malalaking bagyo dumating sa atin bayan wala pa rin nangyayari dahil mahimbig ang tulog ni Juan de la Cruz wala nasiyang paki-alam umulan at bumagyo ayos lang. Mabuti na lang at hindi nakakrating dito ang mga klaseng bagyo, hind balen ma huricane ay inaagapan kaagad at siguradoa na man ang mapipinsala dahil sa collecta nila sa Insurance .Mabuti na lang at bagyo la ang dumarating diyan paano na kaya kung ipu-ipu na lang. Panahon na para gumising ang taong bayan ang politica sa pilipinas parang showbiz na mula sa ama hangang sa apo puro artista na ganyanndin ang politics very poor Juan de la Cruz moro-moro politcs

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s