Advertisements

NEWS QUIZ

12 05 2011

HAVE YOU BEEN READING or watching the news lately? Find out how much you know about recent and current events by taking this quiz. No Googling please! Don’t cheat. Lawmakers and generals hate competition.

1: Naging paksa ng mga usapan ang halagang 13 pesos and 35 centavos (P13.35) kamakailan. Ano nga ba ito?
A: Presyo ng isang latang sardinas
B: Ang offer na daily wage hike ng mga employers
C: Ang dagdag sa tinatanggap na Emergency Cost of Living Allowance (E-Cola) ng minimum wage earners
D: Limos para sa mga laborers na walang choice

2: To cushion the impact of rising fuel costs, namigay ng Smart cards ang pamahalaan sa mga jeepney at tricycle drivers. Bahagi ito ng Pantawid Pasada program ng gobyerno. Magkano ang laman ng bawat card na tinanggap ng mga jeepney drivers (good for one month)?
A: P1,100
B: ‘Wag nang magreklamo. Ang importante, meron.
C: P1,500
D: Anong sabi n’yo? Maliit? Eh ‘di magreklamo ka sa presidente mong panot!

3: Sino ang babaeng nasa larawan?

A: Ang sinibak na executive ng LTO na si Virginia Torres, shooting buddy ng pangulo
B: Si Marie Peña Ruiz, ang beteranang reporter na ayon sa tsismis ay siya raw bagong apple of the eye ni Pangulong Aquino
C: Si Mary Ruth M. Ferrer, spokesperson ng Sandiganbayan na nagsabing legal ang plea bargain agreement sa pagitan ng Ombudsman at ni retired Major General Carlos F. Garcia
D: Malay ko! Hindi siya sikat!

4: Kung si Antonio Trillanes IV ang poorest senator, sino naman ang second poorest?
A: Tao ba ito? Hiwalay ba sa asawa?
B: Member ba siya ng Noy-Bi team?
C: Galit ba sa kanya si Korina Sanchez?
D: Senator Francis “Chiz” Escudero

5: Sinong public interest lawyer ang abogado rin ng nagsarang Banco Filipino at mortal na kaaway ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas?
A: Atty. Leonard De Vera
B: Atty. Salvador Panelo
C: Atty. Ely Pamatong
D: Atty. Harry Roque

6: Tumaas nang mahigit apat na milyong piso ang yaman ni Pangulong Aquino ayon sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth. Ano ang paliwanag ng palasyo?
A: “Walang ilegal sa amount na ‘yon. Bahagi ‘yan ng ‘di nagastos na campaign contribution ng kanyang kapatid na si Ms. Kris Aquino.”
B: “The President has always been transparent with his wealth. Wala siyang itinatago.”
C: “Nagbenta ng lote sa Antipolo City ang ating Presidente.”
D: “Apat na milyong piso ang halaga ng Porsche. Public knowledge ‘yan”

7: Isang hapon…
Official No.1: Kaya nga ipatawag natin ang tatlong lider para ma-settle natin kung ano ang deadline.
Official No. 2: Who will set the deadline?
Official No. 1: No, no, no! Of course, we consult them before we set the deadline.
Official No. 2: Nooo! Nooo! Nooo!
Official No. 1: Kaya nagkakagulo eh, ini-insist lang natin ang gusto natin.
Official No. 2 walks out.
Sino ang magkausap?
A: Cong. Mikey Arroyo at BIR Commissioner Kim Henares sa isyu ng deadline sa pagbabayad ng buwis
B: Mga immature na pulitiko at taong-gobyerno
C: Basta! Isa sa kanila Samar; ‘yong isa, Balay! Sure na. Final answer!
D: Makati Mayor Junjun Binay and DILG Sec. Jesse Robredo sa Laperal Compound

8: Kamakailan ay naaresto sa Taguig City si Arabani Jakiran, a suspected member of the Abu Sayyaf terrorist group. Security guard siya sa Pacific Towers Plaza. In defense of Jakiran, isang kilalang tao sa lipunan ang nagsabing more than six years na raw naglilingkod ang suspek bilang guwardiya sa sosyal na condominium. Sino itong personalidad na ito na gusto yatang maging lawyer ni Jakiran?
A: Manny V. Pangilinan
B: Tessa Prieto-Valdez
C: Jaime Augusto Zobel De Ayala
D: Margarita ‘Tingting’ Cojuangco

9: Napag-uusapan na rin lang ang pag-aresto… dinakip ng NAIA security si Enrico Del Rosario Aldaba kahapon, May 11 for alleged possession of prohibited drugs. Patungong Palawan umano ang suspek at nang malapit na ito sa airport security screening area, nilulon daw nito ang isang sachet ng shabu. Matapos dalhin sa himpilan ng pulisya, isang Cabinet secretary ang nagtungo roon. Pinsan pala ng kalihim ang suspek. Sino si Cabinet Secretary?
A: Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario
B: Tourism Secretary Alberto Lim
C: Executive Secretary Paquito Ochoa
D: Hindi ako interested kay Secretary. Pero ito lang ang masasabi ko sa suspek: kung nagugutom ka, mag-rice ka! Tanga!

10: May bagong advocacy si Cong. Manny Pacquiao. Anong organisasyon ang napili niyang maging partner?
A: CBCP! Siyempre, anti-RH Bill si Manny!
B: Bantay Bata
C: Gawad Kalinga
D: GMA Kapuso Foundation! Obvious naman ‘di ba? (‘Nood kayo lagi ng Shumi Damani!)

Bonus Questions
No. 1: Ano ang bagong pamagat ng programa ni Willie Revillame sa TV5?
A: “Wil Time, Big Time”
B: “Cashiyahan Para sa Bayan”
C: “Willing Wilyonaryo”
D: “Malay Ko, Pakialam Ko!”

No. 2: Ano ang nangyari sa reporter na ito ng ABS-CBN na si Niko Baua?

A: ‘Yan ang bagong uniform ng ABS-CBN News and Current Affairs kapag demolisyon ang iku-cover. Astig!
B: Tinamaan ng bato na inihagis ng mga squatters na pinapalayas sa Laperal Compound
C: Nakipagsapakan sa reporter ng GMA7 na si Ivan Mayrina dahil sa agawan ng puwesto sa kinu-cover na demolition ng squatters. Itinago ng dalawang networks ang balita. Now you know!
D: Wala lang. Trip lang n’yang ibalot sa malamig na tela ang kanyang ulo. Kasi naman, sobrang init talaga ng panahon ngayon.

No. 3: Sino ang babaeng ito?

A: Ang dating yaya ni Prince William na si Lillie Piccio
B: Ang alleged illegal recruiter na si Tita Cacayan
C: Si Rosel Jakosalem Peñas, ang hina-hunting na bilas ni Pilar Pilapil
D: Dating showbiz scribe na si Portia Ilagan na tauhan na ngayon ni Sen. Bong Revilla

No. 4: Para “Oras-oras, alam mo…”
A: Magbasa ng Libre, ang free newspaper ng Philippine Daily Inquirer
B: Tumutok sa GMA News TV
C: Makinig sa Tambalang Failon at Webb sa dzMM
D: Mag-enrol sa Gapuz Review Center

No. 5: “Nagdaan na naman ang isang araw ng pagbabalita. Isang araw na bahagi ng kasaysayan. Sa ngalan ng bayan sa ilalim ng nag-iisa nating… “
A: Saksi
B: Watawat
C: Aksyon
D: Bandila

Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o maiba depende sa mga susunod na pangyayari.

>Indirect Bribery: Ang pagnanakaw ng mahigit tatlong daang milyong piso mula sa kaban ng bayan. See “plunder.”

>Plunder: Wala nang gano’n. Hindi na uso ‘yan. Kapag nagnakaw ka ng limampung milyong piso o higit pa mula sa kaban ng bayan, ibalik mo lang ang kalahati at ayos na ang butu-buto. See “indirect bribery.”
——————————————————————
“Never awake me when you have good news to announce, because with good news nothing presses; but when you have bad news, arouse me immediately, for then there is not an instant to be lost.”
~Napoleon Bonaparte

You Have Spoken
Ano ang masasabi n’yo sa napipintong pagpasok ni former Senator Mar Roxas sa pamahalaan?
– Great! Kailangan ng gobyerno ang kanyang husay at talino. 15.65%
– Lalong titindi ang tensyon sa pagitan ng Samar at Balay groups. 53.06%
– Let’s see. 31.29%

Enjoy your weekend! Ingat!
Los Angeles Lakers for life!

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter
I have a Twitter account. Click here to follow me.

Advertisements

Actions

Information

41 responses

12 05 2011
anon

Nice quiz. Will play it with dinner guests this weekend and get more people to be aware of the blog.

Not related but couldnt resist comment on the brat pack visiting manila

Bieber fever.

Justin bieber performed despite getting ill whilst in manila. Nobody warned him about the perils of durian.

Kris aquino and binay jr attended. Someone said they looked like grandparents at a teen disco. In fact it was the first time anyone over 40 had ever attended a bieber concert.

Binay was as excited as a trigger happy cop to attend and to forget work. A 13 year old boy wasn’t able to attend and shouldn’t be forgotten.

Like

15 05 2011
senior60

bakit mga posts mo anon, most if not all ay sa iyo ko lang
nalalaman, siguro sa abscbn news mo kinukuha ano…

ako kasi ay 99% kapuso at 1% kapamilya…

haha wala lang, para lang may ma post

Like

12 05 2011
Magsasaka

Slight OT lang PH:

Sabi ni Bishop Deogracias Iñiguez Jr., hindi raw susundin ng nga Katoliko ang RH Bill kahit ito pa ay isang maging ganap na Batas.

Im a catholic but I hate this old guy. I can’t even call him bishop. Who dare he to say na hindi ko susundin ang RH bill? If a person does not follow the law, then he’s a criminal. Gagawin pa ko na kriminal ng matanda?? Hindi masamang sumunod sa batas lalo na kung alam mo na makakabuti ito sa pagkatao mo. So sino ngayon ang lumalabas na masama?

To Old Guy Iñiguez, kung wala kang magawa kundi pakialaman ang gubyero, MANAHIMIK KA! Dinadamay mo pa ang diyos sa kalokohan mo. BUSET!!

Source:
http://www.gmanews.tv/story/220359/nation/bishop-catholics-are-not-obliged-to-follow-any-rh-law

Like

13 05 2011
Paul

Iniguez is apparently living in the Spanish colonial era. All the efforts put up by these bishops to halt the march of secularism and their increasing irrelevance are as futile as the church’s efforts to suppress the Protestant Reformation

Like

14 05 2011
senior60

@ magsasaka, as simple as possible lang muna, for a starter
question, granting na nakapasa na ang rh bill, ano, di batas
na sya, halimbawa nabigyan ka ng condom pero hindi mo
ginamit, ano ngayon? kriminal ka na?

Like

15 05 2011
phreddox

kung gagamit ka ng reseta para bumili ng condom, di yan problema senior60.

Like

16 05 2011
senior60

ano ka ba phreddox, bakit pa bibili kung may libre hahaha

pero seriously phreddox, tumitindig balahibo ko, kinikilabutan
ba tawag doon tuwing may nambabastos sa mga pari, aaaat,
dumadami sila ha, para bang naka puntos sila at nagiging pogi…

Like

16 05 2011
phreddox

macho daw kasi ata yung priest bashing ngayon 😀 yun ang uso.

Like

15 05 2011
etchosera

May galit lang talaga sayo ang obispo na yan!

Pine-personal ka na!

Nakuuuuu! Wag kang papayag nyan!

Idemanda mo siya, Koya Farmer!

NOW NA!

Like

12 05 2011
Paul

And so id PNoy actually earned from Hacienda Luisita? After he and Kris Aquino said that the Hacienda was bankrupt when the workers demanded for just compensation. After Pnoy said that his share is so tiny that he could barely be considered a part-owner of the hacienda. And after refusing to pay the Tarlac Water board for the hacienda’s years of water usage.

Like

13 05 2011
anon

“my net worth has only
increased by the mere fact
that my mother died, my
dad died, and they gave me
an inheritance,” President
Aquino said in an ambush interview after
attending the 112th anniversary of the
Commission on Audit.

I.e. I have never worked or earnt any money myself.

