THE TRUTH

Breaking News!

This is Heckler News Network (HNN) and we’re bringing you this breaking news live from an undisclosed location in the Philippines. Here’s HNN correspondent Polly T. Caliumor…

HNN Correspondent: Good evening! For the first time since President Arroyo assumed office seven years ago, HNN is giving you the exclusive, unprecedented, and I must say extremely rare interview with someone who’s been in the news recently. The political opposition has been looking for it. The bishops, the academe, the businessmen, the masses are asking for it. Even Malacañang claims to be searchin’ too.
Kaya ngayon mga mahal naming tagapanood, inihahatid namin ang matagal na ninyong hinahanap. Sa kauna-unahang pagkakataon…

Pero bago ‘yan, may pakiusap nga pala siya. Sana raw ay huwag nang ipakita ang kanyang mukha. Iginagalang po natin ang kahilingan ng ating guest kaya, pagbibigyan natin siya.

Ladies and gentlemen, live ngayong araw na ito dito sa Heckler News Network, ang matagal n’yo nang hinahanap…

…  si TRUTH.
HNN: Welcome to HNN Truth.
TRUTH: Careful… careful!

HNN: Alam mo Truth, kaboses na kaboses mo si Ate Luds, eye to eye kang makipag-usap at see-true pa ang suot mo. Hindi kaya siya at ikaw ay iisa?
TRUTH: Wala namang bastusan. Pinagbigyan na nga kita sa exclusive interview ‘tapos mambabastos ka pa. Konting respeto naman. Tsaka, never kong pinangarap maging anak ‘yong tsismosang columnist ng Inquirer ‘noh!

HNN: Oh, I am so sorry. I really am. Sige, seryoso na tayo. Truth, bakit sa amin mo piniling magsalita? Bakit hindi sa GMA, sa ABS-CBN, sa ABC 5 o kaya sa Senado?
TRUTH: Ganito ‘yon ok? Kung pupunta ako sa ABS-CBN, baka maging half-truth na lang ako kapag ibinalita nila. Kung sa GMA naman… I’m sure, gagamitin lang ako sa ratings. Sa ABC 5? Ano ako, PBA?! At kung sa Senado naman… syet! Sobrang powerful at influential ng mga tao do’n. Baka pagpasok ko pa lang sa Senate compound, maging LIE na ako. Kaya dito na lang ako sa HNN, walang pinapanigan… walang pinuprotektahan… in the service of the Filipino people.

HNN: Unang tanong… bakit TRUTH ang pangalan mo?
TRUTH: Actually, TRU talaga ang pangalan ko dahil TOTOO ako… walang pagkukunwari. Pero alam mo naman, ang hirap magpakatotoo. Lalo na sa pulitika. You must exert extra effort to be believable. Kaya I try hard to be honest all the time. In fact, sa sobrang pagta-try ko, napansin ng aking nanay na nagiging TH na ko. OA na raw. Kaya ayun, nagpasya siyang dagdagan ng TH ang name ko. Ang TRU naging TRUTH.

HNN: I see. Alam mo Truth, mahigit pitong taon ka nang hinahanap ng maraming Pinoy. Obispo, estudyante, pulitiko, negosyante, squatter, komunista, Iglesia… lahat sila nagtatanong. When will TRUTH come out?
TRUTH: Whoa! Teka… teka. Linawin natin ‘to for the sake of our gullible viewers ok? Hindi po ako closet gay. When those people demanded that I come out, ibig sabihin po, lumantad, hindi lumadlad. Just so you know, hindi po bakla ang katotohanan. But don’t get me wrong. I have nothing against the Danton Remotos or the Romulo Ner… I mean Rustom Padillas of this country. Nais ko lang ipaalam sa inyong lahat na walang kasarian ang katotohanan.

HNN: True! Pasok sa banga!
TRUTH: Anong sabi mo?
HNN: Ah eh… what I’m tryin’ to say was, I do agree with what you said. Eh Truth, baka gusto mong sagutin ang tanong ng marami. Where has TRUTH been? Kailan lilitaw ang katotohanan?
TRUTH: Bakit? Nawala ba ako? Never akong nawala. Kailanman ay hindi ako nawala. Sabi nga sa tagline ng paborito kong ‘90s series nina Fox Mulder at Dana Scully, ‘yong X Files: “The truth is out there.”

HNN: Out there? Saang “out there” eh three years ago pa pumutok ang “Hello Garci” controversy, pero never ka pa naming nakita. Na-expose na ‘yong kalokohan ni Jocjoc Bolante, sinundan pa nitong maanomalyang deal sa ZTE, pero may narinig ba kami sa ‘yo? Wala! At noong isang lingo… sa interfaith rally ng kulang-kulang otsenta mil na tao sa Ayala, kahit saglit ba, nakita man lang ba namin ang anino mo? H-I-N-D-I. Read my lips… hindi!
TRUTH: Tanga! Umaambon no’n, walang araw. Paano mo makikita ang anino ko! Bobo naman nitong correspondent na to! Hello!?! Michael Fajatin ikaw ba yan!?
HNN: Huwag kang magpatawa. Hindi ka kalbo at lalong hindi ka kongresista!
TRUTH: Hindi mo kasi nage-gets ang sinasabi ko eh. Hindi ako nagtago! Hindi ako nagtatago. At hindi ako magtatago. Huwag n’yo kong baligtarin.

HNN: Paanong huwag baligtarin eh never ka pa ngang nagsalita?
TRUTH: Hayyyy naku! Ang buko pie mo!
HNN: Buko pie?
TRUTH: Oo, buko pie. Ang Colette mo eh.
HNN: Ang corny huh!
TRUTH: Alam mo, kayong mga Pilipino ang may problema, hindi ako! Inuulit ko, hindi ako nawala. The TRUTH has always been there. Maraming beses na ‘kong nagsalita! Iba’t ibang venues at avenues na ang ginamit ko para mapansin n’yo. Pero matitigas ang ulo n’yo. Mayorya sa inyo, hindi man lang ako pinansin, nagtanga-tangahan… kunwari bulag… kunwari bingi. Pagkakatapos ng isang eskandalo, kapag wala na sa front page ng diyaryo… wala na. Next scandal please… Tapos umaasa na lang kayo na sana magtae at ma-confine ulit ang pangulo n’yo. O kaya atakihin ulit sa puso ang Unang Ginoo.

HNN: So ibig mong sabihin, kulang pa ang ginawa namin?
TRUTH: Actually hindi naman. Hindi kulang ang ginagawa n’yo! Kulang ang bilang n’yo! Pucha naman. Huwag naman n’yong iasa na lamang sa mga kumentarista ng DZMM o sa mga kolumnista ng Malaya ang laban. Ang dapat n’yong gawin, gisingin ang mga nagtutulug-tulugan. ‘Yong mga deadma, ipakagat sa bubuyog nang magising. Pero dapat ‘yong bubuyog… si Jollibee! (Syet, lumang joke!) Walumpung libo sa Ayala?!? Heller! Eighty million plus kayo? Nasaan ang iba?!
HNN: So ibig mong sabihin, magpapakita ka sa rally kapag umabot ang “warm bodies” sa isang milyon?
TRUTH: Tanga! Ano ako militar?
HNN: Eh kelan ka nga lalabas?!?
TRUTH: Naknamput*! Katulad ng sabi ko, nandy’an lang ako. The truth is just there. Alam ng tao ang totoo. Pero hindi ako ang kailangang lumabas o magpakita. Kayong mga Pilipino ang dapat mauna. Ang hirap kasi, in denial ang marami sa inyo eh. You do know the truth pero takot kayong tanggapin ito. Come out! Face the truth. Harapin n’yo ko!

HNN: Can you cite an instance kung kelan ka nagpakita in the past?
TRUTH: Ilang beses na! Iba’t ibang katawan na nga ang sinapian ko para lang maramdaman n’yo pero wa epek pa rin. No’ng mag-testify si Udong Mahusay, naroon ako! Pero anong nangyari? Wala. May kinasuhan ba ‘yong senador na nilapitan ni Udong? Wala! Ginamit lang siya. Pero syet naman… I was there at that very moment. Matapos ang sunud-sunod na hearing, kinalimutan na ako. And I resented that. I totally resented that!

HNN: Any message to the Filipino people na naghahanap sa ‘yo?
TRUTH: Ano ito Startalk? Message ka d’yan! Hindi na kailangan. Babati na lang ako. Salamat sa Sari-Sari for my clothes at kina Dr. Manny and Pie Calayan for my recent rhinoplasty. At sa mga nagtatanong kung bading daw ba si Dr. Manny, ito lang po ang masasabi ko. I am the Truth kaya never akong nag-lie! Lalaki po siya. Minsan!

HNN: Hypothetical lang Truth… paano kung ipa-review ng Malacañang ang aircheck ng interview na ito at ipahanap ka?
TRUTH:I doubt it. I seriously doubt it. Dahil mula’t mula pa, Malacañang knows who, where and what I am. Alam ng palasyo ang katotohanan.

HNN: Sa palagay mo, kailan mahihinto ang paghananap ng mga Pinoy sa ‘yo?
TRUTH: I think kapag na-realize nilang kasama nila ako araw-araw. Kapag mas nakakaraming bilang na sa kanila ang tumanggap sa akin. Kapag tuluyan na silang nagising na mahirap palang hanapin ang isang bagay na hindi naman talaga nawawala. I reiterate… the Truth is just out there (Play X Files Theme) Kailangan n’yo lang yakapin at ipaglaban.

HNN: Maiba ako ng usapan. Anong masasabi mo sa balitang nagkabalikan na ulit sina Gretchen at Tonyboy?
TRUTH: Naku! Hindi ko na sakop ‘yan. Kasinungalingan na ‘yan. Remember, I am the Truth. At ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi ako showbiz! Wala akong hilig d’yan!

HNN: We still have a minute to go. You wanna add anything?
TRUTH: Wala na. I really need to go dahil last few episodes na ng Marimar. Ayaw kong mamiss ang kasal nila ni Sergio.

HNN: And that’s the Truth!

Have a great week!

THIS JUST IN…

null Weird Octopus!

A rare six-legged octopus has been discovered off the coast of north Wales in England. A normal octopus has eight legs. I therefore conclude that this new discovery – is an insect.

Author: professionalheckler

See About the Heckler

12 thoughts on “THE TRUTH”

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: