ANO ANG SINASABI NG MGA BITUIN sa kapalaran ng siyam na kandidato sa pagkapangulo ngayong linggong ito? Narito.
Basahin, limiin, unawain, at seryosohin. Ngunit laging tandaan ang paalala ni Zenaida ‘Syzygy’ Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”
Ulitin natin. Pero sa pagkakataong ito, basahin nang malakas at imadyinin si Zenaida Seva habang binibigkas ang linya, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” At inulit mo naman. Masunuring bata!
Noynoy Aquino
February 8, 1960
Aquarius:
Iwasang magtungo sa Quiapo. Baka mapagbintangan kang bumibili ng survey.
Sa pag-ibig, magpapasya ka this week sa regalong ibibigay mo kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa Valentine’s Day. Huwag mo itong ipaalam kay Kris. Pagtatawanan ka lang niya at sasabihang “Gosh, how cheap!”
Hahabol sa kasikatan ng “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” jingle ni Manny Villar ang NOY|NOY! jingle kung saan tinangka mong mag-rap katulad ng idolo mong si Vanilla Ice. Ngunit makabubuting panoorin ang ginawa mong pagsayaw sa naturang patalastas. Ginawa na ni Villar ang ganyang gimmick noong 2007. Utang na loob, huwag mo nang ulitin. Mukha kang tanga!
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy & Mommy Cory
JC De Los Reyes
February 14, 1970
Aquarius:
Saludo ang mga bituin sa iyong tapang at determinasyong tumakbo sa pagkapangulo ng ating bansa. Ngunit mas sasaludo sila sa ‘yo kung ikaw ay uurong.
Joseph Estrada
April 19, 1937
Aries:
Hindi ka si Harry Houdini. Hindi ka rin si David Copperfield. At lalong hindi ka si David Blaine. Pero ang tanong ng mga bituin: bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa rin sa illusion?
Patuloy na bebenta ang iyong mga jokes sa mga presidential forum. Ikaw ang aani ng pinakamalakas na tawanan at palakpak mula sa crowd. Subalit ipinapayo ng mga bituin na limitahan ang dami ng binibitawan mong jokes. Baka mapagkamalan kang si Dolphy at kunin kang endorser ni Villar.
Richard Gordon
August 5, 1945
Leo:
Bilib ang mga bituin sa talas at husay ng iyong utak lalo na sa mga debate at presidential forum. Ngunit mag-ingat sa napakabilis na pagsasalita. Baka malunok mo ang iyong maigsing dila. Iisa pa lamang ang successful tongue transplant sa mundo.
Limitahan din ang paggamit sa Subic at Olongapo sa mga debate. Given na ‘yon. Sinuwerte ka lang dahil doon ka nahalal na alkalde. Kung ikaw ang naging mayor ng Siayan town sa Zamboanga del Norte na may poverty incidence na 97.46 percent, baka wala ring gaanong nagawa ang matabil mong dila.
Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na ngayon.
Nicanor Perlas
January 10, 1950
Capricorn:
May walong araw pa bago opisyal na magsimula ang campaign period kung saan inaasahang gagastos nang todo-todo ang mga kandidato. Dahil sa mababang rating sa survey, mahihirapan kang kumalap ng campaign contributions.
Habang abala sa paghahanap ng financial support, makakatanggap ka ng ‘good news’ at ‘not so good news’ bago matapos ang linggong ito. Ang good news: susuportahan ka ng pamilya Ayala. Ang ‘not so good news’ – ng pamilya ni Joey Ayala: karaniwang tao.
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno.
Gilbert Teodoro
June 14, 1964
Gemini:
Iwasang makunan ng larawan kasama ang isang babaeng may nunal sa kaliwang pisngi. May dalang kamalasan ‘yan. Mas lalong iwasang makunan ng larawan kasama ang isang ginoong napakalaki ng katawan ngunit napakaliit ng boses. Doble ang kamalasang dala niyan.
Mauungusan mo sa susunod na survey sina Noynoy at Villar… kung sa La Salle campus gagawin ang survey.
Posibleng umagaw ng boto sa ‘yo ang isang female presidential candidate na berde rin ang campaign color. Malas mo lang dahil pareho pa kayo ng gupit. Remedyuhan habang maaga.
Manny Villar
December 13, 1949
Sagittarius:
Sa pananalapi: napakasuwerte mo. Ni singko ay wala kang utang. Umuulan ang iyong pera kaya naman bumabaha ang iyong political ads.
Dahil sa ‘yo, muling mag-iinit ang Senado sa linggong ito. Consistent kang tao. May isang salita. Hindi ka sisipot sa pagdinig ng plenaryo. Kaya’t patuloy na magtatanong ang taong-bayan: guilty or not guilty? Dahil sa patuloy na pag-iwas mo sa iyong mga accusers, malamang na iwasan ka na rin ng mga botante. Ang payo ng mga bituin: simulan mo na ang paghahanap ng tindahang nagbebenta ng suwerte. Kakailanganin mo ‘yan ngayong Mayo.
Babala: kung ayaw mong umuwing may black eye, iwasan ang isang babaeng may initials na JM. May maitim siyang balak sa ‘yo. Matagal ka na niyang hina-hunting. Clue sa katauhan ng babae: mukha siyang lalaki.
Jamby Madrigal
April 26, 1958
Taurus:
Kung may mga sanggol na ipinaglihi sa hilaw na mangga, maasim na siniguelas, o hinog na duhat, naniniwala ang mga bituin na ikaw naman ay ipinaglihi sa sama ng loob. Tila malaki ang kinikimkim mong galit sa pulitiko man o sa mga kamag-anak mo. Isa kang ‘bully’ sa iyong past life.
Babala ng mga bituin: Chill. Baka dumating ang araw na maubusan ka ng maaaway at ibaling mo ang iyong galit sa iyong sarili.
Sa pag-ibig, walang gaanong pagbabagong nakikita ang mga bituin. Masyadong maulap ang aspetong romantiko ng iyong buhay.
Sa pulitika, sinabi mo last week na hindi ka naniniwala sa mga surveys. ‘Wag kang mag-alala. Hindi rin sila naniniwala sa ‘yo! Quits lang pare.
Bro. Eddie Villanueva
October 6, 1946
Libra:
Ang katulad mong Born-Again Christian at spiritual leader ay hindi naniniwala sa mga hula.
Ang sabi ng mga bituin: ‘Pwes, hindi rin kami naniniwala sa ‘yo.’
Wala kang horoscope!
_____________
“There are many methods for predicting the future. For example, you can read horoscopes, tea leaves, tarot cards, or crystal balls. Collectively, these methods are known as “nutty methods.” Or you can put well-researched facts into sophisticated computer models, more commonly referred to as ‘a complete waste of time.’”
~ Scott Adams
Survey Says
Your unsolicited advice to Sen. Manuel Villar Jr.:
Face your Senate accusers! 67%
Ignore them! 9%
Bahala ka sa buhay mo! 24%
We have a new survey. Please vote now.
Stay safe!
the best ‘yung kay noynoy! that honesty is just downright hilarious! hahaha 🙂
LikeLike
panalo k bro. eddie…
wala kang horoscope… lol
LikeLike
Nice one Bro Eddie!
LikeLike
i super love you na…I’m currently down and low…just got brokenhearted
But when I opened your site…you made me laugh…
it’s 2AM at the moment in my part of the world…you made my day!
Matulog na ako…happy na ako kaya makatulog na ako…
Salamat sa blog mo hehehehehehe
LikeLike
lupit prof!!! hahahahahaha….pero sino yung pang-sampu?
LikeLike
si acosta ng kbl ang pangsampu. kaya lang nalimutan ko sya. haha ayan, siyam na lang. salamat.
LikeLike
mas maganda ung kay noynoy
ska
cno nga ba ung panghuli?
ang kapalaran tlaga d mi
mppglan
hehehehehe……………….
🙂
LikeLike
ang tindi mo talaga PH! the best post ever!!
LikeLike
nice one! you’ve done it again!
i really don’t like Gordon’s Ad using his pics wearing his red cross shirt..its like he’s using his connection with the red cross to gather sympathy with the people…
and Noynoy’s rap was, uhhmm….eeww?
LikeLike
Umm.. . sorry, but his 47 years in Red Cross should be known by the people. It is after all an election and extra curricular activities do matter. I think this is a very worthwhile hobby than flying a plane.
LikeLike
or swimming in garbage 😀
LikeLike
Yeah, I agree.
But I was for Dick last ’98. Although hindi ako nakaboto because I was out of the country, I have campaigned for him sa mga friends ko at binoto nga sya. Sikat na sya noon because of his Subic rehabilitation after Pinatubo and the withdrawal of the US Bases. Ang hindi ko lang maintindihan, although he is the right man for the presidential job to me dahil hands on talaga yan, ba’t hindi pa rin siya nagcli-click sa mga masang botante.
If Noynoy is not running, key Dick ako. 🙂
Imelda Papin for Senator!!!!!!! She was great daw as a vice gov during her term. Mas pipiliin ko na sya ngayon keysa key LL. 🙂
LikeLike
i dont have a problem with gordon being red cross’ top guy. i think he’s done a good job BUT he should refrain from using the red cross logo on his campaign materials. it is HIS DUTY AS HEAD OF THE AGENCY to help flood/volcanic eruption-stricken victims. if he werent the head of red cross and he went out of his way to help, then it’s a different ballgame!
LikeLike
i don’t mean anything bad when i said about him being in the red cross..in fact,i do admire his works in the red cross..ang ayoko ko lang ay yung paggamit nya ng kanyang mga relief works in his ads, pwede naman yung ibang pics not showing his connection with the organization eh…but yeah, i think it’s much better than flying a plane, doing a rap etc..thanks by the way for your comment..peace!
LikeLike
MR.PH YOU’RE THE BEST!!!! I love your dig at JAMBI and Noynoy!!! Can’t get over this post really!!! LOL
LikeLike
Super funny!!! At na-realize ko masunuring bata pala ako hahahaha
LikeLike
parang si madam auring kana ah!!! hehehe
Keep up the good work!!
LikeLike
iniimagine ko mukha ni jamby kung nababasa nya to. marunong kayang maglafftrip yun? hehe….salamat PH. 🙂
LikeLike
naiimagine ko mukha ni jamby kung nagbabasa siya nito. marunong kayang maglafftrip yun? hehe…salamat PH.
LikeLike
Siguro puro pink ladies ang cabinet members ni Noynoy. Halatang walang alam ito… absolutely no vote for me!
LikeLike
I very much agree that Gibo should veer away from GMA. So that he wins and the policies in this admin will continue as Gibo promised. I like the policies done by the admin. They are very reasonable and kept us afloat for 10 years. In fact we are getting richer. It’s not true that our Asian neighbors have overtook us. Those trapo candidates will say anything to destroy the good image of the admin party and Gibo! Although we did not win any medals in the Olympics, we still have the winnings of Manny Pacquiao that fuel our national pride.
LikeLike
You’re right dude.. some of us got richer– the big cronies. Looking at the GDPs of different Southeast Asian countries, we have been overtaken by vietnam and we’re a rank away from bangladesh. also, our per capita gdp is just half of thailand’s. i could explain more of the indicators of a well-run country, but i’ll just stop from there. bottom line is we should not only use the historical past as our benchmark but also compare ourselves with other nations since we are in a globalized economy. and it looks like we’re not faring really well with our neighbors. so cut the shit.
LikeLike
Hala pati ba naman si PacMan ginagamit na rin ni Gloria?
LikeLike
hahahaha panalo yung kay noynoy! lalo na yung kay bro. eddie!! 😀
LikeLike
wahahahahahahahahahahaha! Ang husay!
LikeLike
LOL. Thank you for this post. You crack me up LOL. The silent night ad of Sen. Gordon is really funny… kinda creepy i think.
LikeLike
hey boss. would u mind if we ask 4 ur fb accoutn. thanks.
LikeLike
look for Heckler At Large. please attach a message when u add me. lahat ng readers, ina-approve ko. but pls tell me so. minsan kasi may nag-a-add na hindi ako kilala. 🙂
LikeLike
Sana magdilang anghel ka PH…”Iwasan sana ng mga botante si Manny Villar”
Si Jamby,bully sa past-life…malamang hanggang sa next din hahaha….
You’re the best,PH…Have a good day!
LikeLike
ang text:
“Patahimikin mo na kami. Huwag ma na kaming isali d’yan.
Matanda ka na. Alam mo na ang dapat gawin. Good luck.”
Daddy Ninoy & Mommy cory
malamang ganito ang sagot ni noynoy:
” Sorry dad and Mom, pero humiling na kayo ng iba, huwag
lang ito. Papaano na ako, oo, matanda na ako pero hindi
ko alam ang dapat gawin, tanging ang pangalan lang ninyo
ang aking alas at idinawit ko na nga si God to make sure.
Bahala na kung hindi muna kayo matahimik.” Noynoy
LikeLike
hindi ko na po kayo aalaskahin kasi very respectable pala kayo. Sorry po kasi I thought you are just under a screen name… as to the picture, wala po akong lahi at hindi ko po anak yoong kasama ko kay Gibo (mrs. ko po yoon).. Yoon atang lolo ko ay anak ng Spanish priest noong unang panahon…Hehe
LikeLike
Hay Naku, nag mukha tuloy ako sira…tumatawa sa harap ng PC mag-isa! One of the very very good post for 2010.
PH, Post ko link sa FB ko.
LikeLike
winner to loi! you made my day!..at kabirth ko pa si noynoy..ayos!
i agree..bakit ba nagpapakatrying hard magrap at sumayaw si noynoy..at palage na lang din binabanggit ang parents nya..
nakakasawa na..isinama pa ang walang kamuwang muwang na si baby james…
LikeLike
nice…
LikeLike
“complete waste of time!”
-the quote, not the post.
hahahaha.
LikeLike
LOL! Winner ‘yung kay Noynoy at Bro. Eddie, you made my Monday PH!
LikeLike
mananalo si Perlas dahil susuportahan ng Ayala. Si Joey Ayala pala. hahahaha. nice one.
LikeLike
Guys may balita ba kayo kung nasan na si Eddie Gil? Mas masaya sana kung pananggulo lit siya. Yun nga lang baka limitado ang pang-aalaska ni mr. PH sa kanya dahil that man’s every move is a heckle of himself. hehehe.
LikeLike
pro villar to na blog noh… hahhhhahaah c villar na sa ads lang sya magaling… bakit kaya grabe ung gastos nya sa political ads nya? may ulterior motive? ano kaya un? kasi kung ipinamigay nya na lang kaya ung pera sa ads nya sa mahihirap baka pa lang malaki pa ang chansa nya.. pero ung case nga nya d nya sinisipot kasi he knows wala syang lusot..ginagamit nya ung kapangyarihan nya sa mga business nya nu pa kaya maging presidente sya? tsk tsk
LikeLike
welll, ganyan talaga pulitika. madaling matumba ang hanay na mahina ang depensa. basta, gumagana na ang lahat. ang reyna pa rin ang pinakamakapangyarihan sa laro. paano kaya kung tumaas ang ambisyon ng tore? kakayanin nya kaya ang reyna?
LikeLike
after all that has been said, it all boils down to one thing. we need to choose the least evil of the presidentiables. suggestions, anyone? enlighten me…..
LikeLike
yeyeng, why choose for lesser evil, kahit sino pa yan evil parin yan. bakit hindi gumamit ng words na mas magandang pakinggan..like “less bad” not less evil..it’s bad..
LikeLike
if you’re looking for a ‘lesser evil’, just check the ‘lesser ratings’ in the survey ^^
LikeLike
Vetellano Acosta for President?!
LikeLike
PARA KAY NOYNOY: 1) Iwasan ang bintana. Baka pumasok ang hinahanap mong manananggal at aswang… 2) Mag-ingat. Hindi mo alam ang tutuo mong kakampi. Huwag na huwag kang tatalikod sa mga nakapaligid sa iyo. Baka sila ang magnakaw… 3) Mag-ingat sa travels mo. Huwag kang dumaan sa superhighways lalo na sa Sucat Extension…
LikeLike
sakit tyan ko kakatawa hahaha, hay naku Richard “dick” Gordon, slogan nya, laging gising…so para sa akin, siya ang Dick na langing Gising LOL
LikeLike
In one word: SAPUL!
This post made my day! 🙂
LikeLike
At inulit mo naman..masunuring bata… (Una palang, completo na) HAHAHAHa
LikeLike
“Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na ngayon.”
Bwahahaha!
Mas gusto ko pa rin si Madam Rosa with Bisaya accent ang nagde- deliver ng horoscope dati sa Teysi ng Tahanan. Naku, lumalabas ang edad ko haha…
Bakit parang walang sawa ang nakakasukang political ads sa TV at radyo? Hindi na ba bawal ang premature campaining? Alamin!
http://panyero.net/premature-campaigning-campaign-period-penera-vs-comelec/
LikeLike
Hahahahahhahahahahahaha! Ang galing ng mga bituin!
Ang problema, hindi kaya kampihan ng mga bituin si Noy!Noy! dahil kampon sila ni Kris?
LikeLike
hahaha ung ke bro edi ang d best! sapol na sapol….
LikeLike
CONRADO DE QUIROS, nilamon ang mga salita! Nasaan ang kredibilidad mo ngayon?
http://www.gmanews.tv/story/182515/how-a-workers39-strike-became-the-luisita-massacre
LikeLike
this is hilarious!
LikeLike
nice one, I’m an avid bloghopper syempre sa page mo. kay bro eddie ako! God bless
LikeLike
may narinig akong not-so-rumors na ang i-eendorse daw ng INC ay si Bro. Eddie. Would that be true?
LikeLike
No horoscope for Bro. Eddie. haha. Basag na basag si Jamby dito ah? Kawawa naman, baka umiyak. Hahahahaha!!!
LikeLike
Isa kang ‘bully’ sa iyong past life.
haha.. 🙂 sakto!
LikeLike
dumale ka na naman, mang ph. tumbok na tumbok! pero, di ka kaya ipa-salvage ni jm? ingat lang . . .
LikeLike
Nakaligo ka na ba sa dagat ng pera?
Sumaganang pasko sa C5 na kalsada?
Government funding
Sa negosyo mong housing?
Nalaman mo na bang ang insertions ay kanya?
Tutulungan tayo sa Wowowee manalo?
At kanyang plano’y i-boycott ang Senado?
Si Villar ang nag-impeach kay Erap.
Nag-sorry din para ang masa ay ma-akit.
Si Villar ang may kakayahan
Ikasal sa babaeng may pangalan.
Si Manny Villar
May prinsipyo lang kung hindi siya mahirapan.
LikeLike
mas ok un ke nicanor perlas, super tawa ako, hahaha. ako kandidato din sana masuportahan ng pamilya ayala not the branch joey ayala ha…
LikeLike
Pareho rin ng gupit sina Jamby at Manny. Si Gibo may peligrong makalbo. Pag nagkaganun, magiging magkamukha na sila ni Noynoy.
LikeLike
Ganun talaga. Magpinsan…
LikeLike
da best ka talaga idol ph ^^ dapat talaga ikaw ung nanalo sa blog awards
LikeLike
hahahahahahah nice one PH!
LikeLike
now i know kung bakit “kulang-kulang” si noynoy. pebrero pala siya ipinanganak. hahaha
LikeLike
great job! thanks for this…
LikeLike
HAHAHA! Natuwa ako dito. Panalo! Shared! 🙂
LikeLike
BUANG! lingaw hinoon. Padayon ka sa imong pangutok sa moabot nga mga tuig.
LikeLike
Yung ke Dick Gordon hindi joke yan. Ang sama makarinig ng christmas jingle in February. Nakalimutan lang kaya palitan kasi sayang budget sa production?
LikeLike
hilarious…. love your hula on erap and perlas…. i couldn’t stop laughing
LikeLike
LOL! Funniest so far! Favorite ko na yung sa part na may nagtext kay Noynoy.
And no horoscope for Bro. Eddie.
Haha! Nice!! Funny talaga!
LikeLike
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy & Mommy Cory (boses ni vice ganda)
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno. – – > sa tingin ko hindi ka rin mananalo kasi konti nalang ang mga puno ngayon, kahit dito sa Mindanao nauubos na.
at sana nga iwasan ng mga botante si villar. sawa na akong tingnan ang mukha nya sa FB ko, sa YM at pati na rin sa mga blogsites na dinadalaw ko.
LikeLike
grabe ka! saludo ako sa `yo! napagkakamalan nila akong baliw dito sa office every time na binabasa ko ang blog mo kasi tawa ako ng tawa!! your sense of humor rocks! what a creative and intelligent mind! keep on going!! cheerrss!!
LikeLike
OH my Gosh! gRabe…..
nka2tuwa…
peRo sNa Hinulaan din ng mga bituin si Eli Pamatong
khit n isa itong Muslim…
LikeLike
hahahaaha i know suppppperrrr late na ko..ika nga ni Kris “oh my gosh, i am so late na! (sabay pout) hahaha
u never fail us Mr. H..always winner ang mga posts hihihih
LikeLike
Survey Says
Your unsolicited advice to Sen. Manuel Villar Jr.:
Face your Senate accusers! 67%
Ignore them! 9%
Bahala ka sa buhay mo! 24%
– ^_^
LikeLike
My unsolicited advice to Sen. Manuel Villar Jr.: Go to hell!
LikeLike
just
gonna
stop me
and
watch
me
back
its allright
because
it
love
of
horoscope…………….
i love the way
you
lie
whhahahahahahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
LikeLike
hehehehe……………………..
knanta na
galing mo magimbento
ah
hahahaha
nkakatawa ang comment
mo sa
lahat
hehehehe………………….
LikeLike