IKAW NA NGA!

“NITONG MGA NAKARAANG ARAW, marami pong tumitira sa akin lalo na sa Twitter. Nanahimik lang ako. Pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nila sa akin. Sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Agot Isidro, Bianca Gonzales, K Brosas, Tuesday Vargas, Mylene Dizon, Thia Megia, Maria Aragon at ang buong Talent Center ng ABS-CBN… lahat sila nakikisawsaw po sa isyu! Bakit? Ano ba ang nagawa n’yo para sa sambayanang Pilipino? Ano ba ang naitulong n’yo sa ating mga kababayan?

Subukan n’yong lumabas sa gate at mamigay ng pera sa mahihirap, sa special children, sa matatanda, at sa mga nangangailangan! ‘Yan ang dapat n’yong gawin, hindi ‘yong tira kayo nang tira, at Twitter kayo nang Twitter, mga walang career!

Ikaw Jim Paredes, matagal mo na akong tinitira. Sa Friendster pa lang tinitira mo na ako. Get elected first as barangay captain, then let’s talk. Ikaw naman Lea Salonga, Ingles ka nang Ingles! Akala mo ba ‘di ko naiintindihan ang mga tweets mo!? Nagkakamali ka! Dalawa ang dictionary ko sa bahay! At ikaw Tuesday Vargas! Kapatid mo ‘ko, huwag mo akong tirahin. For your information, sa aking show galing ang ipinapasuweldo sa ‘yo! And you, Aiza Seguerra! Hindi ka magkakaanak, tandaan mo ‘yan! Pagdating ng panahon, mauunawaan mo ako! And finally, ikaw Maria Aragon, ‘di ba exploitation ang ginagawa sa ‘yo? Kumakanta kang kasama si Lady Gaga na nakapanty at nakabra lang! Sino ngayon ang nang-aabuso?

‘Yang DSWD at Commission on Human Rights, hinusgahan agad nila ako! Napakaraming dapat asikasuhin pero ako ang tanging nakita nila. Ikaw Secretary Soliman, maraming street children sa streets! Unahin mo sila! At ‘yang highlights mo, ‘di na uso ‘yan!

Sa Human Rights commissioner, maraming OFWs po ang nakakulong! Asikasuhin n’yo muna ang mga kababayan nating tulad ni Ronald Singson bago n’yo ‘ko tirahin!

Pinag-iinitan n’yo ba ako dahil si Vetellano Acosta ang sinuportahan ko noong eleksyon? I will stick with him dahil amusing siya!

Kayong lahat na tumira sa akin, hahanapin ko ang mga tweets n’yo! Kahit wala akong Twitter, hahanapin ko pa rin! Idi-demanda ko kayo! Humanda kayo! Idi-demanda ko kayo!

Aaminin ko, ilang advertisers na rin ang nag-pull out ng kanilang commercials. Masakit po ang ginawa nila. ‘Yang Mang Inasal na ‘yan, napakasama ng asal! Nang-iiwan sa ere. ‘Yong Procter & Gamble, sobrang personal ng sulat n’yo. Pati hair and make up ko, pinapakialaman n’yo. Wala naman akong hinangad kundi ang magpasaya ah. Hindi po ako nang-abuso o nang-molestya. Nasa edad na ‘yong mga seksing dancers! Pumayag sila! At ‘yong mahigit pitumpung namatay sa Ultra, hindi ko kasalanan ‘yon! Kasalanan ng ABS-CBN ‘yon! Gusto nila ng ratings, ayun, tumaas ang ratings ng newscast nila.

Sa ABS-CBN, alam n’yong totoo ang sinasabi ko! Hindi ako natatakot sa inyong demanda. Marami akong lalabas na witness. Kay Mr. M, Johnny Manahan, salamat sa ‘di mo pagtalikod sa akin. Lipat ka na kasi rito! Tara na!

Kay MVP, you’re the best! Maraming salamat sa iyong suporta. Akala ko noong una, iiwan mo rin ako dahil sa pressure ng Inquirer, ng mga columnists, civil society, at ng mayayamang tao sa Twitter at Facebook. Pero mali ang aking akala. Surprisingly, suportado mo pa rin ako hanggang ngayon. Apir!

Magpapahinga po muna ako sa susunod na dalawang linggo. Dadalhin ko muna ang yate ko sa Boracay. Pag-iisipan ko pa kung babalik ako sa industriyang ito.

Ipagdasal po ninyo na sana ay makabalik ako at ang ating programa dahil kung hindi… sinong mamimigay sa inyo ng pera? Sinong mamumudmod sa inyo ng papremyo? Sinong tutulong sa mahihirap? Sinong magpapasaya sa mga nalulungkot? Sinong magpapakain sa mga nagugutom? Sinong magtatanggol sa mga walang laban? Sino ang pag-asa ng sambayanan?

Ako lang.

Maraming salamat po sa inyong suporta!”


ACCORDING TO PAGASA, summer will officially start this week. No wonder, Mikey Arroyo and Willie Revillame have been feeling the heat.

Willing Willie
Willie Revillame delivered a 25-minute speech Friday night. He blasted his critics and blamed the previous network for his woes and other unfavorable developments. And President Aquino was like, “Sus! Gaya-gaya ka naman eh.”

While some of his sick and poor fanatics shed tears, Willie Revillame announced on television that he’d go on a two-week break. Rosa Rosal can’t wait to get her job back.


TV host Willie Revillame is taking a two-week break from television. TV5 can now remove the “Parental Guidance” sign on the TV screen.

Willie Revillame said if advertisers would continue to abandon his show, he’d seek the help of network president Ray Espinosa and network boss Manny V. Pangilinan, “even if we lose profit.” To which MVP said, “Bawiin mo ‘yan!”

Willie Revillame delivered a 25-minute speech last Friday evening. The opposition described the speech as lacking in substance as it failed to tackle land reform, economic goals, and foreign policy.


Embattled Ombudsmen
The good news: In the wake of complaints and criticisms hurled against him, Deputy Ombudsman Mark Jalandoni has reportedly quit his post. The bad news: He told his supporters that he’s just taking a two-week break “upang pag-isipan kung babalik pa ako sa industriyang ito.”

Two weeks ago, President Aquino fired Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III. Last week, Deputy Ombudsman Mark Jalandoni resigned. These developments have prompted Ombudsman Merceditas Gutierrez to stay saying, “The captain must not abandon a sinking ship.”

Aquino’s Lovelife
According to a Newsbreak report, President Aquino and stockbroker Len Lopez have stopped dating. Sought for comment, Kris Aquino said, “No reaction.” Palace spokespersons said, “No comment.” Shalani Soledad said, “No surprise!”


MY UNIMPEACHABLE SOURCE IN SINGAPORE has identified Sabrina Chua of Channel News Asia as the new apple of the eye of President Noynoy Aquino. Is this true Mr. President? Good luck then.


Hungry Filipinos
The latest Social Weather Stations survey showed that 51 percent of Filipinos considered themselves poor. The rest were in denial.

Modernong Talasalitaan
Makabagong kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa mga kaganapan sa ating kapaligiran. Ang kahulugan ay maaaring madagdagan, mabawasan, o maiba depende sa mga susunod na pangyayari.

1. Political harassment: Kapag ‘di ka nakabayad ng tamang buwis sa pamahalaan
Halimbawa: “Uy Congressman! Totoo bang kinasuhan ka ng tax evasion?”
“Nooo! Hindi tax evasion ‘yon! Political harassment ‘yon!”

2. “I invoke my right against self incrimination.”
: Guilty as hell. Nagsisinungaling. Nagpapalusot.
Halimbawa: “General, ikaw ba ang last na gumamit ng CR na hindi nag-flush?” “Your honor, I would like to invoke my right against self incrimination.”

3. Reseta: Nauusong instrumento upang makontrol ang pagbebenta at pamamahagi ng kahit ano na lang. Wala lang. Trip lang.
Halimbawa: “Ale, pabili nga ng load.” “Load? Kuha ka muna ng reseta.”
—————————————
“Avoid having your ego so close to your position that when your position falls, your ego goes with it.”
~Colin Powell

You Have Spoken
Sa pagsasampa ng BIR ng kasong tax evasion sa mag-asawang Mikey at Angela Arroyo, your take:
– Dapat lang! 66.79%
– Gumaganti lang! 23.1%
– Aalamin ko muna ang detalye. 10.11%

Try sharing this on Facebook and Twitter by clicking here (if it would work): Add to FaceBookAdd to Twitter

If not, copy this URL and paste it manually on your Facebook/Twitter status.
>> Updated: http://www.professionalheckler.wordpress.com

Follow me on Twitter if you have time. Right click here.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

119 thoughts on “IKAW NA NGA!”

  1. willie willie vowed that despite his 2 week break he will continue to support the poor.
    he will wave to them from 1 of his 2 lamborghinis as he speeds past and puts the air freshener on high, thanking his lucky stars that the filipino people are gullible enough to think he can sing.

    Like

      1. people are just fed-up, guys; ano? willie na naman? di na ba nadadala ‘yan? siya na naman? ano na naman ‘yan?!! remember one Filipino idiom… kapag puno na ang salop…? in his case now, hasn’t the rice bin had good enough? or is it gonna be another one of replays… on an undying series of “dumbing down” Pinoy audience, to quote artist Monique Wilson?

        Like

  2. A well funded spin by the abs cbn. They can’t win against him in court, now they got the opportunity and they grabbed it. I don’t like Willy but i hate the lopez spinners more. Pag kumampi si mvp kay willy, magsisisi ang mga lopezes. MVP is eating like a pacman now, meralco, NLEX operation and Maynilad are some of the lopez firm he bought. He’ll be eating more of their businesses. Watch out!

    Like

  3. — “Willie Revillame said if advertisers would continue to abandon his show, he’d seek the help of network president Ray Espinosa and network boss Manny V. Pangilinan, “even if we lose profit.” To which MVP said, “Bawiin mo ‘yan!”

    Hahaha! Sila rin pala eh! Hahaha!

    — “Ale, pabili nga ng load.” “Load? Kuha ka muna ng reseta.”

    Bumalik kay Ale: “Ale, may generic po bang load? Para makamura daw po ako, sabi ni Doc.”

    Like

    1. haaay… salamat naman po at di kayo nakisakay sa “popular sentiment” o a bandwagon ng mga self-righteous willie crucifiers and demonizers.

      i actually HATED willie before this crucifixion happened.
      but since i tend to pity the underdog — and loathe those who like to picture the world in black and white (like penot) — , hayan tuloy….

      sasama na ako sa team mo, senyor!!

      IBAGSAK ANG MGA OROCAN!!! IBAGSAK ANG MGA TUPPERWARE!!!

      Like

      1. uuyyy pareho pala tayo pasingit, ako din, gusto ko mo
        side sa mga underdog…

        ako naman, hindi ko naman hate si willie, hindi ko lang
        siya gusto, pero sa isyung ito regarding sa bata nga, sa
        kanya ako kampi…

        problema natin ngayon, kahit ibagsak natin mga orocan
        at tupperware parang useless din dahil mahirap silang
        mabasag hehehe

        Like

  4. hungry filipinos….i, personally, my heart goes out to them,
    dito sa bahay, hindi maiiwasan, kadalasan may matitirang
    pagkain na magiging kaning baboy na lang, madalas kung
    masabi na, kung may mabibigyan lang sana tayong available
    na mga taong katulad ng nasa mga bangketa na nanlilimahid
    sa gutom, hindi sana masayang ang tiratira natin…

    Like

      1. answer: masaya

        pero seriously etchosera, nakita mo ba news sa tv na nagtatalakay
        exactly tungkol sa sinabi ko about sa mga nasasayang na mga
        pagkain na magiging kaning baboy na lang? imagine, ayon daw sa
        mga pananaliksik, it can feed around 4 million ba yun filipinos?
        imagine? sayang na sayang talaga…

        Like

      1. @prof. PH,

        …please don’t let them ruin ur blog. sanitize them.

        …iyang mind-set n iyan ang mga hindi nakapag-iisip na s konting perang inililimos sa kanila ni puppy who is capitalizing on their poverty, e milyon2 naman ang balik sa bulsa ng maaskad na host na un.

        Like

      2. @kim: halatang hindi ka regular reader ni PH.
        para sa iyong kabatiran, i’ll explain it to you like you’re a 5-year-old kid:

        ito ay nakakatuwang paglalatag ng mga balita o kakatwang pagtingin sa mga isyu sa ating bansa.

        okey?

        saka nga pala….

        HUWAG KANG SISIGAAAAAAWWW!!! ok?

        Like

    1. OHMAYBETCHABYGULAYWAW!!!

      Kim ikaw ay clueless. Ang advice ko sayo – backread sa blog.

      Makakatulong din itong sumusunod. Punta ka sa doctor at humingi ka ng reseta para makabili ka ng Webster’s Dictionary sa National Bookstore. Pakatapos punta ka sa S section ng libro, hanapin mo meaning of the words na “satire” at saka “spoof”. Then atras ka ng konti, punta ka na rin sa section ng H at hanapin mo yung “humor” and “heckling”. Since nandun ka rin lang malapit sa I hanapin mo rin yung meaning ng “irony”.

      Ngayon malinaw na sayo na you are jumping the gun and prematurely ejaculating.

      Kung kredibilidad ang hanap mo, wala sa kalingkingan ng writer dito ang kredibilidad ng iyong sinsanto.

      Like

    1. pare (or mare), just drop this… baka ka mabalugbog…hehehe… hindi pa nagigising mga maton dito… bahala ka…you had been warned…. dati, look before you leap… dito kay ph, leap before you look, lalo’t ibinuka mo na bibig mo… malangaw dito… masuotan yang pagnganga mo….hindi ka pa naman nag-listerine…. dapuin yan, ikaw din……hehehe..

