Advertisements

SECURITY

12 08 2010

Warning
Heard the latest rumor? The United States and Canada have both issued a travel advisory for its citizens in the Philippines. Americans and Canadians were advised not to travel to Zamboanga, Basilan, and the ABS-CBN basement parking.

Authorities are alarmed by the alleged kidnap try on the father of pop star Sarah Geronimo. If suspected criminals could get through ABS-CBN’s security, Malacanang is no longer safe.

But the incident involving Sarah Geronimo’s father wasn’t the first time someone was held against his will in the ABS-CBN compound. Somebody named Willie Revillame is still waiting to be released.

Quimbo and Facebook
Marikina City 2nd District Rep. Romero Federico Quimbo, has filed a resolution seeking to regulate the use of Facebook, Twitter, and other social networking sites in government offices. Exempted from the proposed measure are public information bureau personnel who need to disseminate information online, and Department of Agriculture employees who are addicted to Farmville.

A Houseful of Errors
Perhaps you’ve heard about this. For almost three weeks (or until last Tuesday), the Lower House’ official website posted the wrong information on Sarangani Rep. Manny Pacquiao. The website indicated that Pacquiao’s ‘Age’ was 68 and his ‘Spouse’ was a certain “Elizabeth B. Salvacion.” Pacquiao was inclined to just ignore the two errors… but got pissed when he saw the posted info beside the word ‘Sex’ – “Sikrit! Pero last year pa. Sa Las Vigas.”

Credible Polls
The latest Pulse Asia survey showed that 7 of 10 Filipinos believed the May 10 elections were credible. The other three were Jamby Madrigal, JC De Los Reyes, and Nicanor Perlas.

Phone Addicts
According to a recent survey conducted by global research agency Synovate, 25 percent of Filipino youths in Metro Manila cannot live without a cellphone. The remaining 75 percent promised to attend the burial.


Special Report
Excerpts from the transcript of a telephone conversation between The Professional Heckler and Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson:

(Phone Rings)
The Professional Heckler (TPH): Hello…?
Sen. Ping Lacson (PING): Hello? Is this the Professional Heckler?
TPH: Yes… who’s this please?
PING: Si Senat Kzzst… kzzst… kzzst..tor Lac.kzzst…son ‘to!
TPH: Naku! Galaw po kayo ng konti. Chubby ka! Chubby.
PING: Oo nga eh. Medyo tumaba tayo. Ano, malinaw na?
TPH: Ayan, okay na po. Si Senator Lacson po ba talaga kayo?
PING: Oo nga! Ba’t ba ayaw mong maniwala?
TPH: Eh kasi parang ang lapit n’yo lang eh.
PING: Malapit naman talaga ako eh. Nandito lang ako sa Pilipinas.
TPH: Where exactly Senator?
PING: Gago ka ba? Eh ‘di mahuli ako.

TPH: O, napatawag kayo?
PING: Wala lang. Walang masyadong ginagawa eh. ‘Tsaka may isa ka yatang reader na nagrequest na ma-interview ako. Kaya heto… ako na ang tumawag sa ‘yo para ‘di ka na mahirapan.
TPH: Saan ba talaga kayo nagpunta?
PING: Sa tabi-tabi lang. ‘Di naman talaga ako umalis ng bansa eh. Bobo at tanga lang talaga ang mga pulis at ang NBI.
TPH: Ang hirap naman ho yata na tumatakbo kayo sa batas?
PING: Sinong may sabing tumatakbo ako? Palakad-lakad nga lang tayo eh.
TPH: Pero mahirap ‘din ho yan…
PING: Ang mahirap lang, magsuot ng damit na pambabae.
TPH: So nagdadamit-babae kayo?
PING: Kapag lumilipat ng lugar. Mahirap na. Baka may makakilala. Tiklo tayo ‘pag minalas!
TPH: Kapag nakadamit-babae, nagmi-makeup din kayo?
PING: Minsan! Pero sanayan lang. ‘Buti ‘ka mo at hiyang ako sa Lancôme. Nagka-rashes kasi ako sa Neutrogena eh. Pati ‘yong Maybelline, nangati ang mukha ko. Itinigil ko na.

TPH: Teka, hindi ho ba delikado ‘tong pag-uusap natin? Baka ma-wiretap tayo?
PING: Ano ka ba naman?! Sanay na ‘ko d’yan! Gawain ko rin ‘yan noon. Pero ngayon pa ba ako matatakot eh si Noynoy na ang presidente!
TPH: Since February pa nga pala kayo nagtatago…
PING: Tarantado! Hindi ako nagtatago. I’m just on extended vacation.
TPH: So anong reaksyon n’yo nang si Noynoy ang manalong pangulo?
PING: Siyempre, hopeful. Imagine kung ‘di s’ya tumakbo? Eh ‘di si Erap ulit ang ang presidente natin. Dead man hiding na sana ako ngayon!

TPH: Congratulations nga pala sa inyong bagong committee!
PING: Ah oo! I’d like to take this opportunity nga pala para magpasalamat kay Manong Johnny Enrile at sa mga kasamahan ko sa majority ng Senado. Kahit wala ako diyan, ipinagkatiwala nila sa ‘kin ang chairmanship ng committee on accounts.
TPH: Pero senator, pa’no nga pala n’yo magagampanan ang inyong tungkulin as committee chairman kung wala kayo sa mga sesyon?
PING: Sus! Problema ba ‘yan?! Eh bakit si Sonny Trillanes… may travel expenses na P247,404 last year kahit nakakulong? Fourth biggest spender pa! Wala nang imposible ngayon!

TPH: ‘Sabagay. Mukhang si Presidente, maamo sa inyo ah. Pati ‘yong double murder case n’yo pinakialaman na rin. Pinapa-review sa DOJ.
PING: Narinig ko nga. But I think unfair namang sabihing he’s “meddling” in my case. I think, the appropriate term is “concerned.” After all, Shalani used to be a member of my Senate staff. Pero sa tingin ko, hindi pakikialam ‘yon.

TPH: ‘Balik ho tayo sa kaso n’yo. Kung inosente talaga kayo sa pagpatay kina Dacer at Corbito, eh sino?
PING: Mahirap nang magsalita sa telepono. Sa korte ko na lang ibubunyag ‘yan.
TPH: Pa’no n’yong ibubunyag eh nagtatago nga kayo?
PING: Problema na ng korte ‘yan! Basta, isa lang ang masasabi ko, God Save the Philippines from the mastermind of that gruesome crime!

(Another phone rings)
TPH: Hello? Sino ‘to?
Man’s Voice: Puwede bang mag-react? Tinitira na naman ‘yata ni Panfilo Morena Lacson ang daddy ko eh?
TPH: Naku! Next time na lang po. Sige, bye!

PING: Teka, mukhang malo-lobat na ako ah. Mahaba pa ba?
TPH: Mabilis na lang ‘to Senator. Ano nga palang ang masasabi n’yo sa dating pangulo? Kongresista na siya ngayon.
PING: Hahaha! We have something in common. Kung ako, tumatakbo palabas ng bansa; si Mrs. Arroyo, tumatakbo palabas ng session hall! Kawawa naman ‘yong ale. Habambuhay na hinahabol ng karma…
TPH: Yeah, another thing you have in common.
PING: Anong sabi mo?!?!
TPH: Ah… senator, ‘di kita marinig. Chubby ka. Chubby. Galaw ka ng konti.

TPH: Maiba ho ako, gusto n’yo bang maging ninong sa kasal nina Pangulong Noynoy at Shalani Soledad?
PING: Depende. Kung papayag…
TPH: You mean, depende kung kukunin kayo?
PING: Hindi! Depende kung papayag si Kris na matuloy ang kasal!

TPH: Message n’yo na lang ho sa bagong kasal, este sa mga Pilipino…
PING: Alam na nila ‘yon. ‘Tsaka, ‘di ako sanay sa message-message na ‘yan. Wala naman tayo sa Startalk o sa The Buzz para mag-message-message. Masyadong showbiz! Nakakasuka! Basta, hello na lang sa manugang kong si Jodi Sta. Maria. ‘Wag mong kalimutan iha, Pampi loves you so much. Miss ko na ang aking apo. Pangako, dadalaw ako. Malapit na. At Jodi, I hope na dumami pa ang movie at TV projects mo. Good luck sa iyong career.
TPH: Oo nga Senator, mukhang ‘di kayo showbiz. Sa ating bagong Pangulo, baka meron ho kayong gustong iparating…
PING: Kay Noynoy… ipagpatuloy mo lang ang iyong mga nasimulan. Kaisa mo ako sa matuwid na pamamahala. Tama ang desisyon mong ipagbawal ang ‘wangwang.’ Tama ang desisyong mong ipagbawal ang tong. Tama ang desisyon mong ipagbawal ang counterflow. Tama ang desisyon mong ipa-review ang kaso ko! Mabuhay ka!

TPH: Maraming salamat sa pagtawag mo Senator Panfilo Lacson. Malaking karangalan ho na makausap ko kayo kahit sa telepono.
PING: Maraming salamat din sa pagkakataong ibinigay mo sa akin. Matagal ko nang hindi ginagawa ‘to. Bored lang talaga ako. Puwedeng magtanong?
TPH: Sige po. Ano ‘yon?
PING: What are you wearing?

Toot.. toot.. toot. Naputol ang kuneksyon.
End of Interview.
——————–
“Security is an illusion. Life is either a daring adventure or it is nothing at all.”
~Helen Keller

Survey Says…
On the sacking of PAGASA chief administrator Prisco Nilo:
– DAPAT NOON PA! Besides, it’s the president’s prerogative. Hayaan na natin. 37.5%
– SO UNFAIR. He’s a dedicated public servant. 54.2%
– Not familiar with the issue. 8.3%

We have a new survey. Please vote now.

Briefly Noted
From a news item at ABS-CBN News Online (screen cap). Can you please read the encircled figure for me? I’m not good with numbers.

[Want to share this on Facebook? Click this Add to FaceBook . Thanks.]

Advertisements

Actions

Information

66 responses

12 08 2010
Ling

Natatawa ako sa mga exclusive interviews mo! talo ang ABS at GMA nito!
Re-tweeted ko na ito sa 33 followers ko sa twitter.

Like

12 08 2010
professionalheckler

thanks LING!

Like

12 08 2010
farah

first!

Like

12 08 2010
stalker

TPH: Maiba ho ako, gusto n’yo bang maging ninong sa kasal nina Pangulong Noynoy at Shalani Soledad?
PING: Depende. Kung papayag…
TPH: You mean, depende kung kukunin kayo?
PING: Hindi! Depende kung papayag si Kris na matuloy ang kasal

LMAO to the max!!!!

at ang pamatay: What are you wearing? bwahahahahaha.

saludo talaga ako sa iyo PH, nakakawala ng bagot ang mga posts mo, bagot na dulot ng ramadan at pagiging homesick dito sa qatar.

Like

12 08 2010
eddibumangon

Natawa ako sa lahat, lalo na dito:
TPH: Yeah, another thing you have in common.
PING: Anong sabi mo?!?!
TPH: Ah… senator, ‘di kita marinig. Chubby ka. Chubby. Galaw ka ng konti.

Naintriga ako dito:

PING: Maraming salamat din sa pagkakataong ibinigay mo sa akin. Matagal ko nang hindi ginagawa ‘to. Bored lang talaga ako. Puwedeng magtanong?
TPH: Sige po. Ano ‘yon?
PING: What are you wearing?

Mr. PH, noon pa man, marami na akong nabasa tungkol sa duda sa sexuality ni Ping. Sa post mo, marami ding allusion tungkol dito. May bahid ba ito ng katotohanan? 🙂

Like

12 08 2010
etchosera

Juicemio ‘Teh, ask ko lang……. when were you born?

Di ba, sabi nga ng mga olds, kapag may usok…………..may tinapa!

Ahah ahah ahah!

Like

12 08 2010
maxlip

hahaha! Winner ka talaga lola etchos.

Like

13 08 2010
eddibumangon

hahaha. maybe i’m just too anxious to confirm my own suspicions.

Like

12 08 2010
assilem

Dmi n tlga typo errors ngaun!
report from rg cruz pla.,
ano kea comment nya..
pero siguro hindi nmn siya ang
ngtype nyan..

Like

12 08 2010
assilem
12 08 2010
phreddox

PH, kung maapprove daw yung bill ni Quimbo magpepetition yung ibang government agencies na maexcempt:

PAGCOR (addicted to Texas Holdem Poker and Zynga Poker)
BFAD (addicted to Cafe World & Restaurant City)
Bureau of Fisheries (addicted to Fishville & Fish World)
NBI and PNP (addicted to Mafia Wars & Mob Wars)
Bureau of Animal Industry (addicted to Petville & Farmville)

Like

12 08 2010
JP Doria

Haha! Ayuz! Halos lahat ng mga government agencies eh may pinagkakaabalahan sa Facebook. =))

Like

13 08 2010
kaye

hahahaa! this one’s really funny 🙂 ang dami na pala talagang games sa FB.

Like

16 08 2010
Anonymous

Panalo!!!

Like

12 08 2010
checkmate

nyahahaha astig! dami kong di nabasa, kulet ng mga interviews, sana may interview din si mar roxas nyahahaha

Like

12 08 2010
hikatalomato

phing always reminds me of captain shakespeare in the film stardust.

Like

12 08 2010
wail

sama mo na sa exempted yung mga pulis..

Like

12 08 2010
Jayson Alexander

the best talaga mga exclusive interview mo. ftw!

Like

12 08 2010
Sam Castillo

the nbi should look for lacson in the basement of marlene aguilar’s house 🙂

Like

13 08 2010
ranjit

LOL! oo nga!!! hindi ko naisip yun!

Like

12 08 2010
topdog

Talo ka Mr. PH ng lolo ko

LOLO KO: Mr. Senator, spell GMA
Lacson: Hindi ako si fairy ha, anong akala mo sa akin engkanto?
LOLO KO: Hah? Next topic na lang po. San po kayo?
Lacson: Sympre. Anak ako ng Nanay ko.
LOLO KO: Hah? Next topic uli. Lalabas po kayo?
Lacson: Damuho ka. Lalaking-lalaki ako!
End of the topic.

Nice Mr. PH!

Like

12 08 2010
eddibumangon

nice try, pero mais ka.

Like

12 08 2010
TOMADOR

lol

Like

12 08 2010
etchosera

Naku topdog, ano ba ang dapat na reak dyan sa lolo mo?

Naguguluhan ako… promise!

Like

13 08 2010
Belisema

anong mais lang? super mais!!! 😀

Like

13 08 2010
topdog

hahaha! ciguro hindi ninyo naintidihan!

Like

12 08 2010
maxlip

TPH: Mabilis na lang ‘to Senator. Ano nga palang ang masasabi n’yo sa dating pangulo? Kongresista na siya ngayon.
PING: Hahaha! We have something in common. Kung ako, tumatakbo palabas ng bansa; si Mrs. Arroyo, tumatakbo palabas ng session hall! Kawawa naman ‘yong ale. Habambuhay na hinahabol ng karma…
TPH: Yeah, another thing you have in common.

Winner din ito. Hehehe
Thanks PH, keep on heckling…

Like

12 08 2010
cossack

si pingky talaga o…

Like

12 08 2010
DEL

wala k bang teaser sa mga magiging interviewee mo PH? Sino sino pa ba ang mga nakalinya? I hope, magsasabay sa interview mo sina JPE at Miriam, si Gozon at si gabby Lopez, at si Mar and Jojo. Palagay ko, riot mga to, hahaha.

Like

13 08 2010
Belisema

yeah dpat si Jurassic nman at si brenda ang ma-interview ni PH… yan kung available yung 2 🙂

Like

12 08 2010
JP Doria

Thanks Sir PH! Laughtrip na naman! Sana may exclusive interview si Sec. Lacierda. Ahaha!

Like

13 08 2010
maxlip

Wag nalang siguro, baka mas mai-leak pa sa abs yung interview bago man lang ma-post ni PH dito.

Like

12 08 2010
MatuwaKa

Very funny, akala ko nung first time kong mabasa eh exclusive interviews talaga, hahaha!

BTW, I added you on my blog list.

🙂

Like

12 08 2010
badhairdee

‘Sex’ – “Sikrit! Pero last year pa. Sa Las Vigas.”

LMAO

Like

12 08 2010
Poppy Fields

PING: What are you wearing?

Classic!

Like

12 08 2010
promdi

akalain mo, nasabat mo si ping! buti naman, he really must need an outlet. boring buhay sa open lungga! besides, kaka-miss na rin sya! a good next should be mar & koring; baka bored na bored na rin sila. At mas okay kung joint interview para magkaalaman kung how compatible the both of them really… ahaa-ha-ha!

Like

12 08 2010
Lawrence_Patola

Paano kaya kung ininterview ni PH si Armand Arreza, ang tirador ng SBMA?

Like

13 08 2010
professionalheckler

di pwede yun, may bayad!

Like

24 08 2010
etchosera

Eh kung si Miriam Defensor Santiago, Isabela kaya?

Sasagot si PH: di pwede yun…may SAYAD!

Ahah ahah ahah!

Joke lang PH! Like you, I admire her too!

Like

12 08 2010
cefas

grabe ka! san mo ba nahuhugot yan PH?! hahaha luv u! hehehe

Like

13 08 2010
rhozza

pa-share PH!

Like

13 08 2010
senior60

here in our place, the reverse is true regarding

the percentages of the survey conducted by research

agency synovate about phone addicts….

those who promised to attend the burial are those

who cannot afford to have one hahaha and it’s

amazing at only 25% considering that, many are

out-of-school youths who cannot afford school…

Like

13 08 2010
PANFILO LACSON

ALL I CAN SAY IS “THANKS IN MILLION” MR HECKLER.. I AM HONORED FOR GRANTING MY REQUEST..DI KAYA NAMAN DELIKADO KUNG MASYADO KANG NAMBIBIRO, SABI NGA NILA, WAG KANG MAG-JOKE NG TOTOO.. HAVE A GOOD HEALTH AND PEACE LIFE SIR.. I’M DEEPLY ADDICTED TO YOUR WEBSITE…

Like

13 08 2010
PANFILO LACSON

Although, you doesn’t attend mass and refuses to buy the concept of ‘afterlife. I will always pray for you.. Believe and God will bless you..

Like

13 08 2010
etchosera

Ate Pingping Lechon, anetch anetch itis?

Like

14 08 2010
eddibumangon

LOL. Meron na tayong ‘afterlife’m me ka-tropa na si ‘religiousboy’ daw. Ikaw etchos, ano ka sa past life mo? 🙂

Like

14 08 2010
etchosera

Ayyyy! Q & A?

Well, I have no past. I live in the present, I am always present and most of all, I like a present. I thank you!

Like

15 08 2010
phreddox

andaming Panfilo Lacson alter egos!

Like

15 08 2010
eddibumangon

Hahaha. Pang Missed Universe ang sagot, winner. Btw, buti pala boy ka, kasi kung girl ka etchas ang pinaikling name mo. 🙂

Like

15 08 2010
babaylan

ano bang inglis yan — you doesn’t? ganyan ba itinuro sa pma?

Like

15 08 2010
eddibumangon

uy may grammar nazi na rin dito.

Like

15 08 2010
maxlip

pag pasensyahan mo na, class goat kasi si ping sa batch nila sa pma.

Like

15 08 2010
etchosera

eh bakit naman kasi nakikialam ka?

Bakit…….’merkano ba yan si PANFILO?

Dapat magalit ka kung mali ang tagalog niya! Hmmmmp!

Like

15 08 2010
babaylan

pasensiya na etchas, propesora kasi ako. laging may dalang pluma na may pulang tinta. masyado kasing masakit sa mata yung “you doesn’t attend mass and refuses to buy”.

Like

15 08 2010
etchosera

ayyyy! Titserette po pala kayo, Ms. babaylan! Sorry po, di na po mauulit. Mataas po ang respeto ko sa mga tulad nyo kasi po ang mga ferents ko po ay mga retired academians din po.

Kaya, with due respect po sainyo ……… Ma’am, may I go out?

Like

13 08 2010
ranjit

i love :chubby ka! chubby! galaw galaw ng kunti and the best ang “What are you wearing?”

PH interview mo si Korina! Interviewhin mo di dapat si Jamby! Nicanor and si JC Delos Reyes! Sana si senator chizzy mainterview mo din! kaso n bka dumugo ilong mo sa mga sagot nya!

Like

13 08 2010
shaoie

grabehhh ka ph palagi kanang may exclusive interviews… level up ka na… pwede next mar and korina nman hehehehe 🙂

Like

13 08 2010
kaye

haha! ang kulet ng interview!

i seriously think you should interview mar and korina next. we’re all waiting for that. 😉

Like

13 08 2010
Sean

hahahah.. panalo tong blog na to.. sarap araw arawin…. nice one po…

Like

13 08 2010
jion

si x-first gentleman arroyo kaya……

Like

13 08 2010
Lea

Grabe, nkka aliw talga itong blog mo, super aliw. Sobrang talino mo PH, bow ako sa u! God bless and wishing more blog topic na nkka windang 🙂

Like

14 08 2010
senior60

uuuyyy first ako for today?

ot lang regarding sa hacienda luisita, ang mga magsasaka

parang mga pulubi, ang kaibahan lang, hindi naman barya

lang ang natatanggap, in fairness sa kanila ni noynoy, in bills

naman, yong isa nga something like 100 pesos plus….

Like

14 08 2010
ang kulit

What are you wearing? LOL pwede next si jejemar binay naman …

Like

15 08 2010
ramrod

I’d give this one a mediocre score.

Like

16 08 2010
religiousboy

Kaw talaga EDDIBUMANGON, matindi ang fixation sa mga gender ng mga bloggers dito. At hanggang ngayon, sobrang curious ka pa rin sa sex ko,
Bakeet? Kasi it takes one to know one? O baka naman may problem ka sa mga gay? Aha…aha…aha.. Pero sige na nga, para wag mo na akong pag-initan, papalitan ko na ang avatar ko. At para di mo na rin ako makilala, gagawin na nating……..religiousmachol! Ayos ba, repapips?

Like

19 08 2010
eddibumangon

religiousboy,

You are right, it takes one to know one. Kaya nga buking na buking kita. 🙂

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: