QUOTE IN THE ACT


Kung nanonood, nakikinig o nagbabasa ka ng balita, tiyak na maaalala mo kung sino ang nagbitiw ng mga linyang ito, kung sino ang pinatutungkulan nila, at kung bakit nila ito nasabi.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa bawat tanong. Bawal magsaliksik sa Google. You have 10 minutes. Ang may pinakamaraming tamang sagot sa pinakamaikling oras ay tatanggap ng round trip ticket for two to Poland sakay ng RoRo! Good luck!

1: Matapos umani ng batikos, sinong opisyal ng gobyerno ang nagsabi nito: “If I offended anybody, please know that was never the intention. I feel extremely blessed to be in a beautiful country blessed with warm hospitable people.”
A: Pangulong Aquino matapos mahalak habang nagtatalumpati sa APEC Summit
B: Assistant Secretary Mai Mislang dahil sa kanyang tweets tungkol sa Vietnam
C: Tourism Secretary Alberto Lim dahil sa halos kinopyang tourism logo ng Poland
D: Ewan. Hindi ko sure kung sino pero in fairness sa kanyang statement, parang namamlastik lang.

2: Kaninong linya naman ito: “Makikita mo naman iyong tao kung nagsisinungaling, hindi makakatingin ng diretso. So, morally convinced ako na nagsasabi siya ng totoo.”
A: Si Vice President Jejomar Binay patungkol sa bar exams blast suspect na si Anthony Nepomuceno
B: Ang outgoing ABS-CBN News chief na si Maria Ressa nang tanungin kung totoong masaya ba si Karen Davila sa pagtanggap ng newscasting job sa “Bandila” matapos patalsikin sa TV Patrol
C: Si Liz Uy nang hingan ng kumento sa rebelasyon ni Pangulong Aquino na nagdi-date nga sila
D: Ewan. Hindi ko sure pero parang nangangamoy “whitewash.”

3: Ayon kay Sarangani Representative Manny Pacquiao, “makasalanan ang paggamit ng condom.” Tutol din aniya siya sa kontrobersyal na RH Bill dahil:
A: Hindi niya alam ang ibig sabihin ng R at H sa RH Bill.
B: Hindi siya makatanggi kapag babae na mismo ang nangangalabit.
C: Hindi naman kasi sinabi sa Bibliya na limitahan ang pamilya.
D: Una sa lahat, pasalamat muna aku sa mahal na Panginoon. Kung wala siya, wala aku. Tapos salamat sa inyung walang sawang pagsupurta. Lagi pu kayong manood ng Pinuy Rikurds at Shoo Me Da Mani. Pakiulit ng tanong. Nalitu aku. You know.

4: Inilarawan siya ng Malacañang as “secure, untappable, and uninterrupted.” Ano o sino ang tinutukoy ng palasyo?
A: Ang Presidential Situation Room
B: Ang official Facebook account ni Pangulong Aquino matapos ipasara ang isang similar Facebook Fan Page
C: Ang Twitter account ni Assec. Mai Mislang matapos itong ideactivate ng Communications Group
D: Uninterrupted? Si Kris Aquino ‘yon.

5: Sino ang nagbitiw ng linyang ito: “Sa inyo pong lahat: Kami ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa, pagpapatawad at pagpapaumanhin sa aming naging mga pagkukulang.”
A: Si Ms. Charo Santos matapos mabigo ang ABS-CBN na makakuha ng TRO upang pigilan ang pag-ere ng ‘Willing Willie’ sa TV5
B: Ang Presidential Communications Group matapos ang Mai Mislang incident
C: Ang First Philippine Industrial Corporation sa mga residente ng West Tower Condominium
C: Ang Intergrated Metro Bus Operators president na si Claire De La Fuente matapos ma-lowbatt nang sabay-sabay ang cellphones ng mga bus drivers na nagresulta sa hindi nila pagbiyahe noong November 15.

6: Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni Gretchen Barretto na hinding-hindi siya magsusuot ng mumurahing panty dahil:
A: “Been there, done that. Ayoko nang balikan ang dati kong buhay.”
B: “Because I’m always ready.”
C: “In the Cojuangco household, everything is expensive.”
D: “Cheap na nga ako, tapos cheap pa ang panty ko. Gosh, unfair na ‘yon noh?”

7: Kaninong pahayag ito at sino ang kanyang pinapatamaan: “Eh ako gusto pa akong patayin, eh ngayon patayin ko na nga lang sila. Hindi na sila makaganti.”
A: Si Senator Miriam Defensor-Santiago patungkol sa ilang cabinet officials na kinaiinisan niya
B: Si Senator Miriam Defensor-Santiago bilang sagot sa mga pagbabanta sa kanya ng mga jueteng lords
C: Si Senator Miriam Defensor Santiago sa mga organizers ng isang forum sa Turkey na pinagsususpetsahan niyang nanabotahe sa kanyang daraanan kaya nahulog siya sa stage
D: Si Senator Si Senator Miriam Defensor Santiago at ang mga kaaway niya sa kanyang imahinasyon

8: Sa live na panayam sa TV Patrol kagabi, November 23, ano ang naging paliwanag ng nagbitiw na undersecretary ng Department of Tourism na si Vicente Romano sa isyu ng umano’y pangongopya ng DOT sa tourism logo ng Poland?
A: “Matagal na naming nagawa ang logo ng ‘Pilipinas Kay Ganda.’ Mas una lang nag-launch ang Poland.”
B: “Ang plagiarism po pagdating sa art ay isang accepted practice.”
C: “Ano pa bang gusto n’yong gawin ko? Kaya nga nagresign na ako ‘di ba?”
D: “Kahit gaano po katuwid ang isang daan, kapag nasobrahan ang gamit, nagkakaroon din ng lubak. Konting pang-unawa po ang aking hiling.”

9: “We had a conversation and I discovered how a beautiful person she was, one can have intelligent conversation with her.” Kaninong linya ito at sino ang kanyang tinutukoy?
A: President Aquino on Liz Uy
B: James Yap on Attorney Lorna Kapunan
C: Former ABS-CBN News chief Maria Ressa on Korina Sanchez
D: Jessica Soho on the artist formerly known as Jimboy

10: “Pope Benedict XVI was taken out of context and the quotations were not according to the whole.” Ito ang reaksyon nino sa umano’y pagpayag ni Pope Benedict XVI sa paggamit ng condom ng mga lalaking prostitute upang mapigilan ang pagkalat ng sakit?
A: Archbishop Emeritus Oscar Cruz
B: Isang lider simbahang sarado ang pag-iisip
C: Isang arsobispong “in denial” sa bagong development sa Vatican
D: Ewan ko ba sa matandang ‘yon. Ang hirap paliwanagan.
—————————————–
“States are not moral agents, people are, and can impose moral standards on powerful institutions.”
– Noam Chomsky

IN THE NEWS…
The architect of the scrapped “Pilipinas Kay Ganda” project, Tourism undersecretary Vicente Romano has resigned. Palace sources believe Romano was still “inspired” by Poland’s tourism logo when he quit his post… because the last line in his resignation letter reads, “That’s all Polsk!”

Contrary to Secretary Alberto Lim’s earlier claim that not a single centavo was spent for the scrapped re-branding of the government’s tourism campaign, DOT insiders revealed that almost 5M pesos was spent for it. Pilipinas Kay Mahal!

Tourism Undersecretary Vicente “Enteng” Romano, the brains behind the botched ‘Pilipinas Kay Ganda’ brand said sorry for what he has done in a press briefing. There was one awkward moment though when Sec. Dinky Soliman suddenly appeared and started singing ‘If We Hold On (Together.)’

Tourism Undersecretary Vicente “Enteng” Romano, the proponent of the controversial ‘Pilipinas Kay Ganda’ brand has resigned. He has since applied for a job in the Supreme Court.

Tourism undersecretary Vicente ‘Enteng’ Romano – the proponent of the controversial ‘Pilipinas Kay Ganda’ branding has resigned. Ateneo President Fr. Bienvenido Nebres refused to accept his resignation.

Survey Says
Kung hindi lalaban si Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao, should the People’s Champ retire?
– OO. Tama na. 61.5%
– SIGURO isa pa. 11%
– Bahala siya. 27.5%

We have a new survey. Please vote now.

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter

Author: professionalheckler

See About the Heckler

77 thoughts on “QUOTE IN THE ACT”

    1. 10: “Pope Benedict XVI was taken out of context and the quotations were not according to the whole.” Ito ang reaksyon nino sa umano’y pagpayag ni Pope Benedict XVI sa paggamit ng condom ng mga lalaking prostitute upang mapigilan ang pagkalat ng sakit?

      B: Isang lider simbahang sarado ang pag-iisip
      ——
      yan tlaga ang tunay na katoliko…sarado-katoliko! 😀

      “the most difficult to open is a closed mind!”…sino nga ang nagsabi noon?

      Like

    1. I totally agree! The critics of the arroyo administration endlessly harped about “command responsibility” and “delicadeza”. Hope they will ‘walk the talk”.

      But I doubt Lim will resign. People in power seem to develop “selective amnesia”…they look for ‘scape goats’ instead…how pathetic!

      Like

  1. maliban na lang kung totoo ang napakalaking gastos or sige na nga,

    kahit na malaki basta ba hindi na corrupt ang amount, hindi dapat nag

    quit si undersecretary romano, bakit, ano bang kasalanan nya, wala naman,

    malay ba nya kung hindi pala ito magustuhan ng madlang people, basta

    para sa kanya, maganda kanyang ginawa period

    ngayon, kung ito ay palitan, di palitan…

    Like

      1. Or have you heard of “judicious use of public funds”. Do you think that the advertising firm which was also in the Aquino campaign team got its contract square and fair? And are you sure that none of the 3.7 M spent on media launching (equivalent to 2 school buildings) went to public pocket? By the way, as a tax payer that was my money

        Like

    1. cge lang may next time pa nman. hanggang buhay pa si PH (sna bigyan pa si PH ng another 200 years ng nasa itaas para marami pa ang mapa-saya nya 😀 ) marami pang pa kontes. Malay mo manalo ka ng libreng sakay from Monumento hangang Baclaran galing sa management ng LRT… habang may tyaga may nilaga… ok ba?

      Like

  2. at huwag mong angkinin ang perang yun dahil hindi lang

    ikaw ang taxpayer….

    and yes, i would like to believe na hindi na corrupt ang

    perang yun dahil sa battlecry ni noynoy, ngayon, kung ganuon

    pa rin, kargo de concencia na nila yun, yun ay kung meron sila

    noon, kung wala, problema na nila yun….

    Like

  3. Contrary to Secretary Alberto Lim’s earlier claim that not a single centavo was spent for the scrapped re-branding of the government’s tourism campaign, DOT insiders revealed that almost 5M pesos was spent for it. Pilipinas Kay Mahal!
    u min a say, di knows ni sec. lim yung lumabas a-5m pesoses from the DOT SAFETY BOX, under his nose? at di siya nag-aalburuto? wa da heck! ano ba yan, nasa ibang compartment ba opis nya? bakit me gumastos nang di mo alam, sir? tapos hayan, denial king and arrive mo! oy, sir… di ka mag-iimbestiga?

    Like

  4. 9 out of 10 🙂

    Kung bakit pa kasi sa lahat ng mga advertising firms na pwede hingan ng idea, e yung namuno pa sa campaign team ni noynoy, my gosh! This government isn’t thinking! Puro appoint2x dahil lang sa tumulong noong kampanya. Kaya nagka leche2x tayo e!

    Ay nakuh Pnoy, isang kapalpakan pa at kukulamin ko na yang buhok mo!

    Like

  5. Pingback: Website

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s