Also in the press. P-noy did not take any pork barrel in 2009 when senator. Some would say this is a sign of his honesty. Others would say that this is a sign of his laziness and that he could not be bothered to get involved in projects, had no advocacies, and spent nothing to help the voters!
In other words a waste of space.

Like

13 05 2011
anon

The value of hacienda luisita should not be seen from the standpoint of an operating business especially since losses have been manipulated for the court case, specifically to give it a low value, but as a strategic land asset, which once p-noy and cojuangco have got the ‘right decision’ will be miracoulsly re-assigned as residential land, thereby increasing its value 50-100 times and even more once resorts and villas are built.
The continual delays in the case means a lot of pressure and horse trading behind the scenes. The only thing for sure – the farmers will lose.

Like

14 05 2011
checkmate

sir anon, the people will always get the leaders they deserve…
if you are sick and tired of how the phil. government is corrupt just by reading or watching the news, by all means avoid taking a closer look from the inside…
this country is going down not because of the corruption, but because of the ignorance and lack of initiative of its people…

is it just me or everyone is just so busy at showbiz news, mock trials and grandstanding that they fail to notice what china is doing? although we can’t do anything about it, i just want to inform you guys that when china gets serious, the era of chinese empire will begin…

Like

15 05 2011
anon

@checkmate
china already runs the philippines economically and politically. just look at the cojuangco links, the chinese rubbish and copies which sm sell at high prices.
i agree with what you say.
the underlying point us that the country needs its own identity and self respect – neither chinese nor american.
why is it that all politicians have homes and spend so much time in hong kong or the US. partly envy but also they turn their back on their own country.
with that attitude maybe a chinese takeover would be better for tge masses

Like

16 05 2011
checkmate

i just hope that there will be no bloodshed during the takeover…

Like

12 05 2011
brunix

The slogan of GMA News TV is “Oras-Oras, Alam Ko.” 🙂

Like

13 05 2011
professionalheckler

darn. sorry. oo nga pala.

Like

12 05 2011
mimi

dun sa bonus question sa D ako… hehe

Like

13 05 2011
amateur heckler

In connection with your blog about the news lately, Bakit ba hindi nag broadcast ang ABS-CBN ng Game 5 of the Miami vs. Boston playoffs?
Bakit kaya walang news sa tv or kahit advisory man lang when Globe’s network bogged down for about 9-12 hours in Visayas and Mindanao nung May 9? Takot ba ang mga networks mawalan ng advertisments from Globe? or insignificant lang ang nangyari kasi Visayas at Mindanao lang naman ang affected?

Like

13 05 2011
professionalheckler

i didn’t catch the globe item in major newscasts but gma news tv’s afternoon program ON CALL hosted by ivan mayrina and connie sison talked to a globe rep re: disruption. i think connie was pissed because she’s a globe subscrber.

Like

13 05 2011
amateur heckler

and i’m pissed not only at Globe but at the major tv networks and leading newspapers. none dared to report or comment on Globe’s corporate irresponsibility of not issuing, at the very least, an advisory to its subscribers that network was down.
re: Game 5 not being aired by ABS- na miss ko tuloy ang nunal ni Lynda everytime mag timeout. yun lang kasi ang ads na paulit ulit sa ch.23.

Like

14 05 2011
senior60

kailangan ba talaga magbigay ng advisory? sobra naman, ang smart
malimit din magkaproblema pero wala ding mga ganuon…

mindanao ka ba amateur heckler? kasi dito sa visayas, may 11 nagka
problema…

Like

16 05 2011
brunix

Ilang beses na pong nagpost sa Facebook at Twitter pages ang Globe re: VisMin outage. And yes, it was also announced by Globe PR sa On Call. It was due to a fiber cut somewhere in South Luzon.

And it was not by accident, actually. Pulidong-pulido ang pagkakaputol ng fiber. Pinutol din ang fiber kung saan sana pwede i-reroute ang connections.

Like

13 05 2011
khanto

hindi nga nabalita ung kay nico baua. hehehe. news block out o natabunan ng ibang issues

Like

13 05 2011
derdo

Showbiz quiz na lang. Ayokong magbasa ng news. Puro bad.

But next time I shall be prepared for your quiz. Magbabasa na ako, if only to pass…

Now to crane my neck to see what the answers are. Thanks for the education.

Like

13 05 2011
marksphere

“Araw-araw, alam mo…” – idol PH, “oras-oras” ho yata dapat ito. Haha.
What team na po pala ang bet nyong mag-champion this year sa NBA? 🙂

Like

13 05 2011
professionalheckler

OMG! Epic fail ako. Sorry. Tama ka. How could i miss that.

Like

14 05 2011
senior60

alam ko mister heckler kung bakit ka nagkamali, kasi

90% kapamilya ka at 10% lang kapuso

Like

13 05 2011
hikatalomato

the companies under mvp have long been alleged to support insurgent groups such as npa, milf and asg. no wonder walang nasusunog na cellsite ng smart.

Like

14 05 2011
etchosera

I’d call it business strategy.
Coz in the rural areas, there’s no way you can build these cell cites without cooperating with these worthless entities.

Why mess around with these sons of bitches if your business will be affected? Sabi nga ni Pacquiao… barya lang naman yan eh!

Eh aminado naman na di kayang supilin ng gobyerno ang mga hinayupak na yan na wala nang ginawa kundi mamerwisyo sa mga probinsiya.

Like

13 05 2011
marksphere

I don’t know, Mr PH. 🙂 Hehe. Ano na pong team ang inyong sinusubaybayan sa NBA right now?

Nakakatouch po yung post nyo recently about being a Laker fan “through good times and bad times.” 🙂

Like

13 05 2011
zoan

alam ko yang new show ni Willie, kasi adik nanay ko, kahit pa anong mangyari, mahal nya pa rin ang lokong si Willie, Wil Time Big Time, para lang ung linya ni Willie sa inindorsong relo 😀 bakit, mayroon pa rin bang mga sponsors sa show nya, o totoong sya na ang nagkusang mag sponsor??? un kasi sabi nya b4 sya nwala sa ere

Like

14 05 2011
senior60

noong panahon ni marcos, may secretary of education tayo na si
estefania aldaba lim, how is she related kaya kay enrico del rosario
aldaba at tourism secretary alberto lim?

matanong nga kay enrile…excuse ka ngayon etchosera dahil baka
kinder ka pa noong panahon ni marcos…

Like

15 05 2011
etchosera

For your FYI (ahihihihihi!), I met Ms. Estefania Aldaba Lim personally, nakamayan pa po nya ako when I was a teener in Legaspi years ago, back when my high school project won in the Regional Science Fair for High School Students.

Anyway, dyan sa tanong mo… bakit di mo na lang tanungin sina Samboy, Ta, at Madi…. kung kamag anak Inc. din sila ni Lola Stefania?

Like

16 05 2011
senior60

alam mo etchosera, believe na talaga ako sa iyo, kasi, you

seemed to be everywhere, consider these, you were there

in the same compound where jessica alfara used to reside,

you were there when noli de castro was around, nasaan nga

ba yun, sorry hindi ko na natandaan, at ngayon naman,

nakamayan ka pa pala ni secretary aldaba lim…teka lang muna

Like

16 05 2011
Paul

Bertie Lim current DOT Secretary is the son of estefania lim who unfortunately does not live up to the level of achievement of the mother

Like

17 05 2011
senior60

ah, ok, ty for the info paul

Like

14 05 2011
dondee

Re 8: Kamakailan ay naaresto sa Taguig City si Arabani Jakiran, a suspected member of the Abu Sayyaf terrorist group. Security guard siya sa Pacific Towers Plaza. In defense of Jakiran, isang kilalang tao sa lipunan ang nagsabing more than six years na raw naglilingkod ang suspek bilang guwardiya sa sosyal na condominium. Sino itong personalidad na ito na gusto yatang maging lawyer ni Jakiran?
Sagot: Manny V. Pangilinan
Bakit napansin ni Manay Pangilinan si Arabani Jakiran? Pogi ba? Obviously hindi napunta doon si Mai Mislang.

Like

14 05 2011
etchosera

who cares?

Like

16 05 2011
phreddox

etchos!

Like

24 05 2011
NEWS QUIZ « The Professional Heckler | Pnoy Talks

[…] the rest here: NEWS QUIZ « The Professional Heckler This entry was posted in Kris and tagged aquino, hacienda, kris, workers, workers-demanded. […]

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: