WANTED: RUNNING MATE

Sen. Noynoy Aquino has Sen. Mar Roxas. Deposed president Joseph Estrada has Mayor Jejomar Binay. Sen. Chiz Escudero and Sen. Loren Legarda have each other, and Sec. Gilbert Teodoro has a tree.

villar-pic Less than two months before the filing of certificates of candidacy, Sen. Manuel Villar has yet to name a running mate. Desperate to find one before the next major survey, rumor has it Mr. Sipag at Tiyaga has begun screening interested applicants for the VP slot. In fact, a portion of the written test for potential candidates was leaked to the Professional Heckler by a rejected applicant. But the camp of the good senator was quick to deny that such test existed and dismissed the document as “black propaganda.” Nonetheless, I am re-printing a sample of the questionnaire here.

Partido Nacionalista
Paghahanda Para sa Halalang Pampanguluhan sa Taong 2010
Aplikante sa Pagka-Pangalawang Pangulo Bilang: 4

Buong Pangalan: ________________________
Gamit na Alyas sa Bank Account sa Switzerland: _________________

Kaaarawan at Eksaktong Gulang: ___________________ Are you sure? __________

Kasarian: [ ]Lalaki [ ]Babae [ ]It’s Complicated [ ]Walang kasarian ang paglilingkod!

Estadong Sibil: [ ]Walang Asawa [ ]Kasal [ ]May Kinakasama/Hindi Kasal [ ]Hiwalay
[ ]Kabit [ ]Nagpaplanong Iwan Ang Asawa] [ ]Maraming kinakasama at okay lamang sa kanila ang ganoong set up

Paniniwalang Panrelihiyon: [ ]Romano Katoliko [ ]Iglesia ni Kristo [ ]Born-Again Christian [ ]Protestante [ ]Born-Again pero present lagi sa celebration ng birthday ni Bro. Mike Velarde sa Luneta [ ]Katoliko pero present lagi sa birthday celebration ni Bro. Eddie sa Ultra [ ]Sumasamba sa Pera [ ]Satanista [ ]Walang pinapaniwalaan

Dating Partidong Kinaaaniban: _____________________
Dahilan ng Pagkalas: [ ]Wala silang pera [ ]Wala silang tsansa [ ]Variety is the spice of life

Layunin ng Pagsusulit: Gaano mo kakilala si Senador Manuel Villar Jr? Gaano kalaki ang tiwala mo sa kanya at sa partidong kanyang pinamumunuan? Maaasahan ba namin ang iyong katapatan sa Lapiang Nacionalista?

Panuto: Ikulong sa hugis-bahay na larawan ang titik na kumakatawan sa iyong napiling kasagutan. Kapag hindi hugis-bahay ang ginamit sa pagmamarka ng titik, wala kang makukuhang puntos kahit tama pa ang napiling sagot. Doble ang mababawas sa kabuuang iskor kapag ang titik ay ikinulong sa larawang hugis salamin, hugis puno, hugis padyak, o hugis jeep.

villar_lettersa Ito ang halimbawa ng katanggap-tanggap na paraan ng pagmamarka ng sagot.

Ito naman ang mga halimbawa ng maling paraan ng pagmamarka sa napiling sagot:
villar_letters
Ikaw ay binibigyan ng labinlimang minuto upang tapusin ang bahaging ito ng pagsusulit. Simulan.

1: Bakit mo nais maging running mate ni Sen. Manuel Villar Jr?
A: Naniniwala ako sa kanyang katapatan at kakayahang maglingkod sa bayan
B: Baka sakaling ma-impeach siya, eh ‘di ako ang magiging presidente!
C: Marami siyang pera. Matalo man ako, may extra-kita pa!

2: Kumpletuhin ang linyang ito mula sa isang patalastas ni Senador Villar: ‘Akala mo petiks, ‘yun pala mali. Akala mo conyo, ‘yun pala laking-Tondo. Akala mo trapo, ‘yun pala ________________.”
A: Trapo talaga!
B: Ka-tropa Mo!
C: Trapong Discreet!

3: Ano ang masasabi mo sa alegasyong dinoble ni Senador Villar ang pondo para sa kontrobersyal na South Luzon Expressway to Sucat leg ng C-5 road extension project?
A: Nang marinig ko ang isyu, lumuwa ang buwa ko
B: Maraming mambabatas ang gumagawa n’yan, hindi lamang siya
C: Malicious! Libelous! Paninirang-puri sa kagalang-galang na senador!

4: Ano ang ibig sabihin ng mga titik na S at T sa S&T advocacy campaign ni Senador Villar?
A: Sipag at Tiyaga
B: Sardinas at Tilapya
C: Subdivision at Tirahan

5: Naniniwala ka ba sa mga lumabas na survey kamakailan kung saan nangunguna si Sen. Noynoy Aquino sa hanay ng mga nais maging pangulo?
A: Kinda.
B: Hindi popularidad ang kailangan sa palasyo. Mas mahalaga ang abilidad!
C: Wish ko lang ma-sustain niya until May.

6: Sinu-sino ang nasa larawan?
villar_boys
A: Magigiting at batam-batang senatorial bets ng Nacionalista Party ngayong 2010
B: Pampabango, pampapogi, pampakilig, panghatak sa crowd
C: Mga overage na kalalakihang nagtangkang mag-audition last week sa Starstruck 5

7: Ilang ‘house and lot’ ang ipinamigay ni Senador Villar sa isang guesting niya sa programang Wowowee?
A: Anim! Sure na! Kapuri-puri ang kanyang ginawang pagtulong sa mga kababayan nating OFWs. Mabuhay ka Senador!
B: Oh presidency na makapangyarihan/ Kapag pumasok ka sa puso ninuman/ Gagawin ang lahat masungkit ka lamang!
C: Hindi ako nanonood ng Wowowee!

8: Kung mananalong pangulo si Senador Villar at ikaw naman ay mahahalal na bise presidente, saang ahensya ng pamahalaan mo gustong maitalaga bilang concurrent chief?
A: Sa Customs na lang para mabilis mabawi ang nagastos sa eleksyon
B: Sa DPWH para mapangasiwaan ko ang C5 road extension project
C: Anywhere! Ang mahalaga, kapit-bisig kaming maglilingkod sa sambayanan

9: Sino ang nasa larawan?
villar_cynthia villar
A: Ang Pinakamayamang Babae sa Balat ng Lupa
B: Siya ang susunod nating First Lady! Si Madam Cynthia Aguilar-Villar, kinatawan ng lone district of Las Piñas Ziteee!
C: Hindi masyadong clear eh. Photoshopped ba ‘yan?

10: Naniniwala ka ba, nang buong puso’t kaluluwa na mananalo si Senador Villar sa pagka-pangulo sa darating na halalan?
A: Oo naman – kung hindi umatras si Mar at ‘di namatay si Tita Cory
B: Magkano?
C: Walang duda! Siya ang susunod na presidente!

Bonus Questions
1: Described by Wikipedia as numerically halfway between red and yellow in a gamma-compressed RGB color space, ito ang paboritong kulay ni Senador Villar:
A: Itik brown
B: Orange: Ang kulay ng pagbabago
C: Like I care!

2: Kakaiba ang closeness niya kay Senador Villar. May lumabas pa ngang balita na plano niyang tumakbo sa pagka-alkalde ng Quezon City sa ilalim ng Partido Nacionalista. Sino ang nasa larawang ito?
villar-willier
A: Joey De Leon
B: Lolit Solis
C: Willie Revillame

Ang iyong pagsusulit ay nagtatapos dito. Hintayin ang tawag ng partido kung ikaw ay uusad sa ikalawang bahagi ng screening: ang Panel Interview. Isa lamang ang pipiliin bilang opisyal na kandidato ng Partido Nacionalista sa pagkapangalawang pangulo para sa susunod na halalan! Kung hindi ka man mapili, huwag mawalan ng pag-asa. May tsansa ka pa kay Brother Eddie. Ipagpatuloy mo lang ang iyong sipag at tiyaga.

Good luck at mabuhay ang masang Pilipino!

villar_tg Notice to the Public
This is to inform everyone that Bukidnon Rep. Teofisto ‘TG’ Guingona III whose picture appears herein has ceased to be connected in anyway with the Nacionalista Party effective October 7, 2009. Any transaction – political, sexual, or personal entered into by him for or on behalf of the party is deemed illegal and self-serving, and shall not be honored by NP.
________
“The man with the best job in the country is the vice-president. All he has to do is get up every morning and say, “How is the president?””
~ Will Rogers

Survey Says
Among these party-list representatives, who would you likely vote for senator?
Akbayan’s Rissa Hontiveros-Baraquel: 31%
Bayan Muna’s Teodoro Casiño: 9%
Gabriela’s Liza Maza: 3%
None of the above 57%

We have a new survey. Please vote now.

Personal
If you want this blog to win the Reader’s Choice Award in the 2009 Philippine Blog Awards, just key in CHIKKARC L17 and send to 2929. Voting is extended until October 8. It’s okay though if I don’t get to walk away home with a trophy on Friday. The more important thing is… I have you. [Cheeeeeessy!]

Author: professionalheckler

See About the Heckler

89 thoughts on “WANTED: RUNNING MATE”

    1. pero out in the open na may ka-date na iba si manny at mas bata. nachismis na sila sa pep dati pa dahil nakita na sila ng kalakudidang nya. baka kunyari inayos lang sila ni Tita cyn just for the sake of you know…publicity and image. negative nga naman kung presidentiable eh di maayos sariling marriage.

      Like

  1. and people who cant speak English correctly like ERER!!!! hzhahahahaha

    don’t bother shes funny, beautifu,l and well paid so who cares!!!!!

    I DO!!!!!! THATs WHY THE ENGLISH RATE IN THE PHILIPPINES IS FAILING
    COZ PEOPLE LIKE THE WAY SHE TALKS!!!!!
    hahaha
    I got some issues i need to see a therapist.. ASAP!!!!

    Like

  2. “Sen. Noynoy Aquino has Sen. Mar Roxas. Deposed president Joseph Estrada has Mayor Jejomar Binay. Sen. Chiz Escudero and Sen. Loren Legarda have each other, and Sec. Gilbert Teodoro has a tree.”

    This line made my jaw hurt! hahaha… Simple but tremendously hilarious! Keep it up PH. We are at your back!

    Like

  3. HAHA! LUMUWA ANG BUWA KO!

    Nagtalo pa kami nang misis ko dati kung “buwa” nga ang sinabi ng OFW na nasa ad ni villar. Ang dinig niya kasi “namaga ang mukha ko” kasi hindi niya alam ang buwa. Upon research, nalaman ko na “lumuwa ang buwa” ay counter part ng lalaki sa “luslus” hehehe…Mabuhay sa heckler! nice post!

    Like

  4. Ang galeng mo talaga, Heckler! Inspired na inspired ka sa mga kalokohan ng mga trapo natin. I hope you win sa mga blog awards ek-ek na yan (bumoto na ko) at sana tumakbo ka sa susunod na eleksyon. Segurado, panalo ka!!! You know, the problem with political jokes …… hehehehe. Ang GALENG GALENG MO!

    Like

      1. tsaka di naman por que’t artista eh cheap. i mean, you know. mejo kasuya din iyong dere-deretsong political..

        But on a second thought, current events din pala itong blog mo. Oh well, carry on. Mas magandang hinahayaan ang author as a “Maker of All” para unadulterated ‘yung mga entries.

        Mabuhay ka PH.

        Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s