Advertisements

AYON SA MGA BITUIN, TOO

23 02 2010

The Stars and the
Vice Presidential Candidates

NAGAGALAK ang mga bituin sa matagumpay na first installment ng kanyang mga hula sa siyam na kandidato sa pagkapangulo.

Patunay ng tagumpay ang pagkalat ng artikulong “AYON SA MGA BITUIN” sa iba’t ibang blogs, Internet forums, social networking sites katulad ng Facebook, sa isang political TV talk show, at lalung-lalo na sa e-mail. Maging si Professional Heckler ay tumanggap ng naturang email mula sa isa niyang kamag-anak sa ibang bansa na may ganitong Subject: “Basahin mo ‘to ‘insan, nakakatawa!” Sumagot si Professional Heckler: “’Insan, are u insane? Mas patawa ka! Sa aking blog nanggaling ‘yan! Tanga!”

Sa kabila ng pagkalat at pag-ikot ng artikulong ‘yan sas cyberspace (na kadalasa’y wala man lang attribution sa orihinal na author), malaki pa rin ang pasasalamat ng mga bituin sa inyong walang sawang pagtangkilik.

Dahil diyan, nabuo ang “AYON SA MGA BITUIN, TOO” – matapang na mga hula para sa mga kandidato sa pagka-pangalawang pangulo.

Ngunit bunsod ng patuloy na pag-init ng panahon, mainit din ang ulo ng mga bituin. Prangka sila ngayon. Unahin na natin si…

Jejomar “Jojo” Binay
Puwersa ng Masang Pilipino
Born: November 11, 1941
Sign: Scorpio
Isa ka sa pinakamapalad na pulitiko sa Pilipinas ngayon. Mula 1986 ay nasa kapangyarihan ka na at ang iyong pamilya. Sinong mag-aakalang nine years old pa lamang ang unico ijo mong si Junjun nang una kang maluklok sa Republika ng Makati? Intact pa ang balat sa “junjun” ni Junjun nang magsimula ang iyong paghahari. Fast-forward to 2010, biyudo na si Junjun ngunit nasa puwesto ka pa rin. Lupet! Siguro Energizer ka, “It keeps going and going and going.” O baka naman Banco Filipino, “Subok na Matibay. Subok na Matatag.” Pero dahil ikaw ay pulitiko, malamang na-inspire ka ng Sprite, “Obey your thirst.”

Dalawampu’t apat na taon ka nang sinusuwerte. Hindi ka nakakaranas ng pagkatalo. Ngunit sabi nga ng mga kaibigan kong planeta, “There is always a first time.” At mararanasan mo ‘yan ngayong darating na Mayo.

Jose “Jay” Sonza
Kilusang Bagong Lipunan
Born: September 20, 1955
Sign: Virgo
Kung sinumang nag-udyok na ika’y tumakbo sa pagka-bise presidente ay may lihim na galit sa ‘yo. Huwag itong palampasin. Hanapin siya at papanagutin.

Mabibigo ka sa darating na eleksyon ngunit muling aangat ang iyong career sa telebisyon. Maging ang kapartido mong si Imelda Papin ay hindi rin papalarin sa pagka-senador. Bago matapos ang taon, magsasama kayo sa isang talk show, ang “Mel and Jay.”

Paalala lamang ng mga bituin: huwag na huwag huhubarin ang suot na salamin upang ‘di paghinalaang ikaw at si Binay ay iisa.

Dominador Chipeco
Ang Kapatiran Party
Born: Feb 14, 1943
Sign: Aquarius
Nahihirapang basahin ng mga bituin ang iyong kapalaran. Hindi pa sila pamilyar sa iyong personalidad. Maging ang galaw ng mga planeta ay hindi sapat upang mabigyan ka ng payo o babala kaugnay ng nalalapit na halalan. Gayunpaman, may nais iparating na mensahe sa ‘yo ang mga bituin at planeta: Belated Happy Birthday! ‘Yun lang.

Perfecto “Jun” Yasay
Bangon Pilipinas Movement
Born: Jan 27, 1947
Sign:Aquarius
Napag-alaman ng mga bituin na hindi ka raw naniniwala sa horoscope katulad ng standard-bearer mong si Bro. Eddie Villanueva na isa ring Born-Again Christian. Really?

Naku, huwag kang magsinungaling. Baka tamaan ka ng kidlat!

Bayani “BF” Fernando
Bagumbayan Party
Born: July 25, 1946
Sign: Leo
Magtatalo kayo ng kapartido mong si Richard Gordon sa mga susunod na araw. Hindi kasi siya sang-ayon sa mungkahi mong mag-install ng pink urinals sa kahabaan ng Maharlika Highway o Pan-Philippine Highway.

Magkakaroon din ng iringan ang inyong respective wives. Pagtatalunan nina Mayor Kate Gordon at Mayor Marides Fernando kung sino ang karapat-dapat gumanap bilang Megan Fox sa out-of-town campaign ng Transformers.

Eduardo “Edu” Manzano
Lakas-Kampi-CMD
Born: September 14, 1955
Sign: Virgo
Kung suwerte ang pagbabatayan, pumapangalawa ka sa kaaway mong si Jejomar Binay. Imagine, magkukunwari ka lang vice presidential candidate pero anim na beses na mas malaki ang iyong TF kumpara kay Dolphy! Saludo ang mga bituin sa ‘yong mautak at praktikal na desisyon.

May isang payo lang sa ‘yo ang mga bituin: Ingatan ang madalas na out-of-town sorties kasama si Gilbert Teodoro. Alam ng mga bituin ang iyong weakness: madali kang mag-fall. Baka ma-tsismis kayo. Ayaw ni Pinky Webb ng ganyan.

Lorna Regina “Loren” Legarda
Nationalist People’s Coalition/Nacionalista Party
Born: January 28, 1960
Sign: Aquarius
Career-wise, malabong makamit ang ambisyong maging bise-presidente sa darating na Mayo o kahit sa taong 2016 o 2022. Balewalain ang sulsol ng isang matandang senador na minsan na ring nagbitiw sa ‘yo ng linyang, “Don’t give up, love.” Unang-una, hindi birong matalo sa dalawang sunod na eleksyon. At pangalawa, may asawang tao na ang senador na ‘yun. Anong love, love ang pinagsasasabi niya d’yan! Tumigil s’ya!

Dahil sa bigong kandidatura sa ilalim ng NPC/NP alliance, mapapaluhod, mapapapikit, at mapapausal ka ng ganitong panalangin: “Lord, promise, last na talaga ito. Huwag sana kayong magalit. Gusto ko namang itry ang Partido Liberal.”

Manuel “Mar” Roxas II
Liberal Party
Born: May 13, 1957
Sign: Taurus
Maraming vibrations ang mga stars tungkol sa pagsasama n’yo ni Madam Korina. Ngunit baka hindi mo magustuhan ang mga ito at masabihan mo pa ang mga bituin, “I demand that that be removed from the horoscope section! That is an affront to my wife.

Delikado. Baka mag-demand na naman ng apology si Korina.

So ito na lang: Mag-ingat ka sa pro-Binay faction sa Liberal Party. Tumitira sila nang patalikod. Unless, trip mo ‘yun.
—————————-

At sa inyong lahat, laging tandaan ang paalala ni Zenaida “Syzygy” Seva:
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”

Ulitin natin. Pero mas malakas. “Hindi hawak ng mga bituin ang ating…”

Aba, aba, aba at talagang uulitin mo nga. Masunurin ka talaga.

Tama na.

Have a safe and productive week!

Photos were taken from the Facebook accounts of the candidates.
———-
Survey Says
Ilang kandidato sa pagka-senador ang iyong iboboto sa May 10?
12, para sulit ang boto! 36%
Hmm, less than 6. 27%
Wala! Punyeta silang lahat! 36%

We have a new survey. Please vote now.

Personal
Maraming salamat sa lahat ng kumentong iniiwan n’yo sa blog na ito. Positibo man o negatibo, go lang nang go! I rarely reply to your comments but that doesn’t mean na balewala sa akin ang inyong reaksyon. I appreciate you more than I appreciate our bishops. (Ano raw?) Go Secretary Cabral!

Advertisements

Actions

Information

65 responses

23 02 2010
siyetehan

hindi na ba tinatalaban ng bituin si Lito Lapid?

Like

23 02 2010
M

So ito na lang: Mag-ingat ka sa Binay faction sa Liberal Party. Tumitira sila nang patalikod. Unless, trip mo ‘yun.

WINNER!

Like

23 02 2010
jasper

ayon sa mga bituin . . . .

galit si loren dahil wala mukha o pangalan niya sa kulay orange shorts na gagamitin ni manny pacqiao sa nalalapit niyang laban.

Like

23 02 2010
charleslemark

Grabe ang mga bituin, Pati pa naman ang dialogue ni Loren alam na nila:
“Lord, promise, last na talaga ito. Huwag sana kayong magalit. Gusto ko namang itry ang Partido Liberal.”

So, kelan mo naman ilalahad ang prediksyon sa mga senador?

Like

23 02 2010
professionalheckler

THAT would take eons to finish. there are dozens of them. 🙂

Like

24 02 2010
M

How about the current top 12 in surveys?

Like

23 02 2010
BAROK

COOL! As usual para na naman akong sira…tumatawa mag-isa sa desk. Share ko po sa FB ito.

Like

23 02 2010
checkmate

lol patalikod ^^ i’m sure game si mar dyan, kahit anong posisyon ok sa kanya, ganyan kaopurtunista si mar. tsk tsk noynoy(agos kid)+mar(hyena man) = crony paradise
villar(c5 at taga)+mar = edsa 4?(provided nasa kanila ang secret weapon ng reyna)^^ depende na lang sa publiko kung sino sa kanila nina noy ang uupo sa trono. villar + loren (hyena girl) = welcome parliament = villar + binay(kapit king). erap + binay = cannot happen ^^

mababaw talaga tayong mga pilipino, wala man lang bang kandidato na may balak maging superpower ang pilipinas ung tipong may intercontinental nuke warheads underground? kaya tinatawanan lang ng ibang bansa ang sovereignty natin, di kasi tayo threat, kapit lang tayo sa malakas ^^

Like

23 02 2010
Arrah Feeney

shame on those people who does not cite PH as the author.
Genius

Like

23 02 2010
professionalheckler

hey. thanks. i’m getting used to it. 🙂

Like

24 02 2010
johnstyx

Pia Hontiveros read ” Bituin 1″ on her show Strictly politics…but the source named is from the facebook not heckler…hinihintay ko nga bangitin ka nya eh, pero wala.

Like

24 02 2010
professionalheckler

that’s sad. baka nabiktima lang sina pia and her show. they usually acknowledge me naman and pia’s a huge help.

Like

24 02 2010
professionalheckler

FROM PIA’S FACEBOOK:
Pia Hontiveros-Pagkalinawan:
Credit must go to Loi Landicho aka The Professional Heckler, for the “Presidentiables’ Horoscope.” No wonder it was so funny…as in…really funny. Apologies, Loi…
Today at 11:48pm · Report

Like

24 02 2010
rian

now, that’s right.

Like

24 02 2010
BAROK

Buti pa si Pia pero ang putik na Ilocos Times hindi…

Like

24 02 2010
cdotraffic

Tama ka Barok. Wala silang delicadeza. Ang kakapal ng mga mukha.

Nasaan ka, code of ethics?

Like

24 02 2010
eufems

Hai salamat. Hindi pala editor ng Ilocos Times si Pia…

Like

24 02 2010
eufems

Waah. Editor ba ng Ilocos Times si Pia?

Like

23 02 2010
lynlyn

Mr. PH, pa-share sa facebook.

Like

23 02 2010
professionalheckler

surely! go! 🙂

Like

24 02 2010
M

Just don’t forget to give credit or to link them here

Like

23 02 2010
chiwee

hahahahahahaha. winner na naman.

teka, idol ba ni joey dv si yasay? para sa akin kasi, pareho silang mga whistle blowers kuno na mey vested interests. they think that their 15 minutes of fame spilling the beans on someone will earn them a slot in the senate and the vice presidency.

Like

23 02 2010
melo

Madali ba talaga “mag-fall” si Edu?? Hahahaha!!!

Like

23 02 2010
gillboard

lalo kong minamahal philippine politics dahil sa mga posts na ganito…

this made my day!!!

Like

23 02 2010
senior60

moral lesson para kay kris, para hindi ka mag fall while
scrubbing your legs, upo ka kasi, huwag kang magtuwad…

at hindi ba kapag super banged your head dahil sa super
exhaustion dapat matindi damage sa head dahil super
banged nga, bakit hindi man lang na icu? may cerebral and
labyrinthine concussion pa nga ‘whatever that means’, dahil
maraming shows at sayang exposure?

Like

25 02 2010
phreddox

senior60, si PH po yung natumba? 😀

Like

25 02 2010
phreddox

hahaha! missed that one 😛 back to work!

Like

23 02 2010
cea

great site 🙂 m a big fan. y not create an fb account too? 🙂

Like

23 02 2010
Belisema

Manzano at Roxas…… mga kampon yata ito ni Bading Laden 😀

Like

24 02 2010
Simba

Noynoy: Di pa tapos ang laban!

Villar: Paanong matatapos yan. Eh sa katamaran mo di ka pa nga nagsisimula! O ha! Check!

Like

24 02 2010
topdog

Another super super post ! Galing-galing !

Like

24 02 2010
TOMADOR

PH, request din …. poll about Senators 🙂

Natawa ako dun sa entry kung sino gaganap na “Megan Fox” si Mrs. Fernando ba o si Mrs. Gordon 😀

Legarda is a certified political prostitute…diba tito Ed? LOL (operative word is prosti)

Villar should change his “catch phrase to C5 at Taga” bagay na bagay …this is why

Like

24 02 2010
josef

if only every Filipino could watch this…

Like

25 02 2010
Suskupo

Ang tanong, sino-sino ba ang nag approve ng C5 extention?? Yun lang ang gusto kong malaman. Kay Winnie Monsod, naman, naku mapakatagal ng ngawa ng ngawa yan, reklamo ng reklamo sa lahat na ng bagay! Ano ba nagawa niya at nga asawa nya? Kala mo kagagaling nila, eh palso din naman sila parehong mag-asawa!
Ang mga taga LasPinas marami po ang nakinabang din sa C5. Ang mga taga Cavite, nakikinabang din sa C5.
Dapat lang talagang ilantad kung sino ba talaga ang mga hinayupak na nag-aproba ng C5. Kasama ba ang ilang LIBERAL party members???

Like

24 02 2010
derdo

arrgh. I decided to peek in my mail and saw your post. But I have to leave. But I did see the cerebral and labyrinthine thing and nearly choked (I was drinking water). You are a riot, Mr. Professional Heckler. Can’t wait to read the rest of your post. But that will have to wait…

thanks for such fun.

Like

24 02 2010
q

hilarious.mas maganda pag galit ang mga bituin…

Like

24 02 2010
q

hilarious.mas maganda pag galit ang mga bituin.

Like

24 02 2010
Jay fr SG

Words is enough to say thank you… If pwede lang i handsake kita…Galing mo tol! Part 3 mga senador..na..aabangan ko yan..

Like

24 02 2010
Jay fr SG

Edited: Words is not enough to say thank you… If pwede lang i handsake kita…Galing mo tol! Part 3 mga senador..na..aabangan ko yan..

Like

24 02 2010
jannah

PH i shared it in my facebook.
galing mo talaga. hehehe

Like

24 02 2010
professionalheckler

thanks jannah.

Like

24 02 2010
josef

Your analysis of Philippines Politics is beyond compare. Sharp and outrageously funny. Kudos to you PH.

Like

24 02 2010
professionalheckler

SALAMAT josef. welcome to my world.

Like

24 02 2010
Melvin

ang tanda na pla ni binay!

Like

24 02 2010
crei

ang sabi ng mga bituin:
ISA kang henyo: wala kang kapantay heckler!

Like

24 02 2010
randulf

hahaha ang galing…wala ako msabi…

Like

24 02 2010
Elmer - Riyadh

“Cerebral and labyrinthine concussion secondary to fall.” Whatever that means.

“BUKOL”….due to katangahan, ibig sabihin nun…Idol.

Riot ka talaga, u make my Day!!!!

Like

24 02 2010
cdotraffic

Perfect!

And I have to thank you for highlighting the DOH’s drive to curb the increasing incidence of HIV-AIDS in our country, bishops or no bishops. Time for people to remove their blindfolds, to start becoming aware of the problems, and to stop pretending that nothing is wrong.

GO HECKLER!

Like

25 02 2010
Brixter

Ang galing nga ng DOH 😀 Dapat naman talagang separate ang Church sa State. They can say their opinion but the government has the final say on matters and I think their comments are way out of line. “Condoms doesn’t prevent Aids”. Yeah, right. They’re promoting ignorance. Saludo ako sa DOH!

Like

24 02 2010
cefas

IDOL! pmbhra! haha

Like

24 02 2010
Roch

ang galing mo!!!! 🙂

I got the horoscope via email and your name wasn’t there… I shared the post and just said that whoever done it is really good.

Then a friend posted and shared w/ me that it was actually you who did it 🙂 Ayan, edited my post and linked to this post 🙂

Let me know if it’s okay 🙂 http://www.rochellesychua.com/2010/02/horoscopes-of-philippine-presidential.html

Like

24 02 2010
professionalheckler

Thank you so much Roch for the attribution. i appreciate it. Yeah, unfortunately and sadly, that blog post of mine has circulated online but my name, as author has been dropped from the original forwarded message. 🙂

Like

24 02 2010
wickedsensei

thanks, PH! i;m away on study leave and your blog keeps me updated, not so much as the current events per se, but the undertones (read: chismis) behind the issues and personalities in the country. thanks for informing and entertaining us! reading your blog is my guilty pleasure….i also wait for your contribution/s in C&D’s TMR. lastly, been wondering why i don;t see you in boy abunda’s “bottomline”…then i realized how he “enlivens” your entries when it comes to him, kris and noynoy!…sayang, but hey, i haven;t entirely lost you. they lost a good bottomliner though!

Like

24 02 2010
paul

Yes, Secretary Cabral should be commended for standing up to these mentally-twisted bishops who are pulling us back to the dark ages. Akala mo sila may ari ng Pilipinas, di naman sila binoto ng tao at di nagbabayad ng buhis. Uro free loaders. Sa mga palasyo pa nakatira. Mga walang hiya talaga. Pag- maka-impose sa kanilang gusto, ang sarap pag-uuntogin nitong mga ulianing obispo na ito.

Like

25 02 2010
TOMADOR

Patawa talaga itong CBCP na ito, they just want to be relevant (as usual). I have to say I am a Roman Catholic, pero I don’t believe in what the CBCP is trumpeting na dapat gawin ng Gobyerno na i-encourage ang paniniwala ng Simbahan…

PWEDE BA CBCP, WAG KAYONG MAKI ALAM SA TRABAHO NG GOBYERNO…MERONG TINATAWAG NA SEPARATION OF CHURCH AND STATE! Kung gusto nyo maki alam sa trabaho ng gobyerno, quit being a priest and run for public office!

Like

25 02 2010
majorproblem

Sabi ni Krissy ay hindi naniniwala na bumaba ang trust rating ng brod niya na si Noynoy. Kalukuhan lang daw yoon. Ang tinanong lang eh 1,800 persons, na kinuha pa buong Pilipinas. “Eh kung narsuvey sila sa ABS CBN, 2,000 na pro-Noynoy except Dolphy and Wowowiee”

Like

25 02 2010
Joan

hahah kulit naman nito ^_^

Like

25 02 2010
Joan

sikat pla tong blog mooooo ang cool naman!! 🙂

Like

25 02 2010
kiko

“Tumitira sila nang patalikod. Unless, trip mo ‘yun.”

the best hirit ng mga bituin kay mar roxas.
hahahaha 😀

simple lang tumama pero sagad lagpas buto …

Like

25 02 2010
Anonymous

This made my day! Hope to see the senatoriables in your next horoscope. Ano kaya ang kapalaran nila? Can’t wait.

Ang galing ng tip ng sun, moon at stars kay Jay Sonza. Oo nga, baka akalaing ‘separated at birth’ sila. Winner!

Like

25 02 2010
juanaganda

PH, isa iyang tanda na tunay kang alamat sa larangang ito….dahil sa ‘yo natuto akong ‘wag seryosohin ang pulitika at mga pesteng pulitiko sa atin….

Like

25 02 2010
Broking

Nginingiki ako sa ginaw dito pero tawa pa rin ako nang tawa dahil sa iyong stars’ predictions on the vice presidentibles! I like your style PH! Dalawa na kayo ni Mark Twain na nagpapatawa sa akin!

Like

25 02 2010
professionalheckler

Thanks Broking!

Like

25 02 2010
chumliit

PH,ano ang IQ mo?galing!the best. 🙂

Like

26 02 2010
Elmer-Ungos

my day won’t be complete without reading this blog… ang galing ng mga stars talaga… puede na kyong maglagay ng puesto sa tapat ng Quiapo church…kahanay ang ang mga manghuhula… kakainis nga namn ung mga tao na lagi na lang nanggagamit ng gawa ng iba without any acknowldgmnt sa author… ung dyaryo jan sa iloko ang kapal ng mukha.. just say sorry then tell the truth na hindi sa kanya ung sinulat nya..tapos na sana ang kwento… shame on him.. wait ko post nu sa mga snator candd8s… bisexual po ba Edu?? halata naman kc… during the time na me gameknb show pa cya.. kapag me guapo at cute na guy na contestant…iba ang treatment nya..parang espesyal eh.. iba ang titig nya…. c mar obvious na gusto nya patalikod… ayaw nya ng harapan

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: