MAY NAGBABADYANG GULO sa paligid batay sa alignment at galaw ng mga planeta habang papalapit ang eleksyon.
Kung hindi ka mag-iingat, posibleng mahulog ka sa dagat ng basura at ikalunod mo ito. Sumaklolo man ang iyong ina ay maaaring huli na ang lahat dahil wala na siyang kakayanang lumangoy dala ng katandaan.
Kung hindi mo naman kakayanin ang bigat ng ilang problema, malaki ang posibilidad na ma-depress ka at maapektuhan ang iyong pag-iisip. Pinapayuhang sumangguni sa psychiatrist o kaya ay sa pari.
‘Yan ay dalawa lamang sa pangkalahatang basa ng mga bituin sa mga kaganapan ngayong panahon ng eleksyon. Narito naman ang espesyal na prediksyon at kapalaran para sa inyong mga paboritong kandidato.
Sinu-sino ang papalarin? Sinu-sino ang mamalasin?
Babala.
Pangitain.
AYON SA MGA BITUIN.
BUT WAIT! THERE’S MORE! Bago nila ibahagi ang kanilang mga prediksyon, nais munang iparating ng mga bituin ang kanilang pakikiramay sa mga naulila ng isa nilang sugo dito sa lupa – si Jojo Acuin, ang tinaguriang Nostradamus ng Asya. Apparently, hindi nahulaan ni Mr. Acuin ang kanyang pagpanaw noong Huwebes, April 29.
NOPE! Hindi po ito si Jojo Acuin. Ito ay si dating Budget and Management Secretary Benjamin Diokno. Magkahawig lang talaga sila. Kung bakit narito ang kanyang larawan, hindi ko rin alam. Hindi ko nahulaan. At hindi maipaliwanag ng siyensya. Hayaan na lang natin, at laging tandaan…
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” – Zenaida ‘Syzygy’ Seva
Maria Ana Consuelo ‘Jamby’ Madrigal-Valade
Independent
Born: April 26, 1958
Sign: Taurus
Just when the stars thought na tapos na ang mga ‘eksena’ mo ngayong 2010, nagpasya kang mag-hunger strike hanggang Mayo a-diyes. In fairness to you, hindi halatang nabawasan ang timbang mo. Maybe it’s your bone structure. Or maybe, binobola mo lang kami at kumakain ka naman talaga kapag walang nakatingin. Tandaan ang sabi ni Confucius! God knows Hudas not eat! But just the same, saludo ang mga bituin sa iyong paninindigan. ‘Yan ang sagisag ng tunay na lalaki… este, tunay na ma-prinsipyong tao. Hindi ka man manalo sa pagka-presidente, panalo ka naman sa dami ng naipamudmod na bracelets. Congratulations!
Nicanor ‘Nick’ Perlas
Independent
Born: January 10, 1950
Sign: Capricorn
Ang isang environmental advocate na katulad mo ay tunay na kahanga-hanga. Hindi ka man palarin, magiging super busy ka pa rin pagkatapos ng May 10. Ikaw ang hihirangin ng susunod na pangulo upang mamuno sa paglilinis ng mga nagkalat na campaign posters at iba pang campaign paraphernalia sa buong Pilipinas.
Kung interesado kang maging DENR secretary sa susunod na administrasyon, ngayon pa lang ay maghanap ka na ng malakas na backer. Try mo si Kris.
John Carlos ‘JC’ De Los Reyes
Ang Kapatiran Party
Born: February 14, 1970
Sign: Aquarius
Aha! Ikaw pala ang choice ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagka-pangulo! Well, well, well… the stars are not surprised at all. Ayaw mo sa condom, ayaw mo sa pre-marital sex, ayaw mo sa population control, ayaw mo sa Reproductive Health Bill, ayaw mo sa lahat ng ayaw ng mga obispo. Perfect! Dahil d’yan, malaki nga ang tsansa mong maging presidente – presidente ng CBCP!
Bro. Eduardo ‘Eddie’ Villanueva
Bangon Pilipinas Movement
October 6, 1946
Sign: Libra
Ngayong darating na eleksyon, ipaparamdam ng milyun-milyon mong tagasunod ang suporta nila sa ‘yo. Maghapon at magdamag silang magdarasal para sa tagumpay mo. At ‘yan ang iyong ikakatalo! Malilimutan nilang bumoto! Good Lord!
Manuel ‘Manny’ Villar Jr.
Nacionalista Party
Born: December 13, 1949
Sign: Sagittarius
Mali ang taktika mong maglabas ng mga pekeng psychiatric reports na nagpapakitang mahina ang utak ng ‘yong pinakamahigpit na kalaban. Rule No. 1: Do not capitalize on the obvious.
Huwag ituloy ang planong airing ng TV ad kung saan makikitang nagtatampisaw ka sa dagat ng dumi ng tao kasama ang iyong mga kapatid. Lalong mahahalatang desperado na ang iyong PR group.
Mahirap mang gawin ngunit isang paraan lang ang nakikita ng mga bituin upang mapigilan ang patuloy na pagbulusok ng iyong survey rating: Bumili ng air time sa “The Buzz” para sa live interview ni Kris kay Nanay Curing!
Joseph ‘Erap’ Estrada
Puwersa ng Masang Pilipino
Born: April 19, 1937
Sign: Aries
May simpleng katanungan sa ‘yo ang mga bituin. Paano mo pag-iisahin ang watak-watak na sambayanan kung mismong sina JV at Jinggoy… tuloy ang plastikan?
Isang silahis na political adviser mo ang magsasabing magwawagi kang muli sa darating na halalan. Huwag maniwala! Ini-etchos ka lang niya. [Ang initials ng etchoserang adviser mong ito ay E.M.]
Ngunit ‘wag panghinaan ng loob. Kahit matalo… hindi ka mawawala sa mata ng publiko. Mananalong mayor ang ex mong si Ms. Guia Gomez sa lungsod ng San Juan at aalukin ka niyang maging First Gentleman! Astig, pare! FG ka na dude! ‘Di ka na ma-reach ‘tol!
Richard ‘Dick’ Gordon
Bagumbayan Party
Born: August 5, 1945
Sign: Leo
Hindi paborable ang galaw ng iyong mga planeta. Maulap din ang paligid ng mga bituing gumagabay sa ‘yo. Dahil dito, hihilingin mo sa korte na mag-issue ng TRO laban sa hulang ito. So, totoo pala ang balita – mas suplada ka pa kaysa sa iyong asawa.
Paalala ng mga bituin: Isa kang Autobot nang magsimula ang kampanya. Habang lumalapit ang araw ng eleksyon, huwag hayaang mamayani ang ugaling Decepticon. Chill.
Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III
Liberal Party
Born: February 8, 1960
Sign: Aquarius
May pangatlo, pang-apat, at panlimang psychiatric reports na lalabas. Pirmado pa rin ito ng mga paring taga-Ateneo. Ngunit mabubunyag na peke ang mga naturang dokumento. Plagiarized lang kasi ang mga ito sa mga previous psychiatric evaluation reports nina Obama, Oprah, at JK Rowling. Isa lang ang magiging reaksyon dito ng kapatid mong si Kris: “Nakakaloka!”
Ipinapayo ng mga bituin na isailalim sa loyalty check ang sarili. Sino ba talaga ang iyong bise-presidente? Si Mr. Palengke o ang kandidatong may B? Careful!
And finally…
Gilbert Teodoro
Lakas-CMD-Kampi
Born: June 14, 1964
Sign: Gemini
Panahon na para mag-move on sa pagtiwalag ng ekonomistang may initials na J.S. sa iyong partido. Makakahanap ka rin ng mas matalino at mas maganda kaysa sa kanya.
Ngayong darating na linggo, may ‘good news’ at ‘bad news’ kang matatanggap. Ang good news: mananaginip si Pastor Apollo Quiboloy at ibubulong daw sa kanya ng Diyos na ikaw ang dapat niyang iendorso. Ang bad news: Nasa panaginip ka rin niya. And you’re both naked. (Eeew!)
[Note: A day after this article was posted, Quiboloy announced his endorsement of Teodoro. Tumama ang hula ng mga bituin! The cult leader didn’t say anything though about his ‘dream.’ More on this topic in the next blog post. Do comeback for updates.]
_____________________
“Take a chance! All life is a chance. The man who goes farthest is generally the one who is willing to do and dare.”
~Dale Carnegie
From Cyberspace
Rock on!
Survey Says
On Nanay Curing Villar’s press con. Your take:
Karapatan niya ‘yun. Hayaan na natin. 29%
A desperate move by Senator Villar 66%
Sino si Nanay Curing? ‘Di ko napanood. 5%
We have a new survey. Please vote now.
LOL on Diokno! Akala ko si Acuin nga.. sakit sa tyan!
LikeLike
jejejeje! super post na naman!
LikeLike
I fell off my chair on “And you’re both naked!” Hanep talaga ang mga punchline mo, PH. Hats off ulit sayo!
LikeLike
galeng! hahaha
LikeLike
galing naman 🙂
LikeLike
as of this posting, gilbert got 39% as against noynoy’s 29.3%,
kung mag tuloytuloy at manalo si gilbert, hindi kaya magkakaroon
ng bloggers’ power dito?
LikeLike
talagang saving the last for the best ang sequence ng posting…
ang gwapo talaga ni gilbert, sana block voting din ang gagawin
ng mga members ni quiboloy para makatulong because he deserves
to win dahil sa lahat, siya lang ang magaling, matalino At hindi corrupt….
LikeLike
Eeew!
Senior60 hindi kaya kayo ang nasa panaginip kasama ni Gibo? Eeew!!!
LikeLike
nyahaha kulet ng eew ^^ kulet din nung rock on pic, wag magcapitalize sa obvious nyahahaha ^^
LikeLike
Oo nga. Gwapo ni Gibo!
LikeLike
ang galing kakaloka talaga….
LikeLike
aha-hahahaha! nakakabaliw itong post mo, PH!!! Gems of wisdom, pre!!!
LikeLike
Pogi ni Gibo!Tapos si Erap kamukha ni Dolphy!HAHAHA
LikeLike
totoo! hindi ko siya mamukhaan at first. eheheheheh
LikeLike
Nakakaloka! Haha.
LikeLike
Yes, Erap looks like Dolphy. Bakit nagbigay ka pa ng clue re his adviser? I thought universal knowledge na yun.
I am almost sure you’re voting for…
never mind. parang obvious naman ata?
Thanks for the laughs.
LikeLike
Kaloka ang picture! Rock on indeed!
LikeLike
Two Thumbs Up uli!!
LikeLike
Pa plug lang…
http://spreadsheets.google.com/viewform?formkey=dEExc0p0aFNtMEtWNDlOWlpfeEJkaXc6MQ
LikeLike
GALING PH!!!
LikeLike
AYON SA MGA BITUIN … IKAW PAH ay may marami pang materials na maisusulat bago ang eleksiyon. hehehe
funny!
LikeLike
“GOOD LORD”! TAWANG-TAWA NAMAN AKO PH! SOBRANG GALING MO! I LIKE THEM ALL!
LikeLike
nyahahaha kulet ng ugaling decepticon, desperate na kasi si gordon kaya todo papansin, to be fair, at least umaaksyon sya hindi lang puro reklamo, on the other side, bad yun kasi kahit bayad or libre yung surveys, part pa rin yun ng freedom of expression, dictator type talaga si gordon ^^
LikeLike
Wonder who you’ll save ‘…for last’ in the VP aspirants list. Gibo is a good choice though. And yeah, personally, I’d place Noynoy next to Gibo (but I didn’t like his comment about ‘people power’ kapag natalo).
LikeLike
to James:
i agree with you about noynoy’s people power comment. sure, the majority of filipinos did it for cory. but…! I doubt if the majority of pinoys now would do people power again…FOR him????!!!!
can you imagine what our country would be like if the noynoy-mar tandem wins? kris and korina ang eksena! Heaven Forbid!
sam
LikeLike
Feeling naman kasi masyado! The audacity! Sure he’s leading in the surveys but that doesn’t guarantee a win. He’s calling for a “people power” pag natalo sya. Bakit, sigurado na ba sya na sya ang mananalo?! Kung sya lang mag isa tumatakbo, mag taka sya pag natalo sya but at this point it still could be anybody’s ball-game. H’wag masyado feeling at di sya Dyos para i-predict ang kanyang pagkapanalo. As if!
LikeLike
@sam: so, are you voting for gibo? 🙂
@PH: I agree with timpaul’s suggestion. It would be fun, don’t you think? It could also serve as your (personal) gauge as to how well your readers know you. Please! hehe.
Just this once… we won’t think of it as narcissism in your part (if that’s what you’re worried about)
Everyone, pilitin si PH. I’m sure he’ll give in (now, i’m acting like noynoy delivering his people power comment.haha).
LikeLike
James,
yep….only gibo for me! what about you?
Sam
LikeLike
Noynoy just could not just get that the task of the next president is to strengthen the democratic institutions that the 1986 people power put in place. He did not mind driving this country to anarchy through a series of upheavals as long as he gets what he wants.
LikeLike
Nahulaan ko na rin ang ultimate & final PR move ni Villar. Magpapainterview si Danny mula sa kung saan man sya naroroon. assisted of course ng mga espiritista. papatunayan nya lahat ang mga sinasabi ng kapatid nya. sino kaya sa mga patay na ring broadcaster ang mag interview sa kanya?
LikeLike
nye hehehehehehehe. 🙂
LikeLike
pero baka ipa-TRO ni gordon ung interview.
LikeLike
Ano po yun Ate? May sinasabi ka po ba?
LikeLike
“Do not capitalize on the obvious” lmao
how can say that Abnoy is or will be a great leader?
kapag natalo mag people power?? haler??? obvious talga na may sira sa ulo
bakit mo isasakripisyo ang buhay ng maraming tao pra lng sa pansariling kapakanan?
kung sino ang manalo sa botohan, tangapin natin lahat
ung ABS kinukundisyon na msayado ang isip ng mga tao, sinasabi nila na dahil mataas sa survey si Abnoy eh siya na ang manalo, eh ang founder at presidente ng mga surevey na yan eh related kay Abnoy, at wala pang tinama na resulta ang mga survey after election even the Exit Poll
ang problema ung Abnoy utu-uto, kuna anu-ano ang pinagsasabi, hindi ito ang sensyales ng Magaling na pinuno kundi ng isang walgn kwentang tao, at may sira sa ulo
LikeLike
Wish ko lang manalo si NOYNOY! para masira na din ulo mo!!! BWAHAHAH!!!
LikeLike
Wish ko matalo sya para lalong lumabas ang totoong estado ng bait nya. Yung kapatid nya nga gusto daw manaksak ng mga nambabato ng mga issues sa kanila pero sila din naman nag kakalat din ng black propaganda. Kala mo kung magsalita ang linis-linis.
LikeLike
sna manalo c noynoy pra lalong masira ulo mo wahahaha…
wag maxado…bka kailanganin mo ng psychiatrist hehe…
LikeLike
hahahaha. mananalo yun. tiyak.
LikeLike
Astig, pare! Ang galing talaga dude! Di ka na ma-reach ‘tol! 😉
LikeLike
Astra non mentiuntur, sed astrologi bene mentiuntur de astris ( The stars never lie, but the astrologs lie about the stars)
LikeLike
PH,sino iboboto mo? 🙂
tawa talaga to.sana kung sino man ang manalo,pagtuunan ang mga katulad ko na bagong graduate,unemployed at walang pera. 🙂
LikeLike
lahat naman tayo nagsimulang walang pera after graduation eh. madali na ‘yan kapag nasimulan na ang isang trabaho. ‘yun ang natutunan ko pagka-graduate eh. hindi ko dapat iasa sa iba ang sariling progreso. kaya mo yan!
LikeLike
tama ka pf. ako nag simula na bartender pag ka graduate. after 15 yrs, senior executive na ako ng isang malaking kumpanya. umasa ako sa sarili ko para umangat ang buhay.
LikeLike
Ako nga, may trabaho na, wala pa ring pera. Lol!
Pero… tama ka diyan, PH!
LikeLike
wahahaha ang galing mo tlga!!! ung pic ni diokno sapol tlga…
ang ganda din nung huling banat!
LikeLike
hindi na nag comment si Senior60, wala ng ginawa kundi BOMOTO!!! LOL
LikeLike
prof, may suggestion noon na mag survey ka dito sa mga visitors mu at hulaan namin kung sino iboboto mu. please, gawin natin. kahit wag mu na ireveal ang real choice mu. hehehe!
LikeLike
hahaahahaha! bakit sa kin napunta ang usapan hahaha. dapat kayo ang bida. hindi ako
LikeLike
i second the motion of timpaul.. si PH naman ang iheheckle..pero parang alam ko na kung sinu iboboto niya.. di nya maxadong binabanatan hehe..
LikeLike
John – napansin mo din pala. Ha-ha-ha! Ayan, sinagot ka tuloy. Read the comments on the vote survey.
Timpaul, Jaype – stop wondering na. Sinabi na niya kung sino ang manok niya. Nag-declare na…………si Quiboloy.
LikeLike
agree.. sino magsisimulang magheckle kay PH?
LikeLike
KALOKAAAAAAAAAAAAAAA!!!!LOL
LikeLike
Alam mu naman, ma impluwensya ka na. May cultic following ka na ( pardon the word). Baka nga next presidential elections e mapabilang ka na nila Quiboloy at Mike Velarde at bro eddie at may magpipila din sa yung presidentiables. hehe.
LikeLike
kanina sa Goin’ Bulilit, mey Hula Portion din sila. Was waiting that mey ma-mention silang joke na galing dito. mey similarity konti, pero hula ko, they got some of their ideas here.
LikeLike
Lanya talaga ABS-CBN, pinutol agad ang flash report ni Stanley Palisada regarding sa pagcondemn ni Archbishop Gaudencio Rosales sa mga pulitikong nagbabanta ng People Power pag natalo sila. Ang masakit pa, agad na ipinasok ang The Buzz. Shame on you!
LikeLike
john
very very seldom lang ako nag bablog sa araw, i have
a different life-style hahaha
at sabi mo noong isang araw, ‘ dream, dream senior60’
wala namang masama mangarap hindi ba, at kung magka
dream comes true pa, para ka na rin nanalo sa lotto, kung
hindi naman, we have to live with it, sabi pa noong isa, pero
sana talaga, magkatotoo dahil na formally endorsed na ni
quiboloy si gilbert, at sana talaga mag bloc/block voting sila…
sa tingin ko, si kris will also seek psychiatric help kung matalo
si noynoy, parang pareho sila ni noynoy ng pag-iisip, mga
akala natin peace-loving ba dahil sa kanilang mga magulang nga,
pero hindi, si noynoy gusto mag people power while si kris,
though she said it while parang nakabungingis gusto manaksak
ng mga naninira sa kanyang kuya, at bakit hindi? dahil ba si
noynoy ay parang isang saint kung magsalita doon sa kanyang
ad? na ang feeling, siya na lang ang natitirang matuwid sa mundong
ito? feeling talaga, with gestures pa na hindi rin matatawaran…
sa darating na halalan, dalawang bilog na hugis itlog lang ang
bibilugan ko, kay gilbert at sa aming mayor…
LikeLike
“Pinakita Niya sa kin hindi po ang mukha ni Gilbert Teodoro, kundi ang nakita ko sa aking harapan ay si President Obama. Nagkamayan kami, nagyakapan kami, nagpalitrato kami, ngunit sa uluhan po namin ay nakita ko, hindi po Barack Obama ang kanyang pangalan, alam niyo po kung ano? Gib Obama, Gibo Obama,” he said.
These are the words of Galing at Talino’s endorser and spiritual adviser. Hindi ako magaling at lalong hindi matalino pero iiwas ako sa mga taong nagsasabi ng ganito. hehehe.
LikeLike
nyahahaha sabi na nga ba maisasama din yan dito, hinihintay ko lang ung joke ni sir PH ^^ todo tawa ako sa linyang yan eh nyahahaha dapat si quiboloy ang ipapsychiatric test ^^
eto link para masaya:
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100502-267720/Quiboloy-endorses-Teodoro
sino sa inyo nakapanood ng votebook kagabi? parang questionable ung SALN ni gibo ano? biglang lobo, kaduda-duda, halatang may itinatago…
LikeLike
hindi ako naniwala dito at pinalampas ko ‘to kasi di ko naman nakita yung sinabi ni Quiboloy, pero ng mapanood ko sa TV ganun nga ang sinabi… holy shit! sa ganun klaseng pananalita marami pa rin syang naloloko, dami talagang tanga sa Pinas!!!
LikeLike
sir john, parehas lang po ng pananalita si pastor quiboloy at ung mga kandidatong nagdedeliver ng mga pangako nila at kung totoo nga ung mga survey, malamang tama po kayo na marami ngang ‘tanga’ sa pilipinas…
LikeLike
Anu ba!!!!!!!!!! Akala ko si Jojo Acquin talaga yun haaaahahahahahahha
LikeLike
so…bakit lahat ng presidentiables pumunta kay Quiboloy? Parang the same goes dati na pupunta sa Bundok banahaw for blessings. Diyan nagiging interesting ang political culture natin—may halong folk spiritualism whether we believe on them or not. The saying always goes “wala naman mawawala sa iyo if you try…”
Sa totoo lang talaga, what stops me from voting for Noynoy are the careless remarks of his and Kris—him for that People Power threat and Kris, for everything!!! Hindi appropriate. A president is also an international figure, di ba? Gibo has more dating…but, carries with him the stigma of the Mole! tsk-tsk…ano ba yan???
LikeLike
winner ang pics!!!
LikeLike
ang lakas talaga ng suporta ng kulto ni Quiboloy, lamang na lamang na si Gibo dito sa survey ni PH, di ko akalain dami mong taga hangang kulto PH… 🙂
LikeLike
Mas marami siguro ang aping uri sa Hacienda Luisita nag bumoto.
LikeLike
huh! may access na sila sa internet?
LikeLike
may kulto na din sa Hacienda Luisita???
LikeLike
Hindi kulto… multo. Yung mga obrerong menasaccre at pinatay ng gutom ng mga cojuanco, Bumoboto rin dito ang mga takot mahawa ng STRD ni Kris.
LikeLike
Hindi kulto… multo. Yung menassacre at pinatay ng gutom ng mga cojuanco aquino. Bumoto din yung takot mahawa ng STD ni Kris,
LikeLike
Another great post from Mr.PH!! Bravo! Bravo indeed!
Mr.PH thank you! As we are at the homestretch of the campaign season, let me extend my gratitude to you for the wonderful and side-splittingly hilarious posts during the past election year. I have religiously followed your blogs for more than over a year now and what I notice the most is your sense of fair play in poking fun at the sometimes if not most often, funny “politicos” back home.
Though G1BO has had his fair share of the pun, as a G1BO supporter my self I always find them funny. You have been impartial indeed as you allowed my G1BO videos to be posted on your blog.
Albeit some of us here would love to know who’s the candidate you’re inclined to support or vote for, you have been prudent to withheld this information from us; to maintain a semblance of impartiality and objectivity is an admirable act which sad to say most of the mainstream media people back home failed to exercise.
You made the otherwise despicable campaign of the TRAPOs a little bit more humourous. I just hope that most Filipinos will make the right decision on Monday. I’m still optimistic that the majority will not elect the “political jokes” to position, otherwise the joke will be on US all.
Thank you very much indeed! And looking forward to more hilarious posts to come!
LikeLike
let me guess PH, how about Noynoy Aquino? 🙂
LikeLike
Asa pa!!!! I’m pretty sure hindi si noynoy
LikeLike
u love the plc ahahahah. trasher ung itsura ni dick gordon o.
ung erap parang panahon lng nila lenon nag exist
LikeLike
kamukha raw ni dolphy si erap
LikeLike
tlgang ganu n.. save the BEST for GIBO TEODORO
baliw lang ang boboto kay ABNOYNOY!!!!!!!!!!!
kasing baliw ni kris aquino!
LikeLike
PH mukhang nahawa ka na rin sa trending ng mga kandidato at nirecommend mo pa si Cris kay Perlas na maging DENR secretary o baka malaki ang halaga ng dahilan kaya ikaw ay nagtrending na rin para kay BiNoy janggang sa May 10. Just asking lang PH.
LikeLike
pag si gilbert pa rin ang iendorse ng iglesia ni cristo,
palagay ko matuluyan na sina noynoy at kris…
LikeLike
Asa pa po kayo, hehehe.
LikeLike
As always… you’re make my day! 😀 great blog again… can I share the poster/picture? nakaka-loka talaga! hahahah…
LikeLike
btw… Gibo’s pix he looks like Hayden Kho and Erap looks like his brother George Estregan way back when…
LikeLike
Si villar naman parang tomboy. hehehe!
LikeLike
TOP 5 THINGS THAT THE PHILIPPINES IS DANGEROUSLY IN EXCESS OF
No. 5: Shopping malls that sit on prime land that could have been used to build factories, schools, housing, and hospitals.
No. 4: Sidewalk vendors that render streets and walkways unpassable.
No. 3: Public vehicles including pedicabs and tricycles that cause horrendous traffic and degrade air quality.
No. 2: religious ministers who abet the political fawning and patronage .
And the No. 1 thing that the Philippines is in excess of—
politicians of the reptilian kind who perpetuate a decadent culture of corruption and arrogant disregard for law and decency.
LikeLike
baka pwedeng idagdag sa listahan ung mga pilipinong madaling mauto, nagbubulag-bulagan, walang sariling desisyon, mga puro salita, wala naman ginagawa at lalo na ung mga pilipinong tinatabunan ng mga paniniwalang baluktot ang katinuan ng ibang pilipino…
LikeLike
dumarami na rin ang mga hecklers. Courtesy of the Prof. hehe!
LikeLike
Ayon sa mga bituin, walang ibang mananalo kung hindi si Fai Lure E. Lection. =)
LikeLike
Si Manny Villar kamukha ni Vhong Navarro 🙂
LikeLike