THE EX-FUTURE FIRST LADY

mar_korina Top 10 Messages Left on Korina Sanchez’ Answering Machine

No. 10: Hello ‘nak, si Nanay Cristy Fermin mo ‘to. Isaisip mo sa tuwina, ang Poong Maykapal ay hindi nagbibigay ng pagsubok na hindi kakayanin ng Kanyang nilalang. Malalampasan mo ‘yan ‘nak. Teka lang, ‘nak, ‘yong pangako mong sobre, ‘di ko pa natatanggap.

No. 9: Hi Korina, sa ABS-CBN newsroom ‘to. We’re all here! Guys, altogether now. One… two… three! Ang saya-saya!

No. 8: Hello Korina, Cynthia Villar here. I don’t expect you to believe me but… ramdam kita. Andun ka na eh! Todo-effort ka na eh! Nag-leave ka pa nga ‘di ba? ‘Tapos, biglang uurong?! Ang sakiiiiiiit! Ang sakit-sakit! Tisyu! Penge akong tisyu!

No. 7: Hi Ma’am, si Abby po ito, secretary ni Dr. Palayan. Gusto pong malaman ni Doc kung gagamitin n’yo pa ang luma n’yong pisngi. Naiwan n’yo raw kasi sa clinic last week.

No. 6: Korina, this is Mel. Yup, Mel Tiangco. Wala lang.

No. 5: Hi Korina, si Sharon ‘to. What you said about Kiko was hurtful. You were never his partner. You are not his wife! Kaya ‘di mo siya nirerespeto. Madrasta ka lang! Madrasta!

No. 4: Hi friendsheeeeeep, this is Kris. Alam mo, I heard your interview sa radio last week and in fairness to you huh, may potential ka sa drama. Promise! Sabi ko nga kay Ms Charo, i-guest ka sa MMK eh. O sige, need to go. Nangungulet na si Josh eh. Humihingi ba naman ng one gallon of ice cream. Gosh, he’s consumed two gallons already ‘noh. Ahah-ahah-ahah! Bye sis! And give my regards to Vice President Mar.

No. 3: Korina, it’s Conrad De Quiros of Inquirer. I just realized, I might have erred in saying that Mar was power hungry. He’s not. But you are!

No. 2: Hon, alam kong nandiyan ka. Alam kong nakikinig ka. Sagutin mo naman ang tawag ko oh. Bakit ba ayaw mo ‘kong kausapin? Ilang beses na ‘kong nag-sorry sa naging decision ko ‘di ba? ‘Tsaka sabi mo sa press, okay lang sa ‘yo ang nangyari. Hon, hello? Hon? Tang-ina hon, ‘pag ako napikon si Noynoy ang papakasalan ko.

And the No. 1 message left on Korina Sanchez’ answering machine…

Hello Korina! Apologies for what happened last week at Club Filipino. Nagmamadali kasi ako kaya nabundol kita. Siyanga pala, si Karma ‘to.

Light Bites: First Ladies
Imelda Marcos: Imeldific
Cynthia Villar : Cynthetic
Korina Sanchez: Cosmetic

Enjoy your long weekend!

____________
Kung gaano kataas ang lipad, ganoon din ang lagapak ‘pag bagsak.
~Kasabihang Pilipino

From the Inquirer’s Gossip Section: September 6, 2009
Hated News Diva

Former staffers of News Diva are reportedly rejoicing that her dream of social prominence has hit the skids.

A source says disgruntled former co-workers earlier prepared a white paper, with video support, detailing ND’s crimes and misdemeanors and portraying ND as the rudest, most hated personality in mass media.

Alas, since ND’s ambition was nipped in the bud, the hate video remains hidden until further notice.

Grabe! Ang hirap namang hulaan! Hahaha

Personal
Try to catch “Kimmy Dora” in a theater near you. Eugene Domingo is insanely funny in her latest project. A really entertaining film. Another comedy that I hope to see soon in theaters is “Last Supper No. 3,” the best picture in the 2009 Cinemalaya Film Festival. .

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

88 thoughts on “THE EX-FUTURE FIRST LADY”

  1. Dang Korina. i never liked her ever since she turned her back to doctors, the ones who gave her back the glory of her pre-accident-disfigured faced. Talk of a dog boting the hand of her master that feed her. Sarili lang nya ang iniintindi nya.

    His atty father was so okay though sa Merville. Ang layo ni Korina sa parents nya. It’s a case I guess of too much feeling-star gone into her head.

    Like

  2. OMG! galing galing mo talagang writer.
    may i add these?

    question: why did noynoy have to pray for discernment even after mar withdrew from the presidency?

    answer: because in their meetings, mar said package deal ang first lady.

    NEWS FLASH: Aspiring First Lady Korina Sanchez has decided to let the Liberal Party decide in a convention who will be her husband.

    Like

  3. Whoah! Another masterpiece heckler! Grabe khit nmn ano sbhin ni Korina, alam ng lahat ng Pinoy n tlgang nsaktan lng siya dhil hindi n siya ang future First Lady!

    MUHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BEHLAT KORINA!

    Nga pala guys at Mr.Heckler, nrinig nyo b ung blita n sinuporthan ni Manny Pacquiao c Chavit sa kaso nya sa pambubugbog sa asawa nya?! GRABE! Isa lang patunay na HINDI TALAGA MARUNONG MAGISIP TONG C PACMAN! Mabuti nga gnwa nya un, pra mgcng gcng nmn mga taong SAKALING boboto sknya!

    BISET! :))

    Like

  4. ang prublema sa babaeng iyan, eh kung bumanat sa kung sino sino, ganun ganun na lang. tapos pag siya babanatan, aaray siya. Pikon pala eh.
    Kapal ng mukha. Hirap sa kaniya pag pabor sa kaniya, mamamahayag siya.
    pag hindi na, pulitiko o asawa ng pulitiko siya.

    that woman stifles dissent. tapos gagawin siyang fist lady?
    Pustahan tayo, mas masahol pa siya kila Mike Arroyo at Imelda Marcos Combined.

    Imelda and Mike werent this bad at this point in their spouse’s political careers.
    she’s the power hungry bitch that she really is.

    sana nga yung mga kalaban niya ilabas na ang baho niya para makilatis ng lahat itong babaeng ito na akala ng lahat eh kung sinong santo.

    Like

  5. Garapalan kung magkomento sa ibang tao, tapos nasaling lang ng konti eh grabe na kung mag react with matching tears pa?!
    Palagay ko nasaktan sya sa sinabi ni Conrado de Quiros!!! Di para kay Mar, kundi dahil sa totoo, mas atat pa sya sa di lang atat! As in Atat na Atat!!! Atat nga… may Karma talaga!!!

    Like

  6. @chakiwaki:
    Naalala ko tuloy yung bali-balita noon.
    Binanatan daw ni ex-future first lady sa media ang mga doctors in general, from an unfair and twisted angle, kesyo mga puro walang alam daw at mas magaling daw ang mga doctor sa abroad, ata. Then, nagkasakit daw ang nanay ni ex-future first lady at kailangang ipa-konsulta sa doctor. Ang balita e wala raw ni isang doctor na gusto lumapit at mag-asikaso sa nanay ni ex-future first lady; ang payo ata noon ay dalhin na lang niya abroad ang nanay niya kasi andun ang mga mgaling na doctor. Bali-balita rin na mahirap ng sila ang mag-asikaso dun sa nanay niya kasi raw baka hindi magustuhan ni ex-future first lady ang pag-aasikaso ng doctor at mabanatan pa sila tuloy sa media. As in papalabasin ni ex-future first lady na puro sila mga tanga at walang mga alam, etc.
    Magtanong-tanong ka na lang kaya baka may magpa-totoo kung nangyari nga talaga ang nabalita na ito noon.

    Like

  7. Buti nga sa kanya! I wanted to vote for Mar but because of her, hwag na lang. Ang press release niya eh she comes from a middle-class fam. Eh bakit ganun kalaki bahay nya? Saan kaya nanggaling perang pinagpatayo nun? Saka sabi ng maid ko, meron daw syang friend na nag-work sa kanya eh talaga daw masama ang ugali. Ang tanging mahal lang daw eh si aso nya!

    Like

  8. masyado naman kasi sya nag mamadaling maging first lady, ayan tuloy napurnada. may nabalitaan nga ako sa friend ko sa government ang sabi dapat 2 yang pinag pipilian ni mar na maging rumored girlfriend si kris daw at si korina . kasi nga tatakbong presidente si mar pagdating ng panahon kaya kelangan na nya kumuha ng babaeng malakas sa tao, kaso nagkamali sya ng napili …. malakas nga sa tao kasi laging laman ng mga kontobersya gaya ng pananakit sa mga katulong. ano ba yan, daig pa nya ang amo sa middle east namamalantsa ng katulong.. grabe… buti nga sa kanya… sayang ka, Mar!

    Like

  9. There are also rumors that she (korina) pour a cup of hot coffee to a practicum student (journalism) just bcoz the coffee is not of her standard taste…hello, the student is a future journalist not a coffee maker!!! If she don’t like the taste, she should have say it. Why pouring it to the helpless student?! My God, she’s a sadist!

    Like

  10. Pingback: A D R I F T

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s