      Like

  5. previous articles described deputy ombudsman jalandoni as gutierrez’s right hand man. he is said to be the one controlling the processing of cases at the OMB – i.e., which ones continue, which ones get ‘stalled’, which ones get thrown out.
    he is also the first one to jump ship…. laglagan na!!!!

    Like

  6. the scene between maria oragon ang lady gaga is more sickening compare to what happened to that boy in willing willie. hay, flippino nga naman, kahit na nakatira sa isang highly civilized country like canada, nag-aasal nitibo parin. and that goes to the parents of maria oragon.

    encyclopedia dramatica should provide additional description to flippinos:
    “there’s no such thing as child exploitation in flippino culture. actually, flippinos requires their children to work as soon as they came out from the womb.

    Like

  7. ALAM NA! Alam n’yo ba kung sino ang nasa likod ng pagpull-out ng mga ads sa Willing-Willie! Walang iba kundi ang Malacanang, particularly ang former Kapamilya broadcaster / communications secretary Ricky Carandang – whose mother, Dra. Honey Carandang is a psychologist from Miriam College! In fact, Dr. Honey Carandang is going to lead a Commission on Human Rights Meeting tomorrow about the Jan-Jan case! Imagine that- using the powers of Malakanyang for the sake of network war!

    Like

  8. natawa nmn ako. d naman ako pro willie, pero naisip ko lang may ganyan din naman sa ibang channels db? yung kagat labi ba pag sinayaw ng bata masagwa rin naman po db? pag iba gumawa nyan di naman pinapansin.

    dun naman sa banat ni willie natawa ko nung binanatan nya si aiza seguerra. >:)

    Like

  9. how to scare-out sponsors of exploitative tv shows

    steps:
    1. wear a t-shirt with a phrase “THIS PRODUCT SUPPORTS CHILD EXPLOITATION” printed in bold letters;
    2. go to store where the products is being sold;
    3. have yourself pictured while holding or using the product as a backdrop. don’t forget to wear your silly grin;
    4. create a bogus account on facebook/failblog. or much better email the picture to competitors;
    5. upload the pictures. if you don’t want to be recognized, you can always alter your face before uploading.

    Like

  10. ok pasensya sa nasabi kong “GAGO”
    my bad..
    pero sana kung humor blog to dapat makikita to nang mabilisan agad sa site mo
    para hnd mamisinterpret ang mga nagbabasa dito.
    internet to…
    lahat pwede makabasa
    aakalain ng mga bagong nagbabasa na totoo ung nakasulat dito dahil
    wala namang nakalagay na malinaw na “humor blog” ang blog mo.

    Like

      1. hala ang kulit pala ng bungo nitong si kim. nakalagay na nga sa title Heckler, baka di nya alam ibig sabihin nun. tsk tsk. kakatawa talga,sinisi mo pa si idol, ano gusto mo, maglagay pa sya sa heading ng “HUMOR BLOG ITO”. tsk tsk. tatawa na nga lang ako, ito naman talga intensyon ng blog na to eh, patawanin at pasayahin tayo.

        Like

  11. yung reader mo na yun PH, di alam pinapasukan. dun pa lang sa teaser mo sa title, halatado ng humor blog to. Di kaya member to ng three headed monster sa malacanang? yung mga dada ng dada na di vineverify ang mga sinasabi? Baka si Lacierda yun, hahaha.

    Sa willy issue naman, Metropacific companies are spending more than 1B on advertising. almost half of it is cornered by ABS. Pasensya na sa lopez pag nagpull-out pldt sa ABS, hahaha.

    Like

  12. nyahaha sorry sir ph, mas natawa ako sa kulet ng mga comments ni sir/maam kim ^^

    gusto ko talaga makita kung pano magtatapos ung dramang kinasangkutan ni sir willie r. nahahawa na ata ako, dami-daming issue na dapat unahin, gaya ng hacienda luisita, ung mga senate hearing na wala pang nakakasuhan, tapos pati eto parang gusto pang iakyat sa senado, parang sobra naman ata…

    Like

    1. uuyyyy ovalboy kumusta ka na, long time no read but now read now
      hahaha saan ka ba nagpupunta at ngayon ka lang napasyal ulit, sana
      for good na ha..

      at good choice mo si hikata na magbigay ng prayer dahil hindi siya
      catholic at ang ibang denomination mga magagaling sa mga prayer
      prayer…

      si etchosera, yes, bagay din sa kanya yang mga intoductionintroduction..

      sa akin wrong ka, hindi ako bagay dyan, may i recommend anon or
      promdi and esa, sila ang mga matitinik..

      nga pala hikata, akala ko ba wala kang kahilighilig sa mga chicks
      pero kakilala mo si tampon, huwag mong sabihin si mother dear mo
      ang naguutos sa iyo..

      Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s