ANG POST NA ITO ay aking naisipan habang ang Hilagang Luzon ay binabayo ni Bagyong Juan. Sa ating mga kababayan sa Norte, nawa’y inyong malampasan ang pagsubok ni Inang Kalikasan.
Paano kaya kung ang ilang pinuno ng gobyerno, pulitiko, o kilalang tao sa lipunan ay naging bagyo? Narito ang kasagutan:
Kung bagyo si Pangulong Aquino, his closest friends will be spared.
Kung bagyo si Rico E. Puno, itatanggi n’yang may kinalaman siya sa pananalanta.
Kung bagyo si Executive Sec. Paquito Ochoa, pasuray-suray ‘yan sa kanyang tatahaking daan.
Kung bagyo ang Presidential Communications Group, naku, asahan n’yo… iba’t iba ang direksyon n‘yan!
Kung bagyo ang Presidential Communications Group, ingatan ang bahay n’yo! Tiyak na magli-leak!
Kung bagyo si DILG Sec. Jesse Robredo, hindi buo ang kanyang lakas. Tubig lang ang dala niya dahil ‘yong hangin, ‘yong kasunod na bagyong Rico E. Puno ang may dala.
Kung bagyo si Manila Mayor Alfredo Lim, papagurin niya tayong lahat.
Kung bagyo si Manila Vice Mayor Isko Moreno, bubuntot siya sa bagyong Alfredo Lim. Kahit magsama pa sila sa oblo ng apektadong rehiyon.
Kung bagyo si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang, dalawang beses siyang magtatangkang pumasok sa Pilipinas pero hindi siya papansinin ng PAGASA. Dahil dito magagalit siya nang todo-todo!
Kung bagyo si Sen. Miriam Defensor-Santiago, wasak ang mga puno!
Kung bagyo si GMA, magtatagal ‘yan sa Philippine area of responsibility. Wala siyang pakialam kahit ambon na lang siya. Basta narito siya, puwede na ‘yon!
Kung bagyo si Joseph Estrada, ‘di siya gano’n kalakas. Pero ingat pa rin kayo, maraming kakabit na sama ng panahon ‘yan.
Kung bagyo si Vice President Jejomar Binay, magdidilim ang paligid. ‘Tapos hinding-hindi siya aalis sa kinaroroonan niya. Hihintayin muna niyang lumaki at madevelop into a new storm ang isang low pressure area, saka siya lilisan sa puwesto.
Kung bagyo si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma, kahit ilang beses pa i-announce ng PAGASA na parating na siya, hindi pa rin siya sisipot.
Kung bagyo si Sen. Panfilo Lacson, mahihirapan ang radar ng PAGASA na madetect siya.
Kung bagyo si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, hindi mamamalayan ng PAGASA ang dala niyang bagsik. Pero pagpasok niya sa Hong Kong, kaagad na made-detect ang kanyang lakas.
Kung bagyo ang CBCP, lalamig nang sobra ang panahon, mawawalan ng kuryente, at maagang matutulog sina mister at misis. Loving-loving while raining.
Kung bagyo si Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maraming madadamay sa kanyang hagupit.
Kung bagyo si CPP-NPA Founding Chair Jose Maria Sison, kahit malayo na siya sa bansa, may manaka-naka pa ring pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng kanyang naiwang mga ulap.
Kung bagyo si Carlos Celdran, magugulat na lang tayo. Biglang and’yan na pala siya at nagwawala.
Kung bagyo si Erwin Tulfo, mapapamura ka!
Kung bagyo si Michael Rogas ng RMN, I’m sure: live na live… nationwide!
Kung bagyo si Vicki Belo, mag-ingat kayo sa magliliparang plastic.
Kung bagyo si Manny Pacquiao, imu-monitor siya 24/7 ni Dyan Castillejo!
Kung bagyo si Kris Aquino, kawawa tayo. Wala siyang hinto!
Kung bagyo ang actor-politician na si Patrick De La Rosa, tiyak na pag-alis niya, feeling mo, ginahasa ka!
Kung bagyo si Bb. Maria Ressa, maraming dumi sa paligid ang maaanod at wala siyang pakialam kahit marami pang magalit sa kanya. After six hours though, she’ll quit and leave.
Kung bagyo si Bb. Jessica Soho, [Ayoko nang dugtungan. Baka mainis na naman siya sa akin. Favorite ko pa naman siya.]
Pero dahil fair ako at walang pinapanigan ang blog na ito…
Kung bagyo si Jessica Soho… Signal No. 4!
Kung bagyo ang GMA-7, walang kikilingan, walang puprotektahan, lahat tatamaan!
Kung bagyo ang ABS-CBN, magsasabog ito ng ulan o yelo saan man sa mundo!
Kung bagyo ang TV5, malakas lang siya kapag Sabado.
Kung bagyo si Madam Auring, good luck sa PAGASA! Tiyak na mali-mali ang forecast nila.
And finally, kung bagyo si Senator Lito Lapid… wala lang. And’yan lang siya pero hindi natin siya mararamdaman.
————————-
“Life is like a rainbow. You need both the sun and the rain to make its colors appear.”
~Anonymous
Share this on Facebook and Twitter:
Have a fruitful week ahead!
Kumain ng prutas!
top ten 🙂
LikeLike
nice 1 again PH. thank u.
LikeLike
LIKE!
LikeLike
“And finally, kung bagyo si Senator Lito Lapid… wala lang. And’yan lang siya pero hindi natin siya mararamdaman.”
Haha, at least may naipass na siyang law! And yung bill nya re weight of school bags.
LikeLike
yahahahaha,
LikeLike
at kung ikaw ang bagyo, basang basa kami ng ihi sa katatawa!
LikeLike
dapat palagyan na lang ng locker ang mga school kung ganyan….
LikeLike
If that bill will pass, LL will be a notch better that PNoy who did not have a single law to his name as a senator
LikeLike
Bumabagyo ng posts si PH.Almost daily na ang updates. Hope we can keep up with his increasing servings of humor. 🙂
LikeLike
you nailed it again!!!
sa mga tatamaan ng bagyo, naway maging ligtas po lahat…
LikeLike
hahahaha!!!!!!thank you sa comment mo :p
^_^
LikeLike
ok ung ke miriam wasak mga puno hehe
LikeLike
mas mauna pang mawala si bagyong miriam, kaysa mawasak ang mga Puno…. 😀
pero Bagyo tlaga ang post ngayon ni PH, pero panalo siyempre si Bagyong GMA, Bagyong Erap, Bagyong Binay, Bagyong Ochoa, Bagyong Ronald Singson, at Bagyong Lito Lapid 😀
at least khit ndi sisipot si Bagyong Jules Ledesma, eh andyan lang siya in Spirit!!
LikeLike
maganda ang bagyong dala ni senador double L….
LikeLike
maganda nga butas naman ang bulsa mo sa wala hehehe
LikeLike
ang bagyo… bow 🙂 naka-una si burog 🙂
LikeLike
laugh trip lahat. galing..
LikeLike
“And finally, kung bagyo si Senator Lito Lapid… wala lang. And’yan lang siya pero hindi natin siya mararamdaman.”
HAHAHAHAHA! Nice one PH!
LikeLike
bull’s eye!!! graaabe! kudos to your extremely amazing PPP – prompt, prolific psyche!
LikeLike
Kung bagyo si Professional Heckler, signal number 4 na, humahagikgik pa rin ang PAGASA. Bwahahahah!
LikeLike
i share your thoughts. ibang bagyo to si Professional Heckler, welcome na welcome. masaya lahat pwera nalang sa mga tinamaan.
LikeLike
bagyong andal ampatuan – uulan ng tinga
LikeLike
tingga (metal, tin in Engish)…palagay ko. “Tinga” is that small piece (of food bites) caught between teeth.
Pero nice addendum ang line mo @jasper
LikeLike
lead po (Pb in periodic table) ang english ng tingga. most common projectile for bullets.
LikeLike
thanks for the correction, esa n hikatalomato. yun ba mayor ng taguig tinga o tingga?
LikeLike
@hikatalomato – Thanks! But parehong tama. Translation for Tingga in English:
Wikapinoy.com
tingga
(noun) lead; tin
Bansa.org
tinggâ: n. lead, tin, soldering lead.
Tagalog: tingga English: lead, tin, soldering lead
LikeLike
“Tinga” ang ISANG political family sa Taguig. The patriarch is a retired Supreme Court justice.
LikeLike
I love the forecast about Sen Lito Lapid. Panalo! As always! 😀 At least walang iiwang matinding bakas ng kalamidad.
Hi PH and to all who already commented on the post! Happy Monday (sa kabila ng bagyo). 😀
LikeLike
ayaw mo ng bagyong cbcp?…..di ba loving2 lang sila!!! 😀
LikeLike
nakangiti na naman ako PH!—love Typhoon Miriam and typhoon Kris!
LikeLike
ALABEETTTT!!! ahaha astig mo talaga ProfessionalHeckler^^ walang kasinglupit na bagyo ang iyong hagupit^^
LikeLike
This started my day right! Panalo!
LikeLike
Read the news today that PNoy did not attend the typhoon preparedness meeting but will meet with the Ateneo basketball players in a courtesy call. His sense of priority is definitely twisted.
LikeLike
graabe nga! ‘no kaya nasa isip niya? he’s not keen on priority leveling, lalo na kung mga issues on urgency. remember the luneta hostage-taking? where was he? and now, why on earth he’s a no-show na naman? dapat nga na-bre-bteak-in sya dito eh. pero nag-iwas pusoy na naman! hintay na lang siguro ng report from his alipores to find out kung me pwede i-fire uli sa pagasa, kung me palpak?
LikeLike
tma lang ang ginawa ni PNoy….anuhin mo ang hagupit ng bagyo, kung puro gwapong atenista nman ang sasalubong sa iyo!!
PNoy ha…echosera frog ka!!! 😀
LikeLike
“…kahit ambon lang pwede na.”
LOL. Ito ang gusto ko! 🙂
LikeLike
nakakatakot ang bagyong kris — hindi na titigil, lagot tayo nun 🙂
LikeLike
CONGRATS MR. PH. GANDA AT DAMI MONG NAFORECAST NA MOVEMENTS NG MGA DARATING NA BAGYO. DALAWANG PABORITO KO:
Kung bagyo si DILG Sec. Jesse Robredo, hindi buo ang kanyang lakas. Tubig lang ang dala niya dahil ‘yong hangin, ‘yong kasunod na bagyong Rico E. Puno ang may dala.
Kung bagyo si Vice President Jejomar Binay, magdidilim ang paligid. ‘Tapos hinding-hindi siya aalis sa kinaroroonan niya. Hihintayin muna niyang lumaki at madevelop into a new storm ang isang low pressure area, saka siya lilisan sa puwesto.
SOBRA TALAGA ANG DALANG HANGIN NI USEC. PUNO. PANSIN NA PANSIN NA NI BOO CHANCO, NI CHAIR WRECKER, ATBP.
GANDA NG SEQUENCING MO NG MOVEMENTS NI V-NAY.
LikeLike
humihina na si bagyong kris kaya hindi na tayo masyadong kaawaawa..
LikeLike
Babalik iyan mas malakas pa ang signal.
LikeLike
galing!
LikeLike
nyahahaha!
LikeLike
Dios ko naman, PH, pati ba naman sa bagyo naipasok mo pa din si Leon Guerrero? Mukhang may winning streak ka sa kanya ah?
Congrats again for a witty post.
Wit is not saying anything new but making people see a new thing. That’s for you.
LikeLike
Babe, palagi ka nalang inaapi ni heckler. Wag nalang nating patulan ang mga taong walang magawa sa buhay nila. Letjust take the higher road of forgiveness and offer the other CHEEK.
LikeLike
Maging bagyo man si LL, simple pa rin dahil walang mapipinsala.
Bagyo ka talaga PH. . . . sa galing!
LikeLike
Kung bagyo si PH, tamaan wag nalang magalit!
LikeLike
hahaha the truth hurts! tawa na lang tayo sa dami ng salot sa bansa natin.
LikeLike
Nice shot PH! :))
LikeLike
PS: kung bagyo si shalani, mabini at mahina lang ang dalang hangin kaya mahinhing pagaspas lamang ang mararanasan sa kamaynilaan, halos wala namang mararamdaman sa bansa sa pangkalahatan kung kaya maaring bawiin ng pagasa ang pagiging bagyo niya upang siya’y maging isang tropical depression na laang…
LikeLike
6-10pm every Saturday lang ang lakas ng bagyong TV5. Hahahaha
LikeLike
Another winner post PH, congratulations!
addendum:
Mayor Fred Lim: Bagyo lang, (habang hinahampas ng malakas ang dalampasigan) tandaan ninyo bagyo lang ang makapagdudulot ng ganitong pinsala, lalong-lalo na kung gutom!
LikeLike
okay yung mga bagyo ng tv networks. pero yung sa tv5 huwag isnabin. heto ang forecast ko. KUNG BAGYO ANG TV5, medyo malayo-layo pa yun; sa ngayon ito ay masasabing isa lang LPA (low pressure area) na nag-iipon ng tamang lakas at bugso habang nananatiling stationary sa di kalayuan pero humohover-hover sa paligid at humahatak ng mga matitinding bugsong nagmumula sa gma7 at kapamilya network bukod pa sa nagbubuo ng sariling hangin at ulan. masugid ang pagbabantay ng pagasa dahil may potensyal itong maging supertyphoon dahil sa haba ng pisi na pwedeng pakawalan nito. hwag isnabin; baka matulog ang ibang bagyo sa pansitan.
LikeLike
how about bong revilla?
ang pagkakaaalam ko, walang ginawa ang singkit na ulok na ito kundi umapir sa isang walang kwentang programa sa gma7. at ni minsan di ako naaliw sa mga pelikula niya.
LikeLike
actually, yun nga lang palabas nya sa GMA7 (my napupulot namang aral) ang mas my kwenta pa kesa sa pagiging senador nya na taga butas lang ng bangko.
LikeLike
Ha-ha! Sabagay totoo, you havce a point there. And the show while, educational, is not original…binili rights to air.
LikeLike
Kung bagyo si VPres Binay, … bago umalis sa pwesto ay mag iiwan muna ng anak na bagyo kahit low pressure area pa lang para pumalit sa kanya sa susunod na 3 dekada…
LikeLike
hmmmm. wala lang.
LikeLike
kung bagyo si Sen JPE? Patay na lahat ng bagyo, nandyan pa rin sya.
LikeLike
celebrations at the palace
only 12 dead and not 1 chinese
no power to provinces and cities but at least no phone call from donald tsang
dozy and dopy partied like it was 1999
diet coke and m&m,s all round
dopy and the first boyfriend aka ” who ate all the pies ” puno dressed up and
p;ayed soldiers. puno was rear bummer, sorry gunner. freudian slip, and they played with their weapons all night long.
life in la-la land
LikeLike
huh? Ano ito, Paul?
Parang tinamaan ka ata ng lahat ng mga bagyong nabanggit ni PH eh.
Nahelo man ko Dong!
LikeLike
kung bagyo si p-noy:iiwas syng dumaan sa china,lalo na sa hongkong.
daan muna syang new york para kumain ng hoptdog!
LikeLike
😀
LikeLike
Hi Loi! The Professional Heckler! More Power to you! I keep hearing your comments thru DZMM Teleradyo. I sent comments too esp between 8:00-8:30pm, Alvin and Linda program. Anyways, nice blogs and good humor. Keep it up!
LikeLike
hi mags! thank you so much for reading! 🙂
LikeLike
Iba k tlg PH, Kakaiba ang wit. Sna wlang mapik0n.
LikeLike
kung bagyo si vice ganda, malaman nyo update sa text.
LikeLike
Kung bagyo si kuya germs, tyak walang tulugan!
LikeLike
Ayos bagong bagyo sa lakas
LikeLike
panalo yung bagyong kris aquino!
LikeLike
Hahaha. winner yung ke lito lapid. para rin pala syang santan plant – alam mong anjan pero wala lang. bwahahaha..
ang galing mo PH!!
LikeLike
intriga lang ako kay Jessica soho…bat sya nagalit sa yo PH?
LikeLike
i lili lili like it 🙂
LikeLike
hehehe… galing! luv it…
LikeLike
sa lahat na nasalanta ng bagyo sana ligtas kayo at walang na pahamak sa inyo!!!yan lng thank you
LikeLike