TESTING!

NAKAKAWINDANG.
NAKAKALITO.
Nakakainis.
Nakakagulo.
Wala pa mang isandaang araw sa puwesto, sunud-sunod na ang intrigang ibinabato, at sari-sari nang problema ang nakikipagbuno sa administrasyon ni Pangulong Aquino. Nasusundan n’yo pa ba ang mga pangyayari sa bansang ito? Sige nga, subukan n’yo.

Panuto: Piliin ang titik ng sagot na para sa ‘yo ay tumutugon sa bawat tanong. Bawal mag-Google ng sagot. Walang mandadaya. Sabi nga ng ating pangulo, panahon na para tahakin ang landas na matuwid! You have 45 minutes. Good luck!

1: Ano ang opisyal na katungkulan sa pamahalaan ni Ginoong Enrico E. Puno?
A: Secretary ng DILG
B: Shooting buddy ni presidente
C: Interior Undersecretary
D: Tulay ng jueteng emissary

2: Ano ang ibinigay na dahilan ni Pangulong Aquino nang ibunyag nitong “acting” secretary lamang ng DILG si Ginoong Jesse Robredo?
A: “We had some differences during the campaign as to style.”
B: “My uncle Peping doesn’t really like him.”
C: “He’s got no interest in practical shooting.”
D: “Our relationship is still in the getting-to-know-you stage.”

3: Sa isang panayam sa ANC, nagmungkahi ng tatlong pangalan si Undersecretary Rico Puno na puwede raw ipalit kay DILG Secretary Jesse Robredo. Sinu-sino ang tatlong ‘yon?
A: Jejomar Binay, Edward Hagedorn, at Alfredo Lim
B: Jessica Soho, Luchi Cruz-Valdez at Maria Ressa
C: Rodrigo Duterte, Avelino Razon, at Jesus Versoza
D: Jake Maderazo, Erwin Tulfo, at Michael Rogas

4: Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, magkano ang buwanang jueteng payola na tinatanggap ng dalawang high-ranking trusted officials ni Pangulong Aquino?
A: Dalawang milyong piso bawat isa
B: Ang liit naman no’n!
C: Oo nga, cheap!
D: Limang milyon bawat isa!

5: Pinuri ng palasyo ang bagong talagang pinuno ng kapulisan na si Deputy Director General Raul Bacalzo dahil sa pangako nitong susugpuin ang jueteng at mga ilegal na sugal. In particular, anong policy ni Bacalzo sa PNP ang inilarawan ni palace spokesman Edwin Lacierda as “effective?”
A: “No ID, No Entry policy” – Bawal ang pulis na walang ID sa venue ng bolahan
B: “One strike policy” – Kapag may jueteng sa nasasakupan, sibak ang police directors!
C: “Honesty is the best policy” – Ang magsasabi ng totoo, mapu-promote!
D: “One China policy” – Doble effort sa pagtugis kung gambling lord ay Chinese

6: “It was a disastrous example of incompetence, political factionalism and lack of national leadership.” Ang linyang ito ay mula sa isang artikulong lumabas noong September 6 sa Asian edition ng The Wall Street Journal. Pinamagatang, “Noynoy flunks his first test,” ang kumentaryo tungkol sa palpak na pagresolba ng pamahalaan sa August 23 hostage crisis ay sinulat ni/ng…
A: Isang perpektong mamamahayag
B: Former president Gloria Macapagal-Arroyo
C: Maria Ressa, pinuno ng ABS-CBN News & Current Affairs
D: Ricky Lo

7: Isinumite na kay Pangulong Aquino ang 83-page report ng Incident Investigation and Review Committee na pinamumunuan ni Justice Secretary Leila De Lima hinggil sa August 23 hostage crisis. Ngunit ayon kay Communications Strategy Secretary Ricky Carandang, ito raw ang plano ng palasyo:
A: Pagbalik na pagbalik ng Pangulo mula Amerika, isasapubliko
B: Bibigyan ng kopya ang Chinese embassy then, isasapubliko
C: Bibigyan ng kopya ang ANC then, ang Chinese embassy
D: Bibigyan ng kopya ang Chinese embassy, ang ANC, then isasapubliko

8: Matapos humarap sa panel ng mga news anchors mula sa ABS-CBN, GMA-7 at TV5 noong September 9, may binitiwang linya si Pangulong Aquino patungkol sa August 23 hostage crisis sa kanyang closing statement. Natatandaan mo pa ba ‘yon?
A: “To Mr. Donald Tsang, I regret not taking your call.”
B: “To all Hong Kong nationals, apologies for the smile!”
C: “This incident will not define this administration.”
D: “To the angry Chinese community, kayo ang boss ko!”

9: Ang balita: tumawag kay Pangulong Aquino si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang noong kasagsagan ng hostage crisis. Tumawag ba talaga? Ang sagot ni Presidential Communications and Operations Office Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma:
A: “Ma!”
B: “’Di po kapanipaniwala ‘yan dahil accessible siya sa lahat nang oras.”
C: “Am I my brother’s keeper?”
D: “Maghapon akong wala sa palasyo. Si Ricky ang tanungin n’yo!”

10: Sino si Michael Rogas?
A: RMN news anchor
B: Kung paniniwalaan ang sabi ng driver ng tourist bus, siya at si Mike Enriquez ay iisa
C: Biglang sikat na reporter
D: Hostage negotiator

11: Mahirap mang paniwalaan ngunit ito umano ang totoong nangyari. Nakatakas sa hostage taker ang ipinosas na bus driver na si Alberto Lubang sa pamamagitan ng:
A: Nail clipper
B: Pagkagat sa posas
C: Magic
D: Nail file

12: Bago mag-alas-siyete ng gabi noong August 23, isang estratehiya ang iminungkahi ni Manila Mayor Alfredo Lim kay Manila Police District head Chief Superintendent Rodolfo Magtibay upang maresolba ang hostage crisis. Ano ‘yon?
A: “Kapag ‘di sumuko, dalhin sa Tondo ang kapatid n’yan at iligpit!”
B: “Ang pinag-usapan namin ni Magtibay, pagurin si Mendoza!”
C: “Bahala na si Isko Moreno sa inyo. Kakain muna ako!”
D: “Sugurin na kasi ang bus para matapos na!”

13: Ayon sa Newsbreak, “Guess who was drunk as a skunk just days after the Luneta bloodbath.” Opisyal ito ng pamahalaan na umano’y namataan sa lobby ng Manila Peninsula na lasing na lasing dakong 2AM last August 27. Sino siya?
A: Joseph Estrada
B: Executive Secretary Paquito Ochoa
C: DSWD Secretary Dinky Soliman
D: Have I mentioned Executive Secretary Paquito Ochoa?

14: “Ang pakiusap ko ay huwag n’yo itong gawing telenovela.” Ito ang apela ni Social Welfare Secretary Soliman kaugnay ng isyung:
A: Pag-abandona kay Gulf Air baby George Francis
B: Hidwaan ng Balay Group at Samar Group sa gabinete
C: Kinukuwestyong 123% increase sa budget ng DSWD
D: Hiwalayang Shalani at Noynoy

15: Ipinagbabawal na ng DepEd ang pagbibigay ng homework sa mga mag-aaral kapag weekend. Bakit daw?
A: Upang makapaglaro at makapag-bond sa pamilya
B: Upang isulong ang social skills ng mga bata through Facebook
C: Upang maiwasan ang dayaan sa mga sagot
D: Upang makatipid sa lapis at papel

16: Kung sina Budget Secretary Butch Abad at Presidential Management Staff Chief Julia Abad ay mag-ama; sina DOST Secretary Mario Montejo at Executive Secretary Paquito Ochoa ay mag-bayaw, at magkapatid naman sina SSS President Emilio De Quiros Jr. at Inquirer columnist Conrado De Quiros, mag-ano naman sina Local Government Secretary Jesse Robredo at Vice President Jejomar Binay?
A: Magkaalyado (Samar Group)
B: Magkapitbahay
C: Fraternity brothers (Alpha Phi Omega)
D: Magka-kulay

17. Kung may bad news, may good news! Ayon kay Tourism Sec. Alberto Lim, tatlong porsiyento lamang ng turismo sa Pilipinas ang naapektuhan ng August 23 hostage crisis. Yehey! Maiba ako, kilala n’yo ba kung sinong broadcast journalist ang kapatid ni Secretary Lim?
A: Mel Tiangco. Middle name n’ya ay Lim, right?
B: Jessica Soho. Magkapatid sila sa ina, ‘di ba?
C: Cheche Lazaro. Maiden name niya Lim, tama?
D: Susan Enriquez. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala. Siya ‘yon!

18: At press time ay mahigit 160,000 na ang followers ni Pangulong Aquino sa Twitter. Ang tanong: ilan naman ang pina-follow niya?
A: Wala. Suplado!
B: More than 10,000
C: Less than 20
D: Wala akong pakialam! Hindi ako nagtu-Twitter!

19: Miss Universe 2010: “What is one big mistake that you made in your life, and what did you do to make it right?” Sino ang nagtanong nito kay Maria Venus Raj?
A: William Baldwin
B: Alec Baldwin
C: Stephen Baldwin
D: Michael Rogas

20: Sino ang babaeng ito?

A: Ang ina ni Gulf Air baby George Francis
B: Lilia Pineda, asawa ng alleged jueteng lord
C: Sandra Cam, jueteng whistleblower
D: Amy Austria, mahusay na aktres

21: Sino naman ang lalaking ito?

A: SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng napatay na hostage taker
B: RMN reporter/anchor Michael Rogas
C: Insp. Bismark Mendoza, bunsong anak ng napatay na hostage taker
D: Uuuutang na loob, tigilan n’yo na si Michael Rogas!
———————————
“I don’t make jokes. I just watch the government and report the facts.”
~Will Rogers

Survey Says
Naniniwala ba kayo sa alegasyong tumatanggap ng jueteng payola si Interior Undersecretary Rico Puno?
-OO! Posible! 80.92%
-HINDI! Paninira lang! 1.78%
-Hintayin nating matapos ang imbestigasyon. 17.3%

We have a new survey. Please vote now.

Share this on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter ]

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

36 thoughts on “TESTING!”

  1. hehehehe… almost perfect. I missed P-noy’s twitter question.
    kung termpapers lang sana ‘to, 1.25 ang grade ko – that, if perfectionist mga prof. 🙂

    how i wish i could answer letter C: biglang sikat na reporter (never heard kasi) to the Michael Rogas question.

    keep them coming always PH. I may not be this keen in posting replies to your blog lately because i really am so busy, but i never fail to read your entries or vote in your polls pag mey time.

    Like

      1. I read somewhere that another prominent member of Alpha Phi Omega is Bill Clinton. Am not sure though if this is the same APO of Binay and Robredo.

        What I know is that another Rico Puno used to sing on the same stage as another APO (the triumvirate of danny, buboy and jim). Hehe.

        Like

  2. PH, maybe you should make a survey on how many people have had enough of PNOY’s “at the end of the day” statement. not a day passes without this “at the end of the day” line. alam ko naman kung ano ang mangyayari “at the end of the day”. obviously at the end of the day….night begins.

    Like

  3. winner as in….thanks PH for keeping me/us updated..actually madalang na ako magbasa ng mga news nakakasawa kse…..pero ung mga post mo di nakakasawang basahin – reality bites ang dating…. 😉 about my score..bagsak 13/21 ahahaha kse tawa ako ng tawa..nakaka enjoy piliin ung mga nakakatawang sagot 😀

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s