A Conversation with the President: Exclusive!

On Thursday, September 9, 2010, President Noynoy Aquino answered questions from a panel of news anchors representing the country’s three biggest networks: Mel Tiangco for GMA 7, Ted Failon for ABS-CBN, and Paolo Bediones for TV5.


After the no holds barred interview, The Professional Heckler requested for an exclusive, more honest, one-on-one “follow up” conversation with the Chief Executive. Here are some unedited excerpts:

The Professional Heckler (TPH): Mahal na Pangulo, magandang hapon po.
President Noynoy Aquino (PNA): Magandang hapon naman. Sino ka nga ulit? Pasensya na, hindi kasi sure ‘yong aide ko kung sino ka at para saan ang panayam na ito.
TPH: Gano’n po ba? Talagang consistent ang aide na ‘yan ah.
PNA: May sinasabi ka?
TPH: Wala po. Ang sabi ko po, isa akong blogger at pinayagan ako ng head ng Communications Group n’yo na makausap kayo nang one-on-one.
PNA: Talaga? Sino sa kanila? Tatlo ‘yon eh.
TPH: ‘Yon pong taga-Balay Group.
PNA: Ah si Attorney Lacierda!
TPH: Hindi po. ‘Yong dating broadcaster na nakaka-tweet ko bago siya nabigyan ng puwesto sa gobyerno.
PNA: Ahhhhhhhh, okay. Bakit? Hindi na ba siya nagtu-tweet ngayon?
TPH: ‘Pansin ko lang po, hindi na masyado. Pero minsan, nagdi-direct message na lang sa Twitter. Parang careful na po yata.
PNA: I see. Sige, basta bilisan na lang natin huh. You have 10 minutes. May pupuntahan pa ko eh.

TPH: Unang isyu po mahal na Pangulo: kanina, tinanong kayo kung may paksyon-paksyon sa gabinete. Ang sabi n’yo wala. Ang tanong ko po: sino ang nag-advise sa inyo na ganyan ang isagot n’yo: ang Balay Group o ang Samar Group?
PNA: Actually pareho, este, I mean… wala. Wala ngang paksyon ‘di ba? So walang nag-advise sa akin.
TPH: Pero iba po ang nakikita namin. Halimbawa, dalawa ang head ng inyong Communications Group. Coloma sa kanan, Carandang sa kaliwa. May Lacierda pa sa gitna. ‘Tapos, minsan magkakaiba ang kanilang sinasabi. Ang DILG naman, tila hinati sa DI at sa LG… may Robredo sa taas, may Puno sa baba. Hindi po ba magulo?!
PNA: Hindi mo kasi naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa puwesto! ‘Di ba nga may kasabihan tayo, “Many hands make light work.”
TPH: Pero mahal na Pangulo, “Too many cooks spoil the broth.”
PNA: Hindi rin eh. Kasi nga, “Two heads are better than one.”
TPH: Ok, fine! So, whose heads will roll?
PNA: Ba’t naman napunta do’n ang usapan?
TPH: Kasi ‘yon po ang ugat ng isyu eh – ang kapalpakan sa hostage crisis. So sinong sisibakin n’yo?
PNA: Masyado ka namang atat. Siguro ‘Edcel’ ang pangalan mo!? O baka naman ‘Lagman’ ang iyong apelyido!? Hintayin muna natin ang final report ni Secretary De Lima.


TPH: Kanina po sa panel interview, you categorically stated na hindi n’yo na iniintindi kung mataas o mababa man ang trust rating o tiwala sa inyo ng publiko. Ang tanong: ‘Di nga?!?
PNA: Huh?
TPH: Ire-rephrase ko po ang tanong: noong panahon ng kampanya, halos ibandera n’yo ang resulta ng bawat survey partikular ang mataas n’yong trust rating. Pero ngayon, sabi n’yo hindi n’yo na gaanong iniintindi ang mga surveys. Sino po ang nagturo sa inyo na maging ipokrito?
PNA: Ilang minuto nga ang interview na ito?
TPH: Sige po. ‘Wag n’yo na lang sagutin.

TPH: Pangatlong isyu po. Sabi n’yo, wala ni isa man sa miyembro ng inyong gabinete ang na-appoint bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang naging ambag sa inyong kandidatura. Ang tanong: Owws?
PNA: Off the record puwede?
TPH: Sige po.
PNA: Do you really expect me to admit on live television na nagbabayad-utang ako sa ilang cabinet appointees? Konting common sense naman ‘tol. Kahit naman yata sinong presidente ang tanungin mo, hindi aamin! Pero, siyempre factor ‘yon. In all fairness though to my cabinet appointees, highly qualified silang lahat.

TPH: How will you describe Secretary Jesse Robredo in one word?
PNA: Puwedeng four?
TPH: Three!
PNA: Sige. Ramon Magsaysay Awardee.
TPH: Sobrang safe naman ng answer n’yo. In hindsight po ba, would you have appointed Vice President Binay as DILG chief instead of him?
PNA: Off the record ulit puwede?
TPH: Sure!
PNA: Matagal na panahon kong pinag-isipan ang bagay na ‘yan. Naipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato eh. ‘Yung sinasabi mong Balay group, mapilit para kay Robredo. Siyempre, popular, awardee. Pero ‘yong kabilang kampo, nangungulit rin. So para everybody happy, nag-suggest ako: ang local government, kay Robredo; ang kapulisan, kay Puno.
TPH: Eh biglang nagka-hostage crisis…
PNA: Eh biglang nagka-hostage crisis… off the record please! Ayun! Na-obvious tuloy ang hatian ng puwesto! ‘Pag mamalasin ka nga naman, oo! Hayyy!

TPH: Pag-usapan naman natin ang inyong Little President. Ang tanong ko po mahal na Pangulo: meron ba?
PNA: What do you mean? Siyempre, meron! Andiyan lang siya. To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Tahimik na tao talaga ‘yan! Maingay lang ‘yan kapag nakakainom.
TPH: ‘Yon po sana ang gusto kong itanong. Dalawang beses na kasing lumalabas sa Newsbreak ang isyu ng pagiging lasenggo ng Executive Secretary n’yo. Ang latest, nakita raw siya sa lobby ng isang hotel na nakasalampak dahil sa kalasingan.
PNA: Nakasalampak?!? That’s absolutely baseless! To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kahit lasing na lasing ‘yan, maayos na umuupo ‘yan! Kaya ‘yong balitang nakasalampak siya? I seriously doubt it!
TPH: Pero inaamin n’yo pong umiinom siya?
PNA: To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kung umiinom man siya, occasionally. Nagkataon lang na sunud-sunod ang okasyon lately. Kaya ‘yon, sunud-sunod rin siguro ang inom.

TPH: Sa inyong panel interview kanina, tinanong kayo about former PAGASA Chief Prisco Nilo at napansin kong tila malaki ang galit n’yo sa kanya. In fact, sinabi n’yong may “propaganda arm” si Dr. Nilo. Apparently, nasa kanya ang simpatya ng media at publiko ngayon. Ang tanong ko po: kung nananalo ang “propaganda arm” ni Prisco Nilo laban sa “propaganda arm” ng mga taong nagsulsol sa inyo upang sibakin siya, why not?
PNA: Gusto ko lang linawin okay, wala akong galit sa puny3+@*%ang$3* Prisco Nilo na yan%#%12^@@% okay? And to be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kahit bayaw niya ang DOST secretary, hindi siya ang nagsulsol upang palitan si Prisco Nilo! Palpak lang talaga ang forecast niya! Ni hindi nga niya na-forecast na masisibak siya sa puwesto ‘no! Basta, palpak siya! At inuulit ko: wala akong galit %#@$0)^ sa kanya%#@^9)!

TPH: Ang puso n’yo! Easy lang po mahal na Pangulo, okay? Heto na lang ang mas light na question. Kayo po ba ni Councilor Shalani Soledad ay nag-date na sa Emerald Garden Restaurant?
PNA: You make me blush.
TPH: Hahaha! Seryosong tanong po ‘yan.
PNA: Hmmm, siguro four to five times na. In fact, some of the most memorable moments namin together, nangyari sa Emerald.
TPH: But after the August 23 hostage crisis, sa tingin n’yo babalik pa kayo roon?
PNA: Oo naman!
TPH: You mean, magdi-date pa rin kayo ni Shalani sa Emerald kahit may masamang memories ng naganap na hostage?
PNA: Yeah! Because, I’m a hostage of love.
TPH: Awwwr!

TPH: Alam po ng lahat na mahusay kayo sa paghawak ng baril. Puwede ho bang malaman kung kailan kayo huling nagpaputok?
PNA: You make me blush again.
TPH: Seryoso po ‘yong tanong ko.
PNA: Hmmm, last Saturday lang.
TPH: Gaano ba kayo kadalas magpaputok?
PNA: Kada Sabado.
TPH: Enjoy ba kayo?
PNA: ‘Yon nga lang ang libangan natin eh. Siyempre, kahit papa’ano, nakakalimutan ko ang aking mga problema.

PNA: Puwede bang two to three questions na lang? Mali-late na ‘ko eh.
TPH: Sige po! Ayon sa ilang palace insiders na nakausap ni Sandra Aguinaldo ng GMA News, divided raw ang members ng Cabinet n’yo sa desisyong humarap kayo sa isang media panel. Bakit n’yo nga ba naisipan ang nasabing no holds barred interview?
PNA: Off the record… just imagine kung ang haharap sa panel ay ang tatlong spokesman ng palasyo. Sa tingin mo ba magtatagal ang aking gobyerno kapag silang tatlo ang pinagsalita ko? Six years ang termino ko, six years! Hindi 100 days!

TPH: Reaksyon lang po sa impeachment complaint against Ombudsman Merceditas Gutierrez na ayon sa House committee on justice ay “sufficient in form and substance.”
PNA: Iginagalang ko ang separation ng kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatibo. Trabaho nila ‘yon; may sinusunod silang proseso, hayaan natin sila. Bilang Pangulo, hindi ako dapat nakikialam. Sanga pala, kung nababasa ito ngayon ng mga miyembro ng House justice committee, I have two words for you: ‘Keep it up!’

TPH: Dumako naman po tayo sa isang maliit na bagay na posibleng ilan lamang ang nakapansin. Bago po naganap ang hostage crisis, ito po ang default pic sa inyong Facebook account…

TPH: Nang magalit ang mga Hong Kong nationals… ito naman ang inyong ginamit na default pic:

TPH: Pero nang bumisita ako kanina, ito na ulit ang aking nakita:

TPH: Pati po ba sa Facebook, may paksyon din?
PNA: Nang-aasar ka?!?
TPH: Ang ibig ko pong sabihin: ang default Facebook photo po ba ninyo ay nakabatay sa inyong mood for the week?
PNA: Alam mo, ayaw ko nang palakihin pa ang isang trivial na bagay. Besides, off the record huh… ni hindi ko nga alam ang password sa Facebook account ko, paano ko mapapalitan ang default pic? Common sense ulit ‘tol!


TPH: Maiba naman po ako, kumusta na po si Kris? Ano pong advice ang ibinibigay n’yo ngayong may pinagdaraanan sila ni James Yap?
PNA: Wala. Sa palagay ko naman, nasa tamang edad na siya para magpasya.
TPH: Pero nasa tamang pag-iisip naman po ba?
PNA: ‘Yan ang magandang tanong! Pero hayaan na natin ang aking kapatid. Ang problema niya… isang lalaki. Ang problema ko… isang bansa! Sa tingin mo, alin ang dapat kong unahin?
TPH: Kereeeek! May tama ka!


TPH: Bago po ako tuluyang magpaalam, may ‘pinapatanong lang po ang isa kong Twitter follower: Bakit daw po sina Mel Tiangco, Ted Failon, at Paolo Bediones ang nagtanong sa inyo? Bakit hindi raw po sina Maria Ressa, Jessica Soho, at Luchi Cruz-Valdez?
PNA: Pati ba naman ‘yan, gagawan n’yo pa ng intriga? That, for me is a non-issue. Kahit sino pa man ang nagtanong, que sina RG Cruz, Mark Salazar o Jove Francisco pa ‘yan, ang mahalaga, malinaw ang aking mga naging sagot at well-represented ang tatlong henerasyon ng mga mamamahayag sa panel.
TPH: Dahil d’yan, Mr. President… may nagteeeeexxxt! “I totally resent that observation! Yours truly, Tita Mel”
PNA: Hahaha! No comment na lang.

TPH: Pahabol pong tanong: malapit na po ang finals ng UAAP. Fearless forecast: Ateneo o La Salle?
PNA: ‘Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre, UP!
TPH: Nang-aasar po kayo?!
PNA: Huh? Bakit? ‘Di ba UAAP cheerdance ang itinatanong mo?
TPH: Basketball po.
PNA: Ahhhh, wala. Bilang Pangulo, dapat nasa gitna ako. Dapat wala akong kinikilingan at wala akong pinapanigan. Sa aking pamahalaan, bawal ang paksyon! Walang paksyon! At hinding-hindi magkakaroon ng paksyon!

(The President’s phone rings…)
PNA: Hello?
Male Voice: Sir, remind ko lang po ‘yong party sa Balay mamaya. Invited daw po kayo.
PNA: Gano’n ba? Pakisabi, mali-late ako. May salu-salo din kasi sa Samar. Naunang nag-invite ‘yon eh. Bye.

TPH: One final question, Mr. President.
PNA: Go ahead!
TPH: Boxers or briefs?
PNA: You make me blush.

End of Interview.
——————-
“A basic tenet of a healthy democracy is open dialogue and transparency.”
~Peter Fenn

Survey Says
Hindi siya kasama sa listahan ng mga opisyales na ipakukumpirma ng palasyo sa Commission on Appointments. Kung ikaw si Sec. Jesse Robredo, ano ang gagawin mo?
– Wala lang! Tuloy ang trabaho. 33.87%
– Bastusan na! I will resign. 59.91%
– Wala akong pakialam! 6.22%

We have a new survey. Please vote now.

Personal
UP will probably close its UAAP season with a 0-14 win-loss card on Saturday, September 10. Allow me to share the recent Facebook status of Fighting Maroon Martin Reyes:
“The game on saturday will be played with nothing but heart. It will be for God, my family, friends, teammates, coaches, classmates and most especially for the University of the Philippines. It has been one helluva ride and i would not trade MAROON for any other color…. salamat UP”

Good luck to the UP Pep Squad on Sunday! UP Fight!
2010 UAAP-Samsung Cheerdance Competition (Sunday, September 12): Order of Performance: UE, UST, DLSU, ADMU, FEU, UP, AdU and NU

Enjoy your weekend!

[Share this article on Facebook and Twitter: Add to FaceBookAdd to Twitter ]

Don’t follow me on Twitter. Do not click here. You’ve been warned.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

68 thoughts on “A Conversation with the President: Exclusive!”

      1. Naku Koya Eddi, I am not an authority on this topic…prim and proper noun po ako, promise!

        Well, to answer you question with my limited knowledge on the issue, I guess it’s just about the level of comfort in the positioning of one’s “merchandise”. If you’re comfy letting it all hang out, then boxers it is. Briefs I guess, are for those guys who like to take control of the action / reaction of their best “buddy”.

        Ang haba na ng exflen! Wala pa akong alam nyan, ha?

        In short…… Ayyyyyy! boxers at briefs lang pala. Di pala kasama ang short!

        Ahahahahahaha!

        Like

    1. Takot lang ng ABS-CBN ipadala si Mr. Maria Ressa pagkatapos niyang banatan si Noynoy sa Wall Street Journal. I don’t think she should have done it there, nagpapabida siya, trying to get high scores from international media with her “unbiased” assesment of the hostage-taking incident at the expense of the Filipino people. The timing is very bad for us as a country, but maybe very timely for Ressa as she gets to be in the international loop of the media again. Balik na lang kaya siya sa CNN or apply as correspondent at Wall Street Journal. I wonder if her position at ABS-CBN allows her to write for other news organizations, esp. editorial-like articles on national issues?

      Lest I be misinterpreted, I feel bad for the tragic ending of the hostage-taking incident…I am angered by the ineptitude of all top officials responsible for the handling the incident, I strongly feel that PNoy really should make heads roll…but I guess, we as a people shouldn’t add salt to the wounds at this point when we are still smarting from embarassment in the international arena on the inadequacies and ineptitude of our system and officials There is a proper time for everything. Sometimes we have to set aside our own ambitions/agenda for the good of the country.

      Like

  1. another good one TPH. hope next time you have a media interview with the President please ask him what he thought of media’s role in the hostage taking tragedy and whether or not he believes media was partly to blame. i surmise his answer would begin with “konting common sense naman tol”.

    Like

  2. grabe ang kuluoy sa utak mo, ph! mantakin mong mahila mo si preysident, right after the panel interview..? and what an output! sosyaal!
    gee, i like the part… “well represented ang tatlong henerasyon ng mga mamamahayag sa panel…” and the instant react of mel tiangco. bida na naman. hihihi. aminin!!!
    (uy by the wi, pakisabi kay tita mel, try to establish a code dressing sa 24 oras. kasi, every episode, iba-ibang henerasyon ang wardrobe nya! very few times, as in once in a blue moon, prim and proper cya like a tru-blue exec; oftimes, super inday arrive nya; para bang gustong lumipad e walang wings; and more often than not, super nagmumurang kamyas… ano bang henerasyon ang ni-rerepresent mo talaga, tita? mam jessica, ala ba kayong dress code sa inyong female tv newscasters? kaka-distract kasi! kabawas sa viewing appetite. concerned lang po!)

    Like

      1. correct, esa, my dear. yung dress code should include the accessories and the “suklay ng buhok”, huh? what i know is that dangling earrings, and blinking chokers, et al are a no-no for on-cam newscasters. kasi they distract the viewers’ view. how true! dapat simple lang talaga sila, but not to impair the mark of a neat and well-groomed (news) authority on cam. ps: pia arcanghel should improve her “suklay ng buhok”. paging her hairdresser, pakilagay lang ng body yung top nya; kaka-distract din. sayang, pretty pa naman sya! sorry, di naman tayo sobra vain, pero sa kaso nila, umayos sila! otherwise, mag-DJ na lang kaya! i rest my case…

        Like

  3. very good
    i think p-noy will be happy now he has the pnp to play with.
    he looked like a little boy in a toyshop as all the men were
    running around in uniform. maybe it was not the guns that was exiting him.

    am sure he got dolls when young ,not an action man, so that is why he wants one now!!

    Like

  4. I’m particularly amused with your heckling on the default pictures in FB. You’re such a great observer. From smiling pic, pinalitan ng medyo more serious countenance…when PNoy got flaks from all sides and everywhere re the smiling issue right after the tragedy. Dapat nga hindi pinalitan e. Btw, do you know who among the 3 stooges are directly handling the FB official account of P-Noy? I think the Malacanang Photo Bureau needs to undergo a refresher course. And those handling the editing and moderation should also undergo training and management of the site. It is no ordinary FB account. It’s the official FB of the Office of the President. Unfavorable comments should not be deleted. The expletives, cursing, ok to delete but not the substance. Otherwise what good will the FB account serve the president if puro pogi points lang?

    Like

  5. It’s gonna be the last game of UE and UP this afternoon. Exciting! I’m expecting that UP will really strive to avoid getting a 0-14 record this season. But of course, my co-warriors will not give them the victory easily. Bomba! UE! Igma Kadima! Go UP! To both teams: May the force be with you. Give your fans a great game. This is also the last game of Reyes, Martinez, Rosopa, and possibly, Lee, for UE and Sison, Co, and Reyes for UP. So this is really going to be a war. Haha.

    Moreover, great work with the Noynoy interview! 🙂

    Like

  6. hahahahahahaa love this part….

    TPH: Pero inaamin n’yo pong umiinom siya?
    PNA: To be fair, I’ve known Jojo Ochoa since our Ateneo days. Kung umiinom man siya, occasionally. Nagkataon lang na sunud-sunod ang okasyon lately. Kaya ‘yon, sunud-sunod rin siguro ang inom.

    o nga naman e pano kung nagkasunod sunod lang naman talaga ang event lol. nung una sabi ko ok ang gabinete parang mga baguhan..pero ngayon parang nagbabago na ang isip ko lols

    Like

  7. HAHAHAHA! I love this entry! Sobrang good break from all of the things I need to finish tonight. Good job, TPH!

    Nakakatawa isipin na ang daming off the record daw pero technically pinublish mo pa din. Hahaha! And the way you made the president blushed many times. How I wished all of these happened in real life! At least this way, the president gave us a reason to like him……for being (almost) a good sport sa’yong wit and sense of humor. 😀

    Like

  8. Talagang there is truth in satire, PH…reading between the lines, I also agree that PNoy has this kind of blind loyalty to “compadres”. He would say often in press releases that so-and-so is under probatiion while the other so-and-so (who looks to be more culpable) is defended to high heavens.

    Like

  9. I thought this interview is for real! Hay… kung di pa umabot sa “two heads are better than one” you would have fooled me close to halfway (considering gullible daw ako baka longer)!

    On PNA’s facebook… Kung sino man nag-a-update nito HAS TOO MUCH time in his hands! I’m not paying my taxes para lang mag change sya ng profile pic ni PNA maya’t maya no. (Oooops off the record yun ha pwede?)

    Like

  10. “Sino po ang nagturo sa inyo na maging ipokrito?
    wow ang tapang mo mister heckler…

    extremes din ang hobbies ni noynoy ano, on one hand
    computer games and on the other, shooting at, may
    in between pa pala, singing….

    and seriously, nakakaawa din si shalani na kung tutuusin,
    mas mabuti na rin na this early tumiwalag na rather than
    wait for six long years pagkatapos sa wala din mauuwi,
    dahil, parang noynoy talaga is not the marrying type…

    Like

  11. maslang (or is it mislang?) shd. never have tweeted that way ‘cuz she was part of the presidential group’s state visit, not just a tourist. i like the president but how does he pick/select people who work for him? haay

    UP Law, go go go. the SC justices are so thick-skinned. why not just admit and apologize? another haay.

